“ALAM kong malaki ang kasalanan namin saiyo, Denver. Pero huwag mo namang isipin na lahat ng ginagawa at ipinapakita ko saiyo ay pawang pagkukunwari lamang.” Umiiyak na sabi niya rito. May sarcasm sa mga labi ni Denver nang ngumiti, “Really? Sa palagay mo papaniwalaan pa kita?” Dumilim ang mukha nito, “Kinasusuklaman kita. At sa tuwing iniisip ko iyong mga sandaling pinaglaruan nyo akong mag-iina, gustong bumaligtad ng sikmura ko. . .lalo na iyong mga sandaling napaniwala mo ko na totoong lahat ng ipinaramdam mo sakin!” Parang gripo sa pagpatak ang kanyang mga luha. Kahit sabihin pa niyang mahal talaga niya ito at totoong lahat ng damdaming ibinuhos niya rito, hindi na maniniwala pa sa kanya si Denver. It’s no use na malaman pa nito ang totoong damdamin niya para rito. “At pwede ba tigilan mo ng kaiiyak. Tama na ang mga drama mo dahil hindi mo na ako makukuha pa sa mga ganyan. Kung wala nga lang akong pinoprotektaha
MAPUSOK at mapangahas ang mga halik na pinakawalan ni Denver para kay Rosemarie. Sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa balat nito ay naroroon ang nararamdamang galit dahil pakiramdam niya ay si Jasmine ang hinahalikan niya ng mga sandaling iyon. Sa sobrang tindi nga ng kanyang nararamdaman ay hindi sinasadyang nakagat niya ang dungot ng suso ni Rosemarie. “Hey Denver!” Sigaw ni Rosemarie, itinulak siya nito palayo, “Ano ba, nasasaktan ako?” “I’m sorry,” sabi niyang mabilis na humiwalay rito. Naupo siya sa gilid ng kama at isinuklay ang isang kamay sa buhok, “I’m really sorry.” Naupo si Rosemarie sa tabi niya at idinantay ang mga braso sa balikat niya, “Hindi ako si Janice, or si Jasmine, whatever!” Napipikong sabi nito sa kanya, “Kakampi mo ako, Denver. Wag mong ibunton sakin ang galit mo sa kanya. And pwede ba, alisin mo sila sa utak mo?” “I’m really sorry. Hindi lang ako makapaniwalang napagkaisahan ako ng mag-ina
“OF COURSE, matatandaan kita. Asawa ka ni Denver. Besides, kahit naman sinong lalaki, matatandaan ang magandang mukhang yan,” sabi ni Damian kay Jasmine, niyaya siya nito sa isang coffee shop sa loo brin lang ng grocery store, “Kumusta na ang married life?” Pilit na pilit ang ginawa niyang pagngiti, “Okay naman. H-hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako,” aniya rito. Napatawa si Damian, “Mahirap bang pakisamahan ang pinsan ko?” Pabiro nitong tanong sa kanya. “Hindi naman sa ganuon,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay parang gusto na niyang sumuko. Ngunit alam niyang walang sinumang maaring makaalam sa pamilya nito ang tungkol sa sitwasyon nila. “Kapag nahihirapan ka, pwede kang magsabi sa akin. Don’t worry, secret lang natin. Maari mo akong pagkatiwalaan,” pagbibigay assurance nito sa kanya. “Salamat, Damian.” Ngumiti ito sa kanya, napansin pa nga niyang waring tinititigan siya nito.
