Share

Chapter 67

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Tumayo ako at pinulot ang bag ko na nasa sahig. Maingat ko itong inilagay sa maliit na mesa.

"Ano naman kung anak ako sa labas, Ate? Nagpapasalamat nga ako dahil nalaman ko ang totoo." Inayos ko ang suot kong damit.

"Wow! Ibang klase ka rin." Pumalakpak si Ate. "Proud na proud ka pa nang nalaman mong anak ka sa kabit ni Daddy," dagdag niya.

Kumuyom ang mga kamao ko. Gustong-gusto ko na siyang sabunotan ng buhok pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan kong kumalma dahil pagmamay-ari ko ang condo.

"Kuya Jay, palabasin mo nga 'tong kapatid ko," utos ko. Tumingin ako kag Kuya Jay nang napansin na hindi siya gumagalaw sa kinatatayoan niya. "Papalabasin niyo po ba siya o gusto mong mawalan ng trabaho?" pagbabanta ko.

"Huy, Caroline! Hindi mo ako pwedeng palabasin dahil pagmamay-ari ko rin 'to!" galit na sigaw ni Ate nang hawakan siya ni Kuya Jay.

"Caroline, ganiyan ba kalaki ang galit mo kay Cecile? Gusto niya lang manatili rito ng isang gabi -"

"Huwag kang makisali rito,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • One Rebellious Night   Chapter 68

    Napabalikwas ako nang nakita ko si Julia na naglalakad patungo sa akin. Sumisimsim siya ng kape. "Ayos ka lang ba? May problema ba? Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo." Inilagay niya sa mesa ang baso na may lamang kape. Ngumiti ako at umiling. "Napagod lang ako sa biyahe," pagdadahilan ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala akong problema, Jul. Pagod lang talaga ako." Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pagkatapos tumawag ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit siya tumawag at humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. First kong narinig galing sa kaniya ang salitang sorry. "Kumusta ka na pala? Wala na akong balita tungkol sa 'yo. Sabi ni Tita Glenda busy ka raw sa kompanya niyo. Hindi mo naman sinabi sa amin na sinagot mo na pala si Alexander." Muli siyang sumimsim ng kape. "Akala ko ba ayaw mo sa lalaking 'yon. Alam mo na, ang pangit ng life background niya." "I had no choice, Juls. Hindi rin ako ang nagdesisyon na sagotin si Alexande

  • One Rebellious Night   Chapter 69

    Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Palagi akongkinukulit ng iba kong pinsan na lumabas at makipaglaro sa kanila dahil hindi gaanong masakit ang sikat ng araw. Tinatanaw ko lang sila habang masayang naglalaro sa dagat. "Caroline, pagbigyan mo naman ako. Ikakasal na ako tapos ayaw mong makipaglaro sa amin," sabi ni Julia pagpasok niya sa kwarto ko. "Gusto ko munang magpahinga. Mamaya na lang ako lalabas," saad ko habang inaayos ang mga damit ko. "Promise? Magtatampo talaga ako sa 'yo kung hindi ka lalabas." Ngumiti ako at tumango. "Promise." Humiga ako sa kama nang lumabas na si Julia sa kwarto ko. Sa totoo lang tinatamad akong lumabas at makipaghalubilo sa mga pinsan ko mula nang nalaman kong anak ako sa labas. Natatakot ako sa posibleng sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi ako anak ni Mommy. Nag-download ako ng mga video games sa cellphone ko para may pagkakaabalahan ako. Hindi rin nagtagal ay nababagot na ako sa paglalaro. Nanuod ako ng mga palabas at iba pang

  • One Rebellious Night   Chapter 70

    Naninigas ako sa inuupoan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react. "Caroline Anastasia Brooks is dating his personal body guard," pag-uulit ni Violeta sabay pakita sa akin ng cellphone niya. "A-Anong ibig sabihin nito, Caroline?" tanong ni Julia habang nasa cellphone ni Violeta ang paningin niya. "Nasa news ka pero hindi nila nilagay ang litrato ng sinasabing body guard mo." "T-That's not true. I'm not dating my body guard," depensa ko. Tumayo ako para tingnan ang sinasabi nilang balita tungkol sa akin. "Saan naman nanggaling ang balitang 'to? At sino ang nagpapakalat ng maling impormasyon?" Napakagat-labi ako nang naalala ko si Miguel. Wala akong planong i-deny ang relasyon namin dalawa pero hindi ko mapagilang mag-alala para sa kaniya nang naalala ko rin ang sinabi ni Miguel kagabi. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay niya dahil lang sa akin. For now, I'll try my best to keep our relationship. Sobrang aga pa para malaman ng publiko ang tungkol sa amin.

  • One Rebellious Night   Chapter 71

    Tumingin ako sa mga magulang ni Alexander na pinipigilan ang anak nilang suntokin si Miguel nang nakita niya ako. "Wala ka talagang mabuting bagay na naiambag sa pamilyang 'to!" galit na asik ni Ate Cecile. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. "Puro ka na lang kahihiyan! Pati pamilya ni Alexander pinapahiya mo!" "Shut up, Cecile!" Ipinagsiklop ni Daddy ang mga kamay niya. Hindi siya makatingin sa akin dahil nasa kay Miguel ang paningin niya. "Hindi maayos 'to kung pagagalitan natin ang kapatid mo. Kailangan nating kumalma at pakinggan ang hinaing niya tungkol sa balitang kumakalat sa media na may relasiyon silang dalawa ni Miguel!" "Kung malandi ako, mas malandi pa pala 'tong anak sa labas!" Padabog na bumalik sa pagkakaupo si Ate Cecile sa tabi ni Mommy. Binigyan ako ni Manang Cristy ng sariling upoan at inilagay ito sa harapan. Maingat kong ibinaba ang bag ko bago tumingin sa kanila. Pumikit ako ng ilang segundo pagkatapos kong sulyapan si Miguel. "Sinabi na ni Miguel sa am

  • One Rebellious Night   Chapter 72

    Umawang ang labi ko at napatingin kay Ate Cecile. "She can't bear a child?" namamaos na tanong ko. "Oo, Caroline. Hindi ako makakaanak," saad ni Ate Cecile habang sumisimsim ng kape. "Maraming issue ang kapatid mo. Ayaw namin ng gulo. Wala rin kaming pakialam kung anak ka sa labas ni Samson, hija," dagdag pa ni Tita Portia. "You'll just give us a grandson, hija. You can file a divorce after giving birth," sabi ni Tito Rafael. "Nahihibang na ba kayo? Ipapakasal niyo kaming dalawa dahil gusto niyong magkaroon ng apo?" Napasinghap ako. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa anak niyo!" "Caroline, watch your words!" saway ni Mommy. "Bakit ba ayaw niyo akong tigilan sa kapipilit nang kasal na 'yan? Pwede naman kayong maghanap ng taong magdadala sa apo niyo. Bakit ako pa?" Bumaling ako kay Daddy. "I will not marry him. Wala akong pakialam kung mawawalan ako ng mana, mawawalan ako ng trabaho, at itatakwil niyo ako bilang anak! Hindi ganitong buhay ang pinapangarap ko. Gusto kong magkaroon

  • One Rebellious Night   Chapter 73

    "Miguel, saan tayo pupunta kung itatanan mo ako?" Nagdilat ako ng mata. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napatingin ako sa wall clock. Pasado alas diyes na ng umaga. Luminga-linga ako sa loob ng kwarto, hinahanap si Miguel pero hindi ko siya nakita. Napasinghap ako nang napagtantong panaginip lang pala ang lahat. Umahon ako sa kama at nagbihis ng damit. Uminom ako ng tubig bago bumalik sa pagtulog. Sinubokan kong matulog ulit ngunit hindi na ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang ilang mensahe galing sa mga kaibigan at katrabaho. Silang lahat ay nagulat at hindi makapaniwala sa balitang kumakalat tungkol sa amin. Tinatanong nila ako kung may katotohanan ba ang balitang 'yon. Tiningnan ko ang numero ni Miguel, gusto ko siyang tawagan upang kumustahin. Gusto ko siyang puntahan sa silid niya pero hindi pwede. Kung pupunta ako roon kahit wala akong kailangan mas lalong magtataka ang mga tao sa mansiyon. Lalon

