All Chapters of The Price of Her Love After Divorce: Chapter 31 - Chapter 40

54 Chapters

CHAPTER 31: Durog na Puso

“ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?” galit na tanong ni Eveth sa mga tao na naroon sa kanilang opening.“I am Eveth Robles!” turo nito sa sarili habang gumegewang dahil sa kalasingan. “You should have known my name by now! Isipin niyo kung sino ang babanggain niyo!” “Miss Sunset, anong gagawin natin?”Malamlam lang ang mga mata ni Sunset habang nakatingin dito. Wala siyang maramdaman nang mga sandaling iyon maliban sa galit. Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito tumitigil na guluhin ang buhay niya kahit nakuha na nito ang asawa niya.“Hindi ako ang kabet!” itinuturo nito ang sarili habang gumegewang. “Hindi ako ang kabet!” ulit nitong muli.“Totoo po ba talaga ang balita na ikaw ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ng asawa ni Mr. Seville—”“Sinabi ng hindi!” galit pa ring sambit ni Eveth at hinawi ang isang lamesa pa na kinalalagyan ng mga inumin doon.Maririnig ang malakas na pagkabasag na iyon na naging dahilan upang matigil nang tuluyan ang tugtog na tumatabon kanina sa ingay nito.
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 32: Matapang ang Kabit

NAALIMPUNGATAN SI LUCIAN dahil sa ilang ulit na pagtawag sa kanyang cellphone. Sa unang mga ring, wala pa siyang balak na sagutin ang kanyang cellphone. Ngunit kalaunan, nang makulitan ay inilagay niya na lamang iyon sa kanyang taynga matapos na pindutin.“What?! Who is this?” iyong kaagad ang bungad niya. “Better tell me this is import—”“Si Vincent ito. Sunset needs you.”Napabangon nang wala sa oras siya sa kanyang kinahihigaan. Tiningnan niya pa nang makailang ulit kung tama ang numero sa kanyang screen.Numero ng asawa ang ginamit nitong pangtawag. “Bakit hawak mo ang cellphone niya—”“Do I have to explain myself?” tila nauubusan na ito ng pasensya. “Hindi ko gagawin ito kung dahil sa kanya. Pumunta ka rito o ako ang mag-uuwi sa kanya sa bahay nila.”Binabaan siya nito ng tawag matapos na sabihin ang mga gustong sabihin.Malamlam na tiningnan ni Lucian ang kanyang cellphone bago tumayo sa kanyang kinahihigaan. Hindi sinabi nito kung saan siya pupunta kaya hindi malabo na alam ni
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 33: Sa kanyang Pagbabalik

“N-NANAY?” GUSTONG MATAWA ni Sunset sa narinig. “Nako. Baka ho nagkamali lang kayo. May mangilan-ngilan pa pong kasunod na bahay riyan. Pwede po kayong magtanong.”“Sunset, Anak, hindi mo na ba ako namumukhaan? Si nanay ito—”May paggalang tinabig ni Sunset ang kamay ng ginang. “Matagal na hong patay ang nanay ko. Nagkakamali lang kayo.”“Hijo, ikaw ba ang asawa ng anak ko?” nakangiti nitong sambit nito at pilit na inaabot ang kamay ni Lucian upang makipagkamay. “Naks! Totoo nga ang balita! Mayaman ang napangasawa mo!”“Ma’am, maaari ko po bang malaman kung—”“Umuwi ka na, Lucian,” malamig niyang sambit sa asawa. “Salamat sa paghatid sa akin. Kaya ko na.”Makikita na gusto pa siyang pigilan ng asawa at kausapin ngunit ito na rin mismo ang nanahimik at piniling tumango sa kanya nang mapansing ang tingin niya ay naroon pa rin sa ginang.Hinintay niya pang makaalis ang asawa saka niya hinarap muli ang ginang.“Ano ho bang pangalan ng anak niyo—”“Anak, hindi mo na ba ako nakikilala? Ak
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 34: Ang Dalawang Ina

