“No! Don’t you dare eat that!” Nabitin ang pagsubo ng kutsara ang mga kumakaing ka-meeting ni Reedz ng mga sandaling iyon. Kaninang umaga pa sila sa conference room dahil pinag-iisipan at pinag-aaralan talaga nila ang puwedeng gawin upang madepensahan ang Regal Empire pati ang Chairman laban sa akusasyon dito, dahilan para doon na rin niya pakainin ang mga tauhan. “Sir?” si Secretary Dem, na nakabitin naman ang mug ng kape na dapat sana ay hihigupin nito. “What?” Mula sa cellphone kung saan napapanood niya si Calynn ay nagtaas ng tingin si Reedz. “Akala po namin puwede nang kumain?” Ganoon na lang ang pagkunot ng kanyang noo na pinasadahan niya ng tingin ang anim niyang tauhan. Mga nakatingin sila sa kanya habang nakataas ang mga kutsara. They look like utterly useless idiots. He winced in disgust. What's happening to people nowadays? Tss! “Puwede pa ring kumain, Sir?” si Secretary Dem ulit. Bumuntong-hininga na siya. “I said let's take a break, didn't I? So of course, kain lan
May pananabik na gumuhit sa puso ni Calynn nang lumapit siya sa entrance ng Regal Empire pagkababa na pagkababa niya sa sinakyan niyang taxi. Subalit ay ano na lamang ang hintakot niya nang may marinig siyang sumigaw. “Si Mrs. Rovalez! Ang asawa ng CEO!” Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagsulputan na ng mga reporter na gustong kuhanan siya ng larawan. Nasilaw pa siya sa nag-uunahang flash ng camera kaya naitakip niya ang braso sa kanyang mukha. Takhang-takha siya. Bakit pati siya ay kailangang dumugin ng mga reporter? Wala naman siyang kinalaman sa pinagdadaanan ngayon ng Regal Empire, ah? Wala siyang alam. “Mrs. Rovalez, nasaan na ngayon ang CEO?” “May binabalak po ba ang asawa niyo para mabawi niya ang Regal Empire?” “Kumusta po ang Chairman? Totoo ba na may sakit siya ngayon?” Sunod-sunod na mga katanungan nila. Sabay-sabay kaya halos wala rin siyang maintindihan. “Sorry hindi ko po alam. Wala po akong alam,” sagot niya kaya mas dinumog pa siya. Sinubukan niyang makalayo.
“Problema mo?” ingos ni Calynn sa asawa nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Napilitan tuloy siyang itigil ang parang patay gutom niyang pagkain sa seared scallops at sa lobster thermidor.Nasa loob na sila ng engrandeng restaurant at iilan lang ang naroon kaya tahimik ang atmosphere.“Bakit ganyan ang suot mo?” seryosong tanong din sa kanya habang pinapaikot ang hintuturong daliri sa rim ng wine glass.Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya. Sinuri niya ang sarili at napansin na niya malalim pala ang V-neck ng kanyang blouse. Nakakunot na ang noo niya nang magtaas siya ng tingin. Iningusan niya ito.“Para kang pakawala na babae na naman.” In a manly manner, Reedz raised one eyebrow. He was leaning on the table kaya malamang kitang-kita nito ang cleavage niya.“Sinisilapan mo ba ako?” nag-isang linya ang mga gatla sa kanyang noo na asik. Inis pa rin siya rito at dinadagdagan na naman nito kaya parang kukulo na ang talaga ang kanyang dugo.“Pinapasilip m
“Pumasok na kayo sa loob. Pati ikaw, Calex. Alam kong pagod ka na magmaneho,” mataray ang boses na sabi ng may edad nang ginang pero maganda at maayos pa rin kung manamit. Sosyalin at sopiskitikada pa rin.At isang masamang tingin na pataas-pababa ang iginawad nito kay Calynn bago ito tumalikod.“Calex, ayoko rito. Iuwi mo na lang ako sa apartment namin kung dito lang din naman ako titira,” samo agad ni Calynn kay Calex nang nakalayo na ito.“Natatakot po ba kayo kay Misis Angela?” natatawa sa kanya na tanong ng binata.Umingos siya. “At sino’ng hindi matatakot sa bruhildang iyon? Tingnan mo naman parang kakainin niya agad ako ng buhay? Parang mangkukulam.”Natawa na talaga si Calex.“Huwag ka nang tatawa-tawa diyan. Halika na. Umalis na tayo.” Akmang lalakad na siya pabalik sa kotse.“Mabait po si Misis Angela. Katunayan maliban sa iyo po ay siya ang babaeng pinakamabait po na nakilala ko.”Natigilan si Calynn. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya si Calex. “Weh?”“Opo. Ganoon lan
“Mabaho nga po talaga, Tita,” nakangiwing giit ni Calynn. Nagtakip din siya ng ilong matapos kumuha ng bottled water sa fridge. “Huwag mo na naman painitin ang ulo ko na babae ka. Umalis ka rito kung ayaw mo ng amoy ng niluluto ko,” pagtataray sa kanya ni Misis Angela. Patuloy ito sa paggigisa. Napalabi si Calynn. “Sorry po, Tita. Siguro dahil lang sa masama ang pakiramdam ko kaya ganito ang pang-amoy ko ngayon. Sensitive.” Bigla ang tingin sa kanya ng ginang. Tinaasan siya ng kilay. Ngumiti si Calynn. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mukhang bruhildang asal at mukhang mangkukulam nitong hitsura. Sa loob ng isang buwan na kasama niya ito sa iisang bubong ay masasabi na niyang tama si Calex. Totoo ngang may busilak na puso si Misis Angela. Prangka lang talaga ito magsalita. Siguro ay dahil isa ito sa mga tao na sa sinasabi sa idiom na ‘born with a silver spoon in one's mouth’. Senyoritang-senyorita lamang ang dating dahil noon pa naman ay senyorita na ito pero mabait naman.“Mas
Pipilitin na talaga dapat ni Calynn ang matulog, ayaw na niyang isipin ang tipaklong niyang asawa. Nai-stress lang siya. Nang biglang tutupin niya ang bibig dahil naduduwal siya. Bigla ay tila babaliktad ang sikmura niya. She leaps out of bed and hurries to the bathroom. Sa washbasin ay panay ang duwal niya ngunit wala naman siyang maisuka. Laway lang naman niya ang naidudura niya. Saglit ay nakaramdam siya ng kaunting ginhawa. Nagmumog at naghilamos siya. Kumuha ng paper towel at pinunasan ang pawisang noo at basang mukha. At nang humarap siya sa salamin ay napansin niya ang namayat niyang mukha. Halatang-halata na humapis ang kanyang mga pisngi.Inisip niyang baka mas pumayat pa siya dahil sa pagyu-yoga niya. Ngunit kinuntra iyon ng pumasok sa isip niya na parang nagpalaki sa ulo niya sa kanyang pakiramdam. Unti-unti ay lumuwa ang mga mata niya na nakipagtitigan sa repleksyon niya sa salamin. Sumagi na kasi sa isipan niya na parang ang tagal na pala na hindi siya dinadatnan. Nawala
Wala nang bakas na pagtataka sa mukha ni Reedz nang mapanood niya sa balita ang tungkol sa Tita Divina niya; na ito pala si Mr. Russel na pinagbentahan ng mga traydor na shareholders ng stocks nila. Alam na niya iyon dahil bago mangyari ang paglalantad nito sa media at national TV ay nakausap na niya ang isang taong totoong may malasakit din sa Regal Empire. Iyon ay walang iba kundi si Meredith! …….“Kuya Reedz…” Mangiyak-ngiyak kahapon si Meredith nang magkita sila. Ito pala ang nag-email sa kanya. “What does this mean, Dith?! What are you doing here?!” Salubong ang mga kilay niyang umupo sa malambot na couch katapat nito. Nasa isang exclusive café sila. Si Meredith mismo ang pumili. Nakatayo ang café sa three-story building sa isang commercial compound. Medyo tago pero mukhang sadyang pinupuntahan pa rin ng mga parokyano dahil sa kakaibang ambiance. Perfect spot sa gustong magbawas ng stress. May mga puno at landscape kasi na puwedeng pagmasdan that will make you feel like you’re
“Saan ka pupunta, Calynn?” tanong sa kanya ni Misis Angela nang makita siyang palabas sa villa. “Maglalakad-lakad lang po sana, Tita,” sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi. “Mainam kung gano’n. But can I talk to you for a moment? Actually, kanina pa kita hinihintay na magising.” Tumango si Calynn. Maaga pa naman. Alas-sais pa lang ng umaga kaya kahit isang oras siyang maantala sa binabalak niyang pagwa-walking ay okay lang. Maganda raw kasi sa buntis ang pag-i-ehersisyo. At gusto niyang umpisahan sa paglalakad muna. Nasa first trimester pa lang ang pagbubuntis niya kaya mild na exercise muna ang napili niyang gawin. Kailangan niya munang maging maingat sa kilos niya dahil sensitive pa ang kanyang baby. Buo na ang kanyang loob. Itutuloy niya ang kanyang pagbubuntis kahit lihim. Bubuhayin niya ang kanyang anak kahit walang kaalam-alam ang ama nito. At kapag tapos na ang issue ng Regal Empire, balak niya na aalis silang tahimik na mag-ina sa lugar na iyon. Bahala na. Pero kun
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul