Nang magmulat ng mata ni Charlotte ay unanh tumambad sa kanyang paningin ang mukha ni Axel, ang anak ng pinsan niyang si Xerxes. “Waahhh!!!” Niyakap niya agad ang sarili, nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya hubad, mukhang sinuotan siya ng damit ni Johnson bago siya iniwan. Napalunok ang dalaga ng tingnan siya ni Axel nang kunot ang noo, nanunuri rin ang tingin ng paslit. Napalunok siya. Kilala ni Charlotte ang anak ng pinsan niya, tahimik lang ito pero matalino itong bata. Hilaw siyang ngumiti. “A-Axel, ikaw pala… ahmm, ano ang ginagawa mo rito? Sino ang kasama mo?” Naku, wag naman sana kasama nito si Apol. “I’m with mommy, Tita Alena, Lola and Lolo. How about you, Tita Charlotte? What are you doing here?” “A-ah… eh… kasi…” Muli na naman siyang napalunok ng laway. My god! Paano na ito! “Axel!” Nanlaki ang mata ni Charlotte nang marinig ang malakas na boses ni Apol. “Mommy—“ mabilis na tinakpan ni Charlotte ang bibig ng pamangkin. “Shhh,” kulang nalang ay mag
Read more