Home / Romance / One Rebellious Night / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of One Rebellious Night: Chapter 51 - Chapter 60

161 Chapters

Chapter 51

Buong araw akong nanatili sa kwarto. Gusto ko munang mapag-isa kaya inutosan ko na lang si Miguel na mag-grocery ng mga pagkain. Binuksan ko ang aking mga social media accounts, nagbabasakaling inunblock ako ng mga kaibigan ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakitang naka-blocked pa rin ako sa mga social media accounts nila. Gumawa ako ng bagong account. Finollow ko silang lahat at agad nag-sent ng messages sa kanila. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone ko pagkatapos ko silang padalhan ng mga mensahe sa kani-kanilang social media accounts. Ipinagpatuloy ko ang paghigop ng mainit-init na sabaw na niluto ni Miguel. Infairness masarap siyang magluto. Parang kumain na rin ako sa mamahaling resto. Tiningnan ko ang kanin na nilagay ni Miguel sa plato ko kanina. Napalunok ako nang naubos ko lahat ito. Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganoon karaming kanin. Kinuha ko ang cellphone ko nang napansing may tumatawag. Napangiti ako sa tuwa nang nakita ko ang pangalan ni Avery. Dali-dali
Read more

Chapter 52

Gusto kong sumama sa kaniya para mabawasan ang mga problemang iniisip ko. Pero agad nagbago ang desisyon ko nang narinig ko na naman ang pangalan ni Love Rein. "Tinatanong pala ni Love Rein kung ano raw ang mga paborito mong pagkain. May balak kasi siyang bumisita rito." Umupo si Miguel sa sahig. Napapikit ako bago siya hinarap. Ngumiti ako ng pilit. "Sinabi mo sa kaniya kung saan ako nakatira ngayon?" Tumango si Miguel. "Gusto ka niyang maging kaibigan. Wala naman sigurong masama kung -" "I need some privacy, Miguel! Hindi mo dapat sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira. Bakit ba napaka-paladesisyon mo? Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko ba siyang maging kaibigan o hindi. Alam ko naman na kaibigan mo siya. May pinagsamahan kayong dalawa lalo na't may gusto kayo sa isa't isa. Kaibigan mo siya, Miguel. Hindi ko siya kaibigan. Hindi mo dapat sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira!" "I told her the address kung saan ang bahay niyo, Caroline. Hindi ko sinabi sa kaniya na
Read more

Chapter 53

Excited akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Naghanap ako ng damit sa maleta na pwedeng suotin. Strapless silk dress na kulay itim ang nakita ko. Tiningnan ko sa malaking salamin ang aking sarili. Pagkatapos kong magbihis, naglagay ako ng light make up. Tama lang na hindi mapapansin ang pamamaga ng mata ko. "I'm done!" anunsiyo ko paglabas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko nang nakita ang suot ni Miguel. "Bar ang pupuntahan natin." Nakasuot siya ng black suit at itim na pantalon. Nagmumukha siyang mafia boss sa suot niya. Mas lalo siyang naging gwapo. "Wala na akong ibang masusuot, Caroline. Ikaw lang naman ang iinom. Body guard mo ako. Babantayan kita habang nagwawalwal ka," pagsusungit niya. Minsan napapaisip tuloy ako kung nagtatrabaho ba siya sa pamilya ko. Mula nang naging close kami sa isa't isa ang casual ng turingan namin. Maipapakita ko rin ang sarili ko sa kaniya, ang totoong ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Agad naman akong pumasok. Tiningnan ko ang aking
Read more

