Home / Romance / One Rebellious Night / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng One Rebellious Night: Kabanata 31 - Kabanata 40

161 Kabanata

Chapter 31

Dumaan muna ako sa mini-bar namin dito sa bahay para uminom ng alak. Hindi ko nagustohan ang sinabi ni Ate Cecile bago niya ako iniwan sa sala. Kumuha ako ng whiskey. Ininom ko ito. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para kumuha ng baso. Ipinikit ko ang aking mga mata nang naalala ko ang nangyari kay Julian, my gay friend. Bakla siya pero kung manamit ay parang lalaki. Hindi siya nagsusuot ng pangbabaeng damit kaya minsan napagkakamalan kaming mag-jowa kapag hindi nila alam ang totoong kasarian ni Julian. Si Julian ay nagtatrabaho sa aming kompanya bilang accountant. Kasisimula pa lang ni Julian sa trabaho niya nang nanligaw sa akin si Alexander sa akin. Aware si Julian sa mga gawain ni Alexander. Pero hindi aware si Alexander na bakla ang lalaking palagi kong kasama sa tuwing lalabas ako at bibili ng mga gamit. Wala akong ideya na pinasundan niya si Alexander, pinabugbog, at muntik ng patayin kaso nalaman niyang bakla ito kaya hindi niya naituloy. Huli ko ng nalaman ang tungkol sa nan
Magbasa pa

Chapter 32

Nagsalin ako ng tubig sa aking baso saka ininom ito. Inayos ko ang aking mga kubyertos. Gutom ako pero bigla akong nawalan ng ganang kumain. "I'm done. Enjoy your breakfast. Magbibihis na ako." Sabi ko bago tumayo. "Tapos ka na agad? Bakit kaunti lang ang kinain mo? On diet ka ba?" Tanong ni Mommy saka tiningnan ang aking plato. "Kailangan mong kumain ng maayos baka magkasakit ka. Ano na lang ang iisipin ni Mr. Mercedez? Baka iisipin nila na isa akong pabayang ina." Bumuntong hininga ako. Akala ko ay concern siya sa akin. Mas concern pa siya kung ano ang magiging feedback ng mga Mercedez sa kaniya kapag nagkasakit ako. "Busog na po ako." Nakangiting sabi ko. "Huwag niyo na siyang alalahanin, Mom. Malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya." Singit ni Ate Cecile bago uminom ng malamig na juice. "Just let her go. May trabaho pa siya." Malamig na sabi ni Daddy. Nginitian ko na lang sila bago tumalikod. "Kung sa bagay, kailangan niya talagang magtrabaho dahil hindi naman siya par
Magbasa pa

Chapter 33

"Good morning, Ma'am Caroline!" Nika greeted me as I entered the meeting room. Bumaling siya kay Miguel na nakasunod sa akin. "He's my bodyguard," sabi ko saka nilingon si Miguel. Seryoso ang mukha niya nang tingnan niya ako. "This is Nika. Siya ang secretary ni Daddy." Pagpapakilala ko. Miguel smiled bago siya nagsalita. "Good morning, Ma'am Nika!" Naglahad si Miguel ng kamay. Agad naman itong tinanggap ni Nika. Kapansin-pansin ang malagkit na pagtitig ni Nika kay Miguel. Halos ayaw niya ng bitawan ang kamay nito. Ngiting-ngiti siya habang tinitingnan si Miguel. Tumikhim ako. Ngumiti ako kay Nika nang napansin niya akong nakatingin sa kanilang dalawa. "Nice to meet you, M-Miguel," sabi ni Nika at hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. "Miguel, ikaw muna ang magdadala ng bag ko." Bumaling sa akin si Miguel saka tumango. Luminga-linga ako sa paligid. Nanlaki ang aking mga mata nang nakatingin sa amin ang mga babaeng empleyado. Humakbang ako patungo sa kanila. Sinundan ko
Magbasa pa

Chapter 34

Nagtitigan kami ng ilang minuto ni Ate Cecile. Hindi niya pa rin binibitawan si Miguel. "Hindi ikaw ang magdedesisyon para kay Miguel, Caroline." Mataray na sabi ni Ate Cecile. Hinila niya ulit si Miguel. "Wait, wait." Sabi ni Miguel saka inalis ang aming mga kamay na nakahawak sa kaniya. "Sasama ka ba sa akin mamayang gabi o magpapaalipin ka sa kapatid ko?" Tanong ni Ate Cecile. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang naglabas ng pera. "Isang gabi kapalit ng perang hawak ko ngayon." Dugtong niya saka kinindatan si Miguel. Nilingon ko si Miguel. Alam ko na nangangailangan siya ng pera. Kinakabahan tuloy ako baka pumayag siya sa inalok ni Ate Cecile sa kaniya. "Pasensiya na po, Ma'am Cecile. Hindi ko po matatanggap ang inaalok niyo sa akin." Sagot ni Miguel. Palihim akong ngumiti. Tinaasan ko ng kilay si Ate. Ngumisi si Ate Cecile. "What? So magpapaalipin ka sa kapatid ko kesa sumama sa akin ng isang gabi kahit babayaran naman kita? Ibang klase ka rin, 'no?" "Hindi naman po
Magbasa pa

Chapter 35

Naghintay muna ako ng ilang minuto na matapos silang lahat sa pagyoyosi at pag-inom ng kape para makaalis na kami patungo sa sinasabing Italian Restaurant na binook ni Alexander. Naunang naglakad sina Mommy at Daddy habang si Alexander naman ay sumabay sa akin sa paglalakad. Si Ate Cecile ay abala sa pakikipagkwentohan kay Miguel ng kahit ano. Narinig ko rin na tinanong niya si Miguel tungkol sa buhay nito. Oo at hindi lang ang sinagot niya kay Ate Cecile. Pagdating namin sa parking lot, nilingon ko si Miguel. He's my driver at sa kaniya dapat ako sasakay ngunit hinila ako ni Alexander patungo sa kaniyang sasakyan. "Sa akin ka sasakay," sabi ni Alexander bago niya ako pinagbuksan ng pintuan. Nang lingonin ko ulit si Miguel, nakita ko ang aking kapatid na masayang pumasok sa loob ng sasakyan. "Sasakay ka ba o roon ka sa kabilang kotse sasakay?" Iritadong tanong niya at isinirado ang pinto. Nagulat ako nang hilahin niya ako patungo sa sasakyan na minamaneho ni Miguel. Napansin ko ri
Magbasa pa

Chapter 36

MIGUEL'S POV Isang oras na kaming nakatayo sa labas ng VIP Room dito sa Italian Restaurant kung saan kumakain ang pamilyang Brooks at Mercedez. Kasama ko ngayon si Kuya Rene, isa sa mga tauhang pinagkakatiwalaan ni Sir Samson at ang ibang mga tauhan ni Mr. Mercedez. Inutosan kami ng dalawang pamilya na magmanman sa paligid dahil kanina pa raw hindi mapakali ang asawa ni Mr. Mercedez. "Kumusta ang trabaho mo bilang bodyguard ng anak ni Sir Samson?" Biglang tanong ni Kuya Rene. Napalingon ako sa kaniya. "Ayos lang naman po," sagot ko. "Hindi ba siya mahirap pakisamahan? Marami kasing nagsasabi na masama raw ang ugali ng batang 'yon. Hindi ka ba pinapahirapan ni Ma'am Caroline?" Mabilis akong umiling. "Hindi naman po. Mabait si Ma'am Caroline sa akin. Minsan nasisigawan niya ako pero nasanay na rin ako. Iniisip ko na lang na baka pagod siya sa trabaho." "Mabuti naman kung gano'n. Sana magtagal ka sa kaniya lalo na't ikaw ang unang hinire ni Sir Samson na magbantay sa anak niya." "
Magbasa pa

