Salamat po sa GEMS 💎 at RATE✨🫶💕♥️
KANINA pa napansin ni Apol ang anak na si Axel na hindi panay ang sulyap sa kaniya, mukhang may nais sabihin. Ang naman ‘yong napansin ni Xerxes at tinanong ang anak. “What is it, Axel? Is it about our business? Then spill it.” Umiling ang binata sa ama. “No, dad. It is about that woman,”hindi tumitingin na tukoy nito sa babaeng kaharap. He addressed her ‘woman? Hindi ba nito tanda ni Axel ang pangalan niya? Medyo nakadama si Serena ng insulto. Ito marahil ang pagpapakita ng binata na hindi siya nito gusto. “What about her, son?”Si Apol na ang nagtanong sa anak. Napatango si Serena. Yes, what about her? “I want her to come with me tomorrow when I leave." Nagtataka man ay hindi kumibo si Serena. Nasa mukha nang binata na hindi nito gusto ang pinuputol ang pagsasalita. ‘Siya gustong isama ng binata? But why? “We don’t know her aside from her name. What if she is a spy?” Tiim-bagang na binalingan ng tingin ni Axel si Serena. “Kailangan natin mag ingat dahil hindi naman
Akmang papasok na si Serena sa kwarto na kanilang hinintuan ng mapansin ang pagsisikuhan ng dalawang babae. “May problema ba?” “N-naku, ma’am, wala po!” Agad na sagot ng isa. “Pwede po ba magtanong?” Nahihiya itong napakamot sa kilay, halatang kinakabahan ito na na-eexcite. “Mahilig po kasi ang kapatid ko sa sports… lalo na po sa swimming. Eh, pamilyar ka po. Hindi ba ikaw si Serena Torres?” Serena smiled. She didn’t know someone would recognize her after five years. Nang tumango siya ay napatalon ang dalawang may edad na kasambahay. Nakuha pa ng dalawa na magpapicture sa kanya. Naiilang man ay pumayag siya. Yes, maybe she was popular back then, but everything has a limit. Marami siyang bodyguards at kaya hindi siya nalalapitan ng maski sino. That’s her father's way to protect her. Malinis ang kwarto na inukupa ni Serena. Ayon sa kasambahay ay isa ito sa guest room. Dahil wala naman siyang dala maski isang gamit maliban sa kanyang suot ay wala siyang ma-aayos. Napahawak siya
Dala ng sobrang pag iyak ay nakatulog si Serena sa loob ng sasakyan. Plano ni Axel na ipaalaga si Serena sa isang nurse habang narito ito sa poder niya subalit tumawag ang kanyang ina na parang nabasa ang balak niyang gawin. “Alagaan mo si Serena, anak, hindi kita kukulitin na mag asawa kung aalagaan mo siya. Kailangan niya ng taong maasahan ngayon at masasandalan dahil may mabigat siyang dinadala.” Napasintido ang binata ng maalala ang matinis na boses ng mommy niya. Pabor sa kanya ang gusto nito. Pero ang mag alaga ng babae? Nah, it’s a big no. Kung ano ang problema ng dalaga ay labas na dapat siya ro’n. Medling to other’s business is not his cup of tea. Binuhat ni Axel si Serena hanggang sa kwarto. “Damn!” Naging baby sitter pa siya ng wala sa oras dahil sa kanyang ina. Akmang lalabas na ang binata nang mapansin ang natuyong luha sa pisngi. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng slacks na suot. Akmang pupunasan na niya ito ng mapansin ang dalawang kasambahay na nakanganga na nak
Axel never imagined that one day he would take care of a girl because of his mother's orders. Tsk. Mukhang napasubo siya. Mabuti at kalmado na si Serena pagkatapos niyang ipaliwanag na panaginip lamang iyon at hindi totoo. Bumaling siya sa dalawang kasambahay na madalas nag aasikaso sa dalaga at nagbilin na bantayan at sabihin agad sa kanya kapag nagising ito. Bago umakyat sa kanyang kwarto ay dumaan siya sa kanyang mini bar at kumuha ng alak. He needs this to ease his mind. Nang makarating sa kwarto ay tinawagan niya si Love, pero hindi pa rin makontak ang babae. Tss. Mukhang alam na niya kung bakit. Sigurado na dahil ito kay Xian. Napasintido siya ng maisip si Serena. Aabutin ng halos isang buwan ang pagpapamot nito kaya ibig sabihin lang nun ay mananatili ito ng mas matagal sa poder niya. This is his mother’s fault. Masyado itong maawain at mabuti sa kapwa. Why doesn't she send this woman back to her family? It’s the best things to do. Bakit kailangan pa nitong ibilin
