Home / Romance / One Rebellious Night / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng One Rebellious Night: Kabanata 61 - Kabanata 70

161 Kabanata

Chapter 61

Caroline's POV Nagising ako nang narinig ko ang tunog ng alarm clock. Iminulat ko ang aking mga mata at bumangon. Pinatay ko ang alarm clock saka hinanap sa loob ng bag ang cellphone ko. Napahawak ako sa ulo ko, himala at hindi ito gaanong masakit. Nakita ko ang sampung missed calls galing kay Daddy at limang missed calls naman galing kay Alexander. Pagod akong umupo sa kama at isa-isang tiningnan ang sandamakmak na mensahe galing sa pamilya ko. From: Daddy I know you're still mad at me. I want you to take a break muna. Huwag ka munang pumasok ngayong araw dahil naka-on leave ka ng isang linggo. Anyway, sa susunod na araw na ang kasal ng pinsan mong si Julia baka gusto mong magbakasyon muna sa kanila ng isang linggo. Namimiss ka na raw ng mga pinsan mo sa Cebu. Hindi mo rin daw sila pinapansin sa social media mo kahit online ka kaya tinawagan nila ako kahapon. Bumuntong hininga muna ako bago nag-reply kay Daddy ng OK. Mabuti naman at naisip niya ang kapakanan ng sarili ko kung pip
Magbasa pa

Chapter 62

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, dinial ko ulit ang numero ni Miguel. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan ang repleksiyon ng sarili ko sa malaking salamin. "Hello?" Napatayo ako nang sagotin niya ang tawag ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Yes, Miguel? Nasaan ka ngayon? Kanina pa kita hinahanap pero wala ka rito sa condo," pagkukunwaring tanong ko. Umupo ulit ako sa swivel chair. "Nasa hospital ako ngayon. Kung may iuutos ka sa akin sabihan mo lang si Kuya Jay. Baka hindi agad ako makakabalik mamaya. Kailangan kong bantayan si Mama." "Saang hospital ba dinala si Tita Mary? Pupuntahan kita riyan. Total wala naman akong trabaho buong linggo dahil gusto ni Daddy na mag-leave muna ako.' "Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si Michelle. Huwag ka ng pumunta rito. Magpahinga ka na lang muna." malamig na sagot niya. Para akong binubosan ng isang baldeng tubig na may lamang yellow. "Galit ka ba sa akin? Sorry kagabi. Lasing ako at hindi ko alam kung ano
Magbasa pa

Chapter 63

Pinunasan ko ang aking mukha at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sinubokan kong pigilan ang mga luha ko pero ayaw nilang tumigil sa pagpatak. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Umupo siya sa passenger's seat habang nasa akin ang paningin niya. "M-May kailangan kaba?" tanong ko. "Ako ba dapat ang tinatanong mo nga ganiyan?" tanong niya pabalik sa akin gamit ang malamig niyang boses. "I just want to say sorry kung ano man ang nagawa ko at nasabi ko sa 'yo kagabi. That's it." I smiled. "'Yan lang ba?" Tumango ako. "Yes, Miguel." Kinuha ko ang cellphone ko nang biglang may tumawag sa akin. Mabilis kong pinatay ang cellphone nang nakita ang pangalan ni Mommy. "Why are you here? Binabantayan mo ang Mama mo, 'diba?"tanong ko sa kaniya. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Napalunok ako, nangangapa ng isasagot sa kaniya. "Bakit mo naman tinatanong? Pati ba naman sa tuwing umiiyak ko pinapakialaman mo?" "Yes, Caroline. Nangingialam talaga ako kung bakit ka umiiyak. I care for you. Alam mo 'y
Magbasa pa

