All Chapters of The Price of Her Love After Divorce: Chapter 71 - Chapter 80

83 Chapters

CHAPTER 71: Sa Pagpili ng Kasiyahan

“BABAEHAN! HATID-SUNDO na ng jowa ngayon ah!” puna ni Lumi nang matanaw sila ng asawa niya na kabababa lang sa sasakyan. “Kanina ka pa, Friend?” tanong naman ni Sunset sa kanyang kaibigan.“Hindi. Kararating ko pa lang,” sagot nito sa kanya bago pa balingan ang kapatid. “Totoo na ba iyan? Sana lang naman hindi mo na paiiyakin ang kaibigan ko ngayon,” nagdududang sambit ni Lumi kay Lucian.“Tsss…”“At talagang susungitan pa ako! Nakakalimutan mo ba kung sino ako sa buhay ni Sunset?”Bahagyang napailing na lamang siya. Hindi na yata magkakaroon ng katahimikan ang dalawa magsimula nang magkasundo ulit ang magkapatid.“Dati, tinatanong ko ang sarili ko kung magkapatid ba talaga kayo. Ngayon, parang sobra naman akong sinasampal ng katotohanan,” umiiling na komento nito.“Wala lang talaga akong choice ano,” komento naman ni Lumi na inirapan pa ang kapatid.“I have to go,” hindi maipinta ang mukha ni Lucian nang magpaalam sa kanila dahil inaasar pa rin ito ni Lumi.“Ingat ka,” paalala niya
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

CHAPTER 72: Ilalim ng Buwan

NASA SILID LAMANG sila nang gabing iyon habang yakap ni Sunset ang asawa. Dahil full glass ang bintana ng kanilang kwarto kaya tanaw nila ang kalangitan kung saan napakaganda ng pagningning ng buwan kasama ng mga bituin sa paligid nito. Tila ba napaka-romantiko ng gabing iyon kahit ang ginagawa lamang nila ay mahiga sa kama.“Mukhang mapaparami lagi ang pagkain ko kapag masarap ang mga niluluto ng tyang mo,” sabi ni Lucian sa kanya na bahagyang natawa nang maalala kung gaano karami ang nakain kanina. “Dito ako lalaki kapag ganitong pagkain lagi ang kinakain ko.”“Masanay ka na,” natatawang sambit niya. “Tingnan mo nga kahit brokenhearted ako, hindi ako nangangayat.”“Hindi ba foul iyon?” umaangal na tanong ng kanyang asawa.“Natamaan ka ba?” Tumatawa niya ring tanong dito. “Kasalanan mo dahil sadista ka.”“Alam mo ng magbiro ngayon ah,” nakangising puna ni Lucian sa kanya.Bahagya pang dumila si Sunset bilang pang-aasar bago yakapin si Lucian nang tumatawa pa rin. “Naihanda ko na pal
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

CHAPTER 73: Multo ng Nakaraan

HINDI NA NAIHATID ni Sunset ang asawa niya sa airport katulad ng nauna niyang plano dahil tinanghali na siya ng gising matapos na pabaunan pa ng memorya ng asawa niya bago ito lumipad ng bansa. Wala pa siyang plano na tumayo nang araw na iyon dahil wala naman siyang pasok sa kumpanya ngunit hindi ang kapalaran niya ang nagdedisisyon para sa kanya. Tila lumipad ang kaluluwa niya nang makarinig ng malakas na sigawan sa ibaba.“Huwag mong itago ang magaling kong anak sa akin! May karapatan ako sa batang iyan!”“Hinaan mo iyang boses mo, Susan!”“Bakit?!” mas lumakas ang boses ng nanay niya. “Lumipat ka lang sa subdivision natuto ka ng umarte-arte? Sa tingin mo ikinayaman mo na iyan!”“Kapag hindi ka tumigil, makakaalis ka na rito—”“Kumakapal na iyang mukha mo!” galit na turan ng nanay niya. “Baka nakakalimutan mo ang papel sa buhay ni Sunset? Hindi ikaw ang kaano-ano niya! Walang nanalaytay na dugo sa iyo ang anak ko. Matuto kang lumugar, Lorna!!”Nakikinig lamang si Sunset dahil hindi
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

CHAPTER 74: Subukan mo ako

“NGAYON ANG UWI ni Lucian? Susunduin mo sa airport, Gale?” “Opo, Tyang! Sinabihan ko na rin kase ang driver na ako na ang bahala kay Lucian.”“Dito pa ba kayo maghahapunan?”“Hindi ko ho alam, Tyang. Kung sakali man, kahit iyong sa inyo na lang ni Jarren na pagkain ang lutuin niyo.”“Oh sige pala, mag-ingat ka!”“Salamat po!” sabi niya nang buksan pa nito ang gate kung saan ilalabas niya ang sasakyan. Automatic naman iyon pero sadyang ganito siya alagaan ng tyang niya. Gagawa pa ito minsan ng dahilan para gawin ang mga bagay na magpapadali sa kanya.Habang nasa biyahe patungo sa kanyang asawa, heto na naman ang hindi niya maiwasang pagngiti. Ilang araw din silang hindi nagkita ni Lucian kaya ganoon na lamang ang pagiging excited niya. Nang makarating sa airport, kaagad niyang sinabi rito na naghihintay na siya sa labas ngunit wala ng sumagot sa mensahe niya. Tinawagan niya rin ang asawa ngunit out of coverage na ito na labis niyang ipinagtataka.“Sigurado ako na alam niyang pupunta
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