“WOW! SA ‘YO ang pabrika na ito, Anak?” namamanghang tanong ng nanay niya nang minsang isama niya ito sa pabrika. “Napakalaki!”“Hindi ho,” nakangiti niyang sambit. “Ang lola po ni Vincent ang may-ari nito. Nang mamatay ito, sa akin na ho ipinagkatiwala. Dahil matagal na hong na-stock ang mga gamit, ako na ho ang nagpaayos.”“Ay ganoon?” mas lalo pang tumingkad ang mga mata nito sa nalaman. “Edi sa ‘yo na nga! Ikaw na ang may-ari nito, Anak. Nahiya ka pang sabihin!”Umiling siya. “Sa apo niya po ito. Ako lang ang nagma-manage.”“Kahit ano pang paliwanag mo, sa ‘yo na nga! Nasaan ba siya? Di ba wala rito at ikaw ang parating narito kaya sa ‘yo ito.”Pinili na lamang ni Sunset na ngumiti nang bahagya at huwag ng sumagot dahil si Vincent din mismo ang may sabi na sa kanya na nga ang pabrikang ito nang ilipat sa kanya ang pangalan.“Araw-araw ang paggawa ng mga tinapay rito?”“Opo, Nay. May mga grocery, local store, at coffee shop na itong sinu-supply-an. Depende ang dami sa demand ng tao
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 35: Pagsisimula ng Laban

“KUHANIN NIYO LANG ho ang mga gusto niyong bilihin Nay at Tyang,” nakangiti niyang sambit nang magtungo sila ng mall.“Parang ang mahal naman dito, Sunset. Sa ukay na lang kaya tayo? Kahit ano naman ay susuotin ko.”“Iyan ka na naman, Tyang. Hindi mo na kailangang magdalawang-isip. Ako naman ang bibili.”“Pero dapat iniipon mo ang pera mo—”“Aysus, Lorna!” suway ng nanay niya. “Ang anak ko na nga ang may sabi na bilihin natin ang mga gusto natin tapos tatanggi ka pa?”Hindi kumibo ang tiyahin niya at piniling magtungo sa kabilang bahagi ng store na iyon.“Doon lang ako sa kabila, Anak! Babalik ako kapag may nagustuhan na ako,” excited na sambit ng nanay niya bago umalis.“Ikaw, Jarren? May gusto ka bang bilhin? Sabihin mo sa ate. Ako ng bahala!”“Ate…”“Oh, bakit? May gusto ka ba? Sabihin mo na sa ate. Bibilhin ko! Sa susunod hindi na ako manlilibre!” nakangiti niya pang biro dito. “Ito ba—”“Ate, nanay mo po talaga siya?” “Ha? Oo, bakit?”Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Makikita
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

CHAPTER 36: Panibagong Pagtatagumpay

“OH, ANAK! KUMAIN ka na. Si nanay ang nagluto niyan,” nakangiting sambit ng nanay niya nang makita siyang gising na at handang pumasok sa trabaho. “Ito. Masarap iyang tapa. Parisan mo ng itlog at kape.”Habang patuloy ang pag-iistema ni Susan sa kanya, hindi niya mapigilang huwag pagmasdan ang nanay niya. Kung siya ang tatanungin, hindi niya mapapansin na gumagawa ito ng hindi maganda sa kanyang likuran na nagiging dahilan ng pagiging miserable ng pamilya niya.“Heto ang mainit na pandesal kung ayaw mong kumain ng kanin.”“Ayos na ho ako rito, Nay.”“Anong ayos? Dagdagan mo pa iyang pagkain mo. Nangangayayat ka na. Eh papaano? Napakahina mong kumain!”Gustong maging masaya ng puso niya sa eksenang nakikita dahil sa wakas ay naramdaman niya na rin ang pakiramdam ng ina na nasa kanyang tabi. Ngunit sa isang banda, hindi naman siya naging uhaw sa pagmamahal na iyon dahil nariyan ang Tiyang Lorna niya at pinaparamdam na hindi siya kulang.“Napakaraming pagkakataon, bakit ngayon ka lang bu
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

CHAPTER 37: Kasinungalingan ng Ina

MAS NAGING ABALA pa si Sunset sa mga nakalipas na araw dahil na rin sa sunod-sunod niyang meeting sa iba’t ibang investors na interesado sa kanilang business. Ang iba sa mga iyon ay kinailangan niya pang puntahan sa iba’t ibang lugar kaya naman halos hindi siya matagpuan sa kanilang bahay.Dahil alam niyang hindi magsasabi sa kanyang ang Tyang Lorna niya, kay Jarren siya halos nakakakuha ng impormasyon sa mga nangyayari sa loob ng bahay.Habang tumatagal na wala siya sa kanilang bahay, lalo niyang napagtatantong mali na pinatuloy niya kaagad ang nanay niya roon nang hindi inaalam kung nagsasabi ito ng totoo sa kanila.Hindi lamang ang bata ang nakakausap niya, pinaimbestigahan niya rin ang nanay niya sa kung anong ginagawa nito sa mga nakalipas na taon. Marami siyang nalaman dito na hindi niya akalaing kaya pala nitong gawin kahit ang kapalit niyon ay malayo sa kanya.“So, Jarren was really telling the truth,” mahina niyang sambit matapos na maglakas ng loob na tingnan ang mga kuha sa
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

