"ano ang iyong nakita, at bigla kang napasigaw?" Tanong ni tito Frank kay Cris. Nagmamadali kaming lumapit sa kanya upang alamin ang dahilan ng kanyang panandaliang paghiyaw."May isa pang bahay akong nakita sa gawing silangan." Sagot niya.Yero ang bubong noon. Hindi matanaw ang ibaba, sa yabong ng mga umusbong na punong kahoy doon.Katanghalian na noon, at ang tirik na araw ay nagsisilbing oven sa aming katawan. Para kaming niluluto ng buhay.Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad naming pinuntahan ang lokasyon ng bahay na nakita ni Cris sa drone. Habang patuloy na umaandar ang sasakyan sa masukal na daan, ramdam ko ang pag-init ng araw na tumatama sa aking balat. Tumutulo na ang pawis sa aming mga noo, ngunit wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay makarating kami sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon."Nakikita niyo ba ang sinasabi ko?" tanong ni Cris habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa monitor ng drone. "Nandoon sa likod ng mga malalaking puno."Nilingon ko si Ti
Magtatakip silim na, subalit wala pa rin kaming namamataang lead sa mga ito. Nag uumpisa na naman akong mag alala."Ganito na lang ang gawin natin," sabi ni CRis, "bukas, maghiwa hiwalay na tayo, baka kasi sa may likuran ng bundok nagtungo sina Jhoanna. Mahihirapan kasi ang drone kapag ganppn kalayo. Kaya doon kami pupwesto ni Devon. Si kuya Luis ay sa kabilang bahagi, kasama sina tito Frank."Sumang-ayon kami sa plano ni Cris, kahit na ramdam kong may bahid ito ng panganib. Wala kaming ibang pagpipilian kundi magpatuloy sa paghahanap kina Jhoanna. Habang papalapit na ang gabi, ramdam ko ang lamig na bumabalot sa paligid, ngunit higit pa rito ang lamig ng takot na bumabalot sa aking puso. Sa bawat sandali ng paghihintay, lalo akong kinakabahan sa kung ano pa ang maaaring mangyari."Mag-ingat tayong lahat," paalala ni Tito Frank. "Hindi natin alam kung anong klaseng tao si Jhoanna. Gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang sarili niya."Tumango si Luis. "Tama si Tito. Lalo tay
Madilim ang kalangitan, at tanging sinag ng buwan ang nagsisilbi nilang tanglaw sa maitim na kapaligiran.Halos mga kakahuyan lang din ang natatanaw namin sa monitor.Ngunit naagaw ang aming atensiyon, sa isang lawa na naiilawan ng buwan. May mga taong gumagalaw doon.Pinagmasdan namin ang mga pigura. Parang isang babae, isang lalaki at isang bata ang naroroon. Agad kaming nagvideo call kina Cris at Devon, upang ipakita ang aming nadiskubre. Halata sa kanilang hitsura ang kiyuryusidad."Dahan dahan mong ilapit ang drone," wika ni Cris.Tahimik naming sinunod ang utos ni Cris. Unti-unting lumapit ang drone, ang camera nito'y nakatutok sa mga pigura na tila abala sa kanilang ginagawa sa gilid ng lawa. Ang sinag ng buwan ay nagbibigay ng sapat na liwanag upang matukoy namin ang kanilang mga kilos. Halos hindi kami humihinga habang pinapanood ang mga kaganapan.Ang babae, na sa tingin namin ay si Jhoanna, ay may hawak na isang bagay—parang tali o lubid. Ang lalaki naman ay mukhang nagmam
"Mommy, ano po yun?" itinuro ni Blake sa akin ang isang lumilipad na bagay. Nanlaki ang aking mga mata! "Shit!" agad akong tumakbo sa kabilang side, upang maghanap ng kahoy na maaaring ipalo doon. Agad iyong nalaglag sa lawa. Nagmamadali kong tinawag si Drake. 'Bakit, Jhoanna? ano ba iyong sinungkit mo sa itaas?" nagtatakang takong niya sa akin "Sumakay na kayo sa kotse! bilis!" agad kong binuhat si Blake. "Pests.. natunton na kami nina Justine," bulong ko sa sarili. "Anong nangyayari?" nakasunod sa akin si Drake. "Basta! sakay!" sigaw ko sa kanya. Nagmamadali kaming sumakay sa kotse. Pinaandar ko agad ang makina habang si Drake ay tila naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. Habang pinipilit kong manatiling kalmado, ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Alam kong wala na kaming oras. "Mommy, bakit po tayo tumatakbo?" tanong ni Blake, hinigpitan ang hawak sa akin, ang takot sa kanyang mga mata ay hindi maikakaila. "May masamang tao, anak," sagot ko, pilit na tinatago ang aking p
