Parang masukal ang aking dinadaanang lugar, subalit ang aking mga paa, ay hindi sumasayad sa lupa. Nakalutang lang ako sa kawalan habang binabaybay ang naturang daanan. May mga tinig na tumatawag sa akin. Iba ibang boses iyon, may babae at lalaki. Parang mga nag uusap usap. Iminulat ko ang aking mga mata, mga nakaputing tao ang aking nakikita. "Nasaan ako?" mahina kong tanong, "a-anong ginagawa ko dito?" "Good morning, sir... tatawagin ko lang sina doc," sabi ng babaeng nakaputi, mabilis na lumabas ng silid. Naguguluhan pa rin ako, pilit na inaalala kung nasaan ako at bakit ako narito. Pumikit ako, pinilit kong kabisahin ang paligid, pero ang aking isipan ay tila naglalakad sa makapal na ulap. Maya-maya, narinig ko ang mga yabag na nagmamadali, tila nag-uunahan patungo sa aking kinaroroonan. Bumilis ang tibok ng puso ko, puno ng kaba at katanungan. Mula sa mga bintana, nakita ko ang mga anino ng mga taong papalapit. Naramdaman kong tila may lumulutang na takot sa hangin, pa
Naguguluhan ako, pero nararamdaman kong unti-unti nang bumabalik sa akin ang mga alaala ng nakaraan. Kaunti pa lang iyon, pero sapat na para magkaroon ng liwanag sa lahat ng katanungan. "Iwanan niyo muna ako," mahina kong pakiusap sa kanila. Kailangan ko ng oras para ayusin ang lahat ng nasa isip ko, para balikan ang bawat detalye ng nangyari. "Drake?" tanong ni Mama, halatang hindi makapaniwala sa hinihiling ko. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Anak, baka kailangan mo ng kasama—" "Please…" muli kong pakiusap, nararamdaman ko ang panginginig sa aking boses. "Kailangan ko lang ng konting oras… para mag-isip." Nagpalitan ng tingin ang mga magulang ko, halatang nag-aalangan. Pero sa huli, dahan-dahan silang tumango. “Sige, anak. Andito lang kami sa labas,” sabi ni Daddy, bago sila tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag-isa, tahimik na nakahiga sa kama. Pinilit kong ipikit muli ang aking mga mata, umaasang maaalala ko pa ang ibang mga detalye. Unti-unti, tila m
"Drake? Drake?" nararamdaman ko ang mga tampal sa aking mga pisngi. Tinig iyon ng isang babae, "kuya Luis.. okay lang kaya siya?" May humawak sa aking pulso, "oo, buhay naman siya, marahil nahihilo siya dahil sa malakas ma tama sa kanyang ulo ng kahoy na ito." "Yes tito. Opo ,si kuya Drake nga itong nakita namin. Wala siyang malay pero buhay siya. Ang bata? wala po dito." Ibinukas ko ang aking mata. Bumungad sa akin ang malaanghel na mukha ng isang babae. Napakagamda niyang talaga! "Drake?" muli niyang tawag sa aking pangalan. Ang kanyang tinig ay nag aalala, nalulungkot. "Si-sino ka?" nasambit ng aking bibig. Nagkatinginan ang mga naroroon, bago pa siya sumagot. "Ako si Justine.." nangunot ang aking noo sa narinig. Di yatat ito ang Justine na nakikita ko kay Jhoanna. Ang ina ng aking anak... "Justine." hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Nasaan ang anak natin?" Taning niya sa akin, "si Blake?" "Dinala siya ni Jhoanna.." nagpilit akong bumangon. "Nahihibang na siya
Galit na galit ako! Para akong trinaidor ni Drake. Hindi ko akalaing kaya niya itong magawa sa akin. Minahal ko lang naman siya, may Mali ba doon? Niloko ko siya, iyon ay dahil lang sa tawag ng laman, at dahil naging abala na siya sa kanyang mga ginagawa, yun pala ay nakikipaglambtsingan lang siya sa babaeng iyon. "Mommy.. nagugutom na po ako," sabi ni Blake sa akin, ang kanyang mga mata ay malamlam, na tila ba nagmamakaawang pakainin ko siya. Ito na lang ba ang makakasama ko? Ang anak ng aking pinakamamahal at ng Justine na iyon? Kumuha siya ng chocolate sa box na nasa loob ng aking sasakyan. Iniabot ko iyon sa kanya. "Mommy.. kumusta na po kaya si daddy?" tanong niya sa akin. "Wag ka munang magtanong ngayon, please," naiirita ako dahil nahihirapan akong mag isip. "Baka po may--" nahintakutan siya ng hablutin ko ang kanyang braso. "Sinabi ko na sayo, na wag kang magtanong! bakit ang kulit mo, ha?" Napapikit ako, hindi ko alam kung dahil sa galit o sa pagod, o baka d
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw