Salamat po sa GEMS 💎 at RATE
Natigil sa pag uusap ang dalawang lalaki nang bigla na lamang matumba ang isa nilang kasamahan. “Nari’yan na siya— ahhh!” Maging ang dalawa ay agad na natumba sa isang suntok lamang. Hindi na nagkaro’n ng pagkakataoan ang mga ito na makapagbigay ng babala sa grupo nila Ernesto. “Tsk. Easy as pie.” Tumingala si Johnson sa bintana ng kwarto kung saan hinihinala ng binata na naro’n si Charlotte. “Wait for me, baby… I’m coming.” Walang makakapigil sa binata na kunin si Charlotte, maski ang sariling magulang pa nito. Ilalaban niya ang dalaga maski maging kalaban pa ang pamilya nito. Natigilan naman si Ernesto ng walang sumagot sa kanyang tawag. Imbis mabahala ang lalaki ay nagkibitbalikat lamang ito. Na-busy marahil ang mga kasama sa pagbabantay. Nasa trenta mahigit katao ang bantay na nasa labas. Kaya imposible na gano’n kadali na mapatumba ang mga ito nang hindi sila naalarma. Nang pumasok si Sonnie ay tumayo si Ernesto at nagpaalam sa binata. “Sasaglit lang ako sa ibaba para sigu
Natigalgal naman ang magulang ni Charlotte ng makita sina Ernesto at Sonnie sa sahig. Ang ama ni Charlotte ay hindi makaniwala sa sinapit ng kanyang tapat na tauhan. Tama si Sonnie, tunay nang malakas ang lalaking ito, kita iyon sa malaki nitong pangangatawan. “Sumunod kayo sa akin!” Umiling si Charlotte. “N-No, dad. Kung binabalak mong paghiwalayin kami ni Johnson ay hindi ako papayag, hindi ako magpapakasal kay Sonnie, dad!” nagsimulang bumalong ang luha ng dalaga. “M-Mahal na mahal ko si Johnson, dad… h-hindi ko magagawang sumaya kung hindi siya ang makakasama ko… n-nakikiusap ako sayo, hayaan mo na kaming dalawa.” Hindi binigyan ng pansin ng matanda ang anak, ang mabagsik na tingin nito ay lumipat sa binata. “Gusto ko kayong makausap kaya sumunod kayo,” at nauna nang lumakad ito kasunod ang asawa. Pinigilan ni Charlotte sa braso si Johnson, takot sa maaring gawin ng kanyang ama sa binata. Hinawakan ni Johnson ang nanginginig na kamay ng nobya para ito at pakalmahin. “Hin
Hindi masukat ang ngiti ni Charlotte habang nakatingin sa daliri. Narito, nakasuot ang singsing na binigay ng kasintahan na si Johnson. Napangiti si Cherry habang napapailing na nakatingin sa kapatid. “Tama na ang katitingin sa singsing, baka malusaw ‘yan kakatitig mo ri’yan,” may panunudyo sa tono nito. Pagkaraa’y umiling ito. “Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Sinong mag aakala na si Sonnie ay pipiliin na palayain ka sa engagement ninyong dalawa? I admire him for what he has done. On the other hand, I felt bad for him. Hindi madali ang magparaya. Sigurado ako na sobrang sakit nito para sa kanya.” Bumuntong hininga si Charlotte. Tama ang kanyang kapatid, hindi ito madali sa binata. Those difficult desicions needs a lot of courage, dahil hindi madal ang magpalaya ng taong mahal mo. ipagdarasal na lamang ng dalaga na balang araw ay makatagpo ng tunay na magmamahal ang binata. Aalis na sana si Cherry, subalit napahinto ng may maalala. “Sandali, hindi mo ba pupuntahan a
Pinagpawisan ang tatlong lalaki. Ang tatlong babaeng nasa kanilang harapan ay mukhang handang sumabak sa giyera. “I’m going to kill you after this, Johnson,” bulong ni Xerxes sa binata. Namewang si Apol, nakatingin ng masama kay Xerxes. “Mukhang nagkakasiyahan kayo rito ngayon.” Nanatiling kalmado ang tingin ni Alena kay Kairo, subalit alam ng lalaki, nag iisip na ang asawa ng pwedeng iparusa sa kanyang pag uwi. “Yeah, we are going to kill you, Johnson.” banta rin nito sa binata. Hindi pinansin ni Johnson ang dalawang bayaw, nakatutok lamang ang tingin niya kay Charlotte na hindi maipinta ang mukha, namumula ang pisngi, tanda na ito ay nagpipigil ng galit. ‘Damn you, Hernan! Bago ako mapatay nila Xerxes at Kairo ay uunahin kita, I swear!’ asik ng utak ng binata. “Baby, let me explain—” “No need.” putol ni Apol kay Johnson ng binalak niyo magpaliwanag kay Charlotte. “Hindi kami nagpunta rito para pigilin kayo. Go on, enjoy the night. Mga lalaki kayo, may karapatan din nama