CHAPTER 38: Komprontasyon sa Ina

“TINATANONG KO HO kayo, anong nangyayari dito?”“H-ha?” tila nakakita ng multo ang nanay niya habang nakatingin sa kanya. Hindi rin ito mapakali nang balingan ang mga nakasama sa pagsusugal.“Ano, Sunset—”“Hindi ho kayo ang kausap ko, Tyang. Pagtatakpan niyo lang siya,” sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa nanay niya. “Sasagot ho ba kayo, Nay?”“N-nagkakasiyahan lang kami rito, Anak. Alam mo naman, naiinip ako rito sa bahay. Kailan ka pala nakabalik? Akala ko sa susunod na araw pa ang uwi mo—”“Nay, huwag niyong ibahin ang usapan. Tinatanong ko ho kayo, iyon ang sagutin niyo.”“Anak, may kaunting kasiyahan lang talang—”“Nay!” nauubusan ng pasensyang sambit niya. “Hindi ho ako ipinanganak kahapon lang. Alam ko ho ang pagkakaiba ng kasiyahan sa sigawan.”“Sunset, wala namang nangyari.”“Tyang!” malakas niya na namang sigaw. “Pagtatakpan niyo pa ho talaga?”“Sunset, nanay mo iyan…”“Tyang, nabuhay ho ako nang wala siya sa tabi ko magsimula nang magkaisip ako. Matanda na ako para
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

CHAPTER 39: Panibagong Lihim

“THIS IS ANOTHER break for us, Ms. Sunset!” puno ng kasiyahang sambit ni Liezel sa kanya. “Kaya pa ba nating i-accommodate itong lahat na order? We will have a product abroad. The shipping company is ready to distribute our goods.”“Yes. Nariyan naman ang mga bagong makina. Isa pa, patapos na sa training ng mga bagong empleyado.”“I can’t believe it, Ms. Sunset. We can dominate abroad in a span of time.”“I can’t believe it also, Liezel. Pero dahil sa hardwork niyo, naging imposible itong lahat.”“Ms. Sunset,” tila naiiyak na sambit ng sekretarya niya na ikinailing niya lamang.“Alam mo, Liezel? Noong una kitang makasama, akala ko talaga napakasungit mo. You’re so strict with your job. Hindi mo hinahaluan ng kahit na anong makakasira sa trabaho mo.”Napakamot ito nang bahagya. “Alam niya naman ho ang kwento ko ‘di ba? Nanay ko ang past secretary ng lola ni Sir Vincent kaya alam ko kung gaano kaunlad at kaganda ang pagpapatakbo nito. Kaya ganoon na lang din ako kung mangarap na mas hig
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

CHAPTER 40: Sa Isang Pagtitipon

“YOU’RE STUNNING, MS. Sunset!” tila kumikislap pa ang mga mata ni Liezel nang purihin siya nito.“Bubulahin mo pa ako,” hindi niya naiwasang huwag irapan at tawanan ang sekretarya niya.“Tingnan mo ang sarili mo sa harapan ng salamin. Then sabihin mo sa akin kung nagsisinungaling ako, Miss.”Nang hindi niya ito sundin, si Liezel mismo ang humila sa kanya paharap ng salamin. Habang nakatingin doon, hindi niya maiwasang huwag umawang ang bibig. Siya ba talaga ito? Walang-wala ang babaeng simple na naalala niya.“Plakado, ano?” tanong ng designer niya. “Ako lang ito, Miss!”“Thank you talaga…”“Bumagay sa ‘yo iyang kumikinang na red dress. Even the extension para sa buhok mo Miss Sunset!”Ganoon na lamang ang pag-iling niya. “Hindi ba ako over dress—”“Miss Sunset, kung ang target natin ay mas marami pang investors, kulang pa nga iyan! Kailangang habang kaharap mo sila ay confident ka sa sarili mo. Dadalhin mo ang pangalan, hindi lamang ng pabrika natin, pati na rin ang kumpanya natin.
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status