CHAPTER 75: Hindi na Maglilihim

NAG-AALALANG IBINALING NI Sunset ang tingin sa kanyang asawa. Wala pa rin ito sa sariling wisyo dahil sa ipinainom dito ni Eveth. “That girl!” gusto niya itong tirisin nang buhay. Umiinit ang ulo niya dahil sa mga pinaggagawa ng babae.Muli na namang nanumbalik sa kanyang isipan ang naging komprontasyon nila kanina ni Eveth. Kung may isang bagay man siyang ilalarawan dito, iyon na ang pagkabaliw. Tila wala na ito sa sarili at nahihibang na nang labis sa kanyang asawa.Pumasok na sa kanyang isipan kanina na isiwalat sa buong mundo ang totoong ugali ng babae. Ipaalam sa mga tagahangan nito na ito ang totoong ugali ng iniidolo nila. Siguradong masisira ang pangalan nito na magiging dahilan ng pagbagsak nito kapag ginawa ni niya iyon.Ngunit si Lucian ang mahihirapan. Siguradong ito ang sasalo ng mga kristisismo na ibabata sa kanila ng mga tagahanga nitoIsa pa sa dahilan, kahit gustong-gusto niyang ipakulong ang babae. Idiretso ito sa presinsto ngayong may nakuha na siyang ebidensya kan
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

CHAPTER 76: Malalim na Pagkakakilala

MATAGAL PA NA nanatili sina Sunset at Lucian sa loob ng sasakyan. Hinintay nila ang pina-deliver na pagkain na pagsasaluhan dahil walang kahit na sinong katulong sa bahay nila na maaaring magluto ng pagkain. Habang naroon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto. Iyong makakapag-usap sila ng hindi siya tinataasan ni Lucian ng boses nito at kalmado lamang siya sa matagal na oras na magkasama. Wala rin siyang nararamdaman na kahit na anong hinanakit sa asawa. Iyon ang labis na nakapagpapagaan sa loob niya ngayon.Masarap pala sa pakiramdam. Tila napakalaya ng puso niya na gawin ang mga bagay na gusto at pinangarap kasama ang kanyang asawa. Ngayong malaya na siya na gawin ang lahat ng gusto sa harapan nito ay mas nagiging magaan na ang lahat sa kanya na gawin ang nararapat.Nang dumating ang pagkain, saka lamang sila pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala, napahinto sa paglalakad si Sunset dahil sa panunumbalik ng mga alaala
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

CHAPTER 77: Pamilya Robles

“WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” heto na naman ang pagdagundong ng boses ng ama ni Eveth sa kabuuan ng kanilang mansyon.“I don't know what youre talking about, Dad.”“At magsisinungaling ka na rin ngayon!” galit pa ring sambit ng dad niya. “You cannot fool your dad.”“Dahil wala naman akong ginagawa!” mas mataas din na boses niya ang sumagot sa kanyang ama. “Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?” galit na tanong ng dad niya.“Isipin mo na ang mga gusto mong isipin, Dad. Pagod ako—”Pagalit na itinapon ng dad niya ang mga larawan sa center table ng bahay. Doon, tumambad sa kanya ang maraming larawan ng nangyaring kaguluhan sa kanila ni Lucian sa airport. “Magde-deny ka pa rin?” Hindi makatingin si Eveth sa kanyang ama. Hindi niya na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ngayong nabisto nito ang pagsisinungaling niya.“Alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi lang pangalan ko ang masisira, damay ang mama mo at maging ang angkan natin! Hindi ka ba titigil hanggang hindi nalalagay
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

CHAPTER 78: Bilang Isang Magulang

NORMAL NA YATANG nakangiti parati si Sunset kung ang asawa niya ang bubungad sa kanya na katabi niya sa paggising. Kahit na matagal niya na itong nakakasama, hindi niya pa rin maiwasang huwag maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya ngayong ganito siya kalapit kay Lucian.Isiniksik niya pa ang sarili upang makadikit nang husto sa asawa. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Dahil sa paggalaw niyang iyon ay naalimpungatan na tuloy ang asawa niya.“Good morning, Love,” garalgal ang boses na bati ni Lucian sa kanya.“Good morning,” nakangiti niya ring sagot kaagad.Mas niyakap siya nito nang mahigpit bago siya nito halikan sa noo. “Five minutes…” sabi pa nito na naging dahilan ng kanyang pagngiti.Sa pagpikit ng mga mata ni Lucian, malayang napagmasdan ni Sunset ang mukha ng kanyang asawa. Nakikita niya nang malapitan ang mahaba nitong pilikmata na nakadaragdag sa pagiging magandang lalaki nito. Nakikita na rin ang kakarampot na big
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

“HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

“ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more
PREV
1
...
456789
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status