Axel & Serena 🫶✨
Tahimik na sumisimsim si Apol ng tea sa kanilang hardin. Palaisipan sa ginang kung bakit may tama ng baril ang kanyang natagpuan na babae. Napahawak siya sa babae habang napapaisip. “Hmm, ang ganda niya… morena, makinis, batang-bata. Naalala ko tuloy bigla ng kabataan ko.” Naiwika ni Apol. Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag ng asawa. “Hello, hubby!” “Wife, I’m going home, hindi ako mapakali dahil sa ginawa mo!” Napabungisngis si Apol. “Hubby, natural na minsan ay magligtas, o tumulong tayo sa iba. Saka bakit ka naman sobra kung mag alala gayong nasa bahay lang naman ako dito sa isla. Bukod sa marami akong bantay ay napakataas ng security alert rito hindi katulad noon.” “You can’t blame me, wife. Hindi disgrasya ang nangyari sa babaeng niligtas mo. Malinaw na siya ay pinagtangkaan, kaya inaalala kita dahil baka mapano ka kapag wala ako sa tabi mo!” Muling napabungisngis si Apol sa tinuran ng asawa. Matanda na sila subalit grabe pa rin ito mag alala at magpakita
Pinahid ng dalaga ang luha at tumingin sa boses na pinanggalingan niyon. Napakurap siya ng ilang beses. Sa kanyang harapan ay mayro’ng napakatangkad na lalaki, mas matangkad pa ito sa fiance niyang si Joem, palagay niya ay sana 6’2 ang taas nito, napakagwapo din ng lalaki, malaki at matipuno din ang katawan. “S-Sir, w-wag kang magalit kay Ma’am Serena, ang mommy niyo po ang nagsabi na ipagamit ang kwarto ninyo sa kanya!” Humahangos na paliwanag ni Nimfa, kasunod nito ang among si Apol. “Axel, anak, bakit hindi ka nag abiso na darating ka, eh di sana ay napaghandaan kita ng makakain.” Kung alam lamang ni Apol na darating ang anak ay inilipat sana niya ng ibang kwarto ang dalaga. Ngayon ay uminit pa ang ulo ng anak. Hindi kasi gusto ni Axel na mayro’ng ibang tao sa kwarto nito, lalo na kung babae. “Alisin niyo ang babaeng iyan sa kwarto ko, gusto ko magpahinga.” ‘Gwapo nga pero masama naman pala ang ugali ng lalaking ‘to.’ Isip-isip ng dalaga. Katulad ng gusto ng lalaki ay nil
Nakayuko lamang si Serena habang pinakilala ni Apol sa asawa nitong si Mr. X. Ngayon malinaw na sa dalaga kung kanino nagmana ang panganay na anak ng ginang. Katulad ng binata ay mayro’ng matapang at matayog ang awra ng ama nito, bagay na kahit sino ay pangingilagan sila. “Hubby, wag mo naman tingnan ng ganyan si Serena, tinatakot mo siya!” suway ng ginang. Napapailing ito sa masamang tingin na binibigay ng asawa sa dalaga. “Manang-manang talaga sayo ang mga anak mo!” bumaling ito sa dalaga. “Iha, pasensyahan mo na ang asawa ko, sandali, nasaan nga pala si Axel?” naitanong nito nang mapansin na wala ang anak. Hindi malaman ng dalaga ang isasagot. Ang totoo ay nagulat nalang siya ng magawi ang tingin sa pwesto ng binata dahil wala na ito ro’n, hindi man lang rin niya namalayan ang pag alis nito. Napailing nalang si Apol, naunawaan ang nangyari hindi man magsalita ang dalaga. “Sige, iha, umakyat ka na sa itaas pagkatapos mong kumain. Darating na rin ang doktor mayamaya para suriin
Tumingin si Serena sa labas ng bintana. Gabi na subalit natatanaw pa rin ang magandang karagatan dahil sa naglalakihang poste na naron na sadyang pinakabitan ng mga dekalikad na mga ilaw. Tanaw rin mula sa kanyang kinaroroonan ang mga tauhan na nagbabantay sa seguridad ng isla. Hindi niya maiwasan ang malungkot na naman habang inaalala ang kanyang ama. Kumain na kaya ito? Nakainom na kaya ito ng gamot? Nalinis ang katawan? Nailabas kaya ito kanina sa hardin para paarawan? Tumingala siya para pigilan ang pagpatak ng luha. Kailangan niyang tuluyan na magpagaling bago bumalik. Pero bago ‘yon, kailangan niya magreport sa mga pulis. Kailangan din niyang makausap ang kanyang ama tungkol sa ginawa ni Stacey sa kanya. Ang isa pa sa inaalala ng dalaga; ang kanyang stepmother na si Stella. Sigurado na masasaktan ito sa ginawa ng sariling anak. Sa mansion ng mga Torres; Hindi mapakali sina Stella at anak na si Stacey habang hinihintay na matapos ang usapan ng ama ni Serena at abogado ng pam
