Nang may kumatok sa kwarto ni Charlotte ay agad pinahid ng dalaga ang luha. “Ma’am Charlotte, oras na para maghapunan, hinihintay ka na nila Ma’am at Sir,” tuloy ng kasambahay sa magulang ng dalaga. “I-I’ll go ahead, sige na makakaalis ka na,” aniya. Inayos ni Charlotte ang sarili bago bumaba, nang makita ng dalaga ang magulang ay agad na nagpaskil siya ng ngiti sa labi. “Hi, mom, dad. Hmm, mukhang maganda ang mood ninyo ngayon. Ano ang mayro’n?” Kanyang tanong ng makita ang kakaibang kislap sa mukha ng magulang. Nagkatinginan ang mag asawa, ang ngiti sa mukha ng ginang ay lalong lumaki. “We decided na ipakilala na kayo sa isa’t isa ng mapapangasawa mo anak. Tutal pumayag ka na maikasal sa kanya in the next two months. Bakit hindi ninyo kilalanin ang isa’t isa? Mas mainam iyon para hindi kayo maging estranghero sa isa’t isa sa oras na magsama na kayo.” “Tama ang mommy mo, anak.” Segunda ng kanyang ama, bakas ang labis na kaligayahan sa mukha. “Mas mainam nga iyon… so kaila
Read more