All Chapters of The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]: Chapter 191 - Chapter 200

292 Chapters

Kabanata 192

“Huh…” “My God, Yash, kulang na lang ay lumipad na ako sa walang tigil na pagbubugâ mo ng hangin.Akala ko ba may nangyari na sa inyo? Eh, sa timplada ng mukha mo, parang pasan mo ang mundo!?” Naiimbyerna na tanong sa akin ni Chin habang nakatingin ito sa mukha ko mula sa malaking salamin na nasa harapan namin. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa parlor para sa makeover na nais ko sa aking sarili. Syempre kasama ang bestfriend ko.Kailangan kasi na maganda ako sa paningin ng asawa ko para tuluyan ko ng makuha ang atensyon nito. Pero ang malaking problema ko ay pagkatapos ng nangyari sa amin ay mukhang iniiwasan na ako ng magaling na lalaking ‘yun. “O-Oo, pero bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa akin, ilang araw na kaming hindi nagkikita. Baka sa ibang bahay niya tumuloy ang lalaking ‘yun.” Nakasimangot ang mukha ko habang malungkot na nakatingin sa salamin. Nagtaka ako ng biglang tumawa si Chin na parang akala mo ay kinikiliti. “Nagsesentiment ako dito tapos tatawanan mo
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Kabanata 193

“Hi, good morning.” Tipid na bati ni Yash sa kanyang asawa ng hindi ito nililingon. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa iniinom niyang gatas. “Good morning, kuya.” Magalang na bati naman ni Otep habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang kapatid. Isang simpleng tango ang naging tugon ni Timothy sa magkapatid. Dapat ay masaya si Yash dahil ngayon lang sumabay sa kanila sa pagkain ang kanyang asawa. Ngunit, nang mga sandaling ito at tila wala siya sa kanyang sarili. Nanibago naman si Timothy sa pananahimik ng kanyang asawa. Nawala na kasi ang kakulitan nito at maging ang pilyang ngiti na lagi niyang nakikita sa mga labi nito. Habang humihigop ng mainit na kape ay pasimple niyang sinulyapan ang nakatulalang asawa. Napansin niya ang malaking pagbabago ng itsura nito, mas lalo itong gumanda dahil sa bago niyang hairstyle. “Ehem!” Tikhim n’ya upang agawin ang atensyon nito. Nagtagumpay naman siya na pukawin ang atensyon ni Yash. Ngunit, tila nainis siya ng isang tinatamad
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Kabanata 194

Napatda sa kanyang kinatatayuan si Timothy ng mula sa silid nilang mag-asawa ay lumabas si Yash na naka-corporate attire. Bagay sa kanya ang maluwag na black long sleeve na naka tuck in sa light brown nitong slacks. Habang ang wavy nitong buhok ay nakalugay, at sa noo ay may manipis na bangs. She looks like a model of business woman at the same time ay mukha pa rin siyang teenager. What a nice view? Lumalim ang gatla sa noo ni Timothy ng walang salita na nilampasan siya ng kanyang asawa. Kung umakto ito ay parang wala siya sa paligid. Tulad nito ay nakabihis na rin siya ng pang-opisina, pero ngayong araw ay hindi siya papasok sa kanyang opisina. May mahalaga siyang meeting na dadaluhan kaya iyon ang labis niyang ipinagtataka sa asawa. Bakit nakabihis ito gayung nasa usapan nila na hindi ito papasok sa opisina kapag may meeting siya sa labas. “Where are you going?” Seryosong tanong ni Timothy, hindi pa man sumasagot ang kanyang asawa ay tila nahuhulaan na niya kung ano ang b
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Kabanata 195

“Nagkaroon kasi ng emergency kaya ako muna ang magiging representante ng boss ko.” Narinig kong sagot ng lalaki. Aminado ako na gwapo ang isang ito, parang may kaharap akong isang artista. Curious ako sa lalaking ito, dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Bakit napaka kaswal ng pagkakabigkas ng asawa ko sa pangalan ng lalaking ito? Iyon bang tipo na matagal na nilang kilala ang isa’t-isa. Narinig ko na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Timmy. Habang ako ay isang nagdududa na tingin ang ipinukol sa aking kaharap. “Hi, I’m Jefferson or you can call me Jeff.” Nakangiti nitong pakilala sa akin sabay lahad ng kanang palad nito sa harap ko. Ngumiti ako dito bago tinanggap ang kamay nito. “Yash.” Tipid kong sagot habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Jeff, pilit kong binabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Napansin ko na natigilan siya ng mahigpit kong pigain ang kanyang kamay. Sukat dun ay naging makahulugan ang ngiti nito habang nakikipagt
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Kabanata 196

“Hmmm…” dumadaing sa sakit ng ulo ng magising si Timothy, nagmulat siya ng kanyang mga mata, at nagtataka na inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan. Sumalubong sa kanyang paningin ang puting kisame maging ang puting pader. Sa kanyang kanang bahagi ay ang malapad na glass wall na mula dito ay makikita ang maaliwalas na panahon. Sa ilalim ng mga ulap ay nakalatag ang malacrystal at asul na karagatan.Tila gumaan ang kanyang pakiramdam ng malanghap niya ang sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na salamin na pinto ng balkonahe. Lumalim ang gatla sa kanyang noo, at bumadha ang labis na pagtatakâ sa kanyang mukha. “Where am I?” Naguguluhan niyang tanong. Bumangon siya habang pilit na inaalala ang mga nangyari kung paano ba siya na punta sa lugar na ‘to.NAKARAAN…“Sorry na, huwag ka ng magalit sa akin.” Malambing na sabi ng aking asawa na ngayon ay ka papasok ng library. Bitbit nito ang isang baso ng malamig na juice. Ibinaba niya ito sa harap ko bago umupo
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Kabanata 197

