Salamat po sa GEMS at RATE🫶〰️
Pagkatapos kumain ay napansin ni Serena ang pananahimik ni Axel. Sa tuwing titingin siya rito ay nag iiwas agad ito ng tingin o kaya babaling sa iba. Hindi kaya nito nagustuhan ang ginawa niyang paglagay ng karne sa plato nito kanina? Nakauwi nalang sila pero hindi pa rin ito kumikibo. Parang wala ito sa sarili na ewan. “Serena, iha!” Namilog ang kanyang mata ng makita ang ina ni Axel. Masayang yumakap ito sa kanya kaya gumanti rin siya ng yakap. “Mrs. Helger!” Ang gaan sa pakiramdam. Para siyang nakatagpo ng pangalawang ina dahil sa ginang. Hindi lang siya niligtas nito, naging mabuti pa ito sa kanya at itinuring siyang parang kaanak. “Masaya akong malaman na narito ka na ulit, iha. Naku, sinasabi ko na nga ba! Lalambot din ang anak kong iyan. Siya nga pala,” tinuro nito ang lalaking nakatayo lang sa may bandang pinto. “Siya nga pala si Ax, ang pangatlo sa mga anak ko.” Hindi niya mapigilan ang mapangiwi. Lahat ba ng anak ni Mrs. Helger ay kamukha ng asawa nito? Sak
Nakangiting sumimsim ng juice si Stacey habang binabasa at inaaral ang report tungkol sa kumpanya ng mga Torres. Gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya. Sa tuwing nababasa niya kung gaano kalaking pera ang makukuha nilang mag ina ay parang baliw na tumatawa siyang mag isa. Una si Joem. Ngayon naman ang yaman ng mga Torres. Wala na talagang makakapigil sa kanila. Umupo si Stella sa tabi ng anak. “Mabuti na lamang at nari’yan si Atty. para sabihin sa atin ang plano ni Baxia. Mabuti naman at natauhan na ang matandang ‘yon. Akala ko ay hindi pa rin niya ipapamana sa atin ang kayamanan niya. Pero tingnan mo naman, sa atin pa rin ang bagsak ng lahat dahil wala siyang mapagpipilian! Hahaha!” Dahil nasa business trip ngayon si Joem ay nagagawang mag inom ni Stacey at magpakasawa sa alak. Ang alam kasi ng asawa ay buntis siya. Tama, ang alam ni Joem ay buntis siya kaya siya nito pinakasalan. Sa bar na pinag inuman nito ay may inutusan siyang tao na lagyan ng dr0ga ang inumin nito. Nap
“Yes, Love, do it.” Tumango-tango si Axel at pagkaraan ng ilang sandali ay ngumisi ito. “The big share, the better… gusto kong magugulat sila at malalaman na lang na lahat ng pinaghirapan nila ay napunta sa wala.” Kung titingnan ay parang abala si Serena sa pagsort ng mga papeles na nasa mesa pero ang totoo ay nakikinig siya sa usapan ni Axel sa tinawag nitong Love. Love? Kung gano’n hindi totoo na wala itong nobya? Napahawak siya sa baba… mukhang naglilihim si Axel sa pamilya. Napaiwas siya ng tingin nang makitang tumingin ito sa kanya. Sabagay, may nobya man ito o wala, wala na siya ro’n. Lalaki ito ay binata naman, natural na magkagusto ito sa isang babae. “Serena, let’s go… may pupuntahan tayo.” “Sige, Sir!” Nagtatakang tumingin siya rito ng dalhin siya nito sa isang department store. “Pumili ka ng mga personal mong gamit, yung magkakasya sa loob ng isang linggo. Pero kung dadamihan mo at gustong ubusin ang lahat ng narito ay walang problema. Choose what you want, i w
Hindi maintindihan ni Serena kung bakit imbes sa hospital ay nasa pier nila ngayon. Pero agad din napabaling ang atensyon niya kay Axel ng umungot ito na parang nasasaktan. “Ano ba kasi ang nangyari sayo? Sino ang gumawa nito?” Kagabi ay ayos naman ito at walang mga pasa. Kaya saan ito nakuha ng binata? “Dapat managot ang may gawa nito sayo, Axel! Magsusumbong ako kay Mrs. Helger!” Lahat ng nakarinig na tauhan ay namutla at napaubo, napapalunok na wari’y takot. Namutla si Serena at hindi magawang sumakay sa yacht, biglang lumitaw sa isipan niya ang ginawa ni Stacey sa kanya. Namumutla na napahawak siya sa balikat… parang mawawalan siya ng malay sa kaba at takot. Napatingin ang dalaga ng hawakan ni Axel ang kamay niya. Pinisil pa ito ng binata para iparamdam na hindi niya kailangan matakot. “A-axel…” “Hindi mo kailangan matakot dahil kasama mo naman ako, Serena. Believe me, hindi ko hahayaan na saktan ka nila.” Napangiti siya. Biglang gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi
Natigilan si Serena sa sinabi ni Axel. Subuan daw? Kanina lang maayos naman ang lagay ng binata. “Can you feed me?” Ngumiwi ang binata. “I can’t move my hands, parang namamaga yata.” Napansin niya ang duda sa magandang mukha nito. “I’m sorry… I know it’s too much. Sige, wag mo na akong pansinin, bumaba ka na ako na ang bahala sa sarili ko—“ Mabilis na nilagyan ni Serena ng laman ang bibig ng niya kaya nagkasamid-samid siya. “Naku sorry!” Tarantang pinainum siya nito ng tubig. “Kinakabahan kasi ako, Axel… kanina ayos naman ang kamay mo, tapos ngayon hindi mo na magalaw… baka bukas manigas na buong katawan mo. Magpa-ospital ka na kaya!” Pinigilan ni Axel ang mapangiti. Hindi pala nagdududa ang dalaga sa kanya kundi nag aalala. Now he could see it clearly on her face. Damn! Ang sarap sa pakiramdam. Tumikhim siya. “Don’t worry bukas ay ayos na ako kaya wag ka ng mag alala. Mabuti pa ay magdagdag ka ng pagkain… sabayan mo ako para ganahan ako.” “S-sigurado ka? A-ang binti mo?
“Talaga? Para sa akin ‘to?!” Nakaawang ang labi na tanong ni Serena kay Axel. Pagkarating niya sa kwarto ay binigay agad ito ng binata sa kanya. Napatikhim siya ng maalala ang nakita niya kagabi. “S-siya nga pala may kahon na dumating kagabi… n-nasa ibaba, hindi ko mabuhat k-kasi mabibigat.” “Oh, I see.” Maikling tugon nito. “A-ano ba ang laman no’n? B-bakit ang bigat naman yata sobra?” Kunwari pa na tanong niya. Gusto niyang malaman kung magsisinungaling ba ito sa kanya. “Mga baril…” Hindi niya pinahalata ang gulat. Hindi nagsinungaling si Axel… hindi niya inaasahan ‘to. Oo nakita niya ito na may hawak na baril noon at may mga tauhan. Nagbitaw ng nakakatakot na salita. Pero nakakagulat pa rin makita na mukhang hindi simpleng pag-self defense lang ang mga pinadala rito kagabi. Habang sinusubuan niya si Axel ay napansin niya na nakatitig pa rin ito sa kanya. Nakakailang pero hindi niya magawang magalit rito. Ang dami niyang gustong itanong rito pero baka magalit ito at sabihi
Sa Torres mansion— sa basement. Pinahihirapan ng mag ina si Jodi, ang nurse ni Baxia. Sinubukan na magsumbong ng babae, mabuti na lamang at kanila itong nahuli. “M-mga walang hiya kayo! Magbabayad kayo sa kasamaan ninyo— ahhhh!” Napadaíng at napaiyak ang kwarenta anyos na nurse, nang siya ay sampalin ng dalawang beses ni Stacey. Namumula ang mukha nito sa galit. Muntik ng mapurnada ang kanilang plano dahil sa babaeng ito! “Walang hiya? Huh! Baka nakakalimutan mong kami ang amo mo! Kami ang nagbabayad sayo para alagaan mo ang matandang ‘yon—“ “Hindi mo pera ang pinambabayad ninyo sa akin kundi ang pera ni Sir Baxia! Kung may dapat man akong pagsilbihan ng tapat, siya iyon at hindi kayong dalawa! Ubod kayo ng sama! Paano ninyo nagawa ito sa kanya?!” “Aba, sumasagot ka pa!” Lalong uminit ang ulo ni Stella. “Mabuti at nahuli ka namin bago pa nakapagsalita ang matabil mong dila! Sa tingin mo makakalabas ka ng buhay sa basement na ito? Hindi! Sisirain mo lang ang plano na matagal na
Hating gabi na pero hindi pa rin makatulog si Serena. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang paghalik ni Axel sa kanya. Pati ang init ng halik nito ay dama pa rin niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi ito ang first kiss niya pero ibang-iba ang pakiramdam na ‘to kaysa sa fırst kiss nila ni Joem. Pati yakap ni Axel sa katawan niya ay mainit— hay naku naman, Serena! Wag mo na nga isipin ‘yon dahil mas lalo ka lang hindi makakatulog!’ Kastigo niya sa sarili. ‘May pakiusap ako sayo bukas’ at ‘If i will do this please response’ Ano kaya ang ibig sabihin ni Axel do’n? Saka bakit kailangan siyang halikan? Ahh! Maloloka na siya sa kakaisip! Kinaumagahan ay hindi siya makakilos si Serena ng normal. Paano ay dama niya ang paninitig ng binata mula sa kanyang likuran. “K-kumain na tayo.” Aya niya.. Napansin niya na pati si Axel ay tahimik. Siguro ay nagsisisi ito sa paghalik sa kanya. Sabagay, kahit nga siya ay nagulat sa ginawa nito. Muntik na niyan