All Chapters of Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez): Chapter 121 - Chapter 130

148 Chapters

Chapter 119

Napatitig ako kay Jhoanna, bakit ibang babae ang nakikita ko sa kanya? "Drake? okay ka lang ba?" tanong ni Jhoanna sa akin, habang kalong niya ang aking anak na si Blake. "O-okay naman ako.." sagot ko sa kanya. Ngumiti ako ng alanganin, at isinubo ang pagkaing nasa kutsara sa kanyang bibig. Ngunit hindi kumbinsido si Jhoanna. "Drake, ano ba talaga ang problema?" Tanong ulit ni Jhoanna, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. Napabuntong-hininga ako. "Wala naman, Jhoanna. Napagod lang siguro ako." Hindi ako mapakali. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Parang may isang bahagi sa akin na nagsasabi na hindi siya ang babaeng nakikita ko sa kanya. "Drake, alam kong may mali," sabi ni Jhoanna, ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. "Hindi ka kumportable. May gusto ka bang sabihin?" Napahawak ako sa aking ulo. "Jhoanna, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito..." "Subukan mo, Drake," sabi niya, ang boses niya ay mahinahon pero may halon
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

Chapter 120

Mukhang nakakahalata na si Drake sa kanyang mga ginagawa. Kailangan niyang dagdagan ang dosage ng gamot na ibinibigay niya dito.Parang hindi na iyon naepekto. Nagkakaroon na ito ng mga katanungan sa sarili.Kinakabahan si Jhoanna, "bumabalik na kaya ang kayang ala-ala? Ngunit paano? Kulang pa ba ang gamot na itinuturok ko sa kanya, para tuluyan na siyang makalimot?"Kailangan, hindi bumalik ang alaala ni Drake, hindi maaari!"Kumain ka na lang Drake, baka nagugutom ka lang," inilapag niya si Blake sa backseat ng upuan, "iihi lang ako," paalam niya dito.Subalit nagtagpo lang siya at sinilip kung ano ang gagawin ng lalaki.Nagpalinga linga ito, bago naghanap sa mga gamit na dala nila."Ano kayang hinahanap niya?" Pinapanood niya ito mula sa malayo.Nagmamasid si Jhoanna mula sa malayo habang abala si Drake sa paghahanap ng mga gamit sa loob ng sasakyan. Ang kanyang mga mata ay matalim, sinusubukan niyang maunawaan kung ano ang maaaring ipahiwatig ng kilos ni Drake. Dapat, hindi malama
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

Chapter 121

"Hindi na ako makakapayag," iniluwa ko ang gamot na ibinigay sa akin ni Jhoanna. Alam ko sa aking sarili na nilalason niya ang aking isipan. "Bakit kailangan niyang gawin sa akin iyon? akala ko pa naman, mahal niya ako!" Tumanaw ako sa kalakihang iyon ng lawa. Hindi ko mabatid sa aking sarili, kung ano ang nais mangyari ni Jhoanna. Bakit niya ako ginaganito? Sino ang babaeng iyon? bakit pumapasok sa aking isipan ang pangalang Justine. Hindi ko lang ito maipahayag agad kay Jhoanna, subalit ilang araw ko ng napapanaginipan ang magandang mukhang iyon ni Justine. Ang pakiramdam ko, siya ang talagang nag mamay ari ng aking puso. Napabuntong-hininga ako. Alam kong kailangan kong harapin ang katotohanan. Hindi ko na kayang ipagwalang-bahala ang nararamdaman ko para kay Justine. Pero paano? Paano ko sasabihin kay Jhoanna? Paano ko siya masasaktan? Naisip ko si Jhoanna. Mahal ko siya, pero iba ang nararamdaman ko para kay Justine. Parang may kakaibang spark na hindi ko maipaliwanag. Parang
last updateLast Updated : 2024-09-03
Read more

