Share

Chapter 26.5

Hindi nga nagtagal ay inabot na ni Serene ang painting sa lalaking nasa harap niya at pagkatapos ay napasulyap ito sa kanyang kamay na hanggang sa mga oras na iyon ay may bakas pa rin ng pagkakaipit sa kanyang pinto. Malamig ang mga mata nitong kinuha ang painting mula sa kaniya at tahimik na binuhat at inilapag sa isang pera at maingat na tiningnan ito at pagkatapos ay nagsalita. “Hmm, mukhang ito ang tunay na painting ng sikat na pangalawang reyna ng ingglatera. Magkano mo ito ibebenta?” tanong nito sa kaniya.

Sa halip naman na siya ang sumagot ay si Betty ang sumagot para sa kaniya. “Nag-search ako sa internet kung magkano ang aabutin ng painting na yan at nakita ko kung gaano na kamahal yan sa paglipas ng taon. Aabot yan ng sampung milyong piso.” sabi nito ngunit hindi siya pinansin ng direktor at sa kaniya pa rin ito nakatingin.

“Magkano mo ibebenta ito?” ulit nito sa tanong nito kanina.

Agad naman na namutla ang kanyang mukha at halos hindi alam kung ano ang isasagot niya rito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
wow nice story thanks sa pag update sana more update pa please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status