Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg ni Miguel at sinabayan ang bawat galaw ng labi niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang kamay sa likod ko. May isinusulat siya pero hindi ko ito maintindihan dahil abala ako sa paghalik sa kaniya. Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin. Napatingin ako sa kaniya. "This is wrong," sambit niya. Kinuha niya ang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya. "W-Why?" Ipinulupot ko ang aking mga bente sa baywang niya. "Akala ko ba namimiss mo ako?" "Mali 'tong ginagawa natin, Caroline," namamaos na sabi ni Miguel. Para akong binuhosan ng malamig na tubig sa hiya. Hinawakan niya ang dalawa kong paa. Hinaplos-haplos niya ito. "May problema ba, Miguel?" tanong ko. Hinahanap ko ang mga mata niya. Ayaw niyang tumingin ng diretso sa akin. "Ayaw mo na ba? Nagsawa ka na ba sa akin?" "Ikaw ang problema ko, Caroline," sagot niya. Para akong nawalan ng lakas. "Maling-mali 'tong ginagawa natin. May boyfriend ka at 'yon ang alam ng lahat. Ayokong dumating sa p
Hinahabol ko ang aking paghinga pagkatapos kainin ni Miguel ang aking perlas ng sinilangan. Hinubad niya ang kaniyang pantalon. Tumambad sa akin ang malaking umbok ng alaga niya na para bang handa ng sumabak sa giyera. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang ginawa ko dati. Umupo ako ng maayos habang pinagmamasdan siyang hubarin ang suot niyang boxer. Paulit-ulit kong kinakagat ang aking labi nang nahubad niya na ang boxer. Nakatayo at naninigas ang alaga niya. Gusto ko itong hawakan, kainin, at paglaruan. "Ito ba ang paraan ng panliligaw mo?" tanong ko. Nasa alaga niya pa rin ang paningin ko. "Ayaw mo?" Hinawakan niya ang alaga niya. "Curious lang ako kung bakit hindi ka pumayag na maging boyfriend ko. Gusto mo pa akong ligawan," sagot ko. "Huwag mo akong sasagotin dahil alam mong may gusto ako sa 'yo. I want us to have a mutual feelings bago mo ako sagotin. Hindi naman kita minamadali. Gusto kong pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon mo. Ayokong pagsisihan mo sa huli ang naging de
Pinahiram ko ng damit si Miguel. Marami naman akong mga damit na malalaki at hindi ko na ginagamit. Tapos ko na rin gamotin ang mga sugat at pasa niya sa katawan. "Dito ka na lang matulog. Samahan mo ako," sabi ko habang nagtitimpla ako ng gatas. Kumuha ako ng mga pagkain sa mini ref at inilagay ito sa mesa. "Alam mong hindi pwede 'yan, Caroline." Tumayo siya at tinulongan ako sa pagdala ng mga pagkain. "Baka may makakita sa atin. Kailangan ko rin bumalik sa kwarto ko baka hanapin ako ng Daddy mo." "I-lo-lock ko naman ang kwarto ko. Hindi nila mabubuksan 'yan dahil sa loob naman naka-lock." Binalatan ko ang orange. "Delikado ang iniisip mo. Ayokong mawalan ng trabaho at ayoko rin sirain ang buhay mo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin." Sinuboan niya ako ng chocolate. "Ngayong gabi lang naman. Sige na, Miguel. Natatakot kasi akong matulog ng mag-isa lalo na't hindi pa nahuhuli ng mga pulis si Ken dahil namatay lahat ng mga kasama niyong pulis kanina." Hinahawakan niya ang mga
Binaba ni Mommy ang hawak niyang baso. Kumuha ulit siya ng sigarilyo at sinindihan ito. Parang wala lang ako sa harapan nila. "Bakit hindi niyo sinasagot ang tanong ko?" Bumaling ako sa mga kaibigan ni Mommy. "May alam ba kayo tungkol sa pagkatao ko?" Hindi rin sila sumagot. Yumuko lang ang mga ito. Napasinghap ako. "Nandiyan na pala si Samson. Uuwi na kami, Glenda," sabi ni Tita Monique. Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Tumango lang si Mommy at sumimsim ng sigarilyo. "Ingat kayo sa biyahe. Maraming salamat sa pagbisita rito. I-text o tawagan niyo na lang ako kung kailan tayo ulit pupunta ng Casino." "Uuwi na kayo?" tanong ni Daddy sa mga kaibigan ni Mommy pagdating niya. "Oo, Samson. May pupuntahan pa kasi kami ni Samantha. Maiwan muna namin kayo," sagot ni Tita Monique. Hinila niya si Tita Samantha palabas kahit hindi pa ito tapos mag-make-up. "Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?" tanong ni Daddy sa akin. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas. "Ana
Kumuha ako ng malaking maleta at inilagay ang mga gamit ko. Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Daddy na nakatayo siya sa gilid ng pinto. "Caroline, mag-usap muna tayo. Huwag kang aalis -" "Wala na tayong pag-uusapan, Dad. You lied to me. Ginawa niyo akong tanga!" sigaw ko. Hinila ko ang maleta pababa ng hagdan. Nakasunod si Daddy sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. "May rason pa ba ako para manatili sa bahay na 'to, Dad? Galit na galit si Mommy sa akin. Ayokong dagdagan ang problema niya." Naabotan ko si Ate Cecile sa sala. Nanunuod siya ng palabas sa TV. Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ang malaking maleta. "Gusto mo bang ihatid pa kita palabas?" sarkastikong tanong niya. "Tama na, Cecile! Huwag kang ganiyan sa kapatid mo!" saway ni Daddy sa kaniya. "Why, Dad? Siya naman ang may gustong umalis sa bahay. Hindi namin siya pinapaalis. Pero mabuti na rin kung aalis siya para mabawasan ang mga palamunin dit
Buong araw akong nanatili sa kwarto. Gusto ko munang mapag-isa kaya inutosan ko na lang si Miguel na mag-grocery ng mga pagkain. Binuksan ko ang aking mga social media accounts, nagbabasakaling inunblock ako ng mga kaibigan ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakitang naka-blocked pa rin ako sa mga social media accounts nila. Gumawa ako ng bagong account. Finollow ko silang lahat at agad nag-sent ng messages sa kanila. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone ko pagkatapos ko silang padalhan ng mga mensahe sa kani-kanilang social media accounts. Ipinagpatuloy ko ang paghigop ng mainit-init na sabaw na niluto ni Miguel. Infairness masarap siyang magluto. Parang kumain na rin ako sa mamahaling resto. Tiningnan ko ang kanin na nilagay ni Miguel sa plato ko kanina. Napalunok ako nang naubos ko lahat ito. Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganoon karaming kanin. Kinuha ko ang cellphone ko nang napansing may tumatawag. Napangiti ako sa tuwa nang nakita ko ang pangalan ni Avery. Dali-dali
Gusto kong sumama sa kaniya para mabawasan ang mga problemang iniisip ko. Pero agad nagbago ang desisyon ko nang narinig ko na naman ang pangalan ni Love Rein. "Tinatanong pala ni Love Rein kung ano raw ang mga paborito mong pagkain. May balak kasi siyang bumisita rito." Umupo si Miguel sa sahig. Napapikit ako bago siya hinarap. Ngumiti ako ng pilit. "Sinabi mo sa kaniya kung saan ako nakatira ngayon?" Tumango si Miguel. "Gusto ka niyang maging kaibigan. Wala naman sigurong masama kung -" "I need some privacy, Miguel! Hindi mo dapat sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira. Bakit ba napaka-paladesisyon mo? Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko ba siyang maging kaibigan o hindi. Alam ko naman na kaibigan mo siya. May pinagsamahan kayong dalawa lalo na't may gusto kayo sa isa't isa. Kaibigan mo siya, Miguel. Hindi ko siya kaibigan. Hindi mo dapat sinabi sa kaniya kung saan ako nakatira!" "I told her the address kung saan ang bahay niyo, Caroline. Hindi ko sinabi sa kaniya na
Excited akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Naghanap ako ng damit sa maleta na pwedeng suotin. Strapless silk dress na kulay itim ang nakita ko. Tiningnan ko sa malaking salamin ang aking sarili. Pagkatapos kong magbihis, naglagay ako ng light make up. Tama lang na hindi mapapansin ang pamamaga ng mata ko. "I'm done!" anunsiyo ko paglabas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko nang nakita ang suot ni Miguel. "Bar ang pupuntahan natin." Nakasuot siya ng black suit at itim na pantalon. Nagmumukha siyang mafia boss sa suot niya. Mas lalo siyang naging gwapo. "Wala na akong ibang masusuot, Caroline. Ikaw lang naman ang iinom. Body guard mo ako. Babantayan kita habang nagwawalwal ka," pagsusungit niya. Minsan napapaisip tuloy ako kung nagtatrabaho ba siya sa pamilya ko. Mula nang naging close kami sa isa't isa ang casual ng turingan namin. Maipapakita ko rin ang sarili ko sa kaniya, ang totoong ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Agad naman akong pumasok. Tiningnan ko ang aking
