All Chapters of The Price of Her Love After Divorce: Chapter 61 - Chapter 70

83 Chapters

CHAPTER 61: Kalokohan Lamang

HINDI ALAM NI Sunset kung paano aakto sa harap ng kanyang asawa matapos na halikan siya nito. Gulong-gulo siya. Ano bang pumasok sa kokote niya at gumanti rin siya ng halik pabalik? Hindi ba’t kasasabi niya lamang na hindi siya magpapatangay sa emosyon? Ngunit anong nangyari? Sa saglit na pagpapakita nito ng motibo ay bumigay na siya.Paulit-ulit niyang sinampal ang pisngi nang makapasok sa banyo ng kwarto sa hospital na inakupa ni Lucian. Kailangan niyang magising sa katotohanan. Hindi maaari na bumigay at maging marupok siya sa madaling paraan.“Naiilang ka ba sa akin?” tanong ng asawa niya sa kanya.“H-ha?” bakit tila napipilan siya at hindi makasagot nang tama?Ano bang tingin niya sa sarili? Isang teenager na kinikilig pa sa natitipuhang lalaki? Ngunit ganoon ang nararamdaman niya. Wala namang ibang lalaki na dumaan sa buhay niya maliban sa asawa.Hindi niya rin matatawag na isang pormal na relasyon ang mayroon sila ni Vincent. Masyado pa silang bata noon. Siguro’y matatawag niya
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

CHAPTER 62: Mga Aral

“SIGURADO KA BANG kaya mo na?” tanong ni Sunset sa asawa nang may pag-alala. “Pwede naman tayong hindi na tumuloy. Saka na siguro kapag magaling na magaling ka na talaga para—”“I’m fine, Love,” nakangiting sambit ni Lucian na kininditan pa siya. Hindi naman napigilan ni Sunset na lumipad ang kamay upang hampasin ang asawa na ikinadaing naman kaagad nito.“Hala ka! Sorry. Bakit naman kase ang landi mo? Hindi ako sanay na ganyan ka.”“Bakit ba sinasapian ka ni Lumi? Come on, Sunset. Come out now!”“Ayan. Sige. Magbiro ka pa!”Lalo naman itong natawa nang mapansing napipikon siya.“Naiinis na ang asawa ko?”“May pakindat-kindat ka pang nalalaman! Nahampas tuloy kita. Saan ba ang masakit?”“Dito.” Itinuro nito ang nguso.Kumunot naman ang noo ni Sunset dahil hindi niya kaagad naintindihan ang asawa. “Ha?”“Wala—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lumi na kadaraan lamang sa komidor ng bahay. Makikita na inaasar nito ang kapatid na kaagad namang ikinapikon ni Lucian.“Ano ka nga
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

CHAPTER 63: Babawi Ako

“TYANG, NARITO PO si Lucian…” mahina niyang sambit nang pumasok sila sa kanilang bahay. “Tyang?” tawag niyang muli nang makarinig ng ingay sa kusina.“A-anong ginagawa ng tita mo?” kinakabahang tanong ni Lucian na mas lalong lumapit pa sa kanya.Kahit siya na nakakasama na ito palagi ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng matinding takot para sa buhay ni Lucian.Sino bang hindi pananayuan ng balahibo kasabay ng mabilis na tibok ng puso na nakakabingi kung makikita niya ang kanyang tiyahin na abala sa paghahasa ng kutsilyo sa kusina?“Paano ko sasabihin?” natatakot na tanong sa kanya ni Lucian.“Ikaw ang gumawa ng kasalanan kaya panindigan mo,” bulong niya rin sa kanyang asawa.“Sa ibang araw na lang kaya?”“Wala ng ibang araw, Lucian? Gusto mo bang pareho tayong maluto ngayon sa sarili nating mantika?”Ganoon na lamang ang malalim na paglunok ng asawa niya dahil sa naging tanong niya.“Kailangan ba talagang ngayon—”Pareho silang napaatras nang itaga ng tyang niya ang hinasa na kutsily
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

