NATAHIMIK SI DEBBIE. Bakit kaninang nilalapitan siya ng first aid ni Kevin, tila kakaiba ang hatid na idinulot niyon sa kanya? And shit, kahit ginawa lamang iyon ni Kevin para sagipin siya, ito pa rin ang unang nakahalik sa kanya.Technically, Kevin is her first kiss. Parang may gumapang na kuryente sa kanyang buong katawan. Nawe-wirduhan siya sa mga naiisip niya ngayon at mga kaganapang ito sa feelings niya.Bigla ay napatanong siya sa kanyang sarili. Posible rin kayang ma-fall in love siya sa lalaking ito gaya ng gusting mangyari ng Daddy niya at Lolo nito? Crazy! Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa kanyang identity. Siguro kapag malinaw na sa kanya kung ano nga bang talaga ang gusto niya, baka sakali.Natigilan siya. Bakit parang ngayon ay binibigyan na niya ng chance ang mga possibilities na iyon samantalang dati, talagang tiyak na tiyak niyang hindi siya mapapaibig ng lalaking ito. Bakit ngayon, mukhang hindi na siya ganuon kasigurado?“Debbie, may masakit ba
PINAGTATAKHAN NI DEBBIE na bigla na lamang nainis sa kanya si Kevin nang sabihin niyang nakita niya ito with Jingle. Totoo namang may ginagawang kung ano ang dalawa, bakit kailangan pa nitong ideny sa kanya? Bumalik na siya sa kanyang kuwarto at hindi na nag-usisa pa. Ngunit hindi siya dalawin ng anak. Mag-uumaga na nang makatulog siya kung kaya’t tinanghali na rin siya ng gising.Nagbihis lang siya saka lumabas na ng kuwarto. Nawala ang ganda ng umaga niya nang makitang magkasabay na kumakain sina Jingle at Kevin. Inabutan pa nga niyang parang kinikiliti si Jingle sa katatawa. Nagdadalawang isip tuloy siya kung lalapitan ba niya ang mga ito or hindi. Pero nakita siya ni Kevin at pinalapit siya nito. Hinila pa nga ang isang silya para maupo siya.“Hindi na kita pinagising para mag-lunch at alam kong napuyat ka,” anang lalaki sa kanya, “What do you want for lunch? Masarap iyong mga dalang isda ni Mang Ronaldo, ipinasigang ko iyong iba, then iyong iba, pinaihaw ko. Gusto mo?”
NATAPOS ANG ISANG LINGGO nilang bakasyon ni Kevin sa Puerto Galera, habang pauwi ay tahimik na tahimik si Debbie sa mga realization niya. Dito mas nakilala niya nang husto ang ibang side ni Kevin. And in fairness, gusto niya ang pagkataong iyon ng binata. Kabaligtaran sa image na pino-project nito.Bigla tuloy ay naalala niya ang kwento ng Lolo Teodoro nito tungkol kay Kevin. Nuong bata pa raw ito, napakaiyakin nito kaya madalas ay sa kwarto ito ng matanda natutulog. Hindi raw masasabi ni Don Teodoro kung masaya ang nagging Kabataan nito, palibhasa ay ilang taon pa lamang si Kevin nang maghiwalay ang mga magulang nito at sumama sa ibang lalaki ang ina nito.Naisip tuloy niya na baka iyon ang dahilan kaya hindi na ito naniniwala sa pag-ibig ngayon. Sabagay, sino ba namang hindi magkakatrauma kung palaging tragic ang experience ng mga Delgado sa mga babaeng minamahal ng mga ito?Ang sabi ng Daddy niya, sumama rin daw sa ibang lalaki ang asawa ni Don Teodoro. Hindi na ito nag-asaw
GAYA NG INAASAHAN, lasing si Kevin nang umuwi sa bahay. Nagngingitngit ang kalooban ni Debbie habang naalala ang babaeng kaharutan nito sa birthday party. Hindi tuloy niya napigilang sitahin ito.“Kumusta iyong babaeng kalandian mo sa party? At huwag kang magdeny, nanduon rin si Sophie sa birthday at. . .”“At nagsumbong siya saiyo?” Tanong nito.Namula ang mga pisngi niya. Napangisi si Kevin. Lumapit ito sa kanya at kinorner siya, “Bakit, naiinis ka? Sabihin mo nga sa akin, may Karapatan ka bang magalit kung sakaling may kasama nga akong babae?” Matiim na tanong nito sa kanya.Napalunok siya, “S-syempre wala,” halos paanas lamang na sagot niya dito. “Wala naman pala, bakit kung umasta ka ngayon parang tayo talaga? Hindi ba pareho lang naman tayong napipilitan sa sitwasyong ito? So you go your own way, I’ll go mine. Walang pakialaman.” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong pumasok sa kuwarto nito.Natigilan siya habang napapaisip. Oo nga naman. Tama naman talaga si Kevin.
