Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Substitute Mrs. Craig: Chapter 11 - Chapter 20

265 Chapters

chapter 11

“KAUSAP MO ANG EX-GIRLFRIEND mo ng ganitong oras ng gabi? Parang ayaw mo pang malaman ko, ano sa palagay mo ang iisipin ko?” Hindi maitago ni Jasmine ang selos at inis na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nakalimutan nga niya pansamantala na umaakto lang siya bilang si Janice. “Janice, please let me explain, okay?” Hinawakan siya ni Denver sa magkabilang balikat at tinitigan ng matiim, “Aaminin ko, naguluhan ako nang makita ko sya. Actually, medyo na-excite ako. . .” “M-may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?” Masakit sa dibdib na tanong niya rito. “Wala!” Mabilis na sagot nito sa kanya. Tahimik na minamasdan niya ang mukha nito. God, mahal na mahal talaga niya si Denver. Yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa nuo, “I love you kaya please tanggalin mo na sa utak mo ang tungkol dyan. Gaya nga ng sinabi ko, na-excite akong makita si Rosemarie but it does not mean gusto ko pa rin sya. Marahil na-amuse lang akong makita sya. . .”
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 12

UMALIS RAW SI DENVER SABI NG SEKRETARYA nito nang tumawag si Jasmine sa opisina ng lalaki. Hindi siya mapakali sa bahay habang hinihintay ang pagdating ng lalaki lalo pa at maghapon nitong hindi sinasagot ang tawag niya. Hindi rin niya makontak ang number ni Alex na ibinigay sa kanya ng kakambal. Wala siyang magawa kundi ang maghintay na lamang sa pagdating ni Denver. Punong-puno ng takot ang kanyang dibdib. Ngayon pa lamang ay iniisip na niya kung papaano magpapaliwanag rito. Kaya naman napaigtad siya sa kinauupuan nang marinig ang pagdating ng sasakyan nito. Nagmamadali niya itong sinalubong sa may pinto. Matiim ang tingin nito sa kanya. “May. . .may masarap akong nilutong dinner,” aniya rito habang pinakikiramdaman ang bawat galaw nito. “Busog ako,” matabang na sagot nito sa kanya. Parang may gumuhit na kung ano sa dibdib niya, ramdam niyang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Alam na ba nito kung sino siyang talaga or dah
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 13

DINALA SIYA nito sa isang sulok, halos bumaon ang mga daliri nito sa braso niya sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pinipigil na galit ni Denver habang nakatingin sa kanya. “Alam ko na ang sekreto ninyong magkapatid. Paano ninyo ako nagawang lokohin, ha Jasmine?” Nagpupuyos ang kaloobang tanong nito sa kanya. Nag-init ang kanyang mga mata, “D-Denver. . .” “Pagkatapos mo dito sa ospital, dalhin mo si Janice at ang Mama mo sa bahay. Kung hindi kamo sila magpapakita, mapipilitan akong ipakulong kayong lahat. Kasama ng Papa mo. . .at huwag kayong magtatangkang magtago dahil ilalabas ko sa media ang kalokohan ninyong ito!” Nagbabantang sabi ni Denver sa kanya pagkatapos ay nagmamadali na siya nitong tinalikuran. Tumakbo siya at pinigilan ito, “P-pwede bang pakinggan mo ang mga paliwanag ko?” “Dalhin mo si Janice sa harapan ko. Gusto kong magkakaharap tayong lahat kapag nag-usap-u
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 14

BAGAMAT NAGPUPUYOS ang kalooban ni Denver, alam niyang hindi niya maaring ipaalam sa kanyang pamilya ang nangyayaring ito. Mas lalong hindi maaring malaman ng kompanya ang tungkol dito. Manganganib ang kanyang posisyon bilang CEO ng company lalo pa at matagal na siyang pinag-iinitan ng Uncle Dom niya na kapatid ng kanyang ama. Nuon pa nito gustong makuha ang posisyon niya bilang CEO ng Craig Incorporations at ilagay ang pinsan niyang si Damian. Kaya kaunting butas ay maari siya nitong mapatalsik. At hinding-hindi niya papayagang mangyari iyon. Hindi niya papayagang mapasakamay sa ganid na mga tao ang Craig Incoporations. “Don’t worry, hindi ko puputulin ang sustento ninyong lahat. As long as mananatiling sekreto ang tungkol dito. At ang Alex Remulla na iyon? Don’t worry, hindi na siya makakapagsalita,” aniya sa mag-iina. “A-anong ginawa mo kay Alex?” May bahid ng pag-aalalang tanong ni Janice sa kanya. May pait sa
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 15

“SABI KO NAMAN SAIYO BESHIE, me karma ang lahat ng ginagawa natin, tama man or mali. Gumawa ka ng masama kaya asahan mong masama rin ang aaninhin mo,” pangangaral ng kaibigan sa kanya. “Alam ko namang mali ang pinasok ko. . .pero ginawa ko lang iyon para kay Papa,” katwiran niya rito. “The end does not justify the means, Jasmine!” Giit ng dalaga sa kanya, “Kahit na ginawa mo iyon para sa pagpapagamot sa Papa mo, hindi pa rin nun maalis ang katotohanang niloko ninyong magkapatid si Denver! Kahit ako ang nasa kalagayan ng peke mong asawa, magagalit rin ako saiyo. . .baka nga kaladkarin pa kita sa bilangguan! Pasalamat ka, hindi nya iyon ginawa sa inyo!” Hindi siya umimik pero ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagpatak. “So, patuloy ka pa ring magpapanggap bilang asawa nya kapalit ng sustentong ibibigay nya sa pamilya mo? Magpapakamartir ka para sa kanila?” “Kailangan. H-hindi ko kayang suportahan ang pag
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 16

HINDI MAKAPANIWALA SI JASMINE na pati ang dapat sana ay sekreto lamang nila ni Denver ay nagawa nitong ipagtapat kay Rosemarie. Nangangahulugan lamang iyon kung gaano kalalim ang pagtingin nito sa babaeng iyon. Kaya naman pala ang lakas ng loob ni Rosemarie na ipagluto ito ng hapunan. Mas lalo lamang naragdagan ang sama ng loob niya. “Sana hindi na lang tayo nagpapanggap kung magagawa mo rin naman palang ipagkalat sa iba ang tungkol dito,” aniya. “Hindi ibang tao si Rosemarie!” Giit nito sa kanya. Parang dinudurog ang puso niya habang maluha-luhang nakatingin dito, “Y-yeah, hindi nga pala ibang tao saiyo si Rosemarie. . .actually, hindi naman iyong nadiskubre mo ang dahilan kaya biglang nagbago ang trato mo sa akin, ang totoo, simula nang bumalik si Rosemarie sa buhay mo, nanlamig ka na. . .k-kung tutuusin, pareho lang tayong naglolokohan. . .dahil kahit si Ate Janice pa ang pinakasalan mo, ganito pa rin ang kahihinatnan ng pagsasama
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 17

“TOTOO BA ANG ipinagtapat ni Ate Janice, ha Papa? Matagal mo na kaming niloloko? May anak ka sa ibang babae?” Sunod-sunod na tanong ni Jasmine sa ama habang umiiyak, “Awang-awa pa naman ako sa trato sa inyo ni Mama iyon naman pala, deserve ninyo ang lahat ng ito. . .” Hindi na niya napigilan ang sama ng loob na nararamdaman, “Akala ko pa naman, magkakampi tayo, iyon pala, isa ka rin palang manloloko!” Umungol ang Papa niya, umiiyak. Waring pinipilit nitong magpaliwanag ngunit hindi nito mabigkas ng maayos ang mga gustong sabihin sa kanya. “Kaya pala naging malayo ang loob sa inyo ni Ate Janice, kasalanan nyo naman pala ang lahat!” Parang nagsisikip ang dibdib niya habang pinapakawalan ang lahat ng galit na nararamdaman, “Pa, bakit kayo ganyan? Bakit ninyo kami niloko?” “Jas. . .ahhh. . .” “Alam nyo ba kung gaano kasakit ang ginawa ninyong ito, ha Papa? Para akong tanga habang paniwalang-paniwalang isa kayong dakilang
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 18