Chapter 54

Ngumisi ang lalaki. Hinawakan niya ang balikat ni Miguel. "Wala akong pakialam kung ikaw ang date niya." Sinulyapan ako ng lalaki. "Tuturoan ko siya ng leksiyon!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang suntokin si Miguel. Ngunit mabilis nakailag si Miguel sa suntok niya kaya tumilapon siya sa lupa. Lumabas ako ng sasakyan. Hinila ko si Miguel palayo sa lalaki. May mga lalaking lumapit sa amin. Siguro mga kasama ito ng lalaki. Tinulongan nila itong makatayo. "Bitawan niyo ako!" galit na asik ng lalaki at sinipa niya ang mga taong umalalay sa kaniya patayo. "Tama na, Drake. Lasing ka na. Huwag kang magsimula ng gulo!" sigaw ng lalaking moreno at kulot ang buhok. "Tuturoan ko ng lesksiyonang babaeng 'yan! Pagsabihan ba naman akong maba -" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang naduwal. "Iuwi na nga natin 'to. Lasing na siya," sabi ng kasama nila na singkit ang mata. Tumingin siya saamin. "Pare, pagpasensiyahan niyo na 'tong kaibigan namin. Hindi kasi marunong i
Read more

Chapter 55

Inirapan ako ng babaeng morena. Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako nagpatalo sa kaniya. Tinitigan ko rin siya. Maganda naman siya. Hindi rin marumi tingnan ang balat niya. Gusto ko lang mang-asar. Malaki ang dibdib at maganda ang kurba ng katawan. "Caroline?" Sabay-sabay kaming napalingon nang narinig ko ang boses ni Amira. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang suot niya. Halos lumabas na rin ang dibdib niya sa suot niyang strapless na dress. Naglakad siya patungo sa amin habang may iniinom na alak. "Kumusta ka na? Kailan ka ulit bibisita kay Michelle?" tanong ni Amira. Napalunok ako nang bigla niya akong yakapin. "Magkakilala kayo?" tanong ng tatlong babae. Palipat-lipat ang paningin nila sa amin ni Amira. "Oo. Kaibigan namin siya Miguel. Anak din siya ng amo ni Miguel," sagot ni Amira. Kumunot ang noo ni Amira nang napansin niya ang ekspresiyon ng mga mukha nila. "Bakit ganiyan ang mga itsura niyo? Daig niyo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa." "Kaibiga
Read more

Chapter 56

Ngumiti ako at inilapit ang aking mukha. Sinubokan niya akong halikan pero umiwas ako. Humigpit ang paghawak niya sa baywang ko. "Gusto mo bang sumama sa condo ko?" tanong niya habang sumasayaw saka dinidikit ang katawan niya sa akin. Napaisip ako bigla. Hindi ko kilala ang taong 'to. Gusto ko lang naman mag-enjoy pero wala akong balak sumama. "Pag-iisipan ko muna," sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagsayaw. Inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at ipinatong ito sa balikat ko. Nakatalikod na ako sa kaniya habang sumasayaw. Napahinto ako sa pagsayaw nang nahagip ng mata ko si Miguel. Galit na galit siyang tumingin sa akin. I rolled my eyes at muling hinarap ang lalaki. "By the way, what's your name?" Tinanggap ko ang alak na ibinigay ng waiter sa akin. "I'm Nico. But you can call me babe." Inayos niya ang takas kong buhok. Bigla akong natawa sa kakornihan niya. "Nice name, Nico. I'm Caroline," pagpapakilala ko. "Let's have a another glass?" tanong niya. Agad naman akong tumango. H
Read more

Chapter 57

MIGUEL'S POV "You're just her body guard," natatawang sabi ng lalaking kalandian ni Caroline. Sinubokan niyang hawakan ang braso ni Caroline ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya. "Don't touch her kung ayaw mong makita si San Pedro," pagbabanta ko. Inilayo ko si Caroline sa kaniya. Ngumisi si Nico. Kanina ko pa siya gustong suntokin pagkatapos kong makitang naghahalikan silang dalawa. I feel being betrayed. Alam ko na hindi ko pag-aari si Caroline. I confessed my feelings but it does not mean that she liked me, too. "I can take her to my condo. Nag-usap na kami ni Caroline kanina. Gusto niyang sumama sa akin," proud niyang sabi. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko sa galit. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil pagmamay-ari ng kaibigan ko ang bar na 'to. Ayokong magsimula ng gulo. "I'll take her home. Hindi niya kailangan sumama sa 'yo. Lasing siya, hindi niya alam kung ano ang kaniyang mga ginagawa at sinasabi." Napasinghap ako nang yakapin ako ni Caroline. Nakangiti
Read more