Chapter 64

Hinawakan ko ang manobela nang sasakyan habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Gusto kong umiyak ulit pagkatapos kong aminin sa kaniya na may nararamdaman din kay Miguel. Gusto kong kainin na lang ako ng lupa dahil sa sobrang hiya. Buong akala niya ay totoong ni-reject ko siya tapos ngayon inaamin ko ng harap-harapan na may gusto ako sa kaniya. "I have to go," sabi ko para basagin ang katahimikan. Binuhay ko ang makina ng sasakyan. "Lumabas ka na kung gusto mo. Nasabi ko na lahat ang mga gusto kon sabihin. I don't care kung pagtatawanan mo ako dahil inamin kong may gusto ako sa 'yo." "Do you mean it?" tanong niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tanong niya o mapipikon. Ang hirap niya talagang kausapin. Ang tagal niyang makaintindi sa mga sinasabi ko. Hinila ko ang kwelyo niya at siniil ng halik ang labi niya. "Yes, Miguel," bulong ko pagkatapos ko siyang halikan. "Does it mean -" I kissed him again. "Stop courting me. You're my boyfriend starting today." "The real on
Magbasa pa

Chapter 65

"Stop it, Miguel!" pabulong na saway ko sa kaniya sabay iwas ng tingin ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Luminga-linga ako sa paligid baka may nakakita sa amin at nakakakilala sa akin. Nakahinga ako ng maluwang nang napansin na kakaunti lang ang kumakain tapos nasa pagkain lang sila nakatingin. Hindi rin nagtagal ay natapos na akong kumain. Hindi ko na lang pinansin ang malalagkit na pagtitig niya sa akin. Hindi naman bago sa akin ang ganito pero para akong naninibago. Dahil ba pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa? "Mukhang malalim ang iniisip mo," biglang tanong ni Miguel habang naglalakad kami patungo sa kwarto ng Mama niya. "Wala naman. Masaya lang ako," saad ko. Ipinulupot ko ang aking isang kamay sa baywang niya at isinandal ang ulo sa balikat niya. "May problema ba?" tanong ni Miguel. Huminto ako sa paglalakad. "Baka isang linggo akong mawawala. Kasal kasi ng pinsan ko. Pupunta ako ng Cebu. Binigyan kasi ako ni Daddy ng one week vacation. Sayang dahil h
Magbasa pa

Chapter 66

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo, Miguel. Kaibigan mo ako. Hindi naman sa nangingialam ako sa relasyon niyo. Pero maling-mali ang mahalin mo ang anak ng amo mo!" Gusto kong murahin si Love Rein ngunit walang kahit isang salita na lumalabas sa bibig ko. Binitawan ko ang kamay ni Miguel at hinarap siya. "Hindi ba pangingialam ang ginagawa mo ngayon, Love Rein? Bakit ba napaka-big deal sa 'yo nang nalaman mo ang tungkol sa relasyon namin? Alam ko naman na ayaw mo sa akin. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang panliliksik ng mga mata mo sa tuwing nakikita mo ako." "Mag-isip-isip ka nga, Caroline! Nilalagay mo sa kapahamakan ang buhay ng kaibigan ko. Sinisira mo ang buhay niya!" singhal ni Love Rein sa akin. "She's not ruining my life!" Napatingin kaming dalawa kay Miguel. Umiigting ang panga niya at diretsong nakatingin kay Love Rein. "She's not ruining my life, Love Rein," pag-uulit niya gamit ang kalmadong boses. "Kung wala kang ibang sasabihin, ang mabuti pa ay umuwi ka na lan
Magbasa pa

Chapter 67

Tumayo ako at pinulot ang bag ko na nasa sahig. Maingat ko itong inilagay sa maliit na mesa. "Ano naman kung anak ako sa labas, Ate? Nagpapasalamat nga ako dahil nalaman ko ang totoo." Inayos ko ang suot kong damit. "Wow! Ibang klase ka rin." Pumalakpak si Ate. "Proud na proud ka pa nang nalaman mong anak ka sa kabit ni Daddy," dagdag niya. Kumuyom ang mga kamao ko. Gustong-gusto ko na siyang sabunotan ng buhok pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan kong kumalma dahil pagmamay-ari ko ang condo. "Kuya Jay, palabasin mo nga 'tong kapatid ko," utos ko. Tumingin ako kag Kuya Jay nang napansin na hindi siya gumagalaw sa kinatatayoan niya. "Papalabasin niyo po ba siya o gusto mong mawalan ng trabaho?" pagbabanta ko. "Huy, Caroline! Hindi mo ako pwedeng palabasin dahil pagmamay-ari ko rin 'to!" galit na sigaw ni Ate nang hawakan siya ni Kuya Jay. "Caroline, ganiyan ba kalaki ang galit mo kay Cecile? Gusto niya lang manatili rito ng isang gabi -" "Huwag kang makisali rito,
Magbasa pa

Chapter 68

Napabalikwas ako nang nakita ko si Julia na naglalakad patungo sa akin. Sumisimsim siya ng kape. "Ayos ka lang ba? May problema ba? Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo." Inilagay niya sa mesa ang baso na may lamang kape. Ngumiti ako at umiling. "Napagod lang ako sa biyahe," pagdadahilan ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala akong problema, Jul. Pagod lang talaga ako." Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pagkatapos tumawag ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit siya tumawag at humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. First kong narinig galing sa kaniya ang salitang sorry. "Kumusta ka na pala? Wala na akong balita tungkol sa 'yo. Sabi ni Tita Glenda busy ka raw sa kompanya niyo. Hindi mo naman sinabi sa amin na sinagot mo na pala si Alexander." Muli siyang sumimsim ng kape. "Akala ko ba ayaw mo sa lalaking 'yon. Alam mo na, ang pangit ng life background niya." "I had no choice, Juls. Hindi rin ako ang nagdesisyon na sagotin si Alexande
Magbasa pa

Chapter 69

Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Palagi akongkinukulit ng iba kong pinsan na lumabas at makipaglaro sa kanila dahil hindi gaanong masakit ang sikat ng araw. Tinatanaw ko lang sila habang masayang naglalaro sa dagat. "Caroline, pagbigyan mo naman ako. Ikakasal na ako tapos ayaw mong makipaglaro sa amin," sabi ni Julia pagpasok niya sa kwarto ko. "Gusto ko munang magpahinga. Mamaya na lang ako lalabas," saad ko habang inaayos ang mga damit ko. "Promise? Magtatampo talaga ako sa 'yo kung hindi ka lalabas." Ngumiti ako at tumango. "Promise." Humiga ako sa kama nang lumabas na si Julia sa kwarto ko. Sa totoo lang tinatamad akong lumabas at makipaghalubilo sa mga pinsan ko mula nang nalaman kong anak ako sa labas. Natatakot ako sa posibleng sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi ako anak ni Mommy. Nag-download ako ng mga video games sa cellphone ko para may pagkakaabalahan ako. Hindi rin nagtagal ay nababagot na ako sa paglalaro. Nanuod ako ng mga palabas at iba pang
Magbasa pa

Chapter 70

Naninigas ako sa inuupoan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react. "Caroline Anastasia Brooks is dating his personal body guard," pag-uulit ni Violeta sabay pakita sa akin ng cellphone niya. "A-Anong ibig sabihin nito, Caroline?" tanong ni Julia habang nasa cellphone ni Violeta ang paningin niya. "Nasa news ka pero hindi nila nilagay ang litrato ng sinasabing body guard mo." "T-That's not true. I'm not dating my body guard," depensa ko. Tumayo ako para tingnan ang sinasabi nilang balita tungkol sa akin. "Saan naman nanggaling ang balitang 'to? At sino ang nagpapakalat ng maling impormasyon?" Napakagat-labi ako nang naalala ko si Miguel. Wala akong planong i-deny ang relasyon namin dalawa pero hindi ko mapagilang mag-alala para sa kaniya nang naalala ko rin ang sinabi ni Miguel kagabi. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay niya dahil lang sa akin. For now, I'll try my best to keep our relationship. Sobrang aga pa para malaman ng publiko ang tungkol sa amin.
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
17
DMCA.com Protection Status