Hindi maalis ang ngiti sa labi dulot ng labis na tuwa, ang kaligayan sa dibdib ni Charlotte ay walang pagsidlan, umaapaw sa ligaya ang kanyang puso. Ngayong araw ay kasal nila ni Johnson. Pinahid niya ang luha ng kusa itong tumulo. Hindi niya mapigil, gustong kumawala ng mga ito sa pisngi ni Charlotte dahil sa umaapaw na emosyon. ‘Charlotte, I love you!’ Mahinang natawa ang dalaga ng maalala ang malakas na sigaw ni Johnson para sa kanya sampong taon na ang nakakaraan. Sa isip niya noon ay hinding-hindi niya ito magugustuhan. Para sa kanya, mayabang, hambog, at makapal ang mukha ng binata. Walang pakundangan kung magsalita, hindi marunong mahiya at makapal ang mukha, iyon ang kanyang tingin sa binata. Kaya sa tuwing dumidikit ito ay agad siyang lumalayo, naiinis sa kadaldalan nito. Nang huminto ang bridal car sa labas ng simbahan ay parang batang umiiyak siya. Sa wakas, ang pagmamahal nila sa isa’t isa na tumagal ng taon ay mauuwi lahat sa masayang pagtatapos. “Charlotte
Katulad ni Charlotte, pareho silang lumuluha habang sinasabi ang vows nila para sa isa’t isa. “I do, father.” Kumikinang ang matang sagot ni Johnson, pigil ang kanyang emosyon subalit hindi ito mapigil. Minahal niya si Charlotte ng matagal na panahon, ni minsan ay hindi naalis ito sa kanyang puso. Natabunan man ang galit, hinanakit, ang kanyang pagmamahal, nanatili lamang iyon at hindi nawala. “You may kiss the bride!” Masigabong pumalakpak ang mga bisita. Ngunit bago itaas ni Johnson ang belo ni Charlotte, na ngayon ay kanya nang asawa, dinukot ng lalaki ang nasa kanyang bulsa. “J-Johnson,” lalo lamang bumalong ang luha ni Charlotte ng makita ang pamilyar na kwintas na hawak ni Johnson. Sinuot ng kanyang asawa ang kwintas sa kanyang leeg. “"I hid this, hoping that someday I can give it back to you." Tinaas ni Johnson ang belo, ang mata ay kumikislap sa kaligayahan. “Finally, it has been returned to its rightful owner, at ikaw iyon, baby.” Bumaba ang mukha ni Johnson at s
"This meeting is adjourned! Thank you everyone for the participation!" Tumayo si Johnson at agad na lumabas ng boards room, " Hernan, cancel all my appointments tomorrow and the next day. Aalis ako mamayang gabi, ikaw na ang bahalang magbigay ng alibi sa asawa ko." "Yes, boss!" Nakasaludo pang wika nito sa amo. "Wag kang mag alala, Mr. Darmilton, magaling ako pagdating sa pagdadahilan, maasahan mo ako ri'yan—" napaatras ito ng tingnan ni Johnson ng masama. Napalunok pa si Hernan sa takot. "Siguraduhin mo na hindi ako mapapahamak sa idadahilan mo sa asawa ko, kung ayaw mong balatan kita ng buhay!" Nang huling beses na utusan ito ni Johnson na magbigay ng alibi kay Charlotte, dahil pupunta siya ng Paris para bilhan ito ng mga alahas ay napahamak siya. Ang alibi ni Hernan ay nakipagkita siya sa isang babae. Oo, totoo iyon, pero hindi nilinaw ni Hernan na ang babaeng kinatagpo niya ay isang Jewelry owner, at matanda na ang babaeng iyon. Gusto lamang niyang kausapin ito upang ibenta
“HAPPY ANNIVERSARY, BABY!” Nakangiting tinanggap ni Charlotte ang bulaklak na inabot ng asawang si Johnson. “Baby?” Napatawa siya na may halong kilig, “matanda na tayo, Johnson, hindi na ako baby, noh,” aniya na kinikilig. Hinawakan ni Johnson ang kamay ng asawa at hinila sa gitna, kasabay ng pagtugtog ng sweet music ay sumayaw sila sa gitna. “Tsk. Kahit umabot ka pa ng isangdaang edad, ikaw pa rin ang nag iisang baby ko, Charlotte. Saka hindi tumatanda ang puso pagdating sa pag ibig… para sa akin, araw-araw kang maganda.” Hindi mapigilan ni Charlotte ang maging emosyonal. Matanda na silang dalawa ni Johnson, mga binata na ang kanilang triplets, pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang asawa. “Shh, bakit ka umiiyak? Baka mamaya isipin ng mga anak natin na pinapaiyak kita.” Pinahid ni Johnson ang luha niya. Puno ng emosyon na tumitig ito sa kanyang mukha. “Napakaganda mo pa rin, Charlotte, wala kang kupas.” “Ayan, kaya ako naiiyak dahil hanggang ngayon ay binobola mo pa r