Share

Chapter 124

Inumpisahan ng paliparin nina Cris ang drone. Nakaambang naman kami nina tita Leona sa monitor. Nasa lugar kami kung saan inabandona ang bahay nina Jhoanna, lahat kami ay nasa labas. Nagkalat na rin ang mga kapulisan.

Lahat kami ay matiyagang naghihintay ng resulta. Unang umaangat ang drone ni Devon, sumunod ang kay Luis.

"Dito ako sa kabilang bahagi ng kakahuyan magpapalipad, dahil may napansin akong bakas ng gulong ng sasakyan sa parteng iyon," itinuro niya sa amin ang kanyang sinasabing lugar.

Sumang-ayon si Tito Frank kay Luis, tumingin sa direksyong itinuro nito. "Magandang ideya iyan. Baka may iniwang bakas doon si Jhoanna. Kailangang masuri nating mabuti ang lugar na iyon."

Habang nagpapalipad ng drone sina Cris, Devon, at Luis, kami naman ni Tita Leona ay nakatutok sa monitor. Pinagmamasdan namin ang mga imahe mula sa itaas—ang makapal na kakahuyan, ang mga bakas ng gulong, at ang mga abandonadong istruktura sa paligid. Ang bawat detalye ay pinagtutuunan namin ng pansin, nagha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status