"Shit!!" inis kong sigaw. Wala na doon ang mga hinahanap namin. Mabilis ng nakatakas ang mga iyon. "Mabilis talaga si Jhoanna. Nakita kasi niya ang drone. Bakit parang okay sila ni Blake at Drake?" napapaisip si Cris, "anong nangyayari?" "Maaaring may gamot na ipinainom o itinurok si Jhoanna sa mga iyon, kaya Ganon na lang sila sumunod sa babaeng iyon," sabi ni Luis. "Hindi maaari!" iyak ako ng iyak. napaupo ako sa lupa, nakasalampak. "Anak ko!!" "Justine," umiiyak si tita Leona na niyakap ako, "matatagpuan din natin sila, wag kang mag alala." "Hindi ko alam tita, kung anong ginawa ko at ginaganito ako ni Jhoanna," panay ang kanyang hikbi, 'anong naging kasalanan ko?" "Marahil, natakot siya sa iyong presensiya, lalo na, ng paglaanan ka na ng oras ni Drake, wika ni DEvon,"tito Frank, nabanggit niyo na hindi pa nakakatulog sa bahay niyo si Jhoanna?" "Oo, may kwarto kasi doon na tanging kay Justine nakalaan. Lahat ng gamit niya ay naroroon. Isa pa, ayoko sa babaeng iyon, no
madami palang mga bakanteng bahay pahingahan sa lugar na ito, yun ang naisip niya. Dalawang oras siyang nagmaneho, at natagpuan ang isang maliit na Kubo. Maayos pa iyon. Mukhang hindi pa katagalan buhat ng abandonahin. "Dito muna tayo magpalipas ng gabi, baka pagod na kayo," sabi ko sa mag- ama. "Napapagod na ako na lumayo ng lumayo. Hindi ko na alam kung saan pa tayo makakarating. Hindi ka ba naaawa sa anak natin?" tanong ni Drake sa kanya, habang kandong nito ang bata. "Wag ka munang magtanong ng ganyan ngayon Drake, at umiinit ang aking ulo," sagot ko sa kanya, "pagod din naman ako, hindi ba?" Hindi na nakapagsalita si Drake dahil nahalata niya na naiirita na ako. "Bumaba na kayo!" utos ko, "bilisan niyo!" Nagmamadaling bumaba ng kotse si Drake buhat buhat ang bata. Sumunod sila sa akin patungo sa may pintuan ng Kubo. "Pasok," sabi ko kay Drake habang tinutulak ko nang marahan ang pinto ng kubo. Tumingin siya sa paligid, halatang nag-aalala, pero sumunod pa rin siya habang b
"Dumating na pala ang may ari ng kubong ito," tinig iyon ng isang babae, "humanap na lang tayo ng ibang Kubo." "Sige, doon na lang tayo sa nakita ko sa kabilang bahagi, malapit iyon sa falls, kahit umuungol ka ng malakas, walang makakarinig," tudyo ng lalaki sa kausap na babae. At ang mga mahaharot na ito ay pagala gala pa kahit gabi na. Naiinis akong bumalik sa aking pagkakasandal sa sulok. Maaari naman akong makaidlip. Ang mahalaga, ay maramdaman ko kung may paparating. Naririnig ko na ang tilaok ng manok. Hindi ko alam, na may mga manok na Tandang pala sa paligid. Sunod sunod na iyong nanggising, Kasabay ang pagdaan ng dalawang malalanding nilalang buhat kagabi. Nagsalang ako ng sinabing, at nagluto ng tuyo at itlog. Matapos iyon ay naghain na ako, at ginising ang aking mga kasama na mahimbing pang natutulog. “Drake, Blake, gising na kayo,” bulong ko habang marahan kong inaalog si Blake. Dahan-dahan ding dumilat si Drake, nagkakamot ng mata, habang si Blake ay bumangon at n
"A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhan ako sa kanya, "halika na.. bilisan mo, baka abutan nila tayo," nag uumpisa na akong magpanic sa kawalan niya ng interes na umalis kami sa lugar na iyon."Nagsasawa na ko, hindi ako aalis dito," nahiga na siya ng tuluyan, "patayin na lang nila ako kung gusto nila.. Hindi ako aalis."Nasindak ako sa kanyang binitawang salita. Nagtataka ako, kung bakit ayaw niyang umalis sa lugar na ito."Paanong napapagod? hindi ba mas napapagod ako?" naiyak ako sa sama ng loob. Ipinakita ko sa kanya ang aking hinagpis upang sumama na siya ng tuluyan sa akin. Subalit binalewala niya ako."Bakit ba nais mong tumakas?" tanong ni Drake, ramdam ang pagod sa kanyang boses habang nakapikit. "Ano bang ikinakatakot mo?"Pakiramdam ko'y parang tinamaan ako sa kanyang mga salita, ngunit hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang totoo. Paano ko maipapaliwanag na hindi lang takot ang dahilan kundi pangangailangan? Kailangan kong ipagpatuloy ang lahat ng ito para sa aming tatlo — p
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason