MAS NAGING ABALA pa si Sunset sa mga nakalipas na araw dahil na rin sa sunod-sunod niyang meeting sa iba’t ibang investors na interesado sa kanilang business. Ang iba sa mga iyon ay kinailangan niya pang puntahan sa iba’t ibang lugar kaya naman halos hindi siya matagpuan sa kanilang bahay.Dahil alam niyang hindi magsasabi sa kanyang ang Tyang Lorna niya, kay Jarren siya halos nakakakuha ng impormasyon sa mga nangyayari sa loob ng bahay.Habang tumatagal na wala siya sa kanilang bahay, lalo niyang napagtatantong mali na pinatuloy niya kaagad ang nanay niya roon nang hindi inaalam kung nagsasabi ito ng totoo sa kanila.Hindi lamang ang bata ang nakakausap niya, pinaimbestigahan niya rin ang nanay niya sa kung anong ginagawa nito sa mga nakalipas na taon. Marami siyang nalaman dito na hindi niya akalaing kaya pala nitong gawin kahit ang kapalit niyon ay malayo sa kanya.“So, Jarren was really telling the truth,” mahina niyang sambit matapos na maglakas ng loob na tingnan ang mga kuha sa
“TINATANONG KO HO kayo, anong nangyayari dito?”“H-ha?” tila nakakita ng multo ang nanay niya habang nakatingin sa kanya. Hindi rin ito mapakali nang balingan ang mga nakasama sa pagsusugal.“Ano, Sunset—”“Hindi ho kayo ang kausap ko, Tyang. Pagtatakpan niyo lang siya,” sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa nanay niya. “Sasagot ho ba kayo, Nay?”“N-nagkakasiyahan lang kami rito, Anak. Alam mo naman, naiinip ako rito sa bahay. Kailan ka pala nakabalik? Akala ko sa susunod na araw pa ang uwi mo—”“Nay, huwag niyong ibahin ang usapan. Tinatanong ko ho kayo, iyon ang sagutin niyo.”“Anak, may kaunting kasiyahan lang talang—”“Nay!” nauubusan ng pasensyang sambit niya. “Hindi ho ako ipinanganak kahapon lang. Alam ko ho ang pagkakaiba ng kasiyahan sa sigawan.”“Sunset, wala namang nangyari.”“Tyang!” malakas niya na namang sigaw. “Pagtatakpan niyo pa ho talaga?”“Sunset, nanay mo iyan…”“Tyang, nabuhay ho ako nang wala siya sa tabi ko magsimula nang magkaisip ako. Matanda na ako para
“THIS IS ANOTHER break for us, Ms. Sunset!” puno ng kasiyahang sambit ni Liezel sa kanya. “Kaya pa ba nating i-accommodate itong lahat na order? We will have a product abroad. The shipping company is ready to distribute our goods.”“Yes. Nariyan naman ang mga bagong makina. Isa pa, patapos na sa training ng mga bagong empleyado.”“I can’t believe it, Ms. Sunset. We can dominate abroad in a span of time.”“I can’t believe it also, Liezel. Pero dahil sa hardwork niyo, naging imposible itong lahat.”“Ms. Sunset,” tila naiiyak na sambit ng sekretarya niya na ikinailing niya lamang.“Alam mo, Liezel? Noong una kitang makasama, akala ko talaga napakasungit mo. You’re so strict with your job. Hindi mo hinahaluan ng kahit na anong makakasira sa trabaho mo.”Napakamot ito nang bahagya. “Alam niya naman ho ang kwento ko ‘di ba? Nanay ko ang past secretary ng lola ni Sir Vincent kaya alam ko kung gaano kaunlad at kaganda ang pagpapatakbo nito. Kaya ganoon na lang din ako kung mangarap na mas hig
“YOU’RE STUNNING, MS. Sunset!” tila kumikislap pa ang mga mata ni Liezel nang purihin siya nito.“Bubulahin mo pa ako,” hindi niya naiwasang huwag irapan at tawanan ang sekretarya niya.“Tingnan mo ang sarili mo sa harapan ng salamin. Then sabihin mo sa akin kung nagsisinungaling ako, Miss.”Nang hindi niya ito sundin, si Liezel mismo ang humila sa kanya paharap ng salamin. Habang nakatingin doon, hindi niya maiwasang huwag umawang ang bibig. Siya ba talaga ito? Walang-wala ang babaeng simple na naalala niya.“Plakado, ano?” tanong ng designer niya. “Ako lang ito, Miss!”“Thank you talaga…”“Bumagay sa ‘yo iyang kumikinang na red dress. Even the extension para sa buhok mo Miss Sunset!”Ganoon na lamang ang pag-iling niya. “Hindi ba ako over dress—”“Miss Sunset, kung ang target natin ay mas marami pang investors, kulang pa nga iyan! Kailangang habang kaharap mo sila ay confident ka sa sarili mo. Dadalhin mo ang pangalan, hindi lamang ng pabrika natin, pati na rin ang kumpanya natin.
