All Chapters of The Price of Her Love After Divorce: Chapter 51 - Chapter 60

82 Chapters

CHAPTER 51: Desperado na siya

LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

CHAPTER 52: Nagsisi ka ba?

“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

CHAPTER 53: Nandito na ako

PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

CHAPTER 54: Bingit ng Kamatayan

MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

CHAPTER 55: Walang Makakaalam

“WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” ganoon na lamang ang pagdagundong ng boses ng ama niya nang makapasok sa loob ng hospital.Pinilit ngumiti ni Eveth kahit ang totoo’y natatakot siya kapag nagtataas ng boses ng ganito ang kanyang ama.“Tinatanong kita, anong ginawa mo na naman?” nahampas nito nang malakas ang mesa gamit ang kaliwang kamay. “Answer me!”“D-dad, ano… let me explain—”“So it was you? Hindi nga ako nagkamali. Ikaw nga!”“Dad, kailangan ko ng alisin sa buhay ko si Sunset! Hanggang nariyan siya sa tabi ni Lucian hindi ako matatahimik.”“That's why you're willing to kill her? Hindi kita pinalaking mamatay-tao! You know that I despise that kind of person!”“N-no, dad!”“Balak ko lang siyang takutin. Gusto kong lumayo na siya kay Lucian at magpakalayo-layo.”“You can find someone else, Anak. Iyong much better sa lalaking iyon.”“Pero siya lang ang mahal ko, Dad…” mahina ang boses at nakayuko niyang sambit.“And he can't love you back. Sinisira mo lang ang sarili mo ng dah
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

CHAPTER 56: Mga Sabwatan

WALANG MAKAKAALAM. IYON ang sinisigurado ni Eveth matapos niyang plantsadong maiplano ang lahat ng gagawin. Ngunit ang ganoon na lamang ang gulat niya nang hindi inaasahang bisita ang magpupunta sa kwarto.“Anong ginawa mo kay Sunset?” galit na galit na tanong nito matapos na pumasok sa kanyang kwarto.“At sino ka namang babae ka? Sino ka para magtaas ng boses sa anak ko?!”“Mom…”“Sino ang babaeng ito, Eveth? Kailangan pa ba nitong malamang kung sino ka? Anong kailangan mo sa anak ko? Kailangan mo ba ng—”“Mom, anak niya si Sunset!” “Eh ano naman kung nanay niya ang trapo na iyon? Wala akong pakialam sa mga—”“She knows, Mom…” halos pabulong na ang boses niyang sambit mapatigil lang ang mommy niya sa mga susunod nitong hakbang.“Alam niyo ba ang nangyari sa anak ko? Wala sa usapan natin ang masasaktan siya!”Pareho silang hindi umimik ng mommy niya.“Nag-iisang anak ko lamang si Sunset. Dugo’t laman ko siya. Hindi ko pinalaki ang anak ko para lamang mangyari ang lahat ng ito!”“Wala
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

CHAPTER 57: Ang Lakas Niya

NANG MGA SANDALING iyon, nasambit na yata ni Sunset ang lahat ng panalangin para lamang mailigtas ang buhay ng kanyang asawa. Hindi niya alam ang mangyayari kapag nawala ito ng siya ang dahilan. Masisiraan siya ng bait. Doon siya nakasisigurado. Maraming katanungan ang namamayani sa kanyang isipan habang naghihintay pa rin sa labas.Bakit siya iniligtas ng asawa? Wala itong pakialam sa kanya. Hindi si Lucian ang uri ng tao na isasakrepisyo ang buhay para sa ibang tao. Masyado nitong mahal ang sarili para lamang itaya ang buhay para sa kanya.Bakit ito nagpunta sa ganoong uri ng lugar para sa kanya? Hindi ba nito alam ang maaaring mangyayari? Ano pang kailangan sa kanya ng asawa at nagpapakita ngayon ng pakialam sa kanya?Hindi iyon mabibigyan ng kasagutan. Masyado siyang takot na magtanong pa. Gusto niya ng bigyan ng katahimikan ang puso niya sa kahit na anong sakit na mararanasan pa.Pero karapat-dapat ba na bigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang asawa? Kakayanin niya bang masak
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

