“Aalis na po kami, Lola,” tila may kibig sa lalamunan ni Calynn na huling paalam niya kay Lola Salome. Ilang araw na ang nakakalipas at malakas na talaga ang matanda. Nakabawi na sa sakit. At ayaw pa sanang umalis ni Calynn pero kailangan na raw pumasok ni Gela, hindi lang sa Sanchi University kundi pati na rin sa trabaho nito sa convenience store. Actually, sila na lang na magkapatid ang naiwanan doon dahil umuwi na rin sina Jomar at Jasper dalawang araw matapos umalis sina Elery, Gab at Aling Flor. “Mag-iingat kayo. Tawagan niyo kami lagi.” Nag-aanyaya ng yakap na iniangat ng matanda ang mga kamay. “Opo, Lola.” Her voice choked with emotion nang abutin niya ito. “At ipangako mo sa akin na aayusin niyo ng asawa mo ang gusot ng pagsasama niyo.” Niyakap siya nito ng buong pagmamahal at hinalikan sa noo. “Bigyan niyo ako agad ng apo sa tuhod. Cute at bibo na apo. Hihintayin ko kayo dito,” bulong nito pagkatapos. Ayaw na niyang umiyak dahil parang naiiyak na niya sa mga nagdaang araw
“No! Don’t you dare eat that!” Nabitin ang pagsubo ng kutsara ang mga kumakaing ka-meeting ni Reedz ng mga sandaling iyon. Kaninang umaga pa sila sa conference room dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan talaga nila ang puwedeng gawin upang madepensahan ang Regal Empire pati ang Chairman laban sa akusasyon dito, dahilan para doon na rin niya pakainin ang mga tauhan. “Sir?” si Secretary Dem, na nakabitin naman ang mug ng kape na dapat sana ay hihigupin nito. “What?” Mula sa cellphone kung saan napapanood niya si Calynn ay nagtaas ng tingin si Reedz. “Akala po namin puwede nang kumain?” Ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo na pinasadahan niya ng tingin ang anim niyang tauhan. Mga nakatingin sila sa kanya habang nakataas ang mga kutsara. They look like utterly useless idiots. He winced in disgust. What's happening to people nowadays? Tss! “Puwede pa ring kumain, Sir?” si Secretary Dem ulit. Bumuntong-hininga na siya. “I said let's take a break, didn't I? So of course, kain lan
May pananabik na gumuhit sa puso ni Calynn nang lumapit siya sa entrance ng Regal Empire pagkababa na pagkababa niya sa sinakyan niyang taxi. Subalit ay ano na lamang ang hintakot niya nang may marinig siyang sumigaw. “Si Mrs. Rovalez! Ang asawa ng CEO!” Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagsulputan na ng mga reporter na gustong kuhanan siya ng larawan. Nasilaw pa siya sa nag-uunahang flash ng camera kaya naitakip niya ang braso sa kanyang mukha. Takhang-takha siya. Bakit pati siya ay kailangang dumugin ng mga reporter? Wala naman siyang kinalaman sa pinagdadaanan ngayon ng Regal Empire, ah? Wala siyang alam. “Mrs. Rovalez, nasaan na ngayon ang CEO?” “May binabalak po ba ang asawa niyo para mabawi niya ang Regal Empire?” “Kumusta po ang Chairman? Totoo ba na may sakit siya ngayon?” Sunod-sunod na mga katanungan nila. Sabay-sabay kaya halos wala rin siyang maintindihan. “Sorry hindi ko po alam. Wala po akong alam,” sagot niya kaya mas dinumog pa siya. Sinubukan niyang makalayo.
“Problema mo?” ingos ni Calynn sa asawa nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napilitan tuloy siyang itigil ang parang patay gutom niyang pagkain sa seared scallops at sa lobster thermidor.Nasa loob na sila ng engrandeng restaurant at iilan lang ang naroon kaya tahimik ang atmosphere.“Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong din sa kanya habang pinapaikot ang hintuturong daliri sa rim ng wine glass.Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Sinuri niya ang sarili at napansin na niya malalim pala ang V-neck ng kanyang blouse. Nakakunot na ang noo niya nang magtaas siya ng tingin. Iningusan niya ito.“Para kang pakawala na babae na naman.” In a manly manner, Reedz raised one eyebrow. He was leaning on the table kaya malamang kitang-kita nito ang cleavage niya.“Sinisilapan mo ba ako?” nag-isang linya ang mga gatla sa kanyang noo na asik. Inis pa rin siya rito at dinadagdagan na naman nito kaya parang kukulo na ang talaga ang kanyang dugo.“Pinapasilip m
“Pumasok na kayo sa loob. Pati ikaw, Calex. Alam kong pagod ka na magmaneho,” mataray ang boses na sabi ng may edad nang ginang pero maganda at maayos pa rin kung manamit. Sosyalin at sopiskitikada pa rin.At isang masamang tingin na pataas-pababa ang iginawad nito kay Calynn bago ito tumalikod.“Calex, ayoko rito. Iuwi mo na lang ako sa apartment namin kung dito lang din naman ako titira,” samo agad ni Calynn kay Calex nang nakalayo na ito.“Natatakot po ba kayo kay Misis Angela?” natatawa sa kanya na tanong ng binata.Umingos siya. “At sino’ng hindi matatakot sa bruhildang iyon? Tingnan mo naman parang kakainin niya agad ako ng buhay? Parang mangkukulam.”Natawa na talaga si Calex.“Huwag ka nang tatawa-tawa diyan. Halika na. Umalis na tayo.” Akmang lalakad na siya pabalik sa kotse.“Mabait po si Misis Angela. Katunayan maliban sa iyo po ay siya ang babaeng pinakamabait po na nakilala ko.”Natigilan si Calynn. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya si Calex. “Weh?”“Opo. Ganoon lan
“Mabaho nga po talaga, Tita,” nakangiwing giit ni Calynn. Nagtakip din siya ng ilong matapos kumuha ng bottled water sa fridge. “Huwag mo na naman painitin ang ulo ko na babae ka. Umalis ka rito kung ayaw mo ng amoy ng niluluto ko,” pagtataray sa kanya ni Misis Angela. Patuloy ito sa paggigisa. Napalabi si Calynn. “Sorry po, Tita. Siguro dahil lang sa masama ang pakiramdam ko kaya ganito ang pang-amoy ko ngayon. Sensitive.” Bigla ang tingin sa kanya ng ginang. Tinaasan siya ng kilay. Ngumiti si Calynn. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mukhang bruhildang asal at mukhang mangkukulam nitong hitsura. Sa loob ng isang buwan na kasama niya ito sa iisang bubong ay masasabi na niyang tama si Calex. Totoo ngang may busilak na puso si Misis Angela. Prangka lang talaga ito magsalita. Siguro ay dahil isa ito sa mga tao na sa sinasabi sa idiom na ‘born with a silver spoon in one's mouth’. Senyoritang-senyorita lamang ang dating dahil noon pa naman ay senyorita na ito pero mabait naman.“Mas
Pipilitin na talaga dapat ni Calynn ang matulog, ayaw na niyang isipin ang tipaklong niyang asawa. Nai-stress lang siya. Nang biglang tutupin niya ang bibig dahil naduduwal siya. Bigla ay tila babaliktad ang sikmura niya. She leaps out of bed and hurries to the bathroom. Sa washbasin ay panay ang duwal niya ngunit wala naman siyang maisuka. Laway lang naman niya ang naidudura niya. Saglit ay nakaramdam siya ng kaunting ginhawa. Nagmumog at naghilamos siya. Kumuha ng paper towel at pinunasan ang pawisang noo at basang mukha. At nang humarap siya sa salamin ay napansin niya ang namayat niyang mukha. Halatang-halata na humapis ang kanyang mga pisngi.Inisip niyang baka mas pumayat pa siya dahil sa pagyu-yoga niya. Ngunit kinuntra iyon ng pumasok sa isip niya na parang nagpalaki sa ulo niya sa kanyang pakiramdam. Unti-unti ay lumuwa ang mga mata niya na nakipagtitigan sa repleksyon niya sa salamin. Sumagi na kasi sa isipan niya na parang ang tagal na pala na hindi siya dinadatnan. Nawala
Wala nang bakas na pagtataka sa mukha ni Reedz nang mapanood niya sa balita ang tungkol sa Tita Divina niya; na ito pala si Mr. Russel na pinagbentahan ng mga traydor na shareholders ng stocks nila. Alam na niya iyon dahil bago mangyari ang paglalantad nito sa media at national TV ay nakausap na niya ang isang taong totoong may malasakit din sa Regal Empire. Iyon ay walang iba kundi si Meredith! …….“Kuya Reedz…” Mangiyak-ngiyak kahapon si Meredith nang magkita sila. Ito pala ang nag-email sa kanya. “What does this mean, Dith?! What are you doing here?!” Salubong ang mga kilay niyang umupo sa malambot na couch katapat nito. Nasa isang exclusive café sila. Si Meredith mismo ang pumili. Nakatayo ang café sa three-story building sa isang commercial compound. Medyo tago pero mukhang sadyang pinupuntahan pa rin ng mga parokyano dahil sa kakaibang ambiance. Perfect spot sa gustong magbawas ng stress. May mga puno at landscape kasi na puwedeng pagmasdan that will make you feel like you’re