Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Substitute Mrs. Craig: Chapter 21 - Chapter 30

265 Chapters

chapter 21

NAKAALIS NA ang lahat niyang mga empleyado ngunit parang wala pa ring balak umuwi ng bahay ni Denver. Kung dati ay excited siyang umuwi at makita ang ‘asawa’ ngayon ay mas gugustuhin pa niyang gugulin ang kanyang buong oras sa pagtratrabaho. In fact habang tumatagal ay mas tumitindi ang galit na nararamdaman niya para kay Janice, or Jasmine, whatever! Hindi na niya kilala ang babaeng kanyang pinakasalan. Napaismid siya. Kung tutuosin null and void ang kasal nila dahil hindi naman si Janice ang totoong kasama niya nang araw ng seremonya. Hindi rin ito ang pumirma sa kanilang kontrata. Muli ay pang nanakit ang kanyang sentido. Paanong nagawa ng dalawang iyon na pagkaisahan siya? At si Jasmine, isinuko nito ang pagkababae sa kanya para lang sa pera? Damn. Ini-off na niya ang kanyang laptop at tinawagan ang kanyang driver, “May pupuntahan tayo,” aniya rito. Bihira niyang tinatawagan ang kanyang driver para ipagdrive siya dahil madalas, gusto niyan
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 22

“AYOKO NG MAKIALAM KAY MAMA, JASMINE,” Matabang na sagot ni Janice sa telepono nang tawagan niya, “Napapagod na ako. This time, sarili ko naman ang iintindihin ko. Saka anong ginagawa ni Denver, bakit hindi sya ang hingan mo ng tulong.” Napahikbi si Jasmine, “Ate, alam mo naman ang sitwasyon namin ni Denver, hindi ba? Saka ang laki na ng nakuha mong pera sa joint account nyo, maano man lang na tubusin mo si Mama.” “Malaki na rin ang naibigay ko kay Mama. Pabayaan mo na syang matuto total ginusto nya naman yan.” “Talaga bang wala ka ng pakialam sa pamilya natin, ha Ate Janice?” umiiyak na sabi niya sa kapatid, “Kawawa naman si Mama kung sa kulungan sya matutulog.” “Kasalanan ko pa ngayon?” sumbat nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Naiintindihan niya ang Ate Janice nito kung tikisin man nito ang ina ngayon. Nakita niya kung paano nito alagaan at protektahan ang Mama nila. Siguro ay napagod na i
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

chapter 23

“MAMA,” Umiiyak na niyakap ni Jasmine ang ina nang salubingin niya ito palabas ng kulungan. Nilingon niya si Damian, “Salamat.” “Sya iyong mayamang pinsan ni Denver, hindi ba?” Pabulong na tanong ng ina sa kanya, “Anak, mukhang mas mabait yan kesa sa peke mong asawa.” Makahulugang sabi nito saka kumalas at lumapit dito, “Salamat talaga iho. Hindi ka lang guwapo, napakabait pa. . .alam mo bang me isa pa kong anak, dalaga pa sya. . .” bumungisngis pa ito, “Siguradong bagay na bagay kayo.” Tipid na ngiti lang ang pinakawalan ni Damian dito. Hiyang-hiya naman si Jasmine sa sinasabi ng ina kaya hinila niya ito at sinaway, “Ma naman, wag mong bigyan ng malisya ang pagtulong nya sa atin,” bulong niya sa ina. “Hmmpt, eto na ang pagkakataon natin, Jasmine, samantalahin na natin,” bulong nito sa kanya. Tiningnan niya ng masama ang ina saka bumaling muli kay Damian, “Maraming salamat talaga saiyo, Damian. . .” “Il
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more

CHAPTER 24

HINDI MAPAKALI SI MINERVA dahil tatlong araw na siyang hindi nakakatuntong sa casino. Para na siyang mababaliw lalo pa at binawasan ni Denver ang ipinapadalang allowance niya. Hindi na siya makatiis kung kaya’t tinawagan niya si Jasmine, “Talaga bang wala kang naisubi dyan?” “Pasensya na Ma. Heto nga at problema ko pa kung papaano ko babayaran kay Damian yung nahiram kong pera.” Anang babae sa kabilang linya. “Hmpt, bakit ba iniisip mo pa iyon, halata namang gusto ka ng Damian na iyon kaya kung ako saiyo, samantalahin mo na at mukhang hindi naman na natin mapapakinabangan yang peke mong asawa!” Sita niya sa anak, “Iyong magaling mong kambal, talagang nagawa akong tikisin. Pati ba naman ikaw? Talaga nga yatang kakambal ko na ang kamalasan. Hindi na nga ako minahal ng Papa nyo, pati ba kayo? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lang ako,” sumisinghot-singhot na sabi niya sa anak, “Kagabi nga, ang sakit ng ulo ko. Tumataas ang presyon ko
last updateLast Updated : 2024-05-13
Read more

CHAPTER 25

“WALA na akong ibang maisip na paraan k-kaya naisipan kong hiraman ng pera ang pinsan mo. Nilapitan kita pero ayaw mo akong tulungan. Anong gusto mong gawin ko, hayaan kong matulog sa kulungan si Mama?” Paliwanag niya kay Denver. Mas lalong dumilim ang mukha nito. Ramdam na ramdam niya ang galit sa mga mata nito. “Talaga ngang mag-ina kayo! Anong klase bang magulang ang Mama mo na kayang ibenta ang kaluluwa ng anak nya mapagbigyan lang ang mga bisyo nya?” Nagpanting ang kanyang mga tenga. Ibang-iba na ang tingin nito sa kanya. Tuluyan nang nawala ang respeto at paggalang nito sa kanya. Parang binibiyak ang puso niya dahil ganito na kababa ang tingin sa kanya ni Denver. At alam niyang kahit na anong paliwanag pa ang gawin niya, sarado na ang puso nito para sa kanya. Pero susubukan pa rin niyang ipaintindi dito ang mga pinagdadaanan nila. “Aminado akong hindi perpektong ina si Mama pero
last updateLast Updated : 2024-05-14
Read more

CHAPTER 26

PIKON na pikon na si Janice. Hinubad niya ang makapal na eye glasses. Hindi na nga pala niya kailangang magpanggap bilang si Jasmine dahil malayo na siya sa mga ito. Hindi na rin niya iisipin ang mga magulang at kakambal. Ang tanging pagtutuunan na lamang nya ng pansin ngayon ay ang kanyang sarili at ang magiging baby niya. It’s about time na makawala na siya sa very demanding niyang ina. Nasasakal na siya. Ginawa naman na niya ang lahat para kahit na paano ay mapasaya ito. Actually, buong buhay niya ay wala na siyang ginawa kundi ang ma-please ito lalo na nang madiscover niya ang pambabae ng ama. Feeling kasi niya, kahit paano ay maiibsan niya ang sakit na nararamdaman ng Mama niya kapag na-please niya ito at maibigay ang mga luho nito. Pero habang tumatagal, nararamdaman niyang nasasaid na siya. Natutuyo na siya. Kaya ayaw man niyang gawin, mas mainam na magpakalayo-layo na siya. Tutal naman kahit na anong gawin niya, parang hindi pa rin ma
last updateLast Updated : 2024-05-14
Read more

CHAPTER 27

HINDI MAKAPANIWALA SI DAMIAN sa sekretong ipinagtapat sa kanya ng ina ni Janice. Or Jasmine sa totoo nitong pagkatao. So, nagpapanggap na lamang ito bilang ‘asawa’ ni Denver para protektahan ang posisyon at reputasyon nito sa kompanya? Napakamot siya sa kanyang baba. Mukhang mas exciting pala itong madidiskubre niyang ito. Hanggang makauwi sa bahay ay ang dami pa ring tumatakbo sa isip niya. Technically, hindi mag-asawa sina Denver at Jasmine or sa pagkakaalam ng lahat ay Janice. Napailing siya. Akala niya ay sa pelikula at mga nobela lamang nangyayari ang ganuon. At ewan ba niya, na-excite siya sa katotohanang hindi ‘asawa’ ni Denver si Jasmine. Ibig sabihin ay may pag-asa siyang makuha ito. Napangisi siya. Nagsalin siya ng alak sa baso habang mataimtim na pinagninilay-nilay ang mga sinabi sa kanya ni Minerva. Kaya pala ganuon na lamang kung ituring ni Denver ang babae. Knowing Denver, alam niyang walang kapatawaran para rit
last updateLast Updated : 2024-05-14
Read more

