8:30 ng umaga, araw ng Lunes, nang lumapag ang eroplano na sinasakyan naming mag-asawa sa Manila international airport. Kabâ, takot at matinding pananabik ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan dahil sa matinding nervous. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang aking mga biyenan. Minsan ko naman na silang nakadaupang palad, noong ikinasal ang kapatid ni Winter na si Andrade. Masasabi ko na napakabait naman nilang tao. Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, noon ay isa lang akong simpleng sekretarya ni Winter sa kanilang paningin ngayon ay asawa na ako ng aking boss. Kaya hindi ito isang ordinaryong paghaharap lamang. “Sweetheart, calm down, kanina ka pa hindi mapakali d’yan. You know, mabait ang pamilya ko, kaya hindi mo kailangang matensyon.” Natatawa na wika ni Winter sabay kabig sa akin pasandal sa kanyang dibdib. “Honestly, excited na ako na makita ang mga anak natin, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.” Ani ko sabay ling
Last Updated : 2024-10-09 Read more