CHAPTER 64: Ang Masayang Gabi

“SAAN MO NA naman ba ako dadalhin?” natatawang tanong ni Sunset sa kanyang asawa.“Just follow me, Love…”“Ano pa bang magagawa ko? Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko—”“Shhh…”Natawa na naman siyang muli nang makulitan na ito sa kanya. Paano’y hindi niya tinitigilan sa pangungulit si Lucian. Nag-eenjoy siya na gawin ang mga bagay na ikinakatakot parating gawin dati sa asawa dahil sa pag-aalalang magagalit ito sa kanya. “Lucian…”Mas naging tahimik ang boses niya nang tanggaling nito ang earphone na ikinabit kanina ng asawa sa kanyang taynga. Ngayon tuloy ay dinig na dinig niya na ang paghampas ng alon sa dalampasigan.Kahit na nakapiring ang kanyang mga mata, sigurado siyang nasa dagat sila.“W-what is this…”Ganoon na lamang din ang gulat niya nang dahan-dahang tanggalin ng asawa niya ang sandals sa kanyang paa dahilan upang maiwan siyang nakayapak. Ikinagulat niya pa ang malamig tubig mula sa pagtama ng alon sa kanyang paa. Dahan-dahan, habang iginagaya siya ng asawa, lalo si
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

CHAPTER 65: Kabig ng Dibdib

ANG PLANO NI Sunset ay maaga siyang magigising upang makapaghanda sa paglilibot nila ng isla ngunit hindi niya inaasahan na mauuna pang magising sa kanya ang asawa at ito ang maghahanda sa kanya ng kanilang almusal.Sa paglabas niya ng kwarto, ang likod nito ang una niyang nakita. Naka-shorts lamang ang asawa, suot nito ang apron na itim habang kumakanta pa sa kusina.Hindi siya kaagad nagparamdam sa asawa. Maingat at dahan-dahan na umupo lamang si Sunset sa pinakamalapit na upuan sa tapat nito upang pagmasdan doon si Lucian. Nakontento siya na pinapanood lamang ito nang walang ginagawa na kahit ano.Si Lucian kumakanta? Kahit siya ay nagulat sa bagong nadiskubre sa asawa dahil maganda pala ang boses nito. Hindi niya alam na may ganoong talento pala ang asawa. Ang natatandaan niya lamang kase ay ang parating galit na boses nito.“Pssst.”Ganoon na lamang ang matinding gulat nito nang makita siya na matagal ang pagkakatitig sa asawa.“Kanina ka pa gising?” tanong nito na dali-daling in
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

CHAPTER 66: Sa Kanilang Pag-iisa

“A-ANONG GUSTO MONG kainin ngayong gabi? Gusto mo bang mag-order na lang tayo—“Iniiwasan mo ba ako, Gale?”“H-ha?” ganoon na lamang ang malalim niyang paglunok kasabay ng pagtalikod upang tiklupin ang kanyang mga damit at ilagay sa maleta.“You’re acting weird, Gale. May nagawa ba akong mali—”“Wala ‘no!” sagot niya kaagad dito kahit ang totoo’y iwas na iwas siya sa asawa. “Magligpit ka na ng gamit mo—”“Iiwasan mo nga na naman ako?”Ganoon na lamang ang gulat niya dahil sa pagkakataong iyon ay nahigit na ng asawa niya ang kamay papalapit dito. Dahil sa pagkakahigit nitong iyon ay heto na naman ang pagkakalapit nila ni Lucian na pilit niyang iniiwasan dahil sa pamilyar na pakiramdam na ito lamang ang nakakapagbibigay. Habang nakalapat ang kamay niya sa dibdib nito ay dama niyang muli ang mabilis na tibok ng puso ng asawa. Hindi niya tuloy maiwasan na huwag maibaling ang tingin dito. Ngunit maling-mali na ibinaling niya ang tingin dito. Heto kase ngayon at nasa kanyang mga mata ang
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

CHAPTER 67: Sa Kanilang Pagkakaintindihan

HINDI MAKATINGIN SI Sunset sa kanyang asawa simula nang magising siya. Hindi niya rin magawang makatayo sa higaan dahil sa panginginig ng kanyang hita matapos siya nitong paulit-ulit na angkinin sa buong gabi.Muli tuloy nanumbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Lucian. Ganoon na lamang din ang matinding pagkapula ng kanyang pisngi nang maalala kung anong mga posisyon ang ginawa niya kagabi. Hindi siya makapaniwala! Nagawa niya iyon? Hindi niya lubos maisip na kaya niya palang umandayog ng makamundong sayaw sa ibabaw ng asawa!Sino nga ulit ang babae kagabi? Siya nga ba talaga iyon?Nasampal niyang muli tuloy ang sarili! Bakit ba kung ano-anong iniisip niya? Kailan pa siya nagkaroon ng ganoong uri ng pag-iisip? Nasaan na nga ulit ang Sunset na kilala niya?“You’re awake, Love,” sambit ng asawa niya na pumasok sa kwarto na bagong paligo na.Wala itong pang-itaas kaya ganoon na lamang na naman ang malalim na paglunok niya. Inaakit ba siya nito? Bakit ba napakaperpekto
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

CHAPTER 68: Labis na Kasiyahan

“NAPAKARAMI MO NAMANG pasalubong, Gale!” “Para po sa inyong lahat iyan, Tyang. Huwag na po kayong tumanggi!”“Parang ang saya-saya mo, Ate!” Tumataas-taas pa ang kilay ni Jarren nang balingan siya ng tingin. “Iba rin ang ganda mo ngayon ate. Ayiiieee! Si Ate Sunset kinikilig—”“He!” pabiro niyang nahampas ang pinsan niya dahil sa naging pang-aasar nito. “Bawiin ko kaya iyang mga binigay ko sa ‘yo?”Dumila ito sa kanya. “Kay Kuya Lucian naman ito galing eh. Ikaw magbibigay ng ganito karami? Eh kuripot ka nga!”Lalong naningkit ang mga mata niya dahil sa itinuran nito. Napakagaling talagang mang-asar sa kanya.“Tigilan mo na ang ate mo, Jarren. Alam mo naman na nagdadalaga pa iyan!”“Tyang, naman!” gusto niya na lang na maglumpasay dahil sumali pa ang tiyahin niya sa pangbubuska sa kanya.“Binibiro lang kita ano? Huwag mo ng pahabain iyang nguso mo!”Parehong tinawanan siya ng dalawa kaya lalong nalukot ang mukha niya.“Bakit mo pa pala papupuntahin dito si Lucian? Mukhang kaya na nama
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

CHAPTER 69: Sa Bagong Bahay

“MAGUGUSTUHAN KAYA NILA ang bahay?” kinakabahang tanong ni Sunset sa kanyang asawa.“Sigurado iyon,” nakangiting sagot ni Lucian sa kanya matapos na hawakan ang kamay niya. “Lahat naman ng galing sa ‘yo tatanggapin ng pamilya mo.”“Totoo iyan, Ate!” singit bigla ni Jarren na nasa likuran ng sasakyan. “Lahat tatanggapin namin dahil pinaghirapan mo iyon, Ate. Atsaka, tingnan mo nga ang mga bahay dito pangmayaman! Ang tataas oh!” Pareho silang napangiti ni Lucian dahil sa sinabi ni Jarren.Hindi nila kasama ang Tyang Lorna nila sa sasakyan. Pinili nitong sabayan ang tatay niya na nasa ambulansya ng sasakyan. Kahit may doktor na itong kasama ay gusto pa rin ng tyang na maging alisto sa lahat ng bagay kung ang tatay niya ang pinag-uusapan.“Bakit nga pala tayo lilipat, Ate? Magkaka-baby na ba kayo ni Kuya Lucian kaya kailangan natin ng malaking bahay?”Muntik na maipreno ng asawa niya ang sasakyan dahil sa tahasang pagtatanong ng bata. Tila gusto niya itong kurutin sa singit dahil sa bigl
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

CHAPTER 70: Unang Una

MASAYANG NAKATINGIN SI Sunset sa kanyang pamilya na abala sa pag-aayos ng kanilang agahan. Ang Tyang Lorna niya ang nagpresinta na magluto para sa unang araw nila sa bahay. Maaga itong nag-asikaso dahil papasok pa si Jarren.“Kuha ka na roon ng baso, Jarren. Pati iyong mga kapehan huwag mong kalimutan.”“Oho, Nay!”“Tama nga lang yata na dalawang beses lang natin papuntahin ang helper dito sa bahay,” sabi ni Lucian. “Gustong-gusto ng tyang mo ng nag-aasikaso ano?”Tumango siya. “Diyan kase siya nasanay, Love. Kapag tumagal-tagal, tatanungin ko ulit siya kung gusto niya na kumuha ng kahit dalawang helper na makakatulong sa bahay. Mahahati na kase ang oras niya kapag nag-asikaso siya ng online business na pinasimulan ko para sa kanya.”“Sana, pumayag siya. Masyado na siyang maraming iniisip para idagdag pa ang pag-aasikaso sa bahay. Tutok din siya sa dad mo. Kailangan niya rin ng pahinga.”“Iyan ang pinaplano kong ibigay sa kanya, Love. Pero hindi ko pwedeng biglain ang tyang. Sa ganito
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more
PREV
1
...
456789
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status