Chapter 4Kinaumagahan, hindi na mawala ang ngiti ni Santana sa kaniyang mukha nang malamang umiiyak na umalis si Bianca sa Casa Monasterio. Iniisip niya na nagkaroon ng pagtatalo si Gringo at ang kerida nito kaya ganoon na lang ang nangyari.“Duwag talaga. Mas pipiliin palagi ang pamilya niya kaysa sa mahal niya, huh?” napaiiling na sambit ni Santana habang maligayang kumakain ng umagahan. “Isang banta ko lang, tumiklop na siya agad?”“Masayang-masaya ka siguro ngayon dahil mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.” Muntik nang mabuga ni Santana ang iniinom niyang kape nang biglang nagsalita si Maredes. Mabuti na lang dahil napigilan niya ang sarili. Bakit kasi ito nagsasalita nang hindi man lang siya binabati ng magandang umaga? At talagang iyon pa ang ibubungad sa kaniya? Wala na bang konsiderasyon ang mayordoma sa kaniya na gustong-gusto niya noon?“Alam mo, matanda na si Gringo para magdesisyon. Kung desisyon niyang magkaanak kami, siya ang sisihin mo. Ayaw mo bang magkaanak kam
Magbasa pa