Chapter 37

Nabitawan ko ang aking baril at napaupo ako sa sahig. Nag-angat ako ng tingin sa mga armadong lalaki bago muling tiningnan si Dom. Chineck ko ang palapulsohan nito. Napapikit ako nang napagtantong wala na itong buhay. “I'm so sorry, Dom. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na ganito pala ang trabaho mo,” bulong ko at hinawakan ang kaniyang kamay. “I'm so sorry...” “Miguel!” Napalingon ako nang narinig ko ang boses ni Kuya Rene. Mabilis kong pinunasan ang namumuong luha sa aking mata at pinulot ang baril. “Nakita mo ba ang dumukot kay Ma'am Caroline?” Tanong ni Kuya Rene at bumaba ang paningin niya kay Dom. Chineck niya rin kung buhay pa ba ito. “Patay na siya.” Hinigpitan ko ang paghawak ng baril. “Nabaril ko siya, Kuya Rene.” “Huwag mo ng isipin kung may napatay ka o wala. Kailangan natin mailigtas si Ma'am Caroline, Miguel.” Tumingin – tingin ako sa paligid. “Nasaan sila? Bakit hindi mo sila kasama?” Napadapa ako nang biglang nagpaputok ang kalaban. Hinila ako ni Kuya Rene at n
Magbasa pa

Chapter 38

"Rest in peace, Kuya Rene," bulong ko. Pinulot ko ang baril saka hinabol ang mga kalaban. Paglabas ko ng resto nakita ko silang isinakay si Caroline sa itim na van. Nagtago ako sa poste nang bigla nila akong pinaputokan. Napamura ako nang binuhay nila ang makina ng sasakyan. Luminga-linga ako sa paligid. Nagtago ako sa mga sasakyang nakaparada. Sinubokan kong barilin ang ibang mga kalaban. "Holy shit!" Malakas na mura ko nang nakitang paalis na ang kalaban. Tumakbo ako patungo sa parking lot. Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan at agad na binuhay ang makina nito. Binilisan ko ang pagmamaneho nang napansing nakalayo na ang sasakyan ng kalaban. Muli nila akong pinaputokan nang napansing nakasunod na ako kanila. Yumuko ako para iwasan ang mga bala. Bumaba ang tingin ko sa cellphone nang nakitang tumatawag si Sir Samson. Mabilis kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. "Nakuha mo ba ang anak ko?" Diretsong tanong niya. "Hindi pa po, Sir. Masyado silang marami. Sinusun
Magbasa pa

Chapter 39

CAROLINE'S POV Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa mukha ko. Nanlalabo pa rin ang aking paningin. "You're awake," I heard a familiar voice. Nanlaki ang aking mga mata nang naaninag ko ang mukha ni Ken Salazar. "Good morning, Baby." Napabalikwas ako saka mabilis na bumangon. Niyakap ko ang aking sarili. "Nasaan ako? Saan mo ako dinala?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang aking sarili. Nakasuot na ako ng ibang damit. "Dinala kita sa bahay ko, Caroline." Malamig na sagot niya. Sinubokan niya akong hawakan pero mabilis akong tumayo at bumaba ng kama. "Huwag mo akong lalapitan! Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumisi siya saka tumayo. Inayos niya ang aking higaan. "What's wrong, Caroline? Nilalayo lang kita sa boyfriend mo. Alam naman natin na masama siyang tao." "Gusto mo bang pasalamatan pa kita sa ginawa mo? Mali 'tong ginagawa mo, Ken. Ibalik mo ako sa pamilya ko!" "No! Hindi kita pwedeng ibalik doon.
Magbasa pa

Chapter 40

(Author's Note: Hi, everyone! I've made my return. Naging busy ako sa pag-aaral bilang isang college student at nagkasakit din. It was important for me to rest adequately for a quick recovery. I appreciate everyone who reads my second story. And for those of you who gave gems, thank you from the bottom of my heart. Sending out purple hearts to all of you.💜)Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Ken nang subokan niya akong halikan. "I'll never be your bride!" Galit na sigaw ko at sasampalin ko sana ulit siya ngunit nahuli niya ang aking kamay. "You're my bride, Caroline! Tatlong araw na lang ang hihintayin ko at makakasal na tayo!" Sabi ni Ken at mas lalong hinigpitan ang kaniyang paghawak sa kamay ko. "Let me go!" Reklamo ko habang pilit na binabawi ang aking kamay sa kaniya. "Hindi kita mahal! Hindi tayo pwedeng ikasal! Ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan, Ken! Hindi ikaw ang mahal ko!" "Hindi pwede 'yan! Ako lang dapat ang mamahalin mo..." Hinaplos-haplos niy
Magbasa pa
PREV
123456
...
17
DMCA.com Protection Status