All Chapters of MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Chapter 221 - Chapter 230

350 Chapters

220.

“Pasensya ka na, mam Serena, gusto ka man namin papasukin pero ang bilin ni sir Axel ay hindi po pwede. Baka mapagalitan po kami.” Nanlulumo si Serena. Hindi niya masisisi ang binata dahil kasalanan niya ang nangyari. Dahil sa kanya ay nalagay sa panganib ang buhay nito. Kinagat niya ang luha para pigilin ang mapaiyak. Hanggang ngayon ay sinisi niya ang sarili sa nangyari. Hindi siya mapakali at makatulog sa sobrang pag aalala. Kagabi pa nakaalis ang doktor. Ngayon ay hapon na at nagpapahinga na ang binata. Papunta na rin ang magulang ni Axel rito ngayon. Inabot nalang ng gabi ay hindi pa rin siya mapakali. “Mam Serena, pinapatawag ka ni Sir Axel, gusto ka daw pong makausap.” Nagliwanag ang mukha niya at dalidaling nagpunta sa kwarto ng binata. Mabuti nalang at pinayagan na siya. Gusto-gusto niya talaga na humingi ng tawad sa nangyari. Alam niya. Napalunok siya ng sumalubong sa kanya ang malamig na ekspresyon ni Axel. Parang binalot ng lamig ang silid dahil sa nakakatakot nit
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

221.

Hindi mapakali kanina pa si Axel habang hinihintay matapos ang meeting. Napansin naman agad iyon ng kanyang ama na si Xerxes. Nang makapabas anh lahat ng board members ay saka ito nagsalita. “If I were you, follow her and find her katulad ng sinabi ng mommy mo. Hindi malaki ang Pilipinas anak, madali mo siyang nakikita kung gugustuhin mo.” Iniwas ng binata ang tingin. “Hindi ako nag aalala sa babaeng ‘yon, dad. Labas na ako sa problema niya, o problema ng pamilya niya. Bakit ko naman iisipin si Serena? Tsk.” Napailing nalang si Xerxes bago nagpaalam sa anak. “Napoles!” Tawag ni Axel sa ikalawang secretary. Oo, dalawa ang secretary niya. Si Love ang tumatayong secretary niya sa underground businesses ng kanilang pamilya. At si Napoles naman sa kanilang legal businesses. “Yes, sir!” Agad itong lumapit. “Nagawa mo ba?” “Ah opo!” Agad nitong nilapag sa mesa niya ang isang usv drive. “Actually, Sir, hindi naman mahirap hanapin ang mga old video ni Miss Serena sa Internet. Hindi lang
last updateLast Updated : 2024-07-02
Read more

222.

“K-kung ganun bakit niya ako pinagpalit agad?! Hindi niya ako hinanap, hindi niya naisip na baka buhay pa ako! Hindi niya ako hinintay nagpakasal pa siya sa iba! At bakit kay Stacey pa?!” Labas niya ng hinanakit. “A-alam mo ba kung gaano kasakit makita siya na masaya sa iba? P-para akong mamamatay sa sakit, Axel… sobrang sakit!” Damn! Ilang beses napamura ang binata ng madama ang nanginginig na katawan ni Serena. Nang titigan niya ang mukha nito ay saka lamang niya napansin ang sobrang pamumutla ng labi nito. Mukhang kanina pa ito basa sa ulan. Binitiwan niya ang payong. Binuhat niya si Serena. Sumenyas siya na buksan na ang gate. Wala nang maririnig kundi pag iyak ni Serena. Para itong bata na walang tigil sa paghagulgol sa sakit. “Ma’am Serena!” Bulalas ni Rosan ng makitang buhat ng amo ang dalaga. “Diyos ko, ano ang nangyari!” Agad na naisip nito na pinaiyak ng binata ang dalaga. ‘Isusumbong ko siya kay Mrs. Helger!’ Isip-isip ng babae na naiiyak pa. “S-sir, saan mo da
last updateLast Updated : 2024-07-02
Read more

223.

“Sir Axel, hindi pa rin kumakain si ma’am Serena. Nag aalala na kami dahil dalawang araw na siyang nagmumukmok sa kwarto niya at umiiyak.” Nahilot ni Axel ang sintido. Kadarating lang niya galing ng opisina. Dahil sa pag aalala sa dalaga ay hindi siya nakapagtrabaho ng maayos. Ginugulo nito ang kanyang sistema. “Sige na, bumalik na kayo sa trabaho niyo, ako na ang bahala sa kanya!” Utos niya. Panay ang pagsisikuhan nina Rosan at Angge. Nakabalik kasi ang dalawa dahil sa ina ng binata. Hindi na nagbihis si Axel, tumuloy agad siya sa kwarto ni Serena. “H-hindi ako kakain, ayokong kumain! Lumabas kayo ng kwarto please, gusto kong mapag isa!” Taboy ng dalaga na nakatalikod ng higa sa pintuan. Rinig pa ang pagsinghot nito na parang isang bata. “Tsk. Ganyan ba kasakit ang ginawa ng gag0ng ‘yon sa iyo?” Umiiyak na humarap si Serena ng higa sa pwesto niya. “P-paano mo malalaman eh hindi ka pa naman nagmamahal?” Naiyak na naman siya. “P-Palibhasa matigas at bato ang puso mo. Masu
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more

224.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat siya. Kung hindi dito ay baka nasa kalsada pa rin siya. Kaya masasabi niya na hindi naman ganun kasama ang binata. Kahit paano ay may puso pa rin ito. Kakarampot nga lang. “Stop glaring at me, Serena. Kumain ka na at sasama ka pa sa akin.” “Huh, saan?” “In my office. Kailangan ko ng temporary assistant kaya isasama kita.” Nang mabasa ni Axel ang balak na pagtutol ni Serena ay agad siyang nagsalita. “No buts, you will come with me because I say so. Saka mabuti na ito kaysa ang narito ka lang sa bahay.” “Pero baka may makakita sa akin.” Kabadong saad ng dalaga. Hindi pa siya handang makita ng pamilya niya. Kailangan pa niyang umisip ng paraan para makakuha ng ebidensya laban sa stepsister niya. Tumikhim si Axel. “Hindi mo kailangan mag alala dahil kasama mo naman ako. Hindi ko hahayaan na maski langgam ay masaktan ka… papatayin ko siya.” Naglabasan ang tubig sa ilong ni Serena sa narinig. Akala niya sa palabas lang nangyayari ang ganito dahi
last updateLast Updated : 2024-07-03
Read more

225.

Pagkatapos kumain ay napansin ni Serena ang pananahimik ni Axel. Sa tuwing titingin siya rito ay nag iiwas agad ito ng tingin o kaya babaling sa iba. Hindi kaya nito nagustuhan ang ginawa niyang paglagay ng karne sa plato nito kanina? Nakauwi nalang sila pero hindi pa rin ito kumikibo. Parang wala ito sa sarili na ewan. “Serena, iha!” Namilog ang kanyang mata ng makita ang ina ni Axel. Masayang yumakap ito sa kanya kaya gumanti rin siya ng yakap. “Mrs. Helger!” Ang gaan sa pakiramdam. Para siyang nakatagpo ng pangalawang ina dahil sa ginang. Hindi lang siya niligtas nito, naging mabuti pa ito sa kanya at itinuring siyang parang kaanak. “Masaya akong malaman na narito ka na ulit, iha. Naku, sinasabi ko na nga ba! Lalambot din ang anak kong iyan. Siya nga pala,” tinuro nito ang lalaking nakatayo lang sa may bandang pinto. “Siya nga pala si Ax, ang pangatlo sa mga anak ko.” Hindi niya mapigilan ang mapangiwi. Lahat ba ng anak ni Mrs. Helger ay kamukha ng asawa nito? Sak
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

226.

Nakangiting sumimsim ng juice si Stacey habang binabasa at inaaral ang report tungkol sa kumpanya ng mga Torres. Gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya. Sa tuwing nababasa niya kung gaano kalaking pera ang makukuha nilang mag ina ay parang baliw na tumatawa siyang mag isa. Una si Joem. Ngayon naman ang yaman ng mga Torres. Wala na talagang makakapigil sa kanila. Umupo si Stella sa tabi ng anak. “Mabuti na lamang at nari’yan si Atty. para sabihin sa atin ang plano ni Baxia. Mabuti naman at natauhan na ang matandang ‘yon. Akala ko ay hindi pa rin niya ipapamana sa atin ang kayamanan niya. Pero tingnan mo naman, sa atin pa rin ang bagsak ng lahat dahil wala siyang mapagpipilian! Hahaha!” Dahil nasa business trip ngayon si Joem ay nagagawang mag inom ni Stacey at magpakasawa sa alak. Ang alam kasi ng asawa ay buntis siya. Tama, ang alam ni Joem ay buntis siya kaya siya nito pinakasalan. Sa bar na pinag inuman nito ay may inutusan siyang tao na lagyan ng dr0ga ang inumin nito. Nap
last updateLast Updated : 2024-07-04
Read more

227.

