Iba sila magselos… hahahaha.
Hindi maalis ang ngiti sa labi dulot ng labis na tuwa, ang kaligayan sa dibdib ni Charlotte ay walang pagsidlan, umaapaw sa ligaya ang kanyang puso. Ngayong araw ay kasal nila ni Johnson. Pinahid niya ang luha ng kusa itong tumulo. Hindi niya mapigil, gustong kumawala ng mga ito sa pisngi ni Charlotte dahil sa umaapaw na emosyon. ‘Charlotte, I love you!’ Mahinang natawa ang dalaga ng maalala ang malakas na sigaw ni Johnson para sa kanya sampong taon na ang nakakaraan. Sa isip niya noon ay hinding-hindi niya ito magugustuhan. Para sa kanya, mayabang, hambog, at makapal ang mukha ng binata. Walang pakundangan kung magsalita, hindi marunong mahiya at makapal ang mukha, iyon ang kanyang tingin sa binata. Kaya sa tuwing dumidikit ito ay agad siyang lumalayo, naiinis sa kadaldalan nito. Nang huminto ang bridal car sa labas ng simbahan ay parang batang umiiyak siya. Sa wakas, ang pagmamahal nila sa isa’t isa na tumagal ng taon ay mauuwi lahat sa masayang pagtatapos. “Charlotte
Katulad ni Charlotte, pareho silang lumuluha habang sinasabi ang vows nila para sa isa’t isa. “I do, father.” Kumikinang ang matang sagot ni Johnson, pigil ang kanyang emosyon subalit hindi ito mapigil. Minahal niya si Charlotte ng matagal na panahon, ni minsan ay hindi naalis ito sa kanyang puso. Natabunan man ang galit, hinanakit, ang kanyang pagmamahal, nanatili lamang iyon at hindi nawala. “You may kiss the bride!” Masigabong pumalakpak ang mga bisita. Ngunit bago itaas ni Johnson ang belo ni Charlotte, na ngayon ay kanya nang asawa, dinukot ng lalaki ang nasa kanyang bulsa. “J-Johnson,” lalo lamang bumalong ang luha ni Charlotte ng makita ang pamilyar na kwintas na hawak ni Johnson. Sinuot ng kanyang asawa ang kwintas sa kanyang leeg. “"I hid this, hoping that someday I can give it back to you." Tinaas ni Johnson ang belo, ang mata ay kumikislap sa kaligayahan. “Finally, it has been returned to its rightful owner, at ikaw iyon, baby.” Bumaba ang mukha ni Johnson at s
"This meeting is adjourned! Thank you everyone for the participation!" Tumayo si Johnson at agad na lumabas ng boards room, " Hernan, cancel all my appointments tomorrow and the next day. Aalis ako mamayang gabi, ikaw na ang bahalang magbigay ng alibi sa asawa ko." "Yes, boss!" Nakasaludo pang wika nito sa amo. "Wag kang mag alala, Mr. Darmilton, magaling ako pagdating sa pagdadahilan, maasahan mo ako ri'yan—" napaatras ito ng tingnan ni Johnson ng masama. Napalunok pa si Hernan sa takot. "Siguraduhin mo na hindi ako mapapahamak sa idadahilan mo sa asawa ko, kung ayaw mong balatan kita ng buhay!" Nang huling beses na utusan ito ni Johnson na magbigay ng alibi kay Charlotte, dahil pupunta siya ng Paris para bilhan ito ng mga alahas ay napahamak siya. Ang alibi ni Hernan ay nakipagkita siya sa isang babae. Oo, totoo iyon, pero hindi nilinaw ni Hernan na ang babaeng kinatagpo niya ay isang Jewelry owner, at matanda na ang babaeng iyon. Gusto lamang niyang kausapin ito upang ibenta
“HAPPY ANNIVERSARY, BABY!” Nakangiting tinanggap ni Charlotte ang bulaklak na inabot ng asawang si Johnson. “Baby?” Napatawa siya na may halong kilig, “matanda na tayo, Johnson, hindi na ako baby, noh,” aniya na kinikilig. Hinawakan ni Johnson ang kamay ng asawa at hinila sa gitna, kasabay ng pagtugtog ng sweet music ay sumayaw sila sa gitna. “Tsk. Kahit umabot ka pa ng isangdaang edad, ikaw pa rin ang nag iisang baby ko, Charlotte. Saka hindi tumatanda ang puso pagdating sa pag ibig… para sa akin, araw-araw kang maganda.” Hindi mapigilan ni Charlotte ang maging emosyonal. Matanda na silang dalawa ni Johnson, mga binata na ang kanilang triplets, pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang asawa. “Shh, bakit ka umiiyak? Baka mamaya isipin ng mga anak natin na pinapaiyak kita.” Pinahid ni Johnson ang luha niya. Puno ng emosyon na tumitig ito sa kanyang mukha. “Napakaganda mo pa rin, Charlotte, wala kang kupas.” “Ayan, kaya ako naiiyak dahil hanggang ngayon ay binobola mo pa r
Dear mga readers! Maraming salamat nga po pala sa mga sumuporta sa mga stories nina… Xerxes & Apol🖤 Kairo & Alena🖤 Johnson & Charlotte🖤 Nagulat po ako dahil ang dami po palang naka-abang sa stories na ‘to. Dahil di’yan ay hindi ako magsasawa na dugtungan ito at magbigay ng iba’t ibang klase ng “Love Story” sa susunod pang chapters. Maraming salamat sa mga GEMS 💎 givers, dumarami na pala kayo! Marami din salamat sa mga “RATES” ninyo! Talagang nakakataba ng puso! Wag po kayo magulat kung paminsan-minsan ay isisingit ko sina Apol, Alena at Charlotte. Na-mimiss ko kasi ang ating nakaraang bida🥰 Salamat sa suporta✨♥️ Up next‼️ Abangan ang ‘Love Story’ nila Axel Helger at Serena Torres. Ating subaybayan kung paano nila matututunan na mahalin ang isa’t isa.
