Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Chapter 221 - Chapter 230

All Chapters of The Substitute Mrs. Craig: Chapter 221 - Chapter 230

265 Chapters

CHAPTER 55

“HELLO GIRLS,” NAKANGITING BATI NI KEVIN sa kanila nang lapitan sila. Nagkatinginan sina Sophie, Alexa at Sylvia. Halatang ang mga ito ang kinikilig para sa kanila ni Kevin Delgado. Inirapan ni Debbie ang mga ito saka nakasimangot na bumaling kay Kevin.“This is our engagement party at ni hindi man lamang tayo gaanong magkakilala. And yet okay lang saiyo ito?” Sita niya kay Kevin, “Hindi mo man lang ba ito tutulan? Okay lang saiyong gawin nila tayong parang robot?”Nagkibit balikat si Kevin, “If this is what they want, then let them control us. Three months lang naman. Wala namang mawawala. . .”“Hey, kung okay lang saiyong madikit ang mga pangalan natin sa isa’t-isa, sakin ay hindi!” Inis na sabi niya kay Kevin, “Three months? Kahit isang araw lang, hindi ako papayag na ma-engage saiyo.”Idinikit nito ang mukha malapit sa mukha niya na halos magdikit na ang mga iyon. At ewan kung bakit bigla siyang natakot lalo na nang mapatitig sa mga mata nito, “Then bakit nandito ka sa en
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

CHAPTER 56

ISANG LINGGO matapos ang kanilang engagement party ni Kevin ay sapilitan na siyang pinalipat ng kanyang Daddy sa condominium kung saan magsasama sila sa iisang bubong ng binata. “Daddy, ganun-ganun mo na lang ako ipagkakatiwala sa lalaking iyon?” Umiiyak na sabi ni Debbie sa ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa ito ng Daddy niya sa kanya.“Hindi naman kayo magsasama sa iisang kuwarto.” Parang ni hindi man lamang natinag na sabi ni Denver sa kanya.“Hindi kami magsasama sa iisang kuwarto pero pagsasamahin nyo naman kami sa iisang bahay, tama ba itong ginagawa mo, Daddy?” Masama ang loob na tanong niya rito.“Well, may choice ka naman kung susundin mo ito or hindi, di ba?” sagot lang nito sa kanya.“May choice?” Mapakla ang naging tawa niya, “Choice bang matatawag iyon, ha Daddy? Tatanggalan mo ako ng karapatan at itatakwil bilang Craig sa oras na suwayin ko ang kagustuhan ninyo? Nasaan ang justice dito?”“Anak, kilala mo ako. Hindi ako gagawa ng isang bag
last updateLast Updated : 2024-09-01
Read more

CHAPTER 57

"HAH, AT INUUTUSAN MO AKONG MAGLUTO PARA SAIYO? Hoy, wag mong seryohin ang pagsasama nating ito. Hindi kita kaanu-ano para ipagluto kita," gigil sa inis na sabi ni Debbie kay Kevin, "Kaya kung gusto mong kumain, matuto kang magluto!""Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong magluto!""Bakit, ikaw marunong?" Tanong niya sa lalaki."I know how to cook. Kaya lang, gusto ni Tito Denver na matutunan mo ang mga gawaing bahay kaya ayaw nyang maghire tayo ng maid dito."Inirapan niya ito, "Oo, hindi ako marunong magluto at hindi ko obligasyong matuto para lang saiyo. Saka pwede ka namang mag-order kung gusto mong kumain.""Magkakasakit tayo kapag palaging take away ang kakainin natin," sabi nito sa kanya."Pwes, magluto kang mag-isa mo," aniya rito, akmang tatalikuran na niya ito nang bigla na lamang nitong hawakan ang braso niya."Kailangan mong matutong magluto kaya panuorin mo akong magluto ngayon para bukas, alam mo na kung ano ang gagawin mo.""At sino ka para utusan ako?" Angil niya ri
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

CHAPTER 58

IN FAIRNESS, masarap ngang magluto si Kevin, sa loob-loob ni Debbie habang kumakain na sila ng dinner. Actually, wala siyang balak tikman ang luto nito ngunit pinagsabihan siya ni Kevin na kailangang matikman niya ang lasa niyon para bukas, iyon ang eksaktong lasa na kailangan niyang gayahin. Hindi na lamang siya nakipagtalo pa sa takot na ulitin na naman nito ang ginawa sa kanya kanina.Habang kumakain ay palihim niyang tinitingnan si Kevin. Totoo naman ang sabi ng mga pinsan niya, talaga namang guwapo ito at bulag na lamang ang hindi ma-attract sa gandang lalaki nito. At ang mga labi nito, kissable namang talaga. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang marealize kung ano ang kanyang ginagawa.Hah, nang dahil lang sa isang halik, biglang magbabago ang pagtingin niya sa kumag na ito? No way. I will never fall in love with this man lalo pa at alam naman niya kung gaano ito katinik sa mga babae. Pihadong napakarami na nitong babaeng sinaktan.Umayos siya ng upo. Bakit ba siya nak
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

CHAPTER 59

NATATARANTANG napalabas ng kuwarto si Kevin nang marinig ang malakas na tili ni Debbie. Ngunit mas lalo namang lumakas ang tili ni Debbie nang makita siya.Saka niya narealize na naka-brief lamang siya."What happened?" Nagtatakang tanong niya rito.Tumalikod ito, halatang naasiwa sa ayos niya."N-napaso ako ng kawali. Hindi ko alam na mainit pa pala. . .""Damn!" aniyang kaagad na kinuha ang kamay nito, "Alin dito?""I-iyong kanan b-but I can manage. . ." Tila natatarantang sabi ni Debbie sa kanya, "Pwede bang magbihis ka muna?"Pero parang wala siyang narinig. Kaagad niyang nilapatan ng first aid ang kamay nitong napaso, "Next time kasi mag-iingat ka. Alam mo namang ginamit ko iyong kawali sa pagluluto, natural mainit pa iyon!" Hindi tiyak ni Debbie kung nag-aalala ba ito na napaso siya or gusto lang nitong ipagdiinan na 'tatanga-tanga siya'. Iyon kasi ang lumabas sa tono ng pagsasalita nito habang nilalapatan siya ng first aid. Ngunit hindi na siya nagsalita pa lalo pa at na
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 60

NANG MAGISING SI DEBBIE kinabukasan ay wala na si Kevin ngunit may niluto itong breakfast para sa kanya. Nag-iwan pa ng isang mahabang note: Tomorrow, kinakailangan mong gumising nang maaga dahil ikaw ang magpe-prepare ng breakfast natin. And by the way, ikaw rin ang nakatoka sa dinner ngayon kaya pagbutihan mo! At wag kang mag-excuse dahil alam kong semestral break nyo ngayon kaya marami kang oras para matutong magluto, okay? At nga pala, bakit ba neurosurgeon ang naisipan mong kuning karera? Hindi ka ba nagsasawang mag-aral ng ganyan katagal? Hindi na ako magtataka kung tumanda ka ngang dalaga gaya ng sinasabi ng mga pinsan mo. Anyway, it's none of my business. Natanong ko lang. After three months, you go your way, I'll go mine. But for the meantime, kailangan mong matutong magluto dahil maselan ako sa mga kinakain ko, okay?Bagamat naiinis ay medyo natawa siya sa note nito. At nagkataon lang bang paborito niya ang niluto nitong almusal ngayon? Pero sino ang nag-aalmusal
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 61

NAGULAT si Debbie nang pagbukas ng pinto ay ang stylist ng Mommy niya ang nanduon. "What are you doing here?""Pinabibihisan at pinaayusan ka sa akin ng Daddy mo. Sa labas raw kayo magdidinner ng fiance mo," nakangiting sabi ni Aira sa kanya. Si Aira ay matanda lang ng apat na taon sa kanya. Maganda, sexy at sikat dahil mga celebrities ang clients nito."Fiance mong mukha mo," nakasimangot na sagot niya rito. Hindi na iba sa kanya si Debbie dahil may five years na rin naman sila nitong kliyente kaya kaibigan na ang turing niya rito. "Pati ba naman yan si Daddy rin ang nagdedesisyon?" inis na sabi niya ngunit nang maisip na at least ay hindi siya magluluto ngayon gaya ng napag-usapan nila ni Kevin ay hindi na siya nagprotesta pa."Uy, wag ka ng choosy. Sa yaman at kaguwapuhan ni Kevin Delgado, nagrereklamo ka pa? Kaya nga pinadalhan ka ng mga magagada at mamahaling damit at shoes ng Daddy mo para very presentable ka raw everytime na lalabas kayo ni Kevin. Dami naman kasing girl
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 62

IN FAIRNESS, inalalayan siya ni Kevin sa paglabas ng kotse pati na rin sa paupo sa table na naka-reserve para sa kanila. Or ideya rin ba ito ng Daddy niya kaya napaka-gentleman nito sa kanya? At aminin man niya or hindi, makatawag sila ng pansin gaya nga ng sabi ni Aira, they look good together dahil maganda siya at guwapo si Kevin. Tiyak raw na ang gaganda ng magiging lahi nilang dalawa. Pero hindi pa rin niya gusto ang ideya na kinokontrol ng Daddy niya ang buhay niya.Bakit ba hindi na lamang nito hayaang hanapin niya ang kanyang sarili? Bakit kailangang mangyari pa ang ganito?Um-order sila nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang kaibigan niyang si Jingle, papalapit sa kinaroroonan niya. Si Jingle ay kaklase niya since elementary hanggang high school. Nagkahiwalay lang sila nang mag-college na sila dahil hindi nito nakapasa sa entrace exam sa prestigious university na pinapasukan niya ngayon. Isa ito sa maituturing niyang pinaka
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 63

"HABANG TUMATAGAL, MAS lalo mo lang kinukumpirma kung gaano ka kabastos at kayabang!" Naiiritang sabi ni Debbie kay Kevin.Parang hindi man lang nito ininda ang sinabi niya, bagkus ay ipinagkibit balikat lamang nito iyon na waring tuwang-tuwang makitang naiinis siya. Talagang desisdido na siyang ipagmatch sina Kevin at Jingle. Tiyak niyang magkakasundo ang dalawang ito at kapag nagkataon, baka hindi matapos ang tatlong buwan ay kusa ng bibitaw si Kevin sa tatlong buwan na usapan.Nang dumating ang pagkaing in-order nila ay tahimik lang siya habang nag-iisip ng malalim. Hindi tuloy niya napapansing manaka-nakang tinititigan siya ni Kevin.Ewan ni Kevin kung bakit hindi mapuknat ang pagkakatitig niya kay Debbie. Ayaw man niyang aminin ay gandang-ganda siya rito. Kaya naman pinamulahan siya ng mukha nang mahuli siya nito, mabilis siyang uminom ng tubig at inilihis sa iba ang tingin.Actually, natutuwa siyang makitang naiinis si Debbie. There's something in her na hindi niya maipali
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 64

“DAD. NAGMAMAHALAN na kami ni Kevin at narealize ko ng babae ako. Hindi ba masamang ideya na magsama kami sa isang bubong since. . .since lalaki sya at babae ako?” Sabi ni Debbie sa ama nang hilahin niya ito sa library para kausapin, “N-nakita nyo naman kung gaano kami ka-sweet sa isa’t-isa. Masyado na kaming nagiging intimate at natatakot akong baka hindi na kami makapagpigil at may mangyari sa amin kapag. . .”Tiningnan siya ng ama na parang sinasabi nito sa kanya na; Really? Sa palagay mo mapapaniwala mo ako ng akting mong yan, ha Debbie? Try harder!”Natahimik siya. Nagdadabog na nagsalita siya, “Dad naman eh. Bakit kailangan mo kaming piloting mainlab sa isa’t-isa!” Inis na sabi niya sa ama, “Hindi mo ba nakikitang hirap na hirap na akong pakisamahan ang lalaking iyon?”“As far as I know, nakakabuti saiyo ang pagsasama ninyo. See, medyo marunong ka ng magluto. Natututo ka na rin ng mga gawaing bahay at. . .”“At ano Dad? Nagbibihis babae na ako? Paano kung sabihin ko sa
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
27
DMCA.com Protection Status