ISANG LINGGO matapos ang kanilang engagement party ni Kevin ay sapilitan na siyang pinalipat ng kanyang Daddy sa condominium kung saan magsasama sila sa iisang bubong ng binata. “Daddy, ganun-ganun mo na lang ako ipagkakatiwala sa lalaking iyon?” Umiiyak na sabi ni Debbie sa ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa ito ng Daddy niya sa kanya.“Hindi naman kayo magsasama sa iisang kuwarto.” Parang ni hindi man lamang natinag na sabi ni Denver sa kanya.“Hindi kami magsasama sa iisang kuwarto pero pagsasamahin nyo naman kami sa iisang bahay, tama ba itong ginagawa mo, Daddy?” Masama ang loob na tanong niya rito.“Well, may choice ka naman kung susundin mo ito or hindi, di ba?” sagot lang nito sa kanya.“May choice?” Mapakla ang naging tawa niya, “Choice bang matatawag iyon, ha Daddy? Tatanggalan mo ako ng karapatan at itatakwil bilang Craig sa oras na suwayin ko ang kagustuhan ninyo? Nasaan ang justice dito?”“Anak, kilala mo ako. Hindi ako gagawa ng isang bag
"HAH, AT INUUTUSAN MO AKONG MAGLUTO PARA SAIYO? Hoy, wag mong seryohin ang pagsasama nating ito. Hindi kita kaanu-ano para ipagluto kita," gigil sa inis na sabi ni Debbie kay Kevin, "Kaya kung gusto mong kumain, matuto kang magluto!""Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong magluto!""Bakit, ikaw marunong?" Tanong niya sa lalaki."I know how to cook. Kaya lang, gusto ni Tito Denver na matutunan mo ang mga gawaing bahay kaya ayaw nyang maghire tayo ng maid dito."Inirapan niya ito, "Oo, hindi ako marunong magluto at hindi ko obligasyong matuto para lang saiyo. Saka pwede ka namang mag-order kung gusto mong kumain.""Magkakasakit tayo kapag palaging take away ang kakainin natin," sabi nito sa kanya."Pwes, magluto kang mag-isa mo," aniya rito, akmang tatalikuran na niya ito nang bigla na lamang nitong hawakan ang braso niya."Kailangan mong matutong magluto kaya panuorin mo akong magluto ngayon para bukas, alam mo na kung ano ang gagawin mo.""At sino ka para utusan ako?" Angil niya ri
IN FAIRNESS, masarap ngang magluto si Kevin, sa loob-loob ni Debbie habang kumakain na sila ng dinner. Actually, wala siyang balak tikman ang luto nito ngunit pinagsabihan siya ni Kevin na kailangang matikman niya ang lasa niyon para bukas, iyon ang eksaktong lasa na kailangan niyang gayahin. Hindi na lamang siya nakipagtalo pa sa takot na ulitin na naman nito ang ginawa sa kanya kanina.Habang kumakain ay palihim niyang tinitingnan si Kevin. Totoo naman ang sabi ng mga pinsan niya, talaga namang guwapo ito at bulag na lamang ang hindi ma-attract sa gandang lalaki nito. At ang mga labi nito, kissable namang talaga. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang marealize kung ano ang kanyang ginagawa.Hah, nang dahil lang sa isang halik, biglang magbabago ang pagtingin niya sa kumag na ito? No way. I will never fall in love with this man lalo pa at alam naman niya kung gaano ito katinik sa mga babae. Pihadong napakarami na nitong babaeng sinaktan.Umayos siya ng upo. Bakit ba siya nak
NATATARANTANG napalabas ng kuwarto si Kevin nang marinig ang malakas na tili ni Debbie. Ngunit mas lalo namang lumakas ang tili ni Debbie nang makita siya.Saka niya narealize na naka-brief lamang siya."What happened?" Nagtatakang tanong niya rito.Tumalikod ito, halatang naasiwa sa ayos niya."N-napaso ako ng kawali. Hindi ko alam na mainit pa pala. . .""Damn!" aniyang kaagad na kinuha ang kamay nito, "Alin dito?""I-iyong kanan b-but I can manage. . ." Tila natatarantang sabi ni Debbie sa kanya, "Pwede bang magbihis ka muna?"Pero parang wala siyang narinig. Kaagad niyang nilapatan ng first aid ang kamay nitong napaso, "Next time kasi mag-iingat ka. Alam mo namang ginamit ko iyong kawali sa pagluluto, natural mainit pa iyon!" Hindi tiyak ni Debbie kung nag-aalala ba ito na napaso siya or gusto lang nitong ipagdiinan na 'tatanga-tanga siya'. Iyon kasi ang lumabas sa tono ng pagsasalita nito habang nilalapatan siya ng first aid. Ngunit hindi na siya nagsalita pa lalo pa at na