Chapter 122

Natigilan siya sa sinabi ni Drake. Di yatat may sumasagi na naman sa isipan ng lalaking ito. Kailangang gamitin niya ito ng bagong taktika. Lumayo siya sa lalaki, at inumpisahan niyang umiyak. "Hindi pa ba ako sapat saiyo at palagi mo na lang akong pinapahagingan ng ganyan?" sabi niya kay Drake, "hindi ko lang maamin sayo, subalit nasasaktan na ako talaga." Lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa balikat, "hindi naman sa Ganon, ako naman ay nagtatanong lang saiyo, wag mo sanang masamain." "Hindi ganoon ang tono ng iyong pananalita sa akin, parang may laman, parang may nais kang ipabatid sa akin. Drake, ako, ako ang taong handang magmahal at umunawa sayo, subalit bakit ganito mo ako tratuhin ngayon? ang pag ibig ko ba sayo ay hindi pa sapat upang akoy saktan mo ng ganito?" ginalingan pa niya ang kanyang pagluha. "Jhoanna, hindi naman sa ganoon," sabi ni DRake sa kanya, "pasensiya ka na kung iyan ang naiparamdam ko sayo." "Drake, please naman, tama na ang pagdududa
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 123

Nag- aalala ako sa kalagayan nina Drake at Blake. Hindi na ako mapakali. Ang aking puso ay kumakabog kabog.Ilang linggo na rin magmula ng kidnapin ni Jhoanna ang akung anak na si Blake, at paslangin niya ang aking best friend na si Trina."Magpapalipad kami ng drone sa palibot ng kabundukang iyon," sabi ni Luis habang nakaumpok sila sa dining at nagkakape."Tama nga iyan," si Tito Frank iyon, "ilang drone ba ang plano nating paliparin?""Tito, kaming tatlo ang gagawa," sagot ni Cris, "maganda yung madami, sa iba't ibang lugar.""Hindi ko pa rin ito masabi kay lolo, tito Frank," sabi naman ni Devon, "natatakot ako na baka makadagdag pa ito sa pasanin niya, hindi pa siya nakakamoveon sa pagkawala nina Dixson at Marcus. Baka hindi niya kayanin kung may pangatlo pa siyang apo na hindi matagpuan.""Salamat, Devon. Tumawag na sakin ang mga magulang niyo. Ayoko na rin silang maabala. Alam kong kaya natin ito," sabi naman ni tito Frank.Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Parang hangin n
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 124

Inumpisahan ng paliparin nina Cris ang drone. Nakaambang naman kami nina tita Leona sa monitor. Nasa lugar kami kung saan inabandona ang bahay nina Jhoanna, lahat kami ay nasa labas. Nagkalat na rin ang mga kapulisan.Lahat kami ay matiyagang naghihintay ng resulta. Unang umaangat ang drone ni Devon, sumunod ang kay Luis."Dito ako sa kabilang bahagi ng kakahuyan magpapalipad, dahil may napansin akong bakas ng gulong ng sasakyan sa parteng iyon," itinuro niya sa amin ang kanyang sinasabing lugar.Sumang-ayon si Tito Frank kay Luis, tumingin sa direksyong itinuro nito. "Magandang ideya iyan. Baka may iniwang bakas doon si Jhoanna. Kailangang masuri nating mabuti ang lugar na iyon."Habang nagpapalipad ng drone sina Cris, Devon, at Luis, kami naman ni Tita Leona ay nakatutok sa monitor. Pinagmamasdan namin ang mga imahe mula sa itaas—ang makapal na kakahuyan, ang mga bakas ng gulong, at ang mga abandonadong istruktura sa paligid. Ang bawat detalye ay pinagtutuunan namin ng pansin, nagha
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 125

Agad kaming nagtungo sa sinasabing lugar ni Devon, naiwan naman ang iba sa bahay at patuloy na nagmasid. Pumunta kami sa bandang kanluran.Pagdating namin doon, may umuusok sa loob ng Kubo, at may pigura ng mga tao sa loob.Agad naging alerto ang aking mga kasamang pulis. Naiwan si tita Leona kina Cris. Kasama namin si tito Frank.Sumenyas ang isang pulis at bumilang, sabay sipag sa pinto ng Kubo."Walang kikilos ng masama!" Tumutok ang kanilang armas sa taong nasa loob."Si-sino kayo?" Agad nagtapis ng tuwalya ang babaeng naroroon, pati ang lalaking kaulayaw nito.Pumasok kami sa loob. Nakita ng dalawang mata ko ang mga taong naroroon."Sino kayo?" Tanong ko sa kanila."Bobo ka ba? Kayo ang sino, bahay namin to!" Asik ng babaeng naroroon.Mali ang bahay na aming napuntahan. Hindi ito ang mga taong hinahanap namin.Napaatras kami, ramdam ang bigat ng pagkakamali. Kitang-kita sa mga mata ng babae ang galit at inis, habang patuloy siyang nagtatapis ng tuwalya. Agad namang itinaas ng mga
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 126

