Share

Chapter 137

Galit na galit ako! Para akong trinaidor ni Drake. Hindi ko akalaing kaya niya itong magawa sa akin. Minahal ko lang naman siya, may Mali ba doon?

Niloko ko siya, iyon ay dahil lang sa tawag ng laman, at dahil naging abala na siya sa kanyang mga ginagawa, yun pala ay nakikipaglambtsingan lang siya sa babaeng iyon.

"Mommy.. nagugutom na po ako," sabi ni Blake sa akin, ang kanyang mga mata ay malamlam, na tila ba nagmamakaawang pakainin ko siya.

Ito na lang ba ang makakasama ko? Ang anak ng aking pinakamamahal at ng Justine na iyon?

Kumuha siya ng chocolate sa box na nasa loob ng aking sasakyan. Iniabot ko iyon sa kanya.

"Mommy.. kumusta na po kaya si daddy?" tanong niya sa akin.

"Wag ka munang magtanong ngayon, please," naiirita ako dahil nahihirapan akong mag isip.

"Baka po may--" nahintakutan siya ng hablutin ko ang kanyang braso.

"Sinabi ko na sayo, na wag kang magtanong! bakit ang kulit mo, ha?"

Napapikit ako, hindi ko alam kung dahil sa galit o sa pagod, o baka d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status