Home / Romance / One Rebellious Night / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of One Rebellious Night: Chapter 41 - Chapter 50

161 Chapters

Chapter 41

Kinakabahan akong lumabas ng banyo nang nakita ko ang may-ari ng cellphone. Tinatanggal niya ang mga maruming kurtina sa loob ng kwarto. Napahawak ako sa aking dibdib. "Are you okay?" Ken asked me. Inalalayan niya ako sa paglalakad patungo sa malambot na kama. "I'm worried nang nalaman kong sumama ang pakiramdam mo. May nakain ka ba na hindi mo nagustohan?" Tiningnan ko siya. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Kung hindi lang sana ako nagkaroon ng trauma sa kaniya iisipin ko na totoo ang mga sinasabi niya. Inalis ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking baywang. "A-Ayos lang ako, Ken. Medyo maayos na ang pakiramdam ko." "May masakit ba sa 'yo? Gusto mo bang ipatawag ko ang family doctor namin para -" Inilagay ko ang aking dalawang daliri sa kaniyang bibig para tumahimik. "Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Huwag kang mag-over react." Muli kong tiningnan ang matandang kasambahay. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko siyang kinakapa niya ang bulsa kung saan niya ini
Read more

Chapter 42

Nagising ako nang may narinig akong nahulog at nabasag na bagay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Maawa ka sa akin, Ken. Nahihirapan na ako - Ah!" Sumilip ako sa maliit na butas nang narinig ko ang pagdaing ng babaeng tumulong sa akin kanina. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko si Ken. Nakakadena ang mga kamay at paa ng babae. Hinuhubaran niya ito habang umiiyak. Tatayo na sana ako ngunit biglang tumingin ang babae sa akin. Napapailing siya. "Tama na, Ken. Pagod na pagod na ako. Pakawalan mo na ako rito," pagmamakaawa ng babae. "Hindi, Clarissa. Hindi kita papakawalan dito hanggat hindi ko nakikita si Caroline," sabi ni Ken. Hinalikan niya si Clarissa sa leeg. Nagpumiglas ito pero tinawanan lang siya ni Ken. "Papakawalan lang kita kapag kinasal na kami. Gagawin ko rin sa kaniya ang ginagawa ko sa 'yo." "Napakademonyo mo talaga! Akala ko isa kang anghel na nahulog sa langit. Anak ka pala ng demonyo!" galit na sigaw ni Clarissa. "Dahan-dahan lang sa pananalita,
Read more

Chapter 43

Mabilis kong isinarado ang pinto paglabas namin. Naka-double lock ang pinto kaya mahihirapan siyang buksan ito dahil nasa amin ang susi. "Iwan mo na lang ako, Caroline. Tumakas ka na. Iligtas mo ang sarili mo," sabi ni Clarissa habang inalalayan ko siya pababa ng hagdan. "Hindi kita iiwan dito. Sabay tayong makakaalis dito, Clarissa!" Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. "Magtiwala ka lang sa akin," bulong ko. "Ma'am Clarissa!" Napahinto kami sa paglalakad at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya nang nakababa na kami. Napapikit ako nang nakita ang mga tauhan ni Ken patungo sa amin. "Tumakas ka na, Caroline. Iwan mo na lang ako rito!" sigaw ni Clarissa. Itinulak niya ako papalayo sa kaniya. Hinila ko siya imbes na iwan siya at maabotan ng mga tauhan ni Ken. "Hinding-hindi kita iiwan dito!" Pinagtulongan naming buksan ang pintuan ni Clarissa. Napadapa kaming dalawa nang biglang nagpaputok ng baril ang mga tauhan ni Ken. Tumayo ako at sinubokang buksan ang
Read more