CHAPTER 28

“I’M SORRY, NAGBIBIRO lang ako,” sabi ni Damian kay Jasmine nang mapansin niyang waring naging akward ito nang dahil sa mga sinabi niya, “Forget what I have said. . .” “H-huwag mo na akong bibiruin ng ganyan. . .magaan ang loob ko saiyo dahil mabait ka. Pero wag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan,” sabi ni Jasmine sa kanya, “Kahit biro, hindi magandang pakinggan lalo pa at asawa ako ng pinsan mo.” Tumango siya, “Again, I’m sorry.” Hindi na ito umimik. Maya-maya ay tumingin sa wrist watch, “I have to go. . .mukhang uulan na. . .” “Janice, I’m sorry.” Ulit niya. Tumango ito at ngumiti, “Okay na tayo. Tinatanggap ko na ang sorry mo. P-pero mukhang uulan na, sinisipon ako at nagkakasakit kapag nauulanan,” sabi nitong akmang tatakbo na ngunit mabilis niyang nahawakan ang isang kamay nito. “Akala ko ba magpi-pizza pa tayo?” “Next time na lang siguro,” inagaw nito ang mga kam
last updateLast Updated : 2024-05-15
Read more

CHAPTER 29

RAMDAM ni Rosemarie na hindi mapakali si Denver habang magkasama sila. Ayaw man niyang aminin, hindi na ito ang Denver na dating patay na patay sa kanya. Ngunit gagawin niya ang lahat upang mabalik muli ang pagtingin nito sa kanya. Minasahe nito ang likuran ng lalaki. “A penny for your thought?” Tanong niya rito. Umiling ito. “Alam kong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap na niloko ka ng babaeng akala mong asawa mo. . .but don’t tell me mahal mo pa rin sya sa kabila ng ginawa niya saiyo?” Kinabig nito ang ulo niya, “Rosemarie, bakit sa palagay mo ako nandito ngayon?” Matiim na tanong nito sa kanya, “Hindi pa ba sapat na pinagkatiwalaan kita ng mga lihim sa buhay ko?” Hinalikan nito ang nuo niya, “I love you,” halos pabulong lamang na bigkas nito. May pait sa mga labing ngumiti siya, “I love you too, Denver. . .I love you so much at iniisip ko pa lang na ang babaeng iyon ang nasa utak mo habang kasama mo ako,
last updateLast Updated : 2024-05-15
Read more

CHAPTER 30

HINDI ALAM ni Jasmine kung sasagutin pa ba niya ang tawag ni Damian or babalewalain na lamang iyon. Ngunit naisip niyang baka mas lumala ang sitwasyon kung ipagwawalang bahala niya ang mga tawag nito. Besides, she owes him a lot of money at hindi niya ito maaring takbuhan. Kaya pumayag siyang muling makipagkita rito. Mainam na ring makausap niya ito ng masinsinan. Sa isang mamahaling restaurant nito nirequest na magkita sila. “Damian, nakipagkita lang ako saiyo dahil ayaw kong isipin mong tinatakbuhan ko ang mga utang ko saiyo. Pero gusto ko sanang ipaalam saiyo na ito na ang huli kong pakikipagkita. Kokontakin na lang ulit kita kapag may sapat na akong pera para mabayaran ka.” “Hindi naman ako naniningil. Saka bakit mo ba ako kailangang iwasan? Masama bang makipagkaibigan?” Tanong nito sa kanya. “Alam mo naman sigurong magagalit si Denver. . .” “As far as I know, wala syang dapat na ikagalit. Beside
last updateLast Updated : 2024-05-16
Read more
PREV
123456
...
27
DMCA.com Protection Status