KANINA pa napansin ni Apol ang anak na si Axel na hindi panay ang sulyap sa kaniya, mukhang may nais sabihin. Ang naman ‘yong napansin ni Xerxes at tinanong ang anak. “What is it, Axel? Is it about our business? Then spill it.” Umiling ang binata sa ama. “No, dad. It is about that woman,”hindi tumitingin na tukoy nito sa babaeng kaharap. He addressed her ‘woman? Hindi ba nito tanda ni Axel ang pangalan niya? Medyo nakadama si Serena ng insulto. Ito marahil ang pagpapakita ng binata na hindi siya nito gusto. “What about her, son?”Si Apol na ang nagtanong sa anak. Napatango si Serena. Yes, what about her? “I want her to come with me tomorrow when I leave." Nagtataka man ay hindi kumibo si Serena. Nasa mukha nang binata na hindi nito gusto ang pinuputol ang pagsasalita. ‘Siya gustong isama ng binata? But why? “We don’t know her aside from her name. What if she is a spy?” Tiim-bagang na binalingan ng tingin ni Axel si Serena. “Kailangan natin mag ingat dahil hindi naman
Akmang papasok na si Serena sa kwarto na kanilang hinintuan ng mapansin ang pagsisikuhan ng dalawang babae. “May problema ba?” “N-naku, ma’am, wala po!” Agad na sagot ng isa. “Pwede po ba magtanong?” Nahihiya itong napakamot sa kilay, halatang kinakabahan ito na na-eexcite. “Mahilig po kasi ang kapatid ko sa sports… lalo na po sa swimming. Eh, pamilyar ka po. Hindi ba ikaw si Serena Torres?” Serena smiled. She didn’t know someone would recognize her after five years. Nang tumango siya ay napatalon ang dalawang may edad na kasambahay. Nakuha pa ng dalawa na magpapicture sa kanya. Naiilang man ay pumayag siya. Yes, maybe she was popular back then, but everything has a limit. Marami siyang bodyguards at kaya hindi siya nalalapitan ng maski sino. That’s her father's way to protect her. Malinis ang kwarto na inukupa ni Serena. Ayon sa kasambahay ay isa ito sa guest room. Dahil wala naman siyang dala maski isang gamit maliban sa kanyang suot ay wala siyang ma-aayos. Napahawak siya
Dala ng sobrang pag iyak ay nakatulog si Serena sa loob ng sasakyan. Plano ni Axel na ipaalaga si Serena sa isang nurse habang narito ito sa poder niya subalit tumawag ang kanyang ina na parang nabasa ang balak niyang gawin. “Alagaan mo si Serena, anak, hindi kita kukulitin na mag asawa kung aalagaan mo siya. Kailangan niya ng taong maasahan ngayon at masasandalan dahil may mabigat siyang dinadala.” Napasintido ang binata ng maalala ang matinis na boses ng mommy niya. Pabor sa kanya ang gusto nito. Pero ang mag alaga ng babae? Nah, it’s a big no. Kung ano ang problema ng dalaga ay labas na dapat siya ro’n. Medling to other’s business is not his cup of tea. Binuhat ni Axel si Serena hanggang sa kwarto. “Damn!” Naging baby sitter pa siya ng wala sa oras dahil sa kanyang ina. Akmang lalabas na ang binata nang mapansin ang natuyong luha sa pisngi. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng slacks na suot. Akmang pupunasan na niya ito ng mapansin ang dalawang kasambahay na nakanganga na nak
Axel never imagined that one day he would take care of a girl because of his mother's orders. Tsk. Mukhang napasubo siya. Mabuti at kalmado na si Serena pagkatapos niyang ipaliwanag na panaginip lamang iyon at hindi totoo. Bumaling siya sa dalawang kasambahay na madalas nag aasikaso sa dalaga at nagbilin na bantayan at sabihin agad sa kanya kapag nagising ito. Bago umakyat sa kanyang kwarto ay dumaan siya sa kanyang mini bar at kumuha ng alak. He needs this to ease his mind. Nang makarating sa kwarto ay tinawagan niya si Love, pero hindi pa rin makontak ang babae. Tss. Mukhang alam na niya kung bakit. Sigurado na dahil ito kay Xian. Napasintido siya ng maisip si Serena. Aabutin ng halos isang buwan ang pagpapamot nito kaya ibig sabihin lang nun ay mananatili ito ng mas matagal sa poder niya. This is his mother’s fault. Masyado itong maawain at mabuti sa kapwa. Why doesn't she send this woman back to her family? It’s the best things to do. Bakit kailangan pa nitong ibilin
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si