Halos maglabasan ang ugat ni Charlotte sa kamay, sa diin ng kanyang pagkakahawak sa kanyang cellphone, pinapakinggang ngayon ng dalaga ang pinag uusapan nina Claudine at Mr. Capil. “Ibig mo bang sabihin ay hindi na natin hihintayin na maikasal kami? Paano namin makukuha ng anak ko ang kayamanan ni Johnson kung hindi na natin itutuloy ang plano?” Boses iyon ni Claudine. “Tagilid ang ating sitwasyon, iha. Ako rin ay gustong maubos ang lahat ng mayro’n si Mr. Darmilton, pero hindi na natin maaring ituloy ang naunang plano. Nakarating sa akin na hindi ka gusto ng mga kapatid ni Johnson. Nasisiguro ko na magpapa-imbestiga sila. Sa oras na mangyari iyon ay hindi natin masisiguro kung magtatagumpay pa tayo. Hindi natin kayang bilhin ang katapatan ng mga tauhan nila Xerxes Helger at Kairo Han, sigurado ako na mapapahamak tayong tatlo nila Vin. Pero ngayong makukuha na natin ang ilang shares sa kanyang kumpanya… madali na lang natin mabibili ang iba pa kung mawawala na siya sa ating landas
Kinuha ni Charlotte ang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. “Hello, dad… I have favor to ask. May nagtangka sa buhay ko… Will you maku sure na hindi na siya kailanman makakalabas ng bilangguan?” Tanong ng dalaga sa ama. “What?! Nasaan ka at pupuntahan kita!” Galit at nag aalalang tanong ng daddy ni Charlotte. Hindi man kaharap ng dalaga ang ama natitiyak niya na madilim ang mukha nito. Hindi gusto ni Charlotte na umabot sa ganito. Pero sumusobra na si Loisa. Kailangan na nitong maturuan ng matinding leksyon. Hindi lamang siya ang kaya nitong saktan, maging ang kanyang kaibigan. Pagkatapos sabihin ni Charlotte kung nasaan siya ay binaba ng dalaga ang tawag. Tiyak siya na hindi magtatagal ay darating agad ang kanyang magulang. May awang tiningnan ni Charlotte si Loisa. Nakangiti pa ang babae sa kanya, na para bang may nakakatawa sa kanyang ginawa. Nunuyang tinawanan ni Loisa si Charlotte. “Sa tingin mo matatakot mo ako? Kahit tawagan mo pa ang tatay at buong angkan mo ay hi
“Napakatigas ng ulo mo, Charlotte! Nakita mo na ang nangyari sa’yo?” Saglit na umubo ang daddy ni Charlotte, sakay na sila ng sasakyan ngayon. “Paano kung sa susunod ay hindi lamang iyan ang abutin mo?” “Dad, ayos lang ako.” Pinigilan ng dalaga ang mapangiwi, lalo lang siyang pagagalitan ng magulang kapag nakita ng mga ito na nasasaktan siya. Pagdating sa hospital ay agad na inalis ang bala sa kanyang balikat, maging ang sugat sa kanyang ulo ay ginamot na. Naalala ni Charlotte ang takot at pagsisisi sa mukha ni Loisa. ‘Hindi na rin pala masama ang minsan na magpakita ng kapangyarihan.’ Napabuga ng hangin ang dalaga. Pero dahil ro’n ay nalaman ng lahat kung sino ang kanyang mga magulang. Ang matagal ng katauhan na tinago ni Charlotte ngayon ay hindi na lihim. Isang araw ang lumipas. Hindi magawang umalis ni Charlotte dahil binantayan ang dalaga ng kanyang magulang. Kaya ng umalis ang ina at ama ay agad siyang gumayak. Kailangan niyang puntahan si Johnson para bigyan ng babala.