“SERENA, b-bakit mo kami iniwan, anak? B-Bakit?” Ang mata ng lahat ay nakapako kay Mrs. Torres, humahagulhol ito, katabi ang baldadong asawa na si Mr. Torres at ang anak na si Stacey. Nagluluksa sa pagkamatay ni Serena, gano’n din ang mga kamag anakan na naro’n, nagluluksa sa biglaang pagkamatay ng dalaga. “S-S-Serena… k-kung nasaan ka man, gabayan mo kaming lahat, lalong-lalo na si daddy, hinding-hindi ka namin makakalimutan, h-hindi mabubura ang mga masayang alala namin kasama ka.” Baldado man at hindi nakakagalaw, hindi naman mapigil ang pagdaloy ng luha sa mata ng ama ni Serene, sobra ang kanyang lungkot, pangungulila sa anak. “A-a-nak,” hirap na hirap na bigkas ni Mr. Torres na tanging labi lamang ang naigagalaw, hirap pa dahil na-stroke ito. Sa paggising ay wala nang maglalambing at yayakap sa kanya. Wala nang gigising sa kanya at maghahatid sa hardin para masikatan ng araw ang katawan upang siya ay sumigla. Wala na ang kanyang anak! At isipin lamang iyon ng matanda ay
Tahimik na sumisimsim si Apol ng tea sa kanilang hardin. Palaisipan sa ginang kung bakit may tama ng baril ang kanyang natagpuan na babae. Napahawak siya sa babae habang napapaisip. “Hmm, ang ganda niya… morena, makinis, batang-bata. Naalala ko tuloy bigla ng kabataan ko.” Naiwika ni Apol. Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag ng asawa. “Hello, hubby!” “Wife, I’m going home, hindi ako mapakali dahil sa ginawa mo!” Napabungisngis si Apol. “Hubby, natural na minsan ay magligtas, o tumulong tayo sa iba. Saka bakit ka naman sobra kung mag alala gayong nasa bahay lang naman ako dito sa isla. Bukod sa marami akong bantay ay napakataas ng security alert rito hindi katulad noon.” “You can’t blame me, wife. Hindi disgrasya ang nangyari sa babaeng niligtas mo. Malinaw na siya ay pinagtangkaan, kaya inaalala kita dahil baka mapano ka kapag wala ako sa tabi mo!” Muling napabungisngis si Apol sa tinuran ng asawa. Matanda na sila subalit grabe pa rin ito mag alala at magpakita
Pinahid ng dalaga ang luha at tumingin sa boses na pinanggalingan niyon. Napakurap siya ng ilang beses. Sa kanyang harapan ay mayro’ng napakatangkad na lalaki, mas matangkad pa ito sa fiance niyang si Joem, palagay niya ay sana 6’2 ang taas nito, napakagwapo din ng lalaki, malaki at matipuno din ang katawan. “S-Sir, w-wag kang magalit kay Ma’am Serena, ang mommy niyo po ang nagsabi na ipagamit ang kwarto ninyo sa kanya!” Humahangos na paliwanag ni Nimfa, kasunod nito ang among si Apol. “Axel, anak, bakit hindi ka nag abiso na darating ka, eh di sana ay napaghandaan kita ng makakain.” Kung alam lamang ni Apol na darating ang anak ay inilipat sana niya ng ibang kwarto ang dalaga. Ngayon ay uminit pa ang ulo ng anak. Hindi kasi gusto ni Axel na mayro’ng ibang tao sa kwarto nito, lalo na kung babae. “Alisin niyo ang babaeng iyan sa kwarto ko, gusto ko magpahinga.” ‘Gwapo nga pero masama naman pala ang ugali ng lalaking ‘to.’ Isip-isip ng dalaga. Katulad ng gusto ng lalaki ay nil
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si