Chapter 44

Napakapit ako sa baywang ni Miguel. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking buong katawan nang hawakan niya ang aking kamay. Sinilip ko si Ken. Napalunok ako nang nakita ang kaniyang mga tauhan na nakapalibot sa amin. "We're cornered," bulong ni Alexander. "Ibibigay niyo sila sa akin o papatayin ko kayo rito mismo sa teritoryo ko?" pagbabanta ni Ken. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Miguel sa aking kamay. "Tingnan natin kung sino sa atin ang unang mamamatay," paghahamon ni Miguel. Nanlaki ang aking mga mata nang may narinig akong malakas na pagsabog sa mansiyon ni Ken. Napalingon ang lahat sa bahay ni Ken na nasusunog. "What the - Ah!" sigaw ni Ken paglingon niya dahil binaril ni Miguel ang kaliwa niyang paa. Agad na umalalay ang kaniyang mga tauhan. Gustong lumapit ni Clarissa pero mabilis siyang pinigilan ni Alexander. Sabay-sabay nilang pinagbabaril ang ibang mga tauhan ni Ken. Tinakpan ko ang aking dalawang tenga at ipinikit ang aking mga mata. Halos matumba ako n
Read more

Chapter 45

Napakapit si Alexander sa upoan habang tinatalian ko ng tela ang kaniyang balikat. Napasigaw siya sa sakit nang patapos na ako. "Damn it! I'll kill them all!" sambit niya. Ipinilig niya ang ulo sa upoan. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga. "Kumapit kayo ng mabuti!" sigaw ni Miguel. Napamura ako nang bigla siyang lumiko. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa bilis ng pagmamaneho niya. Halos hindi ako makagalaw dahil natatakot akong mahulog. Nakahinga ako ng maluwang nang may nakita na akong kalsada. Maraming dumadaang sasakyan. Nang lingonin ko ang sasakyan ng kalaban ay bigla silang huminto. "Didiretso na tayo sa pinakamalapit na bahay pagamutan upang makuha ang balang tumama sa balikat mo, Sir Alexander." Mas lalong binilisan ni Miguel ang pagmamaneho. Hindi umimik si Alexander kaya ako na lang ang sumagot. "Sige, Miguel. Namumutla na rin si Alexander," saad ko. "Ayos lang ako. Huwag kang huminto baka masundan pa tayo ng mga kalaban. Dumiretso ka na lang sa bahay. May sarili akon
Read more

Chapter 46

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg ni Miguel at sinabayan ang bawat galaw ng labi niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang kamay sa likod ko. May isinusulat siya pero hindi ko ito maintindihan dahil abala ako sa paghalik sa kaniya. Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "This is wrong," sambit niya. Kinuha niya ang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya. "W-Why?" Ipinulupot ko ang aking mga bente sa baywang niya. "Akala ko ba namimiss mo ako?" "Mali 'tong ginagawa natin, Caroline," namamaos na sabi ni Miguel. Para akong binuhosan ng malamig na tubig sa hiya. Hinawakan niya ang dalawa kong paa. Hinaplos-haplos niya ito. "May problema ba, Miguel?" tanong ko. Hinahanap ko ang mga mata niya. Ayaw niyang tumingin ng diretso sa akin. "Ayaw mo na ba? Nagsawa ka na ba sa akin?" "Ikaw ang problema ko, Caroline," sagot niya. Para akong nawalan ng lakas. "Maling-mali 'tong ginagawa natin. May boyfriend ka at 'yon ang alam ng lahat. Ayokong dumating sa p
Read more

Chapter 47

Hinahabol ko ang aking paghinga pagkatapos kainin ni Miguel ang aking perlas ng sinilangan. Hinubad niya ang kaniyang pantalon. Tumambad sa akin ang malaking umbok ng alaga niya na para bang handa ng sumabak sa giyera. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang ginawa ko dati. Umupo ako ng maayos habang pinagmamasdan siyang hubarin ang suot niyang boxer. Paulit-ulit kong kinakagat ang aking labi nang nahubad niya na ang boxer. Nakatayo at naninigas ang alaga niya. Gusto ko itong hawakan, kainin, at paglaruan. "Ito ba ang paraan ng panliligaw mo?" tanong ko. Nasa alaga niya pa rin ang paningin ko. "Ayaw mo?" Hinawakan niya ang alaga niya. "Curious lang ako kung bakit hindi ka pumayag na maging boyfriend ko. Gusto mo pa akong ligawan," sagot ko. "Huwag mo akong sasagotin dahil alam mong may gusto ako sa 'yo. I want us to have a mutual feelings bago mo ako sagotin. Hindi naman kita minamadali. Gusto kong pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo. Ayokong pagsisihan mo sa huli ang naging de
Read more