"ano ang iyong nakita, at bigla kang napasigaw?" Tanong ni tito Frank kay Cris. Nagmamadali kaming lumapit sa kanya upang alamin ang dahilan ng kanyang panandaliang paghiyaw."May isa pang bahay akong nakita sa gawing silangan." Sagot niya.Yero ang bubong noon. Hindi matanaw ang ibaba, sa yabong ng mga umusbong na punong kahoy doon.Katanghalian na noon, at ang tirik na araw ay nagsisilbing oven sa aming katawan. Para kaming niluluto ng buhay.Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad naming pinuntahan ang lokasyon ng bahay na nakita ni Cris sa drone. Habang patuloy na umaandar ang sasakyan sa masukal na daan, ramdam ko ang pag-init ng araw na tumatama sa aking balat. Tumutulo na ang pawis sa aming mga noo, ngunit wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay makarating kami sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon."Nakikita niyo ba ang sinasabi ko?" tanong ni Cris habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa monitor ng drone. "Nandoon sa likod ng mga malalaking puno."Nilingon ko si Ti
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 127

Magtatakip silim na, subalit wala pa rin kaming namamataang lead sa mga ito. Nag uumpisa na naman akong mag alala."Ganito na lang ang gawin natin," sabi ni CRis, "bukas, maghiwa hiwalay na tayo, baka kasi sa may likuran ng bundok nagtungo sina Jhoanna. Mahihirapan kasi ang drone kapag ganppn kalayo. Kaya doon kami pupwesto ni Devon. Si kuya Luis ay sa kabilang bahagi, kasama sina tito Frank."Sumang-ayon kami sa plano ni Cris, kahit na ramdam kong may bahid ito ng panganib. Wala kaming ibang pagpipilian kundi magpatuloy sa paghahanap kina Jhoanna. Habang papalapit na ang gabi, ramdam ko ang lamig na bumabalot sa paligid, ngunit higit pa rito ang lamig ng takot na bumabalot sa aking puso. Sa bawat sandali ng paghihintay, lalo akong kinakabahan sa kung ano pa ang maaaring mangyari."Mag-ingat tayong lahat," paalala ni Tito Frank. "Hindi natin alam kung anong klaseng tao si Jhoanna. Gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang sarili niya."Tumango si Luis. "Tama si Tito. Lalo tay
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

Chapter 128

Madilim ang kalangitan, at tanging sinag ng buwan ang nagsisilbi nilang tanglaw sa maitim na kapaligiran.Halos mga kakahuyan lang din ang natatanaw namin sa monitor.Ngunit naagaw ang aming atensiyon, sa isang lawa na naiilawan ng buwan. May mga taong gumagalaw doon.Pinagmasdan namin ang mga pigura. Parang isang babae, isang lalaki at isang bata ang naroroon. Agad kaming nagvideo call kina Cris at Devon, upang ipakita ang aming nadiskubre. Halata sa kanilang hitsura ang kiyuryusidad."Dahan dahan mong ilapit ang drone," wika ni Cris.Tahimik naming sinunod ang utos ni Cris. Unti-unting lumapit ang drone, ang camera nito'y nakatutok sa mga pigura na tila abala sa kanilang ginagawa sa gilid ng lawa. Ang sinag ng buwan ay nagbibigay ng sapat na liwanag upang matukoy namin ang kanilang mga kilos. Halos hindi kami humihinga habang pinapanood ang mga kaganapan.Ang babae, na sa tingin namin ay si Jhoanna, ay may hawak na isang bagay—parang tali o lubid. Ang lalaki naman ay mukhang nagmam
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status