Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 191 - Kabanata 200

315 Kabanata

191.

Tumalim ang mata ni Vin. “kung gano’n ay isa ka rin pala sa mga tauhan ng babaeng yan!” “Wag ka na maraming satsat!” asik ni Fredo, “mabuti pa sumunod ka nalang kung ayaw mong mapasama!” “Ikaw ang sumunod sa akin,” ngisi ni Vin, “hawak ko ang babaeng kasama mo, alam mo ba “yon?” Napalunok si Fredo, hindi gusto maniwala ng binata kay Vin, pero kanyang nakikita na hindi ito nagsisinungaling. Samantalang walang kamalay-malay ang mga bisita sa tensyon na namamagitan sa dalawang lalaki, ang atensyon ng lahat ay nasa dalawa na sina Johnson at Claudine. Napangisi si Vin at sumenyas sa isang tauhan, na nagpapanggap na bisita, lumapit ang lalaki at tinutukan ng baril si Fredo, na ngayon ay napapalunok… “Paano ba ‘yan? Mukhang ikaw ang kailangan sumunod kung hindi ay baka mauna pang mabutas ang tagiliran mo!” Walang nagawa si Fredo kundi ang sumunod sa lalaking tauhan ni Vin, kung magmamatigas ang binata ay tiyak na kamatayan niya ang maghihintay. “Ivy!” kanyang nilapitan agad ang dala
Magbasa pa

192.

Napayuko at sigaw ang lahat ng magkagulo. Mabilis na naunawaan agad ni Charlotte ang nangyayari, na mayro’ng alam ang binata sa nagaganap at plano sa kanya. Ang mga tauhan ni Johnson na humalo sa mga bisita ay mabilis na kumilos, pinatahimik agad ang mga tauhan nila Vin at Claudine… sa bawat sulok ng lugar ay nagkaro’n ng sunod-sunod na putukan, habang ang mga tauhan na inutusan ni Charlotte ay isa-isang inalalayan sa ligtas na lugar ang mga bisita. “H-Hindi…” nanginig ang labi na sambit ni Claudine, lumuluha sa takot, at pagkabigo ng isa-isa niyang nasilayan ang pagbagsakan ng kanilang mga inupahanh tao. Ang plano na kanilang matagal na pinaghandaan ay dagling nalusaw. “A-Ahh…” napahawak ito sa tiyan, bigla ang paggapang ng kanyang takot ng madama ang sobrang pananakit nito. “I said drink it, Claudine,” delikadong utos ni Johnson, nasa mukha ang poot, “You think you can get away with this? Kilala mo ako, Claudine, alam mo kung ano ang ugali ko at pinakaayaw ko sa lahat. Now dr
Magbasa pa

193.

Magaan ang dibdib ni Charlotte habang pinapanood ang kapwa alagad ng batas na dinadampot sina Vin at Claudine kasama sina Mr. Capil kasama ang iba pang kasabwat nito. Mabuti at nakumbinse niya si Johnson na huwag patayin ang mga ito. Tuwang-tuwa na yumakap si Ivy sa dalaga. “Charlotte, nagawa mo, sabi ko na nga ba at magagawa mo!” mangiyak-ngiyak ito maging si Fredo. May lungkot na tinanaw ni Charlotte si Johnson. Ginawa niya ang parte niya, tumulong siya na mailigtas ang binata. Doon palang ay masaya na siya… pero hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot dahil pagkatapos nito ay tuluyan na silang magkakalayong dalawa. “Masaya akong ligtas kayong dalawa, Ivy, Fredo. A-akala ko din hindi ko magagawa pero nagbunga ang araw-araw na pag eensayo ko at pagharap sa takot ko.” ang takot niya na hindi mailigtas si Johnson ang isa sa mga dahilan, iyon ang totoo. “Salamat sa inyo, ha. Dahil rin sa tulong niyo kaya nagkaron ako ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng plano ko… s-salamat
Magbasa pa

194.

