NAGULAT si Debbie nang pagbukas ng pinto ay ang stylist ng Mommy niya ang nanduon. "What are you doing here?""Pinabibihisan at pinaayusan ka sa akin ng Daddy mo. Sa labas raw kayo magdidinner ng fiance mo," nakangiting sabi ni Aira sa kanya. Si Aira ay matanda lang ng apat na taon sa kanya. Maganda, sexy at sikat dahil mga celebrities ang clients nito."Fiance mong mukha mo," nakasimangot na sagot niya rito. Hindi na iba sa kanya si Debbie dahil may five years na rin naman sila nitong kliyente kaya kaibigan na ang turing niya rito. "Pati ba naman yan si Daddy rin ang nagdedesisyon?" inis na sabi niya ngunit nang maisip na at least ay hindi siya magluluto ngayon gaya ng napag-usapan nila ni Kevin ay hindi na siya nagprotesta pa."Uy, wag ka ng choosy. Sa yaman at kaguwapuhan ni Kevin Delgado, nagrereklamo ka pa? Kaya nga pinadalhan ka ng mga magagada at mamahaling damit at shoes ng Daddy mo para very presentable ka raw everytime na lalabas kayo ni Kevin. Dami naman kasing girl
IN FAIRNESS, inalalayan siya ni Kevin sa paglabas ng kotse pati na rin sa paupo sa table na naka-reserve para sa kanila. Or ideya rin ba ito ng Daddy niya kaya napaka-gentleman nito sa kanya? At aminin man niya or hindi, makatawag sila ng pansin gaya nga ng sabi ni Aira, they look good together dahil maganda siya at guwapo si Kevin. Tiyak raw na ang gaganda ng magiging lahi nilang dalawa. Pero hindi pa rin niya gusto ang ideya na kinokontrol ng Daddy niya ang buhay niya.Bakit ba hindi na lamang nito hayaang hanapin niya ang kanyang sarili? Bakit kailangang mangyari pa ang ganito?Um-order sila nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang kaibigan niyang si Jingle, papalapit sa kinaroroonan niya. Si Jingle ay kaklase niya since elementary hanggang high school. Nagkahiwalay lang sila nang mag-college na sila dahil hindi nito nakapasa sa entrace exam sa prestigious university na pinapasukan niya ngayon. Isa ito sa maituturing niyang pinaka
"HABANG TUMATAGAL, MAS lalo mo lang kinukumpirma kung gaano ka kabastos at kayabang!" Naiiritang sabi ni Debbie kay Kevin.Parang hindi man lang nito ininda ang sinabi niya, bagkus ay ipinagkibit balikat lamang nito iyon na waring tuwang-tuwang makitang naiinis siya. Talagang desisdido na siyang ipagmatch sina Kevin at Jingle. Tiyak niyang magkakasundo ang dalawang ito at kapag nagkataon, baka hindi matapos ang tatlong buwan ay kusa ng bibitaw si Kevin sa tatlong buwan na usapan.Nang dumating ang pagkaing in-order nila ay tahimik lang siya habang nag-iisip ng malalim. Hindi tuloy niya napapansing manaka-nakang tinititigan siya ni Kevin.Ewan ni Kevin kung bakit hindi mapuknat ang pagkakatitig niya kay Debbie. Ayaw man niyang aminin ay gandang-ganda siya rito. Kaya naman pinamulahan siya ng mukha nang mahuli siya nito, mabilis siyang uminom ng tubig at inilihis sa iba ang tingin.Actually, natutuwa siyang makitang naiinis si Debbie. There's something in her na hindi niya maipali
“DAD. NAGMAMAHALAN na kami ni Kevin at narealize ko ng babae ako. Hindi ba masamang ideya na magsama kami sa isang bubong since. . .since lalaki sya at babae ako?” Sabi ni Debbie sa ama nang hilahin niya ito sa library para kausapin, “N-nakita nyo naman kung gaano kami ka-sweet sa isa’t-isa. Masyado na kaming nagiging intimate at natatakot akong baka hindi na kami makapagpigil at may mangyari sa amin kapag. . .”Tiningnan siya ng ama na parang sinasabi nito sa kanya na; Really? Sa palagay mo mapapaniwala mo ako ng akting mong yan, ha Debbie? Try harder!”Natahimik siya. Nagdadabog na nagsalita siya, “Dad naman eh. Bakit kailangan mo kaming piloting mainlab sa isa’t-isa!” Inis na sabi niya sa ama, “Hindi mo ba nakikitang hirap na hirap na akong pakisamahan ang lalaking iyon?”“As far as I know, nakakabuti saiyo ang pagsasama ninyo. See, medyo marunong ka ng magluto. Natututo ka na rin ng mga gawaing bahay at. . .”“At ano Dad? Nagbibihis babae na ako? Paano kung sabihin ko sa