Chapter 58

Madaling araw na pero nandito pa rin ako sa kusina, nagluluto ng sabaw para sa kaniya. Imbes na bumili ng ready to eat sa resto ay mas pinili kong ipagluto siya. Nang tapos na akong magluto, nilisan ko ang lababo. Kumuha ako ng bowl at doon nilagay ang sinigang na baboy na niluto ko. Pagbalik ko sa loob ng kwarto niya, tulog pa rin siya. Maingat kong inilagay ang food tray sa study table niya. Kinuha ko ang kumot na nakatakip sa mukha niya bago siya ginising. "Caroline, kumain ka muna habang mainit-init pa ang sabaw." Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata habang ang isang kamay ay nakahawak sa ulo niya. Tinitigan niya ako saglit at muling ipinikit ang mga mata niya. "I want to eat an ice cream," she murmured, even with her eyes still closed like earlier when we were on our way home. "Mamaya ka na kumain ng ice cream. Kumain ka muna para may laman ang tiyan mo." Ginising ko ulit siya. Inaantok siyang tumingin sa akin. "You'll buy me an ice cream?" tanong niya na parang bata. "Bini
Read more

Chapter 59

I smiled bitterly although I was not sure if I can accept her decision. Sana pala hindi ko na lang siya ginising kung ito naman pala ang sasabihin niya. Kung totoo man ang sinasabi niya, ito ang pangalawang pagkakataon na sawi ako sa pag-ibig. Maybe love is not for me. Inamin ko ang nararamdaman ko sa kaniya dahil ayokong maulit ang nangyari noon. But what happened now? She rejected me. "Matutulog muna ako. Maraming salamat sa pag-aalaga," malamig na sabi niya at humiga na ulit sa kama niya. "Good night," bulong ko bago kinuha ang bowl. "From now on, I'll distance myself away from you." Napapikit ako nang dumapo ang mata ko sa bulaklak. Kinuha ko ito at dinala palabas. I let out a heavy sighed when I saw a garbage can. "She don't like me. I'll always be her personal body guard," bulong ko bago itinapon ang bulaklak. Pumasok ako sa kabilang kwarto. Agad akong humiga at ipinikit ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman ang antok at pagod. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng
Read more

Chapter 60

Lumapit ang matandang lalaki sa akin. Sinubokan niya akong hawakan ngunit mabilis akong lumayo sa kaniya. "I'm not your son." Ibinalik ko sa kaniya ang papel. "Baka ibang Mary De Castro ang hinahanap niyo at hindi ang ina ko," dagdag ko bago sila tinalikuran. Binilisan ko ang paglalakad paakyat ng hagdanan. Wala akong panahon para patulan ang trip nila. Paano magkakaroon ng asawa si Mama kung isang beses lang siyang ikinasal? Napapailing na lang ako habang iniisip ang sinabi ng matandang lalaki. Magkapareho kami ng pangalan ng anak niya pero magkaiba kami ng apelyido. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan nang nasa labas na ako ng room 100. Sumilip ako sa bintana, nakita ko si Mama na nakahiga sa kama at maraming tube ang nakalagay sa katawan niya. "Miguel..." Napalingon ako kay Love Rein. Basang-basa ang damit niya at magulo ang buhok. Naglakad siya patungo sa akin. Napaigtad ako nang bigla niya akong yakapin at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Umiiyak siy
Read more
PREV
1
...
45678
...
17
DMCA.com Protection Status