NANG MAGISING SI DEBBIE kinabukasan ay wala na si Kevin ngunit may niluto itong breakfast para sa kanya. Nag-iwan pa ng isang mahabang note: Tomorrow, kinakailangan mong gumising nang maaga dahil ikaw ang magpe-prepare ng breakfast natin. And by the way, ikaw rin ang nakatoka sa dinner ngayon kaya pagbutihan mo! At wag kang mag-excuse dahil alam kong semestral break nyo ngayon kaya marami kang oras para matutong magluto, okay? At nga pala, bakit ba neurosurgeon ang naisipan mong kuning karera? Hindi ka ba nagsasawang mag-aral ng ganyan katagal? Hindi na ako magtataka kung tumanda ka ngang dalaga gaya ng sinasabi ng mga pinsan mo. Anyway, it's none of my business. Natanong ko lang. After three months, you go your way, I'll go mine. But for the meantime, kailangan mong matutong magluto dahil maselan ako sa mga kinakain ko, okay?Bagamat naiinis ay medyo natawa siya sa note nito. At nagkataon lang bang paborito niya ang niluto nitong almusal ngayon? Pero sino ang nag-aalmusal
NAGULAT si Debbie nang pagbukas ng pinto ay ang stylist ng Mommy niya ang nanduon. "What are you doing here?""Pinabibihisan at pinaayusan ka sa akin ng Daddy mo. Sa labas raw kayo magdidinner ng fiance mo," nakangiting sabi ni Aira sa kanya. Si Aira ay matanda lang ng apat na taon sa kanya. Maganda, sexy at sikat dahil mga celebrities ang clients nito."Fiance mong mukha mo," nakasimangot na sagot niya rito. Hindi na iba sa kanya si Debbie dahil may five years na rin naman sila nitong kliyente kaya kaibigan na ang turing niya rito. "Pati ba naman yan si Daddy rin ang nagdedesisyon?" inis na sabi niya ngunit nang maisip na at least ay hindi siya magluluto ngayon gaya ng napag-usapan nila ni Kevin ay hindi na siya nagprotesta pa."Uy, wag ka ng choosy. Sa yaman at kaguwapuhan ni Kevin Delgado, nagrereklamo ka pa? Kaya nga pinadalhan ka ng mga magagada at mamahaling damit at shoes ng Daddy mo para very presentable ka raw everytime na lalabas kayo ni Kevin. Dami naman kasing girl
IN FAIRNESS, inalalayan siya ni Kevin sa paglabas ng kotse pati na rin sa paupo sa table na naka-reserve para sa kanila. Or ideya rin ba ito ng Daddy niya kaya napaka-gentleman nito sa kanya? At aminin man niya or hindi, makatawag sila ng pansin gaya nga ng sabi ni Aira, they look good together dahil maganda siya at guwapo si Kevin. Tiyak raw na ang gaganda ng magiging lahi nilang dalawa. Pero hindi pa rin niya gusto ang ideya na kinokontrol ng Daddy niya ang buhay niya.Bakit ba hindi na lamang nito hayaang hanapin niya ang kanyang sarili? Bakit kailangang mangyari pa ang ganito?Um-order sila nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang kaibigan niyang si Jingle, papalapit sa kinaroroonan niya. Si Jingle ay kaklase niya since elementary hanggang high school. Nagkahiwalay lang sila nang mag-college na sila dahil hindi nito nakapasa sa entrace exam sa prestigious university na pinapasukan niya ngayon. Isa ito sa maituturing niyang pinaka
"HABANG TUMATAGAL, MAS lalo mo lang kinukumpirma kung gaano ka kabastos at kayabang!" Naiiritang sabi ni Debbie kay Kevin.Parang hindi man lang nito ininda ang sinabi niya, bagkus ay ipinagkibit balikat lamang nito iyon na waring tuwang-tuwang makitang naiinis siya. Talagang desisdido na siyang ipagmatch sina Kevin at Jingle. Tiyak niyang magkakasundo ang dalawang ito at kapag nagkataon, baka hindi matapos ang tatlong buwan ay kusa ng bibitaw si Kevin sa tatlong buwan na usapan.Nang dumating ang pagkaing in-order nila ay tahimik lang siya habang nag-iisip ng malalim. Hindi tuloy niya napapansing manaka-nakang tinititigan siya ni Kevin.Ewan ni Kevin kung bakit hindi mapuknat ang pagkakatitig niya kay Debbie. Ayaw man niyang aminin ay gandang-ganda siya rito. Kaya naman pinamulahan siya ng mukha nang mahuli siya nito, mabilis siyang uminom ng tubig at inilihis sa iba ang tingin.Actually, natutuwa siyang makitang naiinis si Debbie. There's something in her na hindi niya maipali
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na