Chapter 48

Pinahiram ko ng damit si Miguel. Marami naman akong mga damit na malalaki at hindi ko na ginagamit. Tapos ko na rin gamotin ang mga sugat at pasa niya sa katawan. "Dito ka na lang matulog. Samahan mo ako," sabi ko habang nagtitimpla ako ng gatas. Kumuha ako ng mga pagkain sa mini ref at inilagay ito sa mesa. "Alam mong hindi pwede 'yan, Caroline." Tumayo siya at tinulongan ako sa pagdala ng mga pagkain. "Baka may makakita sa atin. Kailangan ko rin bumalik sa kwarto ko baka hanapin ako ng Daddy mo." "I-lo-lock ko naman ang kwarto ko. Hindi nila mabubuksan 'yan dahil sa loob naman naka-lock." Binalatan ko ang orange. "Delikado ang iniisip mo. Ayokong mawalan ng trabaho at ayoko rin sirain ang buhay mo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin." Sinuboan niya ako ng chocolate. "Ngayong gabi lang naman. Sige na, Miguel. Natatakot kasi akong matulog ng mag-isa lalo na't hindi pa nahuhuli ng mga pulis si Ken dahil namatay lahat ng mga kasama niyong pulis kanina." Hinahawakan niya ang mga
Read more

Chapter 49

Binaba ni Mommy ang hawak niyang baso. Kumuha ulit siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Parang wala lang ako sa harapan nila. "Bakit hindi niyo sinasagot ang tanong ko?" Bumaling ako sa mga kaibigan ni Mommy. "May alam ba kayo tungkol sa pagkatao ko?" Hindi rin sila sumagot. Yumuko lang ang mga ito. Napasinghap ako. "Nandiyan na pala si Samson. Uuwi na kami, Glenda," sabi ni Tita Monique. Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Tumango lang si Mommy at sumimsim ng sigarilyo. "Ingat kayo sa biyahe. Maraming salamat sa pagbisita rito. I-text o tawagan niyo na lang ako kung kailan tayo ulit pupunta ng Casino." "Uuwi na kayo?" tanong ni Daddy sa mga kaibigan ni Mommy pagdating niya. "Oo, Samson. May pupuntahan pa kasi kami ni Samantha. Maiwan muna namin kayo," sagot ni Tita Monique. Hinila niya si Tita Samantha palabas kahit hindi pa ito tapos mag-make-up. "Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?" tanong ni Daddy sa akin. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas. "Ana
Read more

Chapter 50

Kumuha ako ng malaking maleta at inilagay ang mga gamit ko. Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Daddy na nakatayo siya sa gilid ng pinto. "Caroline, mag-usap muna tayo. Huwag kang aalis -" "Wala na tayong pag-uusapan, Dad. You lied to me. Ginawa niyo akong tanga!" sigaw ko. Hinila ko ang maleta pababa ng hagdan. Nakasunod si Daddy sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. "May rason pa ba ako para manatili sa bahay na 'to, Dad? Galit na galit si Mommy sa akin. Ayokong dagdagan ang problema niya." Naabotan ko si Ate Cecile sa sala. Nanunuod siya ng palabas sa TV. Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ang malaking maleta. "Gusto mo bang ihatid pa kita palabas?" sarkastikong tanong niya. "Tama na, Cecile! Huwag kang ganiyan sa kapatid mo!" saway ni Daddy sa kaniya. "Why, Dad? Siya naman ang may gustong umalis sa bahay. Hindi namin siya pinapaalis. Pero mabuti na rin kung aalis siya para mabawasan ang mga palamunin dit
Read more
PREV
1
...
34567
...
17
DMCA.com Protection Status