✨🫶
Akmang papasok na si Serena sa kwarto na kanilang hinintuan ng mapansin ang pagsisikuhan ng dalawang babae. “May problema ba?” “N-naku, ma’am, wala po!” Agad na sagot ng isa. “Pwede po ba magtanong?” Nahihiya itong napakamot sa kilay, halatang kinakabahan ito na na-eexcite. “Mahilig po kasi ang kapatid ko sa sports… lalo na po sa swimming. Eh, pamilyar ka po. Hindi ba ikaw si Serena Torres?” Serena smiled. She didn’t know someone would recognize her after five years. Nang tumango siya ay napatalon ang dalawang may edad na kasambahay. Nakuha pa ng dalawa na magpapicture sa kanya. Naiilang man ay pumayag siya. Yes, maybe she was popular back then, but everything has a limit. Marami siyang bodyguards at kaya hindi siya nalalapitan ng maski sino. That’s her father's way to protect her. Malinis ang kwarto na inukupa ni Serena. Ayon sa kasambahay ay isa ito sa guest room. Dahil wala naman siyang dala maski isang gamit maliban sa kanyang suot ay wala siyang ma-aayos. Napahawak siya
Dala ng sobrang pag iyak ay nakatulog si Serena sa loob ng sasakyan. Plano ni Axel na ipaalaga si Serena sa isang nurse habang narito ito sa poder niya subalit tumawag ang kanyang ina na parang nabasa ang balak niyang gawin. “Alagaan mo si Serena, anak, hindi kita kukulitin na mag asawa kung aalagaan mo siya. Kailangan niya ng taong maasahan ngayon at masasandalan dahil may mabigat siyang dinadala.” Napasintido ang binata ng maalala ang matinis na boses ng mommy niya. Pabor sa kanya ang gusto nito. Pero ang mag alaga ng babae? Nah, it’s a big no. Kung ano ang problema ng dalaga ay labas na dapat siya ro’n. Medling to other’s business is not his cup of tea. Binuhat ni Axel si Serena hanggang sa kwarto. “Damn!” Naging baby sitter pa siya ng wala sa oras dahil sa kanyang ina. Akmang lalabas na ang binata nang mapansin ang natuyong luha sa pisngi. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng slacks na suot. Akmang pupunasan na niya ito ng mapansin ang dalawang kasambahay na nakanganga na nak
Axel never imagined that one day he would take care of a girl because of his mother's orders. Tsk. Mukhang napasubo siya. Mabuti at kalmado na si Serena pagkatapos niyang ipaliwanag na panaginip lamang iyon at hindi totoo. Bumaling siya sa dalawang kasambahay na madalas nag aasikaso sa dalaga at nagbilin na bantayan at sabihin agad sa kanya kapag nagising ito. Bago umakyat sa kanyang kwarto ay dumaan siya sa kanyang mini bar at kumuha ng alak. He needs this to ease his mind. Nang makarating sa kwarto ay tinawagan niya si Love, pero hindi pa rin makontak ang babae. Tss. Mukhang alam na niya kung bakit. Sigurado na dahil ito kay Xian. Napasintido siya ng maisip si Serena. Aabutin ng halos isang buwan ang pagpapamot nito kaya ibig sabihin lang nun ay mananatili ito ng mas matagal sa poder niya. This is his mother’s fault. Masyado itong maawain at mabuti sa kapwa. Why doesn't she send this woman back to her family? It’s the best things to do. Bakit kailangan pa nitong ibilin
“So-Sorry, nakalimutan ko. Pero wag kang mag alala dahil bumubuti na ang lagay ko ngayon. Nagagawa ko nang maihakbang ang mga binti ko ng hindi natutumba—” “Hindi ako nag aalala sayo, Serena!” putol ni Axel sa dalaga. May pagkairita siya nitong nitingnan kaya napayuko siya ng ulo. “Huwag mong bigyan ng ibig sabihin ang sinabi ko. Narito ka lang naman dahil sa kagustuhan ng mommy ko. Now, don’t make things complicated for us, magpagaling ka na para makaalis rito!” “D-Don’t worry, Axel, aalis na rin ako rito after two weeks. Pasensya ka na talaga kung nakakaabala ako sayo, ha. H-hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin.” tumingala siya at nakiusap. “P-Pero pwede ba na pag isipan mo ang… ang pagtanggal kay Angge sa trabaho? Nakikiusap ako sayo, kasalanan ko naman kaya nagkaroon ng ganung usapan ang mga tauhan mo. kasalanan ko dahil hindi ko nilinaw kung ano ang mayro’n tayo.” “My house, my rules!” mariin na wika nito bago umalis. Napabuga si Serena ng hangin habang nakatanaw s
“Hi, Axel, good morning!” Ngiting bungad ni Serena kay Axel ng bumaba ito. “Ahm, I cooked breakfast for us, baka pwede mong tikman. Niluto ko talaga ‘yon para sayo bilang pasasalamat sa pagpapatuloy sa akin dito. Kahit man lang sana dito ay makabawi ako. Please, sabayan mo na ako!” Pangungulit ng dalaga. Napasintido si Axel. Nangialam ang babaeng ito sa kusina? Tiningnan niya si Serena at pinakatitigan. Kung titingnan ay mukhang mayaman ito at walang alam. Marunong pala ito magluto. “I’m busy, may urgent meeting ako ngayon.” “Sige na, Axel!” Hinila ni Serena ang kamay ni Axel, pero dahil mabigat ang binata at matangkad ay hindi ito nadala. “Nabanggit ni Mrs. Helger na paborito mo ang kalderetang baka, kaya ayun ang niluto ko. Saka ka na tumanggi kapag natikman mo ang luto ko!” Natitigilan si Axel sa kilos ni Serena. Mukhang napakasaya nito ngayong araw. Kahapon lang ay pinagalitan niya ito pero kung umasta ito ngayon ay parang walang nangyari. Napatingin naman si Serena sa mal
“Ayan, luto na!” Nakangiting naglagay ng pagkain sa tray si Serena. Nang aalis na ang dalaga upang i-akyat ito sa kwarto ni Axel ay pinigilan siya ni Rosan. “Naku, ma’am Serena, ang bilin ni Sir Axel ay hindi siya maaring istorbohin sa kwarto dahil gusto niya magpahinga.” Nakadama siya ng panghihinayang. Pinaghirapan pa naman itong lutuin para sa kanyang amo subalit hindi maiibigay rito. “Pasensya ka na, ma’am, ah. Hindi kasi agad nagsabi si Sir kaya tapos ka na makapagluto. Napagod ka pa tuloy.” Nanghihinayang man ay ngumiti si Serena rito. “Anong sayang? Pwede naman natin kainin ito.” Nakakatuwa talaga ang dalaga, iyon ang nasa isip ng lahat habang kinakain ang masarap na niluto nito. Samantala, si Serena, naghihinayang dahil hindi pa rin bumaba si Axel. Halos isang linggo na simula ng tikman nito ang luto niya. Marahil binobola lamang siya ng binata ng sabihin nito na masarap ang luto niya. “I want you to be the one to have a meeting with Mr. Ong, Axel. I will be busy next
“Ma’am, tititigan mo nalang ba ang telepono?” Napansin ni Rosan na kanina pa nakatingin si Serena rito. “Balak mo bang tawagan ang pamilya mo para ipaalam ang pagbabalik mo?” Hindi nakasagot ang dalaga. Paano kung si Stacey ang makasagot nito? Nangungulila na siya sa kanyang ama. Takot man, kailangan ni Serena na subukan. Kapag ang private ng daddy niya ang nakasagot, tiyak na itatapat nito ang telepono sa tenga nga kanyang ama. Sapat nasa kanya na marinig ang boses ng ama! Iyon lang, sasaya na siya! “Hello?” Agad na natuptop ni Serena ang labi ng marinig ang pamilyar na boses ng nobyo. “J— “Sino iyan, Joem?” Tanong ni Stacey. “Tara na, kanina pa naghihintay sina mommy at daddy sa dining hall.” Nanginginig na ibinaba ni Serena ang telepono dahil sa takot. “Ma’am!” Nag alala si Rosan, paano ay umiiyak na ngayon ang dalaga, nanginginig pa sa takot ang katawan nito. Samantala, tahimik na nakamasid lamang si Axel kay Serena na ngayon ay umiiyak. And just like the other day,
“Pasensya ka na, mam Serena, gusto ka man namin papasukin pero ang bilin ni sir Axel ay hindi po pwede. Baka mapagalitan po kami.” Nanlulumo si Serena. Hindi niya masisisi ang binata dahil kasalanan niya ang nangyari. Dahil sa kanya ay nalagay sa panganib ang buhay nito. Kinagat niya ang luha para pigilin ang mapaiyak. Hanggang ngayon ay sinisi niya ang sarili sa nangyari. Hindi siya mapakali at makatulog sa sobrang pag aalala. Kagabi pa nakaalis ang doktor. Ngayon ay hapon na at nagpapahinga na ang binata. Papunta na rin ang magulang ni Axel rito ngayon. Inabot nalang ng gabi ay hindi pa rin siya mapakali. “Mam Serena, pinapatawag ka ni Sir Axel, gusto ka daw pong makausap.” Nagliwanag ang mukha niya at dalidaling nagpunta sa kwarto ng binata. Mabuti nalang at pinayagan na siya. Gusto-gusto niya talaga na humingi ng tawad sa nangyari. Alam niya. Napalunok siya ng sumalubong sa kanya ang malamig na ekspresyon ni Axel. Parang binalot ng lamig ang silid dahil sa nakakatakot nit
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. Salamat po ulit✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si