NAKAALIS NA ang lahat niyang mga empleyado ngunit parang wala pa ring balak umuwi ng bahay ni Denver. Kung dati ay excited siyang umuwi at makita ang ‘asawa’ ngayon ay mas gugustuhin pa niyang gugulin ang kanyang buong oras sa pagtratrabaho. In fact habang tumatagal ay mas tumitindi ang galit na nararamdaman niya para kay Janice, or Jasmine, whatever! Hindi na niya kilala ang babaeng kanyang pinakasalan. Napaismid siya. Kung tutuosin null and void ang kasal nila dahil hindi naman si Janice ang totoong kasama niya nang araw ng seremonya. Hindi rin ito ang pumirma sa kanilang kontrata. Muli ay pang nanakit ang kanyang sentido. Paanong nagawa ng dalawang iyon na pagkaisahan siya? At si Jasmine, isinuko nito ang pagkababae sa kanya para lang sa pera? Damn. Ini-off na niya ang kanyang laptop at tinawagan ang kanyang driver, “May pupuntahan tayo,” aniya rito. Bihira niyang tinatawagan ang kanyang driver para ipagdrive siya dahil madalas, gusto niyan
“AYOKO NG MAKIALAM KAY MAMA, JASMINE,” Matabang na sagot ni Janice sa telepono nang tawagan niya, “Napapagod na ako. This time, sarili ko naman ang iintindihin ko. Saka anong ginagawa ni Denver, bakit hindi sya ang hingan mo ng tulong.” Napahikbi si Jasmine, “Ate, alam mo naman ang sitwasyon namin ni Denver, hindi ba? Saka ang laki na ng nakuha mong pera sa joint account nyo, maano man lang na tubusin mo si Mama.” “Malaki na rin ang naibigay ko kay Mama. Pabayaan mo na syang matuto total ginusto nya naman yan.” “Talaga bang wala ka ng pakialam sa pamilya natin, ha Ate Janice?” umiiyak na sabi niya sa kapatid, “Kawawa naman si Mama kung sa kulungan sya matutulog.” “Kasalanan ko pa ngayon?” sumbat nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Naiintindihan niya ang Ate Janice nito kung tikisin man nito ang ina ngayon. Nakita niya kung paano nito alagaan at protektahan ang Mama nila. Siguro ay napagod na i
“MAMA,” Umiiyak na niyakap ni Jasmine ang ina nang salubingin niya ito palabas ng kulungan. Nilingon niya si Damian, “Salamat.” “Sya iyong mayamang pinsan ni Denver, hindi ba?” Pabulong na tanong ng ina sa kanya, “Anak, mukhang mas mabait yan kesa sa peke mong asawa.” Makahulugang sabi nito saka kumalas at lumapit dito, “Salamat talaga iho. Hindi ka lang guwapo, napakabait pa. . .alam mo bang me isa pa kong anak, dalaga pa sya. . .” bumungisngis pa ito, “Siguradong bagay na bagay kayo.” Tipid na ngiti lang ang pinakawalan ni Damian dito. Hiyang-hiya naman si Jasmine sa sinasabi ng ina kaya hinila niya ito at sinaway, “Ma naman, wag mong bigyan ng malisya ang pagtulong nya sa atin,” bulong niya sa ina. “Hmmpt, eto na ang pagkakataon natin, Jasmine, samantalahin na natin,” bulong nito sa kanya. Tiningnan niya ng masama ang ina saka bumaling muli kay Damian, “Maraming salamat talaga saiyo, Damian. . .” “Il
HINDI MAPAKALI SI MINERVA dahil tatlong araw na siyang hindi nakakatuntong sa casino. Para na siyang mababaliw lalo pa at binawasan ni Denver ang ipinapadalang allowance niya. Hindi na siya makatiis kung kaya’t tinawagan niya si Jasmine, “Talaga bang wala kang naisubi dyan?” “Pasensya na Ma. Heto nga at problema ko pa kung papaano ko babayaran kay Damian yung nahiram kong pera.” Anang babae sa kabilang linya. “Hmpt, bakit ba iniisip mo pa iyon, halata namang gusto ka ng Damian na iyon kaya kung ako saiyo, samantalahin mo na at mukhang hindi naman na natin mapapakinabangan yang peke mong asawa!” Sita niya sa anak, “Iyong magaling mong kambal, talagang nagawa akong tikisin. Pati ba naman ikaw? Talaga nga yatang kakambal ko na ang kamalasan. Hindi na nga ako minahal ng Papa nyo, pati ba kayo? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lang ako,” sumisinghot-singhot na sabi niya sa anak, “Kagabi nga, ang sakit ng ulo ko. Tumataas ang presyon ko
“WALA na akong ibang maisip na paraan k-kaya naisipan kong hiraman ng pera ang pinsan mo. Nilapitan kita pero ayaw mo akong tulungan. Anong gusto mong gawin ko, hayaan kong matulog sa kulungan si Mama?” Paliwanag niya kay Denver. Mas lalong dumilim ang mukha nito. Ramdam na ramdam niya ang galit sa mga mata nito. “Talaga ngang mag-ina kayo! Anong klase bang magulang ang Mama mo na kayang ibenta ang kaluluwa ng anak nya mapagbigyan lang ang mga bisyo nya?” Nagpanting ang kanyang mga tenga. Ibang-iba na ang tingin nito sa kanya. Tuluyan nang nawala ang respeto at paggalang nito sa kanya. Parang binibiyak ang puso niya dahil ganito na kababa ang tingin sa kanya ni Denver. At alam niyang kahit na anong paliwanag pa ang gawin niya, sarado na ang puso nito para sa kanya. Pero susubukan pa rin niyang ipaintindi dito ang mga pinagdadaanan nila. “Aminado akong hindi perpektong ina si Mama pero
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na