CHAPTER 58: Pagiging Malaya

ILANG ARAW NA walang malay si Lucian kahit na naging positibo ang mga resulta ng lab result nito at walang problema sa naging operasyon. Sa mga araw na iyon, nanatili si Sunset sa tabi ng asawa. Siya ang nag-aalaga sa asawa habang isinasabay ang mga dapat niyang gawin sa trabaho.“Pwede namang ako muna ang magbantay kay Lucian, Friend. Hindi mo kailangang manatili parati rito sa hospital. Marami kang ginagawa sa kumpanya ‘di ba? May ibang tao namang pwedeng magbabantay sa kanya..”Umiling siya. “Okay lang talaga ako, Lumi. Hindi mo kailangang mag-aalala para sa ‘kin. Inaalagaan ko naman ang sarili ko.”“Inaalagaan? Ilang araw ka ng walang tulog dahil sa pagtatrabaho at pag-aalaga mo sa kapatid ko. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko hahayaan na gawin mo ang mga ito, Sunset.”Nginitian niya ang kaibigan. “Ayos lang talaga ako.”Umiling ito at bumuntonghininga nang malalim. “Nakokonsensya ka ba sa mga nangyayari kaya pinipili mong manatili sa tabi niya sa kabila ng mga nagawa niya?”
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

CHAPTER 59: Titig na Makahulugan

WALANG BALAK NA umalis si Sunset sa tabi ng kanyang asawa. Iyon ang naging pangako niya nang dalhin ito sa hospital at mabaril ng dahil sa kanya. Ngunit may mga responsibilidad sa trabaho na siya lamang ang makakaresolba. Hindi niya maaaring ilagay ang trabaho sa linya dahil lamang sa mga personal niyang problema.“I know your husband, Ms. Seville. Small world!”“R-really?”“Kaya ikaw ang kinuha ko dahil sa credibility niya as a businessman. I know na katulad ka rin niya.Pilit na ngumingiti si Sunset kahit ang totoo’y naiilang siya sa tuwing binabanggit ang asawa niya habang siya naman ang kausap ng mga business partner. Ayaw niya rin na si Lucian ang nagiging dahilan kaya niya naisasarado ang deal. Para bang sa tuwing nangyayari iyon ay hindi niya pinaghihirapan ang mga bagay na naabot niya.“Sorry to say this but—”“But, what? I don’t mind if you’re telling me.”“I hope it’s not because of my husband that’s why you’re working with me, Mr. Policarpio. Hindi naman siya ang titikim ng
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

CHAPTER 60: Pangalawang Pagkakataon

MATINDING KATAHIMIKAN ANG nananaig sa pagitan nila ni Lucian. Hindi siya makatingin sa asawa. Pilit niyang ibinabaling ang atensyon sa ginagawa upang hindi nito mapansin ang presensya niya ngunit nang hindi niya mapigilan ang sarili at nabaling ang tingin dito, ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang kanina pa nakatingin sa kanya ang asawa.Maling-mali na magtagal pa iyon dahil hindi niya na maalis ang tingin dito na tila namagneto na siya sa asawa.“Thank you, Sunset,” sambit sa kanya ni Lucian.Kasabay ng pagkamagneto sa asawa, tila ba sumabay din ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. “For what?” wala siyang naaalala na ginawa para dito. “I am the one who—”“Thank you for saving me.”Kumunot ang noo niya sa naging sagot nito. “Binigyan mo ako ng pag-asa nang malaman ko ang mga ginawa mo para sa akin—”“Hindi ko ginawa iyon para sa ‘yo, Lucian.”Makikita ang matinding pagtataka kay Lucian dahil sa naging sagot niya.“Para sa sarili ko,” pag-amin niya. “Pakiramdam ko, may p
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
PREV
1
...
456789
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status