Share

Chapter 69

Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Palagi akongkinukulit ng iba kong pinsan na lumabas at makipaglaro sa kanila dahil hindi gaanong masakit ang sikat ng araw. Tinatanaw ko lang sila habang masayang naglalaro sa dagat.

"Caroline, pagbigyan mo naman ako. Ikakasal na ako tapos ayaw mong makipaglaro sa amin," sabi ni Julia pagpasok niya sa kwarto ko.

"Gusto ko munang magpahinga. Mamaya na lang ako lalabas," saad ko habang inaayos ang mga damit ko.

"Promise? Magtatampo talaga ako sa 'yo kung hindi ka lalabas."

Ngumiti ako at tumango. "Promise."

Humiga ako sa kama nang lumabas na si Julia sa kwarto ko. Sa totoo lang tinatamad akong lumabas at makipaghalubilo sa mga pinsan ko mula nang nalaman kong anak ako sa labas. Natatakot ako sa posibleng sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi ako anak ni Mommy.

Nag-download ako ng mga video games sa cellphone ko para may pagkakaabalahan ako. Hindi rin nagtagal ay nababagot na ako sa paglalaro. Nanuod ako ng mga palabas at iba pang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status