Puno ng lungkot ang mga mata ni Charlotte habang nakamasid sa kawalan. Mabilis lang na lumipas ang mga araw… sinubukan ng dalaga na bigyan muli ng babala si Johnson pero hindi na niya nakita pa ang binata. Batid ni Charlotte, umiiwas ito… Humawak si Charlotte sa dibdib at mapait na naluha. This is between life and death, sobrang delikado at mapanganib. Pero bakit hindi siya mapaniwalaan ng binata? Gusto lang naman niya itong iligtas mula sa kapahamakan. “Ma’am Charlotte, pinapatawag ka na nh iyong ina sa ibaba.” “Sige, susunod na ako.” Matamlay na sagot ng dalaga sa kasambahay, sinadyang hindi humarap ng dalaga para itago ang luha sa mukha. “You looked perfect, anak!” Puri ng ina ni Charlotte. Ngumiti ang ama ni Charlotte. “Kanino pa nga ba magmamana ang ating anak?” Yumakap ito sa asawa. “Hindi ba’t sayo?” Hindi maiwasan mapangiti ni Charlotte sa paglalambingan ng magulang. Matanda na ang mag asawa pero naro’n pa rin ang pagmamahal para sa isa’t isa. Hinawakan ng k
Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Charlotte habang nakatingin sa engagement party invitation nila Johnson at Claudine, kopya lamang ito ng pinadala ni Ivy sa kanya… sinubukan niya ulit puntahan ang binata at bigyan ng babala pero binalewala lamang siya nito. Hulog na hulog talaga ang binata kay Claudine, nabulag na ito ng pagmamahal rito. ‘At ang sakit niyon!’ Agad na pinahid ng dalaga ang luha ng makita sina Ivy at Fredo na paparating. “Confirm, Charlotte… balak nilang lasunin si Mr. Darmilton sa araw ng engagement party. Marami din silang tao na magkakalat sa paligid. Plano ning i-assasinate si Mr. Darmilton sa oras na pumalpak sila. Ano ang susunod nating plano? Kung humingi kaya tayo ng tulong kay Sir Landri?” Ani Ivy, “sigurado ako na tutulungan tayo ni Sir.” Agad naman sumang ayon si Fredo sa dalaga. “Tama si Ivy, Charlotte. Si Sir Landri pa, sigurado na tutulungan niya tayo!” Umiling si Charlotte. “Hindi na kailangan ng tulong ni Sir Landri.” May misyon itong ginagaw
Paulit-ulit sinubukan na tawagan ni Claudine sina Mr. Capil at Vin subalit hindi sumasagot ang dalawa. “Arghh!!! Ano ba ang ginagawa ng dalawang iyon at hindi sinasagot ang tawag ko?! Magsisimula na ang party!” Maging ang kanilang tauhan ay hindi na makontak pa! Ang inis na Claudine ay nawala ng makita ang repleksyon sa salamin. Maganda si Claudine, morena, makinis, maliit ang mukha… kaya malaki ang kumpiyansa ng dalaga na siya ang pinakamaganda sa gabing ito, hindi lamang dahil maganda siya, kundi dahil napakamahal ng kanyang suot na Royal Blue Dress, kahit malaki na ang tiyan ay kayang makipagsabayan ng dalaga. “Ma’am, pinapatawag na kayo sa labas ni Mr. Darmilton,” imporma kay Claudine. Inis na tumayo ang dalaga at masamang tiningnan ang babae. “Bababa na!” Ngitngit ang loob ni Cluadine. Hindi man lamang sinilip ni Johnson ang dalaga sa loob, pati pagsundo ay inutos pa ng binata sa ibang tao! Nakakainis! ‘Mabuti pa ay hanapin niya si Vin at si Uncle sa labas!’ Nabura ang
Tumalim ang mata ni Vin. “kung gano’n ay isa ka rin pala sa mga tauhan ng babaeng yan!” “Wag ka na maraming satsat!” asik ni Fredo, “mabuti pa sumunod ka nalang kung ayaw mong mapasama!” “Ikaw ang sumunod sa akin,” ngisi ni Vin, “hawak ko ang babaeng kasama mo, alam mo ba “yon?” Napalunok si Fredo, hindi gusto maniwala ng binata kay Vin, pero kanyang nakikita na hindi ito nagsisinungaling. Samantalang walang kamalay-malay ang mga bisita sa tensyon na namamagitan sa dalawang lalaki, ang atensyon ng lahat ay nasa dalawa na sina Johnson at Claudine. Napangisi si Vin at sumenyas sa isang tauhan, na nagpapanggap na bisita, lumapit ang lalaki at tinutukan ng baril si Fredo, na ngayon ay napapalunok… “Paano ba ‘yan? Mukhang ikaw ang kailangan sumunod kung hindi ay baka mauna pang mabutas ang tagiliran mo!” Walang nagawa si Fredo kundi ang sumunod sa lalaking tauhan ni Vin, kung magmamatigas ang binata ay tiyak na kamatayan niya ang maghihintay. “Ivy!” kanyang nilapitan agad ang dala
Napayuko at sigaw ang lahat ng magkagulo. Mabilis na naunawaan agad ni Charlotte ang nangyayari, na mayro’ng alam ang binata sa nagaganap at plano sa kanya. Ang mga tauhan ni Johnson na humalo sa mga bisita ay mabilis na kumilos, pinatahimik agad ang mga tauhan nila Vin at Claudine… sa bawat sulok ng lugar ay nagkaro’n ng sunod-sunod na putukan, habang ang mga tauhan na inutusan ni Charlotte ay isa-isang inalalayan sa ligtas na lugar ang mga bisita. “H-Hindi…” nanginig ang labi na sambit ni Claudine, lumuluha sa takot, at pagkabigo ng isa-isa niyang nasilayan ang pagbagsakan ng kanilang mga inupahanh tao. Ang plano na kanilang matagal na pinaghandaan ay dagling nalusaw. “A-Ahh…” napahawak ito sa tiyan, bigla ang paggapang ng kanyang takot ng madama ang sobrang pananakit nito. “I said drink it, Claudine,” delikadong utos ni Johnson, nasa mukha ang poot, “You think you can get away with this? Kilala mo ako, Claudine, alam mo kung ano ang ugali ko at pinakaayaw ko sa lahat. Now dr