NAPAKURAP-KURAP SI DEBBIE nang magising ng umaga at makita si Kevin na natutulog sa gilid ng kanyang kama. Binantayan siya nito magdamag? May kung anong nagtulak sa kanya para hagurin ang ulo nito habang titig na titig dito. Alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman para kay Kevin. Kung kailan nag-umpisa ito, hindi niya alam. Ang tanging alam lang niya ngayon ay nahuhulog na ang damdamin niya rito. For the first time, natiyak niyang she is capable of falling in love; sa opposite sex at hind isa kauri niya. Hindi siya tomboy.Babae siya. Babaeng-babae. Ngunit natatakot siya lalo pa at tahasan ng sinabi sa kanya ni Kevin sa umpisa pa lamang na hindi ito naniniwala sa salitang pag-ibig. Nagising si Kevin at nakita nito ang ginagawa niyang paghaplos sa ulo nito. Natigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin nang magtama ang kanilang mga mata.Habang si Kevin naman ay napakunot ang nuo nang makita niyang hinahagod ni Debbie ang buhok niya. Para siyang napapa
“NANG iniwan nya kami nuon at sumama sya sa tatay mo, pinatay ko na sya sa utak ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi ni Kevin kay Anthony, “Kaya wala ng bago kung. . .kung mamatay man sya!”Nagdilim ang mukha ni Anthony, “Ganyan ba kalaki ang galit mo kay Mommy at kahit ngayon lang, hind imo sya mapagbigyan?”“Ano sa palagay mo?”“Sana lang, hindi pagsisihan balang araw ang katigasan ng puso mo d-dahil kung makikita mo lang sya ngayon, wala siyang ibang bukambibig kundi ang pangalan mo,” tila maiiyak na sabi ni Anthony sa kanya, “At napakasakit para saking makita na sa kabila ng paghihirap na nararamdaman nya, ikaw ang gusto nyang makita pero anong ginagawa mo?”Hindi siya nagsalita sa halip ay padarag na lumabas siya ng opisina ng kanyang lolo at dumiretso sa parking lot kung saan naroroon ang kanyang sasakyan. Nang makasakay sa kotse ay pinagpapalayo niya ang manibela duon para pakawalan ang lahat ng bigat ng dibdib na nararamdaman niya.Hindi niya namalayang unti-unti na palang p
“YOU HAVE TO RECONCILE WITH YOUR PAST para makapagmove forward ka,” sabi ni Debbie kay Kevin habang umiinom sila ng beer. Nakapwesto na sila ngayon sa kusina, “Ibig sabihin, simula nang umalis ang Mommy mo, never mo na siyang kinausap?”Umiling si Kevin, “What’s the point?”tanong nito sa kanya, huminga ito ng malalim at ini-straight ang hawak na lata ng beer saka muling tumingin sa kanya, “Lumayas siya sa panindigan nya.”“N-nanay mo pa rin sya pagbali-baliktarin man ang. . .”“Iyon na nga ang masakit. Anak nya ako pero nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa iba!” Giit nito sa kanya.Hindi na siya nakipagtalo pa. Hindi rin naman kasi niya pwedeng iinvalidate ang nararamdaman ni Kevin lalo pa at limang taon pa lamang ito nang iniwan ito ng ina nito at sumama ito sa ibang lalaki. Pagkatapos ay ilang taon lang, namatay naman sa aksidente ang Daddy nito. “K-kaya simula nun, h-hindi ka na naniniwala sa love?” Halos paanas lamang na tanong niya kay Kevin.Hindi siya nito sinagot.“Kev
“TIGILAN NA NATIN itong kasunduang ito, lolo,” sabi ni Kevin sa kanyang abuelo nang puntahan niya ito sa opisina.“Sumusuko ka na ba? Mahirap bang paibigin si Debbie kaya kahit hindi pa tapos ang tatlong buwan, gusto mo nang. . .”“Nagtapat sakin ng nararamdaman niya si Debbie!” aniya sa matanda, “Habang maaga pa, kailangan na niyang supilin ang nararamdaman niyang iyon lolo. At hindi mangyayari iyon kung palagi kaming magkasama!”“Sanay ka na namang may sinasaktang babae, hindi ba?” Matiim na tanong nito sa kanya, “Ano bang ipinagkaiba ni Debbie?”“Lolo, can’t you see?”“That you are also falling in love with her?” Tanong nito sa kanya, “Bakit kailangan mong pigilan Kevin?”“Nagpapatawa ka ba Lolo? Alam mo naman kung bakit, hindi ba?” Parang gusto na niyang mainis sa kanyang abuelo dahil bakit parang hindi nito naiintindihan ang dahilan.“Kevin, hindi porke hindi naging successful ang marriage life namin ng Daddy mo, mangyayari rin iyon sa iyo. I want you to fall in love. Gusto k
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na