Hi, everyone! I just uploaded the epilogue. Balak ko sanang dagdagan ng special chapters, pero baka huwag na lang. Gusto niyo? HAHAHAHA I'm planning to write a novel sa mga anak kasi nila. Kung sisipagin, gagawan ko ng story sina Kalix, Marco, Morgan, at Maximo. So, bali naka-series po siya. What do you think? Kindly comment below your suggestions. Thank you!🥹🤍 To all my readers who read this book until the end, maraming salamat sa pagsubaybay ng kwentong pag-ibig nina Miguel at Caroline. Sana patuloy ninyo pa rin akong susuportahan sa mga susunod ko pang mga libro. Pasensiya na po sa mga typographical at grammatical errors. Love, Deigratiamimi 🤍
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang tumugma ang DNA Test Results naming dalawa ni Kalix. Lahat ng hinanakit ko para sa bata ay biglang naglaho. Mas lalo akong naging pursigidong makuha uli ang loob ni Caroline. I want to win her heart again. Itatama ko ang lahat ngayong alam kong may anak pala kami. Worth it lahat ng mga pagtitiis ko. Kaya siguro ako baliw na baliw sa kaniya dahil may koneksiyon pa rin kami sa isa't isa. At 'yon ay ang anak namin. Pinagmasdan ko si Caroline na nakikipagkulitan sa anak namin. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naaalala ko kung paano ako nag-propose sa kaniya. Sa tindi ng selos ko ay hindi ko mapigilang mag-propose sa kaniya kahit nasa ganoong sitwasyon kami. Gusto kong patunayan sa buong mundo na pagmamay-ari ko lang siya. Wala akong pakialam kung obsess ako sa kaniya. "Dahan-dahan baka mabinat ka," saad ko pagpasok niya sa loob ng kotse. She's six months pregnant. I made sure she would get pregnant right after our wedding. I never expecte
She's happy with someone else now. Hindi ko kayang sirain ang pamilya niya. Nakita ko lang siyang masaya kasama ang ibang tao, bigla akong natakot. Umatras lahat ng katapangan kong bawiin siya. Pakiramdam ko, kapag binawi ko siya uli, sisirain ko lang ang binuo niyang pamilya. "Babalik na ako sa Pilipinas. Bantayan niyo siya ng maigi. Masaya na ako kapag alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," mapait kong saad kay Seb bago siya tinalikuran. Years had passed. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit ilang babae naang naka-date ko. Araw-araw ko pa rin tinatanong sa mga tauhan ko ang tungkol sa buhay niya. I'm madly in love with her. I helped her family regain the popularity and increase their sales. Nag-invest ako sa kompanya nila ayon sa plano. Napag-alaman ko kasi na pagmamay-ari pala ng ina niya ang Brooks Industries. Nakasulat ito sa last will ng yumaong ama ni Tita Roxanne. Pero binago nila ang pangalan ng kompanya. Abala ako sa pagbabasa ng mga reports nang bigla na lang puma
Simula nang nakita ko ang sekretong kwarto na 'yon sa CR nila. Halos araw-araw ko ng binibisita si Cecile. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap na interesado ako sa kaniya para hindi niya mahalata na iba pala ang pakay ko. "Seb, I need your help," diretsong sabi ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Mamayang gabi. Sabayan mo akong pumunta sa bahay nila Cecile. Gusto kong tingnan ang laman ng sekretong kwarto na 'yon. Baka nandoon si Caroline. Ikaw na ang bahala kung papaano mo patutulogin ang mga tauhan nila." Desidido na akong makita at mapasok ang kwarto na 'yon. Pakiramdam ko nandoon si Caroline. Baka itinago nila sa loob. Pagsapit ng gabi, dumiretso na ako sa bahay nila Cecile. Doon na ako naghaponan. Habang abala siya sa kinakain niya, palihim ko namang inilagay ang gamot pangpatulog sa juice niya. "How's the food?" tanong niya at inilagay sa mesa ang cellphone niya. Ininom niya ang juice niya. "Delicious," tipid kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Hinaplus-haplos
Miguel's POV I am holding her hands habang naglalakad kami patungo sa puntod ni Mama. It's been five years since she passed away, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mula nang nawala siya, halos araw-araw ko siyang binibisita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ns matagal na pa lang patay si Tita Mary?" tanong ni Caroline pagkatapos niyang ayosin ang mga bulaklak. Humiga naman sa damohan si Kalix. "You never ask," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga si Caroline at umupo sa tabi ko. "Can you tell me what happened?" Saglit akong napatitig sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito. "It was a long story, Caroline. But to make the story short, before she died she kept looking for you because she want to give you the last will of your grandfather. Ang buong akala kasi ni Mama, matagal na ring patay si Tita Roxanne. Sa kaniya kasi iniwan ang last will bago siya kinidnap ng sarili niyang kapatid. When I woke up, wala na si Mama. So, I promised her to find you no m