INABUTAN NI KEVIN NG BEER SI DEBBIE nang makarating sila sa kanilang unit. Kaagad na binuksan iyon ni Debbie at tinungga saka pasalampak na naupo sa sofa, “So palpak ang plano natin. Anong next step?”“Hintayin na lang natin ang three months,” sagot ni Kevin, naupo ito sa tabi niya, “I guess wala na tayong magagawa pa.”“Three months,” napangisi si Debbie, “Hah, bakit parang ang bagal ng takbo ng mga araw ngayon?”“Because you keep on counting. Wala na tayong magagawa pa kundi pagtiyagaan ang isa’t-isa, Debbie. At habang ginagawa natin iyon, we might as enjoy the ride. Bukas sumama ka sa akin. I’ll be doing plein air.”“Plein air? What is it?” Interesadong tanong ni Debbie kay Kevin.“Pumupunta ako sa mga interesting place then capture the moment by painting it,” paliwanag nito sa kanya, “Tomorrow, I’ll be in Mindoro. Gusto mong sumama sakin?”“Hmm, why not.”“Good.” Nakangiting sabi ni Kevin sa kanya, “Gumising ka ng maaga. By five, aalis na tayo dito, okay? Magdala ka na rin
“OH WOW, I LOVE THIS PLACE!” Buong paghangang turan ni Debbie nang makita ang kanilang resort, “I’m sure ang dami mo ng babaeng dinala dito?” Aniya nang lingunin si Kevin.“Ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? Isang womanizer?” Matiim na tanong nito sa kanya.Nagkibit siya ng balikat, “Almost every week iba’t-ibang babae ang kasama mo, madalas tinatag ka nila sa IG kaya nakikita ko.”“At ina-assume mo na kaagad na karelasyon ko sila?” Tanong nito sa kanya.“Well, ano pa bang iisipin ko? Or kung hindi ka serious, baka mga flings mo sila, hindi ba?”aniya dito. In fairness ay napakaguwapo talaga ni Kevin kaya hindi naman niya masisisi ang mga kababaihan na ma-fall in love dito.“Let’s put it this way, yeah I do appreciate women in all forms. And I must admit, lapitin ako ng tukso. Pero never akong nangako sa isang babae ng hindi ko kayang ibigay. Sa umpisa pa lang, malinaw naman sa mga nakarelasyon ko na hindi ako for long term. And I don’t do love.”“Which is crazy dahil
“OH MY GOD! I can’t believe my taste bud! This is so delicious” hindi mapigilan ni Debbie ang labis na paghanga habang kumakain, “Pwedeng ilaban! I think this is one of the best paellas na natikman ko at hindi ako exaggerated ha!”“I’m glad you like it,” masayang sabi ni Kevin, automatikong kumuha siya ng paper towel at ipinunas sa labi nitong nabahiran ng sauce. Bahagyang natigilan si Debbie at napatitig sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may kupido na pumana sa puso niya ng mga sandalling iyon. Actually, nakapagpataranta sa kanya iyon. Ang daming first time na ngayon lamang niya nararamdaman sa babaeng ito. Kaagad siyang lumihis ng tingin dito pero hindi na mapakali sa pagregudon ang dibdib niya. Shit, what the hell is happening to me? Daing niya habang pinagtatakhan kung ano itong nangyayari sa kanya.Napakurap-kurap si Debbie. Hindi niya maipaliwanag kung anong eksaktong naramdaman niya sa ginawang iyon ni Kevin. But definitely, nagustuhan niya iyon. Feelin
“HINDI MO NAMAN SIYA TYPE, hindi ba? So bigyan mo na lang ako ng chance na magkakilala kaming mabuti?” Request ni Jingle kay Debbie nang sundan siya nito sa loob ng restroom.“Bakit hindi si Kevin ang tanungin mo kung. . .kung okay lang sa kanya na. . .magkakilala kayong mabuti,” aniya sa dalaga kahit ang totoo, may maliit na boses sa pinakatagong bahagi ng dibdib niya ang nais na magprotesta.Pumunta silang dalawa dito ni Kevin na wala silang ibang kasama, bakit ngayon ay heto at pilit na isinisingit ni Jingle ang sarili?“Mukhang type rin naman ako ni Kevin,” very confident na sabi ni Jingle sa kanya, “Nakita mo naming halos lumuwa na ang mga mata niya sa kaseksihan ko. Siguro nahihiya lang siyang magsolo kami kasi nga kayo ang magkasama. But since ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo naman siya gusto, so hayaan mo na lang na maging close kami.”“I said siya ang tanungin mo!” Tila nakukulitan nang sabi niya kay Jingle. Nagulat ito dahil napasigaw siya.“N-nagseselos ka ba?” halos
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na