“N-No, d-dad, wag mo kaming iiwan nila mommy at ate!” Isang singhap ang kumawala sa labi niya ng magising siya. Agad na bumalong ang luha sa kanyang mukha… wala rin siyang tigil sa pag iyak. Paano sa panaginip niya ay iniwan na sila ng daddy niya. Agad naman nilapitan ni Johnson ang dalaga ng makitang gising na ito at umiiyak. “Shhh, calm down, it just a dream.” pagpapatahan ng binata sa dalaga. “J-Johnson?” naguguluhang humiwalay ang dalaga at tiningnan ang binata. Ang huling natatandaan ni Charlotte ay nasa hospital sila… ano ang ginagawa niya sa kwarto nito ngayon? “I brought you here because you fell asleep. Here, dinalhan kita ng breakfast. Ihahatid kita mamaya, but befoe that, kumain ka na muna.” Napatitig si Charlotte kay Johnson… gustong umasa ng puso ng dalaga na nag aalala talaga sa kanya ang binata pero baka masaktan lang siya. Hindi na kaya pa ng puso niya ang umasa… sobra na siyang nasasaktan. “W-Why are you doing this? P-Pinaglalaruan mo na naman ba ako?” H
Magbasa pa

195.

“Salamat sa paghatid, Johnson.” “Sigurado ka ba na hindi mo na ako kailangan para magpaliwanag sa kanila?” may pag aalalang tanong ni Johnson sa dalaga. “Hindi na, kaya ko na. Saka na tayo haharap sa kanila kapag nasabi ko na ang tungkol sa atin… hindi pwedeng mabigla si dad, baka kasi lumala ang lagay niya.” nakaunawa naman na tumango si Johnson. Nabigla si Charlotte ng hapitin ng binata ang bewang niya at halikan siya sa labi, napapikit naman ang dalaga at agad itong tinugon. “T-Tama na, baka mahuli ka sa urgent meeting mo with board member,” Mahinang natawa si Johnson. “Oh, I’m sorry. Nakakatakam naman kasi ang labi mo. kung hindi ko lang kailangan na ayusin ang gulong ginawa nila Mr. Capil at Claudine ay baka kinulong na kita sa kwarto ko,” “J-Johnson!” namumula ang pisnging hinampas ito ng dalaga sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ni Charlotte ngayon, sa kabila ng sakit nang nalaman niya tungkol sa karamdaman ng ama, kahit paano ay gumaan at maligaya ang puso niya hatid ng
Magbasa pa

196.

Katatapos lamang ni Johnson sa meeting. Hindi lamang ang gulong ginawa nina Claudine ang inayos ng binata. He also explained everything on the board members about the shares he fakely sell on Mr. Capil. Naunawaan naman agad iyon ng mga ito. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at marahas na bumuga ng hangin. He is tired. If only Charlotte is here, he can rest by the sight of her. “Hernan, cancel all my appointments tomorrow.” “Yes, Mr. Darmilton,” tugon agad ni Hernan. “Siya nga pala, Mr. Darmilton, nakapagpareserve na ako ng restaurant sa sinabi mong lugar, bukas ay naro’n na rin ang mga musicians na tutugtog para sa date ninyo ni Miss Charlotte,” masayang balita pa nito. Naalala ni Hernan ang nangyari nang araw na inakala ng lalaki na maipakukulong siya, pero mali ang akala niya. Tunay nga na hindi maiisahan ang kanyang boss dahil may alam ito. Sa ngayon ay nasa kulungan na ang kampo nila Claudine at nagbabayad ng kasalanan. “That’s good, Hernan,” tinapik ni Johnson ang
Magbasa pa

197.

Gano’n na lamang ang taranta ng ina ni Charlotte ng makita si Johnson, kanya itong nilapitan bago pa makita ito ng kanyang asawa. Baka lalo lamang lumala ang lagay nito. “Iho, ano ang ginagawa mo rito? Kung si Charlotte ang pakay mo ay wala siya rito. Magkasama sila ni Sonnie ngayon at pinagpa-planuhan ang kanilang kasal.” Hindi naniniwala si Johnson sa narinig. “Hindi ba nabanggit sayo ng aking anak na ikakasal na siya sa susunod na linggo? Nagpasya si Charlotte na sundin ang gusto ng kanyang ama para hindi lumagay ang lagay nito. Johnson, kung anuman ang mayro’n kayo ng anak ko ay itigil niyo na,” Tumigas ang ekspresyon ni Johnson sa narinig. Masakit para sa kanya na marinig iyon sa sariling ina ng babaeng mahal, pero hindi ito sapat para bitiwan niya ang dalaga. “Binigyan namin si Charlotte ng limang buwan para iharap sa amin ang nobyo niya, o lalaking mahal niya. Pero tatlong buwan pa lamang ay bumitaw na siya at sinabi sa aking asawa na magpapakasal na siya sa iba… bakit,
Magbasa pa

198.