“Kapwa nakatanga sa kisame habang parehong nakahubad at yakap ang isa’t-isa. I can’t believe this, nagawa kong makipagtalik sa asawa ko? I thought, I’m a gay, pero ang nangyari sa aming mag-asawa ay nagpapatunay na hindi talaga ako bakla. But why? Bakit mula noon ay wala akong interest sa mga babae? Bakit sa tuwing hahawakan nila ako ay parang nandidiri ako? Subalit, simula ng makilala ko si Yash ay mas lalo lang akong naguluhan sa pagkatao ko. Then, why am I interested in my fellow man? “Are you okay?” May bahid pag-aalala na tanong sa akin ni Yash, binasag nito ang pananahimik ko. Ang makulit na babaeng ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng linaw ang aking sarili. “Yup, I’m good because of you.” Nakangiti kong sagot bago hinagkan ang kanyang mga labi. Maingat na pumatong sa kanyang ibabaw at muling inangkin ang aking asawa. “Akala ko ba, bakla ka?” Nang-aasar na tanong nito sa akin. “Sa kulit ba naman ng asawa ko kahit sino yata ay bibigay.” Ani ko habang patuloy sa marahan
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Kabanata 198

“Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin habang nakapaskil ang magandang ngiti sa mga labi ko. Wala na si Timothy dahil nauna na itong pumasok sa kanyang opisina. Suot ko ang dark brown na pencil skirt, at tinernuhan ko ito ng white long sleeve na naka tuck in sa aking palda. Mas lalo pa akong tumangkad dahil sa suot kong apricot na pointed shoes na merong tatlong pulgadang taas ng takong. Habang ang aking mga labi ay pinahiran ko ng orange lipstick, dahilan kung bakit mas lalong na enhance ang kaputian ng makinis kong mukha. Nang makuntento sa hitsura ko ay dinampot ko na ang aking shoulder bag at lumabas na ng silid naming mag-asawa. Simula ng umuwi kami galing Isla ay natutulog na kami sa isang kama, kaya ramdam ko ngayon ang buhay may asawa. Hindi tulad noon, gigising ako sa umaga na ako lang mag-isa. Pagdating naman sa gabi ay tanging unan ang aking kayakap. Ramdam ko talaga ang kakulangan ko, akala ko tatanda na lang ako ng hindi naka
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Kabanata 199

“Huh…” “Luh? Ang lalim nun ah? Okay, simulan mo ng mangumpisal.” Natatawa na biro ni Chin sabay inom ng kan’yang lady’s drink. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Pagkatapos kong iwan ang aking asawa ay dito kaagad ako dumiretso. Nag half day lang tuloy sa kanyang trabaho ang kaibigan ko para pakinggan lang ang mga hinaing ko. “Honestly, hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. I know na hindi naman talaga bakla ang asawa ko, pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagdududa. Ganun ba talaga kapag nagmahal ka? Lagi na lang na run ang pag-aalala na baka mamaya bigla siyang mawala sa akin. Huh… ang hirap…”Problemado kong pahayag, bago ko dinampot ang isang baso na may lamang red wine. “Hm, mahirap talagang kalaban ang selos, Best. Magkakaroon ka ng agam-agam sa relasyon n’yo. You know, bakit hindi mo muna ituôn ang atensyon mo sa kung ano ang goal mo sa buhay? Lilipas din ang nararamdaman mo, and when you think na okay ka na then try mong kausapin ang asawa
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Kabanata 200

“Are you sure na okay lang sa asawa mo na ihatid ako?” Naninigurado na tanong sa akin ni Chin. Nginitian ko s’ya upang ipabatid na wala siyang dapat na ipangamba—binuksan ko na ang pinto ng kotse. “Yup, I called him already and it’s fine for him, and besides ito lang naman ang unang pagkakataon na nagpahatid ka sa akin.” Nakangiti kong sagot habang bumababâ ng sasakyan. Ginabi na kasi kami sa paggawa ng plan para sa bagong gusali na itatayo sa loteng nabili ko. Kasama naman namin ang isang engineer na siyang gumawa ng blueprint. Alam ko naman kung gaano ka delikado ang inuuwian ng kaibigan ko. Kaya hindi rin naman ako papayag na pabayaan siyang umuwi na mag-isa. Mula sa kabilang bahagi ng kotse ay bumababâ rin ng sasakyan si Chin. Sa ilang taon na pagtirâ ko sa mansion ng aking asawa ay talagang nani-bago ako sa paligid ko ngayon. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang totoong amoy ng lugar na aking kinalakihan. Maalinsangan at malansa ang amoy ng lugar na ito, pero hindi nam
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Kabanata 201

“Nakatanga sa lapag ng sasakyan habang ang utak ko ay inililipad sa kung saan. Pagkatapos naming mag-usap ng aking ina ay tila nawalan na ng kapayapaan ang utak ko. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala nakahimpil ang sasakyan sa harap ng Mansion. Kung hindi pa ako pinukaw ng aking driver ay hindi yata ako mahimasmasan. “Ma’am, nandito na po tayo.” Magalang nitong sabi. Tahimik na bumaba ako ng kotse, pagdating sa loob ng Mansion ay sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aking asawa. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko habang matiǐm ang tingin ng mga mata nito na wari moy pilit na binabasa kung ano ang laman ng isip ko. “Bakit ngayon ka lang?” Seryoso niyang tanong, tumayo siya at lumapit sa akin. Una kong napansin ay ang paglalapat ng kanyang mga bagâng. Napakahirap ding basahin ng ekspresyon ng kanyang mukha. “Bakit namumugto ang mga mata mo? What happened bakit ka umiyak?” May bahid ng pag-aalala ang tinig nito, mabilis na nagbago ang ekspres
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
30
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status