Share

Chapter 126

"ano ang iyong nakita, at bigla kang napasigaw?" Tanong ni tito Frank kay Cris.

Nagmamadali kaming lumapit sa kanya upang alamin ang dahilan ng kanyang panandaliang paghiyaw.

"May isa pang bahay akong nakita sa gawing silangan." Sagot niya.

Yero ang bubong noon. Hindi matanaw ang ibaba, sa yabong ng mga umusbong na punong kahoy doon.

Katanghalian na noon, at ang tirik na araw ay nagsisilbing oven sa aming katawan. Para kaming niluluto ng buhay.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Agad naming pinuntahan ang lokasyon ng bahay na nakita ni Cris sa drone. Habang patuloy na umaandar ang sasakyan sa masukal na daan, ramdam ko ang pag-init ng araw na tumatama sa aking balat. Tumutulo na ang pawis sa aming mga noo, ngunit wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay makarating kami sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon.

"Nakikita niyo ba ang sinasabi ko?" tanong ni Cris habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa monitor ng drone. "Nandoon sa likod ng mga malalaking puno."

Nilingon ko si Ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status