Again, walang hanggang pasasalamat po sa inyo na mga nagbasa sa story kong ito. Don't forget to leave a review so that other readers can also read this story. See you in my next story. Mwah!
Bagaman nagmamadali ay nagawa pa ring isingit ni Calynn ang pagsilip sa Lux Fine Jewelry. Sa araw-araw ng kaniyang buhay, hindi niya talaga kayang hindi masulyapan ang kaniyang engagement ring kahit saglit lang.“Diyan ka lang, aking singsing. Huwag kang mag-alala dahil balang araw ay maisusuot din kita sa aking ring finger. Tiwala lang tayo dahil feel na feel ko na na darating na ang lalaking magsusuot sa iyo sa akin,” kinikilig niyang turan. Kulang na lang ay mag-twinkle-twinkle little star na naman ang mga itim na bilog ng kaniyang mga mata. Ini-stretch pa niya ang palad niya at in-imagine na nakasuot na ang noon pa niya pinapangarap na singsing.“Ay, naku, Calynn, bilhin mo na kasi iyan,” as usual, sita na naman sa kaniya ni Belle na sales associate ng Lux Fine Jewelry. Ang salarin kung bakit nagmumukha siyang lukaret at obsess sa isang singsing.Pitong buwan na, kung hindi nagkakamali si Calynn ay pitong buwan na nga siyang parang baliw na inaasam ang diamond ring simula idinispla
“Duty ka hanggang closing!” pinal na desisyon ng kaniyang manager.“Ma’am, naman? Hindi ko po deserve ito. Thirty minutes lang naman po akong late. ‘Tsaka masama na ba ngayon ang tumulong?” pagrarason niya pa rin kahit aminado siyang mali niya talaga bakit nagagalit sa kaniya ang manager nila. Gusto nga niyang pukpukin ang sarili niya, eh. Ano ba kasi talaga ang nakain niya’t nag-feeling tindera siya kanina Lux Fine Jewelry? Tsk.“Magpasalamat ka na lang at hindi kita ipa-fire!”Sa pagkarinig ni Calynn sa salitang ‘fire’ ay kinagat na niya ang kaniyang dila. Oras na para manahimik siya kundi malalagot na talaga siya.“Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Bakit late ka na naman?” usisa sa kaniya ng katrabaho at kaibigang si Yeyet.“Wala. Na-traffic lang.” Nakangusong padabog siyang umupo sa kaniyang puwesto. Nagsinungaling siya dahil alangan namang sabihin niyang ipinagtanggol niya ang kaniyang engagement ring, eh, di pagtatawanan naman siya.Nasermunan na nga siya, mapagtatawanan pa. Huwag n
Kumilos si Reedz. Nanlilisik ang mga matang hinarap na talaga siya. “When I purchased this ring a while ago, you assured me that no woman would refuse my proposal. So, why did Avy reject me? Umamin ka, binola mo lang ba ako para mabentahan mo lang?” Bumuka ang kanyang bibig, gusto niyang magpaliwanag, pero walang salita na gustong lumabas sa kanyang bibig. Ngayon pa yata talaga nagkahiyaan ang bibig at dila niya. Ngayon pa talaga ayaw magsalita. Dati naman ang daldal niya, eh. Naman, oh! Napalunok siya, pero syempre ay nilabanan niya ang takot. Hindi siya humakbang upang umatras. Ikinuyom niya lang nang sobrang higpit ang kanyang mga kamao. Hitsura ng taong hinihintay na lang na sakmalin ng halimaw ang kanyang ulo. 'Ganito ang napapala ng pakialamera', at talagang tukso pa sa kanya ng konsensya. Napangiwi siya. Pakialamera na pala ang tawag sa gusto lamang tumulong? Malay ba niya kung gusto ng taong ito na magpakamatay. At least, nailayo niya ito sa kapahamakan. 'Ikaw naman ang ma
Nawala sa kanyang pagmumuni-muni at pagkakatitig si Calynn sa mamahaling singsing na hawak-hawak nang maulinigan niya ang pagbukas ng main door ng apartment nila. At hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang dumating. Alas dyes y media na, ganoong oras nakakauwi ang kanyang kapatid kapag weekends ang pasok nito sa school. Working student kasi ito kapag Sabado at Linggo. Tinutulungan siya sa pagpapaaral dito kahit sa simpleng pamamaraan lang na kaya nito. “Ate, kumain ka na?” malakas ngang boses ni Gela sa ibaba. Nagmadali na siyang bumaba sa kama. Tinakbo niya ang vanity mirror. Sa isang drawer na alam niyang hindi nila madalas buksan na magkapatid niya isinuksok ang jewelry box. Kilala niya si Gela. Pumapasok iyon bigla-bigla sa silid niya nang walang katok-katok. Ayaw niya muna na makita ng kanyang kapatid ang singsing. “Dito ka muna, ha, singsing ko,” aniya sa singsing na animo’y bata na pinagsabihan. “Ay, palaka!” Ngunit katulad nga ng kanyang naisip, biglang bungad si Ge
Ano ba ang dapat niyang gawin upang maibalik na niya ang singsing na para kay Miss Avy? Paano kaya magkukurus ulit ang landas nila ni Reedz Rovalez? Kahit naman kasi tinanong na niya si Belle sa Lux Fine Jewelry ay wala naman siyang nakuhang impormasyon. Tulad niya, pangalan lang ni Reedz ang alam ni Belle.Kinakabahan na si Calynn. Apat na araw na ang nakakaraan, ngunit nasa kanya pa rin ang singsing. Hindi na niya alam kung anong hakbang ang dapat niyang gawin. Inip na inip na siya, at higit sa lahat, nadaragdagan ang pangamba niya bawat araw na lumilipas ukol sa napakamahal na singsing na nananatili sa kanilang bahay.Gustong-gusto na niyang mawala sa kanya ang singsing. Pakiramdam niya ay hindi normal ang buhay niya kapag alam niyang nasa pag-iingat pa rin niya iyon. Feeling niya ay may bigla na lang papasok sa kanilang bahay at kunin ang singsing. Kung hindi naman, pakiramdam niya ay biglang may darating na subpoena para sa kanya na nagsasabing ninakaw niya ang singsing.Paktay si
"Paktay ka pala talaga kapag nawala mo ang singsing, Ate. Aba’y CEO na bilyonaryo pala ang nagmamay-ari. Nakakatakot. Sigurado pupugatan ka niya ng ulo oras na makita ka niya.” Um-acting pa si Gela na nanginginig sa takot matapos sabihin iyon. Alam na rin nito kung ano o sino talaga si Reedz Rovalez na nagbigay sa kanya ng singsing dahil ka-chat niya ito kanina. Ibinalita niya agad dito ang nalaman niyang impormasyon ukol sa binata. "Sige, lakasan mo pa ang boses mo para may makarinig," saway niya sa kapatid sabay irap. “Ay, sorry.” Labas ang lahat ng ngipin pati na gilagid na ngumiti at nag-peace sign naman ito sa kanya. “Pero nandiyan pa? Tsinek mo na?” “Oo, safe pa naman.” Napaka-OA na napatutop sa dibdib si Gela kasabay ng paghinga ng malalim. Simula napunta sa kanya ang singsing ay ganito na sila kapraning na magkapatid. Kapag nakakauwi sila ay ang singsing agad ang kinukumusta nila. “Teka, bakit ngayon ka lang pala nakauwi? Pasado alas-onse na ng gabi, ah?” puna na niya sa
Maaga pa lang ay bihis na bihis na ang magkapatid na Calynn at Gela. Nagpasiya silang magsuot ng pormal dahil kung papalarin na makakapasok sila sa venue ng ground breaking ceremony ay hindi naman sila mukhang napadaan lang. ‘Tsaka siguradong napakadaming camera doon. Baka mahagip sila. “Sana may makapansin sa beauty ko at kunin akong artista,” nangangarap na sabi ni Gela habang inaayos ang blouse nitong suot na tinernuhan nito ng knee-length na palda. Si Calynn ay isinuot naman niya ang favorite niyang button-down shirt at slacks. Para sa kanya ay suwerte iyon kasi na outfit dahil iyon ang suot niya noong nag-apply siya sa Golden Pawn, na awa ng Diyos ay natanggap nga siya at hanggang ngayon ay trabaho niya, kaya iyon ang pinili niya kahit luma na. At sinadya niyang nakabukas ang hanggang pangatlong butones niyon upang lumitaw ang maganda niyang collar bone at kuwintas niyang silver na may maliit na pusong pendant. Pareho sila ni Gela na natural ang pagiging slim ng kanilang pangan
“Mali po kayo. Sorry po, pero hindi po ako fiancée ni Sir Reedz,” sa wakas ay naisatinig ni Calynn. Sinabayan niya iyon ng hindi mabilang na iling, malalaking iling habang nanlalaki ang kanyang mga mata."Seriously?" Meredith's expression shifted rapidly, transitioning from excessively affectionate to profoundly disappointed.“Op—” Subalit bago pa man siya makasagot at panindigan ang pagsasabi niya ng katotohanan ay naakbayan na siya ni Reedz.Calynn was incoherent with shock. Natuod talaga siya sa kinatatayuan, nanigas. Napakabigat kasi ng kamay ni Reedz, tapos parang may kuryente na mula roon ay gumapang sa bawat himaymay ng kanyang katawan.“There's no more reason for us to hide our relationship, babe. Nabuking na tayo kaya aminin na natin,” at ang mas hindi niya inasahan ay salo ni Reedz sa dapat ay sasabihin niya.“Huh?!” Nagletrang ‘O’ ang bunganga ni Calynn. Mas ikinagulat niya iyon. Katulad ng mga taong nakatingin sa kanila ay naging takang-taka rin ang ekspresyon ng kanyang mu