I glanced inside his room impatiently when I realized he had no plan of letting me in after we escorted Kalix to Don Ernesto's room."Aren't you going to let me in?" He looked pained as he opened the door wider. I glared at him, slightly offended that it seemed to pain him to let me in. I entered his room and sat on the bed. I furrowed my brow when I caught him staring at me."Why does it seem like you're forcing yourself to let me in here?" I couldn't hide my disappointment. I crossed my arms and walked towards him. Mas lalong kumunot ang noo niya habang palapit ako. The way he looked at me, even in his dimmed lights, made me realize that he was desiring something so much. He is fighting it so hard. He swallowed and open his mouth to speak but he didn't continue. "Miguel?" I probed. I saw how his eyes tore off from my body painfully. I smirked and started walking towards him. Pakiramdam ko gusto niyang umatras, pero nang nakita ang pagngiti ko, alam niyang gagamitin ko ang pag-at
"Isasama ko si Kalix sa opisina. Doon na rin kami kakain ng breakfast," sabi ni Miguel pagkatapos niyang ayosin ang necktie niya. Sinilip ko si Kalix sa kaniyang likuran. Nakapagbihis na rin ito. "Kalix, stay here. Your Dad won't be able to work properly if you go with him.""Mommy, I'll go with Dad," Kalix rolled her eyes. "No. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya," pag-uulit ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang gatas. "Drink your milk." "Drink your milk first, Kalix, so we can go," saad ni Miguel pagkatapos niyang ubosin ang kape niya. "Yes, Dad," tugon ni Kalix. Umupo siya sa harapan ko pero nasa kay Miguel pa rin ang paningin niya. "Miguel, baka makaabala si Kalix sa 'yo -" "Never siyang nakakaabala sa akin, Caroline. Gusto niya rin namang sumama," malamig niyang saad. Ngumiti na lang ako ng pilit at nilingon ang anak namin. "Huwag kang malikot doon. Pupuntahan kita roon mamaya para sabay na tayong mag-lunch." "Sa labas kami kakain ni Kalix. Huwag kang mag-aksaya ng oras para
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasado alas sais na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Miguel sa akin. Umuwi na rin ang ibang mga empleyado. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero niya. Ring lang ito nang ring. Nag-text na lang ako sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi sa condo ko. Hindi ako pwedeng gabihin sa pag-uwi dahil naghihintay ang anak namin sa bahay. Hindi kakain ng haponan si Kalix ng wala ako o hindi niya kami kasama. Papasok na ako sa loob ng elevator nang pag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Ate Norma. "Mommy, where are you?" tanong agad ni Kalix sa akin. "I'm on my way home, Kal," I replied and pressed the ground floor button."Make it quick, Mom. I'm hungry," Kalix said."Yes, Kalix. If you can't wait any longer, go ahead and eat first. You might get a stomach ache again. I'll end the call now. I love you," I said. Napatingin ako sa labas nang napansing marami pang t
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Miguel matapos kong basahin ang liham ni Daddy para sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng kapatawaran sa akin. Para akong nawalan ng tinik sa puso nang mabasa ko sa liham niya ang salitang mahal niya ako. Gusto niya lang ako bigyan ng magandang kinabukasan pero sa maling paraan niya ito nagawa. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nagsisisi siya dahil mas binigyan niya ng atensiyon si Cecile. Hindi ko rin siya masisisi dahil pareho naming hindi alam ang totoo na anak pala sa labas si Cecile. Bumuhos lalo ang mga luha ko nang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Miguel habang hinahaplos niya ang likod ko. "At last, nakita ka niya bago siya namatay, Caroline," bulong ni Miguel at hinalikan ang buhok ko. "Baka ikaw lang ang hinihintay niya. Sa ngayon, makakapagpahinga na siya ng maayos. Hindi na siya masasaktan pa at magtitiis sa sakit niya. He died peacefully because you forgave him." "Ang hirap tanggapin. Hindi ko aakalain na 'yon n