“ALAM kong malaki ang kasalanan namin saiyo, Denver. Pero huwag mo namang isipin na lahat ng ginagawa at ipinapakita ko saiyo ay pawang pagkukunwari lamang.” Umiiyak na sabi niya rito. May sarcasm sa mga labi ni Denver nang ngumiti, “Really? Sa palagay mo papaniwalaan pa kita?” Dumilim ang mukha nito, “Kinasusuklaman kita. At sa tuwing iniisip ko iyong mga sandaling pinaglaruan nyo akong mag-iina, gustong bumaligtad ng sikmura ko. . .lalo na iyong mga sandaling napaniwala mo ko na totoong lahat ng ipinaramdam mo sakin!” Parang gripo sa pagpatak ang kanyang mga luha. Kahit sabihin pa niyang mahal talaga niya ito at totoong lahat ng damdaming ibinuhos niya rito, hindi na maniniwala pa sa kanya si Denver. It’s no use na malaman pa nito ang totoong damdamin niya para rito. “At pwede ba tigilan mo ng kaiiyak. Tama na ang mga drama mo dahil hindi mo na ako makukuha pa sa mga ganyan. Kung wala nga lang akong pinoprotektaha
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 19

MAPUSOK at mapangahas ang mga halik na pinakawalan ni Denver para kay Rosemarie. Sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa balat nito ay naroroon ang nararamdamang galit dahil pakiramdam niya ay si Jasmine ang hinahalikan niya ng mga sandaling iyon. Sa sobrang tindi nga ng kanyang nararamdaman ay hindi sinasadyang nakagat niya ang dungot ng suso ni Rosemarie. “Hey Denver!” Sigaw ni Rosemarie, itinulak siya nito palayo, “Ano ba, nasasaktan ako?” “I’m sorry,” sabi niyang mabilis na humiwalay rito. Naupo siya sa gilid ng kama at isinuklay ang isang kamay sa buhok, “I’m really sorry.” Naupo si Rosemarie sa tabi niya at idinantay ang mga braso sa balikat niya, “Hindi ako si Janice, or si Jasmine, whatever!” Napipikong sabi nito sa kanya, “Kakampi mo ako, Denver. Wag mong ibunton sakin ang galit mo sa kanya. And pwede ba, alisin mo sila sa utak mo?” “I’m really sorry. Hindi lang ako makapaniwalang napagkaisahan ako ng mag-ina
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 20

“OF COURSE, matatandaan kita. Asawa ka ni Denver. Besides, kahit naman sinong lalaki, matatandaan ang magandang mukhang yan,” sabi ni Damian kay Jasmine, niyaya siya nito sa isang coffee shop sa loo brin lang ng grocery store, “Kumusta na ang married life?” Pilit na pilit ang ginawa niyang pagngiti, “Okay naman. H-hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako,” aniya rito. Napatawa si Damian, “Mahirap bang pakisamahan ang pinsan ko?” Pabiro nitong tanong sa kanya. “Hindi naman sa ganuon,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay parang gusto na niyang sumuko. Ngunit alam niyang walang sinumang maaring makaalam sa pamilya nito ang tungkol sa sitwasyon nila. “Kapag nahihirapan ka, pwede kang magsabi sa akin. Don’t worry, secret lang natin. Maari mo akong pagkatiwalaan,” pagbibigay assurance nito sa kanya. “Salamat, Damian.” Ngumiti ito sa kanya, napansin pa nga niyang waring tinititigan siya nito.
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more
PREV
123456
...
27
DMCA.com Protection Status