Home / Romance / HER SUFFER RING / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of HER SUFFER RING: Chapter 41 - Chapter 50

78 Chapters

CHAPTER 41

Matagal na tinitigan ni Reedz ang sarili sa salamin. Animo’y kalmadong-kalmado ang hitsura niya, ngunit kung masisilip ang mga kamao niya na nakasuksok ulit sa front pocket ng Bermuda short na suot ay makikitang kay higpit ng kanyang pagkakakuyom.Mukhang mali na sumama-sama pa siya sa lugar na iyon. At lalong mali na gumawa pa siya ng masayang memories kasama si Calynn kahapon. Mas hindi na niya tuloy maintindihan ang nararamdaman ngayon.He sighed. Iiling-iling na umalis sa harapan ng salamin at tinungo ang bintana. Napatitig siya sa kawalan. Inaalala niya ang masayang sandali nila ni Calynn kahapon. At hindi niya maiwasang mapangiti. For the first time since his mother died, he was able to share his little happiness with someone again—kay Calynn.Ang saya-saya talaga nila na mag-asawa kahapon. To the point that he didn't want it to end, ideally.Subalit, lahat naman ng bagay o pangyayari sa mundo ay may katapusan. Kahit pa ang relasyon, kaya sa ayaw man niya at sa gusto ay kailangan
last updateLast Updated : 2024-03-28
Read more

CHAPTER 42

“Ano ba ‘yang helikopter!” hiyaw ni Aling Flor nang parang tatangayin ito ng malakas na hangin. “Ay! Ay!” Madaling pinaghahawakan naman ni Aling Doreen ang mga natatangay na mga plato at baso. Tinulungan ito nina Gela, Jasper at Jomar. “Bakit ang baba ng helicopter na ‘yan!” sigaw naman Elery na sa kapayatan ay halos malipad din sa ere. Mabuti na lang at matatag ang nobyo nitong si Gab sa pagkakahawak dito. Nabulabog sila sa chopper na mababa na nga ang lipad ay pabalik-balik pa. Paikot-ikot sa tapat ng bahay ni Aling Doreen. “Kay Kuya Reedz malamang ‘yan,” hanggang sa wala sa loob na naisabi ni Gela. “Ano?” parang bingi na tanong Aling Flor. “Sabi ko po ay chopper po yata ni Kuya Reedz iyan,” ulit ni Gela. “Paanong magkakaroon ng chopper ang karpintero na bayaw mo?” mapanliit na angil dito ni Aling Flor. Lahat na ng tingin nila ay nasa kay Gela habang nilalabanan ang malakas na hangin. “Mukha nga dahil may logo ng Regal Empire ang chopper,” ayuda ni Jasper kay Gela. Napating
last updateLast Updated : 2024-03-29
Read more

CHAPTER 43

“Calynn, kalmahin mo ang sarili mo at baka kung mapaano ka na niyan,” pakiusap ni Aling Doreen kay Calynn nang walang humpay pa rin siya sa kakaiyak. Nasa mukha na ng ginang ang labis-labis na concern para sa kanya. Naroon na sila sa veranda dahil ilang minuto na ang nakakalipas mula sinundo si Reedz. Pinahid ng mga palad ni Calynn ang mga luha. “O-okay lang po ako, Tita,” at sisigok-sigok na sabi sa tiyahin kahit halatang kabaliktaran iyon. “Bakit ka ba kasi grabe kung makaiyak, Ate? Parang hindi na kayo magkikita ni Kuya Reedz, ah?” Nagtataka na rin si Gela sa inaasal niya. Hinalukipkipan na siya. ‘Iyon na nga. Parang hindi na nga,’ gusto niyang isagot sa kapatid pero sinarili lang muna niya dahil kasama pa rin nila sina Aling Flor, Elery at Gab. “Sabihin mo, Calynn. Hindi totoo na CEO ang asawa mo, hindi ba? Iyong chopper, sa amo niya iyon, hindi sa kanya, hindi ba?” hindi pa rin makapaniwala na hirit naman ni Aling Flor. Hindi na kailangang sagutin iyon ni Calynn dahil kinala
last updateLast Updated : 2024-03-30
Read more

CHAPTER 44

Pumasok si Reedz sa opisina sa katulad ding oras na pagpasok niya noon. Ninais niya na maagang harapin ang trabaho, subalit badtrip ang hitsura na tinanggal niya ang coat pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina niya at walang anumang inihagis sa kanyang executive chair. Paano siya makakapagtrabaho nito kung ni katiting ay hindi man lang nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib sa ginawa niya kay Calynn? Na kung sa elevator pa lang kanina ay parang minumulto na siya ng ala-ala ng asawa? Napakadilim ng kanyang mukha na naglakad palapit sa malawak na glass window sa likuran ng kanyang desk kung saan maaari niyang pagmasdan ang halos buong tanawin ng Makati. Pinilit niyang iwala ang bigat sa dibdib niya ngunit hindi nangyari. Sa halip, lalo lamang niyang naalala ang kanyang asawa. Mas tumindi ang kirot sa pagdaloy ng masasayang ala-ala kasama ito. ‘Damn it!’ hiyaw ng isipan niya nang matauhan. Hindi puwede ang ganito. Tinapos na niya ang lahat kay Calynn kahit wala pang dalawang buwan
last updateLast Updated : 2024-04-01
Read more

CHAPTER 45

Hindi na talaga matawagan ni Calynn ang numero na ginamit ni Reedz upang tawagan siya. Ayaw naman niyang tawagan ang private number nito dahil parang nahihiya na siya.Wala na siyang nagawa kundi umiyak at maupo sa sulok. Niyakap niya nang mahigpit ang mga tuhod at doon isinubsob ang mukha. Hindi na niya napigil ang mapahagulhol.Napakasakit talaga isipin na may asawa siya, ngunit kay hirap abutin.“Hoy, Ate!” Matapos ang ilang sandali ay napaigtad siya sa biglaang boses na iyon ni Gela. “Ano’ng ginagawa mo?!” Gulat na gulat din si Gela nang makita siya sa ganoong hitsura.Tigmak ng luha na itinaas niya ang tingin sa kapatid.Napalatak si Gela at nagsalubong ang mga kilay. Pagkuwan ay malalaki ang mga hakbang na nilapitan siya’t sinikmat ang isa niyang kamay. “Tumayo ka nga diyan! Para kang ewan!”Nagpahila naman siya ngunit nagmistula siyang batang nakakita ng matagal nang nawawalang kapatid na niyakap ito.“Gela…”“Ano ba, Ate! Huwag ka ngang ma-drama masyado!” Subalit ay harsh na it
last updateLast Updated : 2024-04-02
Read more

CHAPTER 46

“Ay, lintik kayong mga bata kayo. Ginawa niyo pa akong multo,” angil ni Lola Salome sa kanyang mga apo nang makita nito ang mga reaksyon nila. Mas nanlaki pa kasi ang mga mata ng magpipinsan kasama na si Gab at Jasper. Patuloy rin sila sa pagsisiksikan sa sulok ng veranda. Ang luka-luka pang si Gela, itinulak si Jasper. Takot na takot tuloy na nagmamadali napabalik si Jasper. Isiniksik ulit ang malaking katawan nito sa kanila. “Mukha na ba talaga akong patay sa inyo? Halinga kayo rito at nang mapalo ko kayo sa puwet nitong tungkod ko,” sabi ulit ni Lola Salome.“Lola?” Naglakas-loob na si Calynn. Humakbang siya ng dalawa palapit sa matanda. Tumino na ang isip niya. Animo’y nawala bigla ang alak sa dugo niya kaya naisip na niyang si Lola Salome nga nila iyon na hindi nila dapat katakutan. “Hoy, Ate! Hindi iyan si Lola! Baka aswang ‘yan!” sita sa kanya ni Gela. Sumulyap lang si Calynn sa kapatid. Sinamaan naman ito ng tingin ni Lola Salome. “Ngayon naman ginawa mo akong aswang na b
last updateLast Updated : 2024-04-03
Read more

CHAPTER 47

“Aalis na po kami, Lola,” tila may kibig sa lalamunan ni Calynn na huling paalam niya kay Lola Salome. Ilang araw na ang nakakalipas at malakas na talaga ang matanda. Nakabawi na sa sakit. At ayaw pa sanang umalis ni Calynn pero kailangan na raw pumasok ni Gela, hindi lang sa Sanchi University kundi pati na rin sa trabaho nito sa convenience store. Actually, sila na lang na magkapatid ang naiwanan doon dahil umuwi na rin sina Jomar at Jasper dalawang araw matapos umalis sina Elery, Gab at Aling Flor. “Mag-iingat kayo. Tawagan niyo kami lagi.” Nag-aanyaya ng yakap na iniangat ng matanda ang mga kamay. “Opo, Lola.” Her voice choked with emotion nang abutin niya ito. “At ipangako mo sa akin na aayusin niyo ng asawa mo ang gusot ng pagsasama niyo.” Niyakap siya nito ng buong pagmamahal at hinalikan sa noo. “Bigyan niyo ako agad ng apo sa tuhod. Cute at bibo na apo. Hihintayin ko kayo dito,” bulong nito pagkatapos. Ayaw na niyang umiyak dahil parang naiiyak na niya sa mga nagdaang araw
last updateLast Updated : 2024-04-04
Read more

CHAPTER 48

“No! Don’t you dare eat that!” Nabitin ang pagsubo ng kutsara ang mga kumakaing ka-meeting ni Reedz ng mga sandaling iyon. Kaninang umaga pa sila sa conference room dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan talaga nila ang puwedeng gawin upang madepensahan ang Regal Empire pati ang Chairman laban sa akusasyon dito, dahilan para doon na rin niya pakainin ang mga tauhan. “Sir?” si Secretary Dem, na nakabitin naman ang mug ng kape na dapat sana ay hihigupin nito. “What?” Mula sa cellphone kung saan napapanood niya si Calynn ay nagtaas ng tingin si Reedz. “Akala po namin puwede nang kumain?” Ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo na pinasadahan niya ng tingin ang anim niyang tauhan. Mga nakatingin sila sa kanya habang nakataas ang mga kutsara. They look like utterly useless idiots. He winced in disgust. What's happening to people nowadays? Tss! “Puwede pa ring kumain, Sir?” si Secretary Dem ulit. Bumuntong-hininga na siya. “I said let's take a break, didn't I? So of course, kain lan
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more

CHAPTER 49

May pananabik na gumuhit sa puso ni Calynn nang lumapit siya sa entrance ng Regal Empire pagkababa na pagkababa niya sa sinakyan niyang taxi. Subalit ay ano na lamang ang hintakot niya nang may marinig siyang sumigaw. “Si Mrs. Rovalez! Ang asawa ng CEO!” Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagsulputan na ng mga reporter na gustong kuhanan siya ng larawan. Nasilaw pa siya sa nag-uunahang flash ng camera kaya naitakip niya ang braso sa kanyang mukha. Takhang-takha siya. Bakit pati siya ay kailangang dumugin ng mga reporter? Wala naman siyang kinalaman sa pinagdadaanan ngayon ng Regal Empire, ah? Wala siyang alam. “Mrs. Rovalez, nasaan na ngayon ang CEO?” “May binabalak po ba ang asawa niyo para mabawi niya ang Regal Empire?” “Kumusta po ang Chairman? Totoo ba na may sakit siya ngayon?” Sunod-sunod na mga katanungan nila. Sabay-sabay kaya halos wala rin siyang maintindihan. “Sorry hindi ko po alam. Wala po akong alam,” sagot niya kaya mas dinumog pa siya. Sinubukan niyang makalayo.
last updateLast Updated : 2024-04-08
Read more

CHAPTER 50

“Problema mo?” ingos ni Calynn sa asawa nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napilitan tuloy siyang itigil ang parang patay gutom niyang pagkain sa seared scallops at sa lobster thermidor.Nasa loob na sila ng engrandeng restaurant at iilan lang ang naroon kaya tahimik ang atmosphere.“Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong din sa kanya habang pinapaikot ang hintuturong daliri sa rim ng wine glass.Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Sinuri niya ang sarili at napansin na niya malalim pala ang V-neck ng kanyang blouse. Nakakunot na ang noo niya nang magtaas siya ng tingin. Iningusan niya ito.“Para kang pakawala na babae na naman.” In a manly manner, Reedz raised one eyebrow. He was leaning on the table kaya malamang kitang-kita nito ang cleavage niya.“Sinisilapan mo ba ako?” nag-isang linya ang mga gatla sa kanyang noo na asik. Inis pa rin siya rito at dinadagdagan na naman nito kaya parang kukulo na ang talaga ang kanyang dugo.“Pinapasilip m
last updateLast Updated : 2024-04-10
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status