“Ano ba, bitiwan niyo ng ako! Ernesto, ano ‘to?” “Pasensya ka na, Ma’am Cherry, napag utusan lang kami. Alam namin ang plano mo mamaya… gusto kang makausap ni boss!” “N-Ni daddy? S-sandali nga lang, wala naman kayong ebidensya ah!” hirit ng dalaga. “Basta sumunod ka nalang, ma’am… hindi ka na sana nangialam pa, hindi ka sana mapaparusahan ng iyong ama!” Pinagpapawisan si Charlotte habang naririnig ang boses ng kapatid niya at ni Ernesto. Kung gano’n ay hindi na siya matutulungan ng ate niya na tumakas mamaya… pero paano nalaman nito ang plano nila? Napalayo ang dalaga sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Sonnie at nakangiting tumingin sa dalaga. “Sonnie, gabi na, bakit napadalaw ka?” “Actually, hindi ako napadalaw lang, Charlotte. Narito ako dahil dito ako matutulog ngayong gabi. Binigyan na ako ng permiso ng daddy mo kaya hindi mo ako kailangan tingnan ng masama.” Kumuyom ang kamao ng dalaga. Nagsisimula na siyang makadala ng inis sa binata. “Hindi dapat permiso ni d
Magbasa pa

199.

Natigil sa pag uusap ang dalawang lalaki nang bigla na lamang matumba ang isa nilang kasamahan. “Nari’yan na siya— ahhh!” Maging ang dalawa ay agad na natumba sa isang suntok lamang. Hindi na nagkaro’n ng pagkakataoan ang mga ito na makapagbigay ng babala sa grupo nila Ernesto. “Tsk. Easy as pie.” Tumingala si Johnson sa bintana ng kwarto kung saan hinihinala ng binata na naro’n si Charlotte. “Wait for me, baby… I’m coming.” Walang makakapigil sa binata na kunin si Charlotte, maski ang sariling magulang pa nito. Ilalaban niya ang dalaga maski maging kalaban pa ang pamilya nito. Natigilan naman si Ernesto ng walang sumagot sa kanyang tawag. Imbis mabahala ang lalaki ay nagkibitbalikat lamang ito. Na-busy marahil ang mga kasama sa pagbabantay. Nasa trenta mahigit katao ang bantay na nasa labas. Kaya imposible na gano’n kadali na mapatumba ang mga ito nang hindi sila naalarma. Nang pumasok si Sonnie ay tumayo si Ernesto at nagpaalam sa binata. “Sasaglit lang ako sa ibaba para sigu
Magbasa pa

200.

Natigalgal naman ang magulang ni Charlotte ng makita sina Ernesto at Sonnie sa sahig. Ang ama ni Charlotte ay hindi makaniwala sa sinapit ng kanyang tapat na tauhan. Tama si Sonnie, tunay nang malakas ang lalaking ito, kita iyon sa malaki nitong pangangatawan. “Sumunod kayo sa akin!” Umiling si Charlotte. “N-No, dad. Kung binabalak mong paghiwalayin kami ni Johnson ay hindi ako papayag, hindi ako magpapakasal kay Sonnie, dad!” nagsimulang bumalong ang luha ng dalaga. “M-Mahal na mahal ko si Johnson, dad… h-hindi ko magagawang sumaya kung hindi siya ang makakasama ko… n-nakikiusap ako sayo, hayaan mo na kaming dalawa.” Hindi binigyan ng pansin ng matanda ang anak, ang mabagsik na tingin nito ay lumipat sa binata. “Gusto ko kayong makausap kaya sumunod kayo,” at nauna nang lumakad ito kasunod ang asawa. Pinigilan ni Charlotte sa braso si Johnson, takot sa maaring gawin ng kanyang ama sa binata. Hinawakan ni Johnson ang nanginginig na kamay ng nobya para ito at pakalmahin. “Hin
Magbasa pa
PREV
1
...
1819202122
...
32
DMCA.com Protection Status