May pananabik na gumuhit sa puso ni Calynn nang lumapit siya sa entrance ng Regal Empire pagkababa na pagkababa niya sa sinakyan niyang taxi. Subalit ay ano na lamang ang hintakot niya nang may marinig siyang sumigaw. “Si Mrs. Rovalez! Ang asawa ng CEO!” Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagsulputan na ng mga reporter na gustong kuhanan siya ng larawan. Nasilaw pa siya sa nag-uunahang flash ng camera kaya naitakip niya ang braso sa kanyang mukha. Takhang-takha siya. Bakit pati siya ay kailangang dumugin ng mga reporter? Wala naman siyang kinalaman sa pinagdadaanan ngayon ng Regal Empire, ah? Wala siyang alam. “Mrs. Rovalez, nasaan na ngayon ang CEO?” “May binabalak po ba ang asawa niyo para mabawi niya ang Regal Empire?” “Kumusta po ang Chairman? Totoo ba na may sakit siya ngayon?” Sunod-sunod na mga katanungan nila. Sabay-sabay kaya halos wala rin siyang maintindihan. “Sorry hindi ko po alam. Wala po akong alam,” sagot niya kaya mas dinumog pa siya. Sinubukan niyang makalayo.
“Problema mo?” ingos ni Calynn sa asawa nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napilitan tuloy siyang itigil ang parang patay gutom niyang pagkain sa seared scallops at sa lobster thermidor.Nasa loob na sila ng engrandeng restaurant at iilan lang ang naroon kaya tahimik ang atmosphere.“Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong din sa kanya habang pinapaikot ang hintuturong daliri sa rim ng wine glass.Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Sinuri niya ang sarili at napansin na niya malalim pala ang V-neck ng kanyang blouse. Nakakunot na ang noo niya nang magtaas siya ng tingin. Iningusan niya ito.“Para kang pakawala na babae na naman.” In a manly manner, Reedz raised one eyebrow. He was leaning on the table kaya malamang kitang-kita nito ang cleavage niya.“Sinisilapan mo ba ako?” nag-isang linya ang mga gatla sa kanyang noo na asik. Inis pa rin siya rito at dinadagdagan na naman nito kaya parang kukulo na ang talaga ang kanyang dugo.“Pinapasilip m
“Pumasok na kayo sa loob. Pati ikaw, Calex. Alam kong pagod ka na magmaneho,” mataray ang boses na sabi ng may edad nang ginang pero maganda at maayos pa rin kung manamit. Sosyalin at sopiskitikada pa rin.At isang masamang tingin na pataas-pababa ang iginawad nito kay Calynn bago ito tumalikod.“Calex, ayoko rito. Iuwi mo na lang ako sa apartment namin kung dito lang din naman ako titira,” samo agad ni Calynn kay Calex nang nakalayo na ito.“Natatakot po ba kayo kay Misis Angela?” natatawa sa kanya na tanong ng binata.Umingos siya. “At sino’ng hindi matatakot sa bruhildang iyon? Tingnan mo naman parang kakainin niya agad ako ng buhay? Parang mangkukulam.”Natawa na talaga si Calex.“Huwag ka nang tatawa-tawa diyan. Halika na. Umalis na tayo.” Akmang lalakad na siya pabalik sa kotse.“Mabait po si Misis Angela. Katunayan maliban sa iyo po ay siya ang babaeng pinakamabait po na nakilala ko.”Natigilan si Calynn. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya si Calex. “Weh?”“Opo. Ganoon lan
“Mabaho nga po talaga, Tita,” nakangiwing giit ni Calynn. Nagtakip din siya ng ilong matapos kumuha ng bottled water sa fridge. “Huwag mo na naman painitin ang ulo ko na babae ka. Umalis ka rito kung ayaw mo ng amoy ng niluluto ko,” pagtataray sa kanya ni Misis Angela. Patuloy ito sa paggigisa. Napalabi si Calynn. “Sorry po, Tita. Siguro dahil lang sa masama ang pakiramdam ko kaya ganito ang pang-amoy ko ngayon. Sensitive.” Bigla ang tingin sa kanya ng ginang. Tinaasan siya ng kilay. Ngumiti si Calynn. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mukhang bruhildang asal at mukhang mangkukulam nitong hitsura. Sa loob ng isang buwan na kasama niya ito sa iisang bubong ay masasabi na niyang tama si Calex. Totoo ngang may busilak na puso si Misis Angela. Prangka lang talaga ito magsalita. Siguro ay dahil isa ito sa mga tao na sa sinasabi sa idiom na ‘born with a silver spoon in one's mouth’. Senyoritang-senyorita lamang ang dating dahil noon pa naman ay senyorita na ito pero mabait naman.“Mas
Pipilitin na talaga dapat ni Calynn ang matulog, ayaw na niyang isipin ang tipaklong niyang asawa. Nai-stress lang siya. Nang biglang tutupin niya ang bibig dahil naduduwal siya. Bigla ay tila babaliktad ang sikmura niya. She leaps out of bed and hurries to the bathroom. Sa washbasin ay panay ang duwal niya ngunit wala naman siyang maisuka. Laway lang naman niya ang naidudura niya. Saglit ay nakaramdam siya ng kaunting ginhawa. Nagmumog at naghilamos siya. Kumuha ng paper towel at pinunasan ang pawisang noo at basang mukha. At nang humarap siya sa salamin ay napansin niya ang namayat niyang mukha. Halatang-halata na humapis ang kanyang mga pisngi.Inisip niyang baka mas pumayat pa siya dahil sa pagyu-yoga niya. Ngunit kinuntra iyon ng pumasok sa isip niya na parang nagpalaki sa ulo niya sa kanyang pakiramdam. Unti-unti ay lumuwa ang mga mata niya na nakipagtitigan sa repleksyon niya sa salamin. Sumagi na kasi sa isipan niya na parang ang tagal na pala na hindi siya dinadatnan. Nawala
Wala nang bakas na pagtataka sa mukha ni Reedz nang mapanood niya sa balita ang tungkol sa Tita Divina niya; na ito pala si Mr. Russel na pinagbentahan ng mga traydor na shareholders ng stocks nila. Alam na niya iyon dahil bago mangyari ang paglalantad nito sa media at national TV ay nakausap na niya ang isang taong totoong may malasakit din sa Regal Empire. Iyon ay walang iba kundi si Meredith! …….“Kuya Reedz…” Mangiyak-ngiyak kahapon si Meredith nang magkita sila. Ito pala ang nag-email sa kanya. “What does this mean, Dith?! What are you doing here?!” Salubong ang mga kilay niyang umupo sa malambot na couch katapat nito. Nasa isang exclusive café sila. Si Meredith mismo ang pumili. Nakatayo ang café sa three-story building sa isang commercial compound. Medyo tago pero mukhang sadyang pinupuntahan pa rin ng mga parokyano dahil sa kakaibang ambiance. Perfect spot sa gustong magbawas ng stress. May mga puno at landscape kasi na puwedeng pagmasdan that will make you feel like you’re
“Saan ka pupunta, Calynn?” tanong sa kanya ni Misis Angela nang makita siyang palabas sa villa. “Maglalakad-lakad lang po sana, Tita,” sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi. “Mainam kung gano’n. But can I talk to you for a moment? Actually, kanina pa kita hinihintay na magising.” Tumango si Calynn. Maaga pa naman. Alas-sais pa lang ng umaga kaya kahit isang oras siyang maantala sa binabalak niyang pagwa-walking ay okay lang. Maganda raw kasi sa buntis ang pag-i-ehersisyo. At gusto niyang umpisahan sa paglalakad muna. Nasa first trimester pa lang ang pagbubuntis niya kaya mild na exercise muna ang napili niyang gawin. Kailangan niya munang maging maingat sa kilos niya dahil sensitive pa ang kanyang baby. Buo na ang kanyang loob. Itutuloy niya ang kanyang pagbubuntis kahit lihim. Bubuhayin niya ang kanyang anak kahit walang kaalam-alam ang ama nito. At kapag tapos na ang issue ng Regal Empire, balak niya na aalis silang tahimik na mag-ina sa lugar na iyon. Bahala na. Pero kun
“Heto na ang—” Napahinto si Calynn sa paghakbang dala ang isang tray na may nakalagay na meryenda. “Sorry, may kausap ka pala.” Nasa tainga ang cellphone ay tumingin sa kanya si Denver. Ngumisi at ilang minuto rin na nagtagal ang pagtitig na ginawa nito sa kanya. “Uhm…” Nag-iwas siya ng tingin. Suddenly she felt awkwardness. “Dalhin ko ito sa balcony. Hintayin kita doon,” at aniyang sinimulan ang paghakbang palabas. “No, Calynn!” Subalit mabilis na nahigit ni Denver ang kanyang braso upang pigilan. “Sabay na tayo. Tapos na iyong tawag. Wala naman iyong halaga. Isang tao lang na nangumusta.” Sandaling lumikot ang mga mata ni Calynn. Napasulyap sa cellphone na hawak ng binata tapos bumalik sa mukha nito. Hindi niya alam pero iba ang naging kutob niya sa kausap ni Denver. “Akin na ‘yan. Ako na ang magdadala.” Gentleman na Kinuha ng binata sa kamay niya ang tray ng pagkain. “S-sige, salamat,” pagpapaunlak niya naman. Nagpatiuna ng lakad si Denver patungong balcony ng villa. Tahimik