Akala niya ay tinatago lang nito ng maayos iyon ngunit wala naman naman pala. “Bakit mo ako inaamoy?” natatawang tanong nito sa kaniya bigla. Dahil doon ay biglang nahiya si Alexa dahil sa inasal niya. Dali-dali siyang lumayo rito at pagkatapos ay hindi nagsalita bago niya tinanggal ang suot nitong amerikana upang isabit sa hanger.Ilang sandali pa ay muli niyang narinig ang tinig ni Noah mula sa likuran niya. Marahil ay na-gets na nito ang ibig sabihin ng kanyang abnormal na mga kilos. “Pumunta lang talaga ako sa hotel na iyon para sa pakikipag-usap at isa pa, sinabi ko na rin sa kaniya na dapat siyang lumayo na sa akin. Isa pa ay sinubukan niyang tumabi sa akin kanina ngunit ginawa ko ang lahat para hindi siya makatabi sa akin.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumigil ito sandali. “Nang matapos kaming kumain ay sinabi ni Daddy na ihatid ko daw siya ngunit tumanggi ako. Kung ayaw mong maniwala sa akin a pwede mong i-check ang dash cam ng kotse at pwede mo rin namang tanungin an
Matapos makatulog ni Alexa ay nagsimula siyang managinip. Nanaginip na naman siya labing tatlong taon na ang nakakalipas at nagpunta siya sa ospital upang makita si Nio sa huling pagkakataon. Nakita niyang nakahiga ito sa kama at nababalot ng sugat ang buo nitong katawan. Nakasuot ito ng oxygen mask sa mukha nito at tiningnan niya ito na puno ng lungkot sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito ngunit bigla na lamang itong nawala bigla. Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob ngunit hindi na niya ito natagpuan pa. Ilang sandali pa ay may yumakap mula sa likod niya at halos mapapitlag siya. Ilang segundo pa ang nakaraan ay narinig niya ang tinig ni Noah mula sa kanyang likod habang yakap siya nito. Naramdaman niya din ang paghalik nito sa likod ng kanyang tenga at pagkatapos ay masuyong bumulong. “Sa akin ka na lang sumama at bumuo tayo ng anak at ipinapangako ko sayong magiging mabuti ako sayo.” masuyong bulong nito sa kaniya.Samantala, sa katunayan ay yakap-yaka
Noong una niyang makausap ang mga ito, sa totoo lang ay ayaw niya sa mga ito ngunit dahil nga ngayon na nagsasabay-sabay silang kumain ay nalaman niya na ang mga ito ay mga makukulit at hindi naman nakakainis pala masyado.Pagkatapos nilang kumain ay may dumating na reporter para mag-interview. Dahil nga sa relasyon niya sa pamilya Montemayor ay hindi siya komportable na humarap sa camera at ayaw niyang malantad ang background niya kaya mabilis siyang tumanggi at hinayaan na lamang niya ang mga matatanda na sila na lamang ang magpa-interview. Ilang sandali pa ay inaya siya ni Betty na magpunta sila sa isang antique shop.Nang makarating sila sa shop ay nag-ikot ikot sila kaagad kung saan ay natuon ang pansin ni Alexa sa isang transparent na vacuum box kung saan ay may isang tambak ng lumang shredded paper, ang pinakamalaki ay kasing laki lamang ng palad ng isang bata.Nakita naman ni Betty na nakatitig siya doon kaya nilingon niya ang staff ng shop at nagtanong. “Magkano ang presyo n
Hindi nagtagal ay agad din itong tumawag sa kaniya. “Nagtanong-tanong na ako sa mga auction house dito sa MAnila ay may turnoever rate daw sila na aabot sa 80%. Isa pa ang dalawang auction house na pinagtanungan ko ay sila ang pinakamaraming mga collection sa buong bansa na umaabot ng halos bilyon.” sabi nito sa kaniya.“E saan tayo pupunta?” tanong niya rito. “Yung mas malapit na lang sana.” dagdag pa niya.“Oo nga, sa Dela Vega Auction House na lang siguro. Susunduin kita.” sabi nito sa kaniya.Hindi nagtagal ay dumating na doon si Betty at sinundo na ng siya. Makalipas lamang ang isang oras ay dumating na nga sila sa Dela VEga Auction House. Pumasok ang dalawa sa loob habang patingin-tingin sa paligid at pagkatapos ay nakipila dahil may pila pala bago makapasok sa loob. Sa kanilang harapan ay may hindi bababa sa limampu o animnapung tao sa hatapn nila na mukhang dumating pa doon galing sa ibat-ibang panig ng bansa na may dala-dalang mga koleskyon para sa gagawing auction.Dahil n
Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.
Habang naglalakad sila ay ipinilig ni Betty ang ulo nito at pagkatapso ay nilingon si Alexa. “Bakit sa palagay ko ay tila ba may kakaiba sa pakikipag-usap mo sa lalaking iyon kahit na parang ito pa lang naman ang unang beses niyong magkita?” biglang tanong nito sa kaniya.Agad naman na inilagay ni Alexa ang kanyang kamay at pagkatapos ay napatitig ng blangko sa mga numero ng elevator, hindi niya tuloy maiwasan na mag-alala dahil may napansin din pala si Betty. Napabuntung-hininga na lamang siya. “Ang kanyang mga mata kasi ay parang maga mata ng taong kilala ko.” tapat na sagot niya rito.Bigla namang itong nag-isip sandali at muli na namang nagtanong. “Katulad ba ng kay Noah?” tanong nito ulit sa kaniya ngunit hindi siya sumagot rito. Ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon ngayon. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang elevator kaya dali-dali na silang naglakad palabas kung saan nakaparada ang kotse nito. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay nilingon niya si
Hindi naman nakapagsalita kaagad si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Masaya siya at biglang ring natulala ang kanyang puso sa sinabi ni Noah sa kaniya. Sa isip-isip niya ay napabulong siya na gusto niya mapantayan ito para kahit na ang ama ni Noah ay ma-impress din sa kaniya at hindi na sila paglayuin pa.Tahimik naman si Noah na may pagmamahal na hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ito sa mesa. “Isa pa, pasensiya na sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.” sabi pa nitong muli.“Ano ka ba, okay lang.” sagot niya naman kaagad at dahil doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil rito ay dali-daling inilabas ni Alexa ang kanyang cellphone sa kanyang bag upang sagutn ang tawag.Hindi sinasadyang mailabas ni Alexa ang business card nang ilabas niya ang kanyang cellphone nang hindi niya napapansin. At nasulyapan ito ni Noah. ang kanyang ina pala ang tumatawag. Agad niyang sinagot ito at pagkatapos ay dali-daling inilagay sa kanyang tenga. “Nay, bakit? May pro
NAKITA NI ALEXA SI NOAH na nakatayo sa labas ng banyo at nakatingin sa kanilang dalawa. Doon niya napagtanto na kaya ibinulong iyon sa kaniya ni Lily para i-provoke siya na saktan ito dahil kanina pa lang ay nakita na nito si Noah na nakatayo doon.Tahimik na tiningnan ni Alexa si Noah at naghihintay ng reaksyon nito ngunit hindi ito nagsalita. Bigla niyang napagtanto na kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niya sa harapan ni Noah at hindi niya papayagan na lasunin na naman ni Lily ang utak nito. Tiningnan niya si Lily ng malamig. “Ano sana ang magiging pakikitungo ko sa kaniya e asawa ko siya? Isa pa ay napakabait niya sa akin at sa pamilya ko kaya dapat lang na maging magiliw ako sa kaniya pero ikaw, paulit-ulit mo akong pino-provoke at idinamay mo pa talaga ang lola ko at gusto mo na maging mabait ako sayo? Ano ako dating baliw?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong rito.Samantala, hindi naman makapagsalita kaagad si Lily dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay tumingin kay Noah
KINABUKASAN, bigla na lamang nakatanggap si Alexa ng isang message mula sa kanyang bank account kung saan ay nakatanggap siya ng isang milyong piso. Galing iyon sa Dela Veag Auction House. Iyon ang auction house kung saan niya ibinenta ang painting.Agad niyang hinalungkat mula sa kanyang bag ang business card na ibinigay sa kaniya ni Nio at idinial niya ang numerong nakalagay doon. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Ako ito si Alexa.” mabilis na sabi niya.“Alexa.” bulong nito sa pangalan niya at ang tinig nito ay napakababa. Hindi niya alam ngunit tuwing maririnig niya na binabanggit nito ang pangalan niya ay mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam niya na ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay tila puno ng pagmamahal. Ipinilig niya ang kanyang ulo at napabuntung-hininga. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganung klaseng bagay.“Mr. Dela VEga, may pumasok na isang milyon ngayon sa aking account at mula iyon sa Auction House ninyo. Mukhang nagkamali ang empleyado mo
HABANG NAKASAKAY SI ALEXA SA kotse ni Noah ay bigla siyang napakunot ang noo nang mapansin niya na para bang iba ang daang tinatahak nila. Nilingon niya ito. “Hindi ito ang daan pauwi hindi ba?” tanong niya nang magkasalubong ang mga kilay niya.Tumango ito sa kaniya. “May pupuntahan tayo.” sagot nito nang hindi siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho.Mas lalo pang lumalim ang kunot noo niya. “Saan naman tayo pupunta?”“Malalaman mo kapag nakarating na tayo doon. Basta maupo ka lang diyan.” sagot nitong muli sa kaniya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo na lang at maghintay kung saan nga siya nito dadalhin.Makalipas lamang ang isang oras ay ipinarada na ni Noah ang kotse sa tabi ng ilog. Nang bumaba sila ay agad na sumalubong sa kaniya ang may kalakasang hangin. Ang ilog ay malakas ang agos at ang kapaligiran ay napapalibutan ng kagubatan.“Anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya.Hindi naman ito sumagot sa halip ay inabot lang nito sa kaniya ang susi n
HABANG NAGLALAKAD PALABAS NG RESTAURANT ay nakahawak si Lily sa kanyang pisngi at sumunod kay DExter. Nang makalabas na sila ay nagsimula na siyang magreklamo. “Hindi mo ba nakita kung anong ginawa sa akin ng babaeng iyon? Paulit-ulit niya akong sinampal. Ni hindi mo man lang ako tinulungan na makamit ko ang katarungan sa ginawa niya, sa halip ay hinila mo pa ako paalis doon.” inis na inis na sabi niya rito habang nakasunod rito.Agad naman siyang nilingon nito upang tingnan ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mukha na may bakat pa ang kamay ni ALexa na sumampal rito. Agad na nanlamig ang mga mata nito. “Anong sinabi mo sa kaniya?”Nagalit naman kaagad si Lily nang marinig niya ang sinabi nito. “Ano pa sana ang sasabihin ko sa kaniya? Sinabi ko lang naman na sinadya ng lola niya na mamatay na para mapigilan ang paghihiwalay nilang dalawa ni Noah. sobra na ba iyon?” may bahid ng pagkayamot na tanong nito. Sinabi niya lang naman iyon para magalit talaga ito lalo na at nakita nga niy
BIGLA NIYANG NAISIP na sa tuwing nababanggit niya si Nio ay malaki ang nagiging pagbabago ng mood ni ALexa. Samantala, hindi naman na nagsalita pa si Noah kaya tahimik na lamang niyang dinampot ang kutsilyo at pinutol ang isang piraso ng steak at inilagay sa plato nito iyon. “Kumain ka pa. Tinapos ko ang painting na tinatapos ko ng ilang araw na.” sabi niya rito. Sa isip-isip ni Alexa ay hindi na ito galit dahil tumahimik na ito at pagkatapos ay nagsimula na ring kumain. Habang kumakain siya ay nagbayad na si Alexa ng kinain nila at pagkatapos ay nagpaalam na pupunta siya ng banyo. Mula sa malayo ay isang pigura ang nakasunod kay Alexa na pumasok sa banyo. Nang lumabas sa isang cubicle si Alexa upang maghugas ng kanyang kamay nang isang pigura ng babae ay biglang yumuko upang buksan ang gripo sa tabi niya at naghugas. “Nandito ka rin pala para kumain.” sabi nito sa kaniya. Nasa hawakan na ang gripo ang kanyang kamay nang mapalingon siya rito. Agad niyang nakita si Lily. Agad na na