  • One Rebellious Night   Chapter 74

    Isa-isa kong tiningnan ang mga sinasabing litrato na ipinadala kay Daddy. Napatakip ako sa bibig nang nakita ang ilang litrato na magkasama kaming dalawa ni Miguel. "Someone sent these photos. Ngayon ko lang din nakita ang mga 'to. Paano mo ipapaliwanag ang lahat ng 'to, Caroline?" Bakas sa boses ni Daddy ang panggigigil. "Hindi ko alam kung ilang tao ang nakakita sa mga litratong 'to bago ipinadala sa akin. Nakakahiya ka, Caroline. Pinalaki kita ng maayos pero ito ang igaganti mo sa akin? Pumatol ka sa isang body guard!" Napahawak ako sa kabila kong pisngi nang sampalin ako ni Daddy. Mas malakas ang pagkakasampal niya kaya agad kong naramdaman ang sakit nito. Nanatili lang akong nakayuko at nasa mga litrato ang paningin ko. "Kaya ba ayaw mong pumayag na ikasal ka kay Alexander dahil siya ang gusto mong pakasalan? Ano? May nangyari na sa inyo? Malaki ang tiwala ko sa 'yo pero anong ginagawa mo, Caroline? Isang body guard?" Hindi ako makasagot. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

  • One Rebellious Night   Chapter 75

    Dumungaw ako sa bintana, sinisilip sila habang kinakausap si Daddy na kagigising lang. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bumalik na sa normal ang paghinga niya. In-extend nila ang press conference dahil biglang nahihirapan si Daddy sa paghinga. Napag-alaman ko na para pala sa amin ni Alexander ang press conference. Gusto ng mga magulang namin na kami mismo ang mag-a-anunsiyo tungkol sa engagement para pagtakpan ang issue tungkol sa amin ni Miguel. Gusto kong pumasok sa loob para makita si Daddy ngunit ayaw akong papasokin nina Mommy at Ate Cecile. Baka raw tumaas ulit ang dugo ni Daddy kapag nakita niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi dumungaw sa bintana habang masaya silang nagkukulitan sa loob kasama si Daddy. Mas lalo lang nilang pinaparamdam sa akin na hindi ako parte ng kanilang pamilya. Hindi ko na lang din sila pinilit na papasokin ako dahil tama naman sila, kasalanan ko kung bakit inataki sa puso si Daddy kanina. Tama rin ang panunumbat ni Mommy sa akin, wala akong ibang n

Latest chapter

  • One Rebellious Night   Author's Note

    Hi, everyone! I just uploaded the epilogue. Balak ko sanang dagdagan ng special chapters, pero baka huwag na lang. Gusto niyo? HAHAHAHA I'm planning to write a novel sa mga anak kasi nila. Kung sisipagin, gagawan ko ng story sina Kalix, Marco, Morgan, at Maximo. So, bali naka-series po siya. What do you think? Kindly comment below your suggestions. Thank you!🥹🤍 To all my readers who read this book until the end, maraming salamat sa pagsubaybay ng kwentong pag-ibig nina Miguel at Caroline. Sana patuloy ninyo pa rin akong susuportahan sa mga susunod ko pang mga libro. Pasensiya na po sa mga typographical at grammatical errors. Love, Deigratiamimi 🤍

  • One Rebellious Night   Epilogue

    Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang tumugma ang DNA Test Results naming dalawa ni Kalix. Lahat ng hinanakit ko para sa bata ay biglang naglaho. Mas lalo akong naging pursigidong makuha uli ang loob ni Caroline. I want to win her heart again. Itatama ko ang lahat ngayong alam kong may anak pala kami. Worth it lahat ng mga pagtitiis ko. Kaya siguro ako baliw na baliw sa kaniya dahil may koneksiyon pa rin kami sa isa't isa. At 'yon ay ang anak namin. Pinagmasdan ko si Caroline na nakikipagkulitan sa anak namin. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naaalala ko kung paano ako nag-propose sa kaniya. Sa tindi ng selos ko ay hindi ko mapigilang mag-propose sa kaniya kahit nasa ganoong sitwasyon kami. Gusto kong patunayan sa buong mundo na pagmamay-ari ko lang siya. Wala akong pakialam kung obsess ako sa kaniya. "Dahan-dahan baka mabinat ka," saad ko pagpasok niya sa loob ng kotse. She's six months pregnant. I made sure she would get pregnant right after our wedding. I never expecte

  • One Rebellious Night   Chapter 159

    She's happy with someone else now. Hindi ko kayang sirain ang pamilya niya. Nakita ko lang siyang masaya kasama ang ibang tao, bigla akong natakot. Umatras lahat ng katapangan kong bawiin siya. Pakiramdam ko, kapag binawi ko siya uli, sisirain ko lang ang binuo niyang pamilya. "Babalik na ako sa Pilipinas. Bantayan niyo siya ng maigi. Masaya na ako kapag alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," mapait kong saad kay Seb bago siya tinalikuran. Years had passed. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit ilang babae naang naka-date ko. Araw-araw ko pa rin tinatanong sa mga tauhan ko ang tungkol sa buhay niya. I'm madly in love with her. I helped her family regain the popularity and increase their sales. Nag-invest ako sa kompanya nila ayon sa plano. Napag-alaman ko kasi na pagmamay-ari pala ng ina niya ang Brooks Industries. Nakasulat ito sa last will ng yumaong ama ni Tita Roxanne. Pero binago nila ang pangalan ng kompanya. Abala ako sa pagbabasa ng mga reports nang bigla na lang puma

  • One Rebellious Night   Chapter 158

    Simula nang nakita ko ang sekretong kwarto na 'yon sa CR nila. Halos araw-araw ko ng binibisita si Cecile. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap na interesado ako sa kaniya para hindi niya mahalata na iba pala ang pakay ko. "Seb, I need your help," diretsong sabi ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Mamayang gabi. Sabayan mo akong pumunta sa bahay nila Cecile. Gusto kong tingnan ang laman ng sekretong kwarto na 'yon. Baka nandoon si Caroline. Ikaw na ang bahala kung papaano mo patutulogin ang mga tauhan nila." Desidido na akong makita at mapasok ang kwarto na 'yon. Pakiramdam ko nandoon si Caroline. Baka itinago nila sa loob. Pagsapit ng gabi, dumiretso na ako sa bahay nila Cecile. Doon na ako naghaponan. Habang abala siya sa kinakain niya, palihim ko namang inilagay ang gamot pangpatulog sa juice niya. "How's the food?" tanong niya at inilagay sa mesa ang cellphone niya. Ininom niya ang juice niya. "Delicious," tipid kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Hinaplus-haplos

  • One Rebellious Night   Chapter 157

    Miguel's POV I am holding her hands habang naglalakad kami patungo sa puntod ni Mama. It's been five years since she passed away, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mula nang nawala siya, halos araw-araw ko siyang binibisita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ns matagal na pa lang patay si Tita Mary?" tanong ni Caroline pagkatapos niyang ayosin ang mga bulaklak. Humiga naman sa damohan si Kalix. "You never ask," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga si Caroline at umupo sa tabi ko. "Can you tell me what happened?" Saglit akong napatitig sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito. "It was a long story, Caroline. But to make the story short, before she died she kept looking for you because she want to give you the last will of your grandfather. Ang buong akala kasi ni Mama, matagal na ring patay si Tita Roxanne. Sa kaniya kasi iniwan ang last will bago siya kinidnap ng sarili niyang kapatid. When I woke up, wala na si Mama. So, I promised her to find you no m

  • One Rebellious Night   Chapter 156

    I glanced inside his room impatiently when I realized he had no plan of letting me in after we escorted Kalix to Don Ernesto's room."Aren't you going to let me in?" He looked pained as he opened the door wider. I glared at him, slightly offended that it seemed to pain him to let me in. I entered his room and sat on the bed. I furrowed my brow when I caught him staring at me."Why does it seem like you're forcing yourself to let me in here?" I couldn't hide my disappointment. I crossed my arms and walked towards him. Mas lalong kumunot ang noo niya habang palapit ako. The way he looked at me, even in his dimmed lights, made me realize that he was desiring something so much. He is fighting it so hard. He swallowed and open his mouth to speak but he didn't continue. "Miguel?" I probed. I saw how his eyes tore off from my body painfully. I smirked and started walking towards him. Pakiramdam ko gusto niyang umatras, pero nang nakita ang pagngiti ko, alam niyang gagamitin ko ang pag-at

  • One Rebellious Night   Chapter 155

    "Isasama ko si Kalix sa opisina. Doon na rin kami kakain ng breakfast," sabi ni Miguel pagkatapos niyang ayosin ang necktie niya. Sinilip ko si Kalix sa kaniyang likuran. Nakapagbihis na rin ito. "Kalix, stay here. Your Dad won't be able to work properly if you go with him.""Mommy, I'll go with Dad," Kalix rolled her eyes. "No. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya," pag-uulit ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang gatas. "Drink your milk." "Drink your milk first, Kalix, so we can go," saad ni Miguel pagkatapos niyang ubosin ang kape niya. "Yes, Dad," tugon ni Kalix. Umupo siya sa harapan ko pero nasa kay Miguel pa rin ang paningin niya. "Miguel, baka makaabala si Kalix sa 'yo -" "Never siyang nakakaabala sa akin, Caroline. Gusto niya rin namang sumama," malamig niyang saad. Ngumiti na lang ako ng pilit at nilingon ang anak namin. "Huwag kang malikot doon. Pupuntahan kita roon mamaya para sabay na tayong mag-lunch." "Sa labas kami kakain ni Kalix. Huwag kang mag-aksaya ng oras para

  • One Rebellious Night   Chapter 154

    Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasado alas sais na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Miguel sa akin. Umuwi na rin ang ibang mga empleyado. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero niya. Ring lang ito nang ring. Nag-text na lang ako sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi sa condo ko. Hindi ako pwedeng gabihin sa pag-uwi dahil naghihintay ang anak namin sa bahay. Hindi kakain ng haponan si Kalix ng wala ako o hindi niya kami kasama. Papasok na ako sa loob ng elevator nang pag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Ate Norma. "Mommy, where are you?" tanong agad ni Kalix sa akin. "I'm on my way home, Kal," I replied and pressed the ground floor button."Make it quick, Mom. I'm hungry," Kalix said."Yes, Kalix. If you can't wait any longer, go ahead and eat first. You might get a stomach ache again. I'll end the call now. I love you," I said. Napatingin ako sa labas nang napansing marami pang t

  • One Rebellious Night   Chapter 153

    Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Miguel matapos kong basahin ang liham ni Daddy para sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng kapatawaran sa akin. Para akong nawalan ng tinik sa puso nang mabasa ko sa liham niya ang salitang mahal niya ako. Gusto niya lang ako bigyan ng magandang kinabukasan pero sa maling paraan niya ito nagawa. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nagsisisi siya dahil mas binigyan niya ng atensiyon si Cecile. Hindi ko rin siya masisisi dahil pareho naming hindi alam ang totoo na anak pala sa labas si Cecile. Bumuhos lalo ang mga luha ko nang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Miguel habang hinahaplos niya ang likod ko. "At last, nakita ka niya bago siya namatay, Caroline," bulong ni Miguel at hinalikan ang buhok ko. "Baka ikaw lang ang hinihintay niya. Sa ngayon, makakapagpahinga na siya ng maayos. Hindi na siya masasaktan pa at magtitiis sa sakit niya. He died peacefully because you forgave him." "Ang hirap tanggapin. Hindi ko aakalain na 'yon n

DMCA.com Protection Status