“So-Sorry, nakalimutan ko. Pero wag kang mag alala dahil bumubuti na ang lagay ko ngayon. Nagagawa ko nang maihakbang ang mga binti ko ng hindi natutumba—” “Hindi ako nag aalala sayo, Serena!” putol ni Axel sa dalaga. May pagkairita siya nitong nitingnan kaya napayuko siya ng ulo. “Huwag mong bigyan ng ibig sabihin ang sinabi ko. Narito ka lang naman dahil sa kagustuhan ng mommy ko. Now, don’t make things complicated for us, magpagaling ka na para makaalis rito!” “D-Don’t worry, Axel, aalis na rin ako rito after two weeks. Pasensya ka na talaga kung nakakaabala ako sayo, ha. H-hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin.” tumingala siya at nakiusap. “P-Pero pwede ba na pag isipan mo ang… ang pagtanggal kay Angge sa trabaho? Nakikiusap ako sayo, kasalanan ko naman kaya nagkaroon ng ganung usapan ang mga tauhan mo. kasalanan ko dahil hindi ko nilinaw kung ano ang mayro’n tayo.” “My house, my rules!” mariin na wika nito bago umalis. Napabuga si Serena ng hangin habang nakatanaw
“Hi, Axel, good morning!” Ngiting bungad ni Serena kay Axel ng bumaba ito. “Ahm, I cooked breakfast for us, baka pwede mong tikman. Niluto ko talaga ‘yon para sayo bilang pasasalamat sa pagpapatuloy sa akin dito. Kahit man lang sana dito ay makabawi ako. Please, sabayan mo na ako!” Pangungulit ng dalaga. Napasintido si Axel. Nangialam ang babaeng ito sa kusina? Tiningnan niya si Serena at pinakatitigan. Kung titingnan ay mukhang mayaman ito at walang alam. Marunong pala ito magluto. “I’m busy, may urgent meeting ako ngayon.” “Sige na, Axel!” Hinila ni Serena ang kamay ni Axel, pero dahil mabigat ang binata at matangkad ay hindi ito nadala. “Nabanggit ni Mrs. Helger na paborito mo ang kalderetang baka, kaya ayun ang niluto ko. Saka ka na tumanggi kapag natikman mo ang luto ko!” Natitigilan si Axel sa kilos ni Serena. Mukhang napakasaya nito ngayong araw. Kahapon lang ay pinagalitan niya ito pero kung umasta ito ngayon ay parang walang nangyari. Napatingin naman si Serena sa malaki
[Apol] Napanganga siya habang nakatingala sa gusaling nasa harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas naman pala ng gusali na kanyang pag-aapplyan. Ang taas at napakalaki ng gusali. Mukhang hindi ito pipitsuging kumpanya katulad ng inaasahan niya. Isang kaibigan ang nagrekomenda sa kanya na mag-apply rito. Ayon sa kaibigan niya, malaki ang magiging sahod sa kumpanyang ito. Kaya't agad siyang pumayag dahil kailangan niya ng pera para sa ate niyang malapit ng manganak at mayro'ng heart disease. Binigyan siya ng kaibigan niya ng isang Gold Card. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Pwede daw bumale ng malaking pera kapag natanggap siya kaya sinunggaban niya ang oportunidad na ito. Sabi pa ng kaibigan niya, daig pa niya ang nangibang bansa kapag nakapasok siya rito. Napakamot siya sa ulo. Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad niya rito? “Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kahit sino basta pursigido at masipag sa tr
This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Agad na bumangon si Apol nang magising. "Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya. Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood. Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya. Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pangarap na