HINDI MABILANG NI Sunset kung ilang beses siyang humingi ng tawad sa mga tao na nasa loob ng pagtitipon. Pakiramdam niya, habang ginagawa iyon ay namanhid na ang sistema niya sa kahihiyan. Dahil sa nagawa rin ng nanay niya, sandaling nahinto ang pagtitipon na iyon para linisin ang bubog na kumalat sa sahig. Bago nagpatuloy ang mga susunod pang mangyayari nang gabing iyon. Alam niya rin na kahit ang iba ay naintindihan ang sitwasyon na nangyari, ang iba sa naroon ay hindi maiiwasang magtaas ng kilay sa kanya. Sino ba naman siya upang sirain ang napakahalagang gabing iyon?Dahil hindi niya na kayang manatili pa sa looban, napakabilis ng paglabas ni Sunset upang makaiwas sa ibang mga mata na kung tingnan siya ay puno ng panghuhusga.“Sunset, Anak! Sunset!” paulit-ulit na tawag ng kanyang nanay.Parang wala siyang naarinig. Napakabilis pa rin ng paglalakad niya paalis sa lugar na iyon.“Sunset, kausapin mo naman ako, Anak!” sa pagkakataong iyon, ganoon na lamang ang malakas na paghigit
DAMA NI SUNSET ang matinding pagod pauwi ng kanilang bahay. Tila naubos siya pagkatapos ng pakikipag-usap sa maraming tao. Kaya naman pababa pa lamang ng kanyang kotse ay gusto niya ng humilata sa lapag para hindi na siya gumalaw pa.“Uulan pa yata,” sambit niya habang ang tingin ay nasa kalangitan. “Ganito ka na lang parati. Sa tuwing nasa ganito akong kalagayan parang nakikisabay ka pa sa nararamdaman ko.”Gusto niyang matawa kahit walang buhay ang kanyang mga mata. “Buti ka pa. Alam ang nararamdaman ko,” puno ng kalungkutan niyang sambit. “Sunset, we need to talk.”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Lucian. Kahit hindi mo na rin pirmahan ang divorce paper, inaasikaso na ng lawyer na kinuha ko. Magiging single ka na rin pagdating ng araw na kagustuhan mo naman talaga ‘di ba?”“Please, Sunset. Kausapin mo ako.”Puno ng pakiusap ang mga mata ni Lucian ngunit bakas sa mukha ni Sunset na wala siyang pakialam. Masyado ng naging bato ang puso niya dahil sa mga ginawa ng asawa na sa
NAKATINGIN LAMANG SI Sunset nang mga sandaling iyon sa kanyang asawa. Binabasa niya ang sinasabi ng mga mata nito na tila napakarami ng sinasabi sa kanya. Bakit tila punong-puno iyon ng pakiusap? Ano pa bang gusto nitong mangyari sa kanya? Hindi ba’t gusto nitong makipaghiwalay sa kanya? Bakit ngayon ay heto na naman ang asawa niya at ginugulo ang sistema niya?Ganoon na lamang ang mabilis na tibok ng kanyang puso at pagkablangko ng kanyang isipan nang hawakan nito ang kanyang kamay at higitin siya papalapit dito. Habang nakatingin ito ay tila hinihipnotismo siya at bibigay ang kanyang tuhod. “Gale, please, let’s talk—”“No,” mabilis niyang sagot at tila napapasong lumayo rito. “Please. I need to explain myself.”“May bakante kaming kwarto. Kung hindi ka maarte, pwedeng doon ka matulog. Gabi na. May trabaho pa ako bukas,” sabi niya matapos hilahin ang kanyang kamay upang makabalik nang mabilis sa kanyang kwarto.Sa pagpasok ng pinto, ganoon na naman ang pagpatak ng luha na tila nasa
“DITO NATULOG ANG asawa mo, Gale?” tanong ng tyang niya. “Bakit ho, Tyang?”“Nakita ko ang kotse riyan sa labas.”“Talaga ho?” gulat niyang tanong dito. “Akala ko ho mag-iinarte kase hindi iyon sanay sa sosyalan at pipiliing umuwi na lang. Inalok ko pa ang isang kwarto. Hindi ko naman akalain na papatusin pala.”“Hala! Hindi ko pa nalilinis iyon!” nag-aalalang sambit ng tyang niya. “Hindi ko naman kase alam. Hindi ko na siya tinanong kagabi.”“Alikabok lang naman iyon, Tyang. Buhay pa naman ho siguro iyon.”“Kahit masama ang budhi niyang asawa mo hindi pa rin ako singtigas ng bato ano. Baka sabihin niyan pinatuloy nga natin sa bahay natin pero labag naman sa loob natin.”“Hindi ho ba, Tyang?”Umiiling ito, “hay nako! Ewan ko sa ‘yong bata ka. Puntahan mo na nga lang ang asawa mo. Tawagin mo. Sabihin mo mag-aagahan na tayo.”“Bakit ako pa, Tyang?” nagrereklamo niyang tanong. “Alangan ako? Papasok ako riyan nang basta-basta eh dalawang beses ko pa nga lang nakita iyang asawa mo.”“Si
MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
“HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.