“Yes, Love, do it.” Tumango-tango si Axel at pagkaraan ng ilang sandali ay ngumisi ito. “The big share, the better… gusto kong magugulat sila at malalaman na lang na lahat ng pinaghirapan nila ay napunta sa wala.” Kung titingnan ay parang abala si Serena sa pagsort ng mga papeles na nasa mesa pero ang totoo ay nakikinig siya sa usapan ni Axel sa tinawag nitong Love. Love? Kung gano’n hindi totoo na wala itong nobya? Napahawak siya sa baba… mukhang naglilihim si Axel sa pamilya. Napaiwas siya ng tingin nang makitang tumingin ito sa kanya. Sabagay, may nobya man ito o wala, wala na siya ro’n. Lalaki ito ay binata naman, natural na magkagusto ito sa isang babae. “Serena, let’s go… may pupuntahan tayo.” “Sige, Sir!” Nagtatakang tumingin siya rito ng dalhin siya nito sa isang department store. “Pumili ka ng mga personal mong gamit, yung magkakasya sa loob ng isang linggo. Pero kung dadamihan mo at gustong ubusin ang lahat ng narito ay walang problema. Choose what you want, i w
last updateLast Updated : 2024-07-05
Read more

228.

Hindi maintindihan ni Serena kung bakit imbes sa hospital ay nasa pier nila ngayon. Pero agad din napabaling ang atensyon niya kay Axel ng umungot ito na parang nasasaktan. “Ano ba kasi ang nangyari sayo? Sino ang gumawa nito?” Kagabi ay ayos naman ito at walang mga pasa. Kaya saan ito nakuha ng binata? “Dapat managot ang may gawa nito sayo, Axel! Magsusumbong ako kay Mrs. Helger!” Lahat ng nakarinig na tauhan ay namutla at napaubo, napapalunok na wari’y takot. Namutla si Serena at hindi magawang sumakay sa yacht, biglang lumitaw sa isipan niya ang ginawa ni Stacey sa kanya. Namumutla na napahawak siya sa balikat… parang mawawalan siya ng malay sa kaba at takot. Napatingin ang dalaga ng hawakan ni Axel ang kamay niya. Pinisil pa ito ng binata para iparamdam na hindi niya kailangan matakot. “A-axel…” “Hindi mo kailangan matakot dahil kasama mo naman ako, Serena. Believe me, hindi ko hahayaan na saktan ka nila.” Napangiti siya. Biglang gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi
last updateLast Updated : 2024-07-06
Read more

229.

Natigilan si Serena sa sinabi ni Axel. Subuan daw? Kanina lang maayos naman ang lagay ng binata. “Can you feed me?” Ngumiwi ang binata. “I can’t move my hands, parang namamaga yata.” Napansin niya ang duda sa magandang mukha nito. “I’m sorry… I know it’s too much. Sige, wag mo na akong pansinin, bumaba ka na ako na ang bahala sa sarili ko—“ Mabilis na nilagyan ni Serena ng laman ang bibig ng niya kaya nagkasamid-samid siya. “Naku sorry!” Tarantang pinainum siya nito ng tubig. “Kinakabahan kasi ako, Axel… kanina ayos naman ang kamay mo, tapos ngayon hindi mo na magalaw… baka bukas manigas na buong katawan mo. Magpa-ospital ka na kaya!” Pinigilan ni Axel ang mapangiti. Hindi pala nagdududa ang dalaga sa kanya kundi nag aalala. Now he could see it clearly on her face. Damn! Ang sarap sa pakiramdam. Tumikhim siya. “Don’t worry bukas ay ayos na ako kaya wag ka ng mag alala. Mabuti pa ay magdagdag ka ng pagkain… sabayan mo ako para ganahan ako.” “S-sigurado ka? A-ang binti mo?
last updateLast Updated : 2024-07-08
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
35
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status