Home / Romance / HER SUFFER RING / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of HER SUFFER RING: Chapter 61 - Chapter 70

78 Chapters

CHAPTER 61

“Damn it!” Malakas na naisuntok ni Denver ang kamao sa desk nito.Nagyuko naman ang ulo ang iilang Board of Directors. Sila kasi ang dahilan ng ipinag-iinit ng ulo ni Denver sa sandaling iyon—ang iilan nilang bilang na dumalo sa board of meeting nila. Ang inasahan ni Denver na labing-lima sila ay naging apat lamang sila. Ibig sabihin mas madami ang dumalo sa panig ni Reedz. Iyon ang hindi matanggap ng binata kaya galit na galit ito ngayon.“Bakit sila lang ang nandito, son? Nasaan ang iba?” hindik na katanungan din ni Mrs. Divina Rovalez-Manrigas nang dumating ito.Nagdilim lalo ang mukha ni Denver. Nag-igtingan ang mga bagang. “Kasalanan ito ni Reedz. Ginamit na niya ang secret fund. Ang mga tanga naman na iyon, nagpauto sa kaniya.”“What?!” Nanigas si Mrs. Divina sa kinatatayuan. Humigpit ang hawak nito sa luxury bag nitong bitbit. “Pa-paano na ang… ang inauguration ko bilang bagong chairman sa susunod na araw, son, kung ganito ang nangyayari?”Pumamulsa si Denver. Sa loob ng bulsa n
last updateLast Updated : 2024-05-02
Read more

CHAPTER 62

“What was that?” nabahalang tanong ni Meredith.“May banggaan yata sa kalsada,” hula naman ni Calynn.Mahina ang narinig nilang parang banggaan ng dalawang malalaking lata sa may malayo pero ay gulat na gulat pa rin sila, pati na rin ang mga bantay nilang mga kalalakihan. Katunayan ay nagsilabasan pa ang iba. Mga naalarma.“Come, Ate, let's see what happened,” susog ni Meredith.“Huwag na, Meredith. Baka delikado,” tutol niya. Nagsimula na siyang nerbyusin.“I don’t think so, Ate. Parang accident lang naman.” Subalit dahil bata pa ay matapang na tumakbo patungo nang gate si Meredith.“Meredith, sandali lang!” tawag niya rito ngunit parang wala nang naririnig ang pasaway na dalagita. Wala na siyang choice kundi ang sundan ito.“Hindi po kayo maaaring lumabas.” Laking pasalamat niya’t hinarang sila ni Calex. May hawak-hawak itong shotgun. Handang-handa sa anumang gulo na mangyayari.“Give me a way, Kuya Calex. They might need help,” pangungulit ni Meredith. Nakipagpatintero ito kay Calex
last updateLast Updated : 2024-05-03
Read more

CHAPTER 63

Gabi na pero ayaw pa ring dalawin ng antok si Calynn. Patuloy kasi sa pagkabog ang kaniyang dibdib. Nasa may balcony siya ng inuukupang kuwarto. Nakasandal ang ulo niya sa poste at nakahalukipkip. Tagusan ang tingin niya sa mga puno sa lalim ng kaniyang iniisip.Nagpapa-palpitate rin siya’t nanlalamig. Kinakabahan pa rin siya na hindi naman niya maipaliwanag kung bakit. Basta ang alam niya ay may nangyayari sa labas ng villa. Ang hindi nga lang niya alam ay kung ano.Hindi mapakali na kinagat niya ang hinlalaking daliri. May nangyaring bang hindi maganda? Kay Reedz? Kay Gela? Kay Lola Salome? Sino? Sino sa mga mahal niya sa buhay? She sighed. “Hindi. Mali. Walang nangyayaring maganda sa kanila. Siguro ay dala lang ulit ito ng pagbubuntis ko. Mabuting iinom ko na lang ito ng gatas nang makatulog na ako,” at naiinis sa sarili litanya niya. Hindi na niya nagugustuhan ang itinatakbo ng isip niya. Exaggerated na.Lumakad siya palabas ng kuwarto at bumaba sa hagdanan. Ang hindi niya inasaha
last updateLast Updated : 2024-05-04
Read more

CHAPTER 64

Nagmulat ng mga mata si Reedz. Subalit dahil mahilo-hilo siya ay muli siyang napapikit. Pakiramdam niya ay wala rin siyang lakas, nanghihina ang buong katawan niya.“Do everything to protect and ensure nothing happens to the Chairman,” ang narinig niyang tinig ni Secretary Dem.“What happened? Nanganganib ba ang buhay ni Dad?” anang isip ni Reedz. Hindi puwedeng mangyari iyon. Maipapanalo na niya ang laban. Malapit na at mababawi na niya ang Regal Empire. Dapat makita iyon ng dad niya. Siguradong magiging proud pa ito sa kaniya.Isa pa, paano ang usapan nila? Kailangan niya ang basbas ng ama niya kapag—“Tingnan niyong maigi si Madam Divina. Sundan niyo lagi ang kilos niya,” ang narinig niya pang sabi ni Secretary Dem sa kausap nito.Lalong nakunot ang noo ni Reedz. Hindi na talaga niya nauunawaan ang nangyayari. Napilitan siyang imulat na talaga ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan, hanggang sa kaniya ring nagawa. At last, he did it!“Sir!” Nataranta ang kaniyang tauhan nang makitang gi
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more

CHAPTER 65

Init na init ang pakiramdam ni Calynn sa araw na iyon kaya nagkayayaan silang mag-swimming nina Meredith at Aling Cora. Ipinalinis nila ang pool sa likod ng villa sa mga kalalakihan. At dahil sila ang naglinis, kasama na rin sila sa picnic na kasiyahan nila sa gilid ng pool.Hindi pinapansin ni Calynn ang swimming pool sa mga nagdaang araw na pananatili niya sa villa dahil ang totoo dahil hindi naman siya marunong lumangoy. Ngayon lang talaga na naakit siya ng tubig ng pool dahil para siyang nasa tapat ng impyerno sa kaniyang pakiramdam sa init, na malamang ay epekto ulit ng kaniyang pagdadalang tao.“Ate, you want juice?” alok sa kaniya ni Meredith. Iniabot sa kaniya ang isang tall glass of orange juice na may nakalagay nang reusable straw.“Thank you, Dith.” Ngiting-ngiti na kinuha niya iyon. “Ah!” At na-refresh niyang dighay matapos niyang sumimsim.Habang ang mga bodyguards nila’y ini-enjoy ang paglangoy sa isang bahagi ng pool, sila naman ni Meredith ay sa sinag ng araw pansamanta
last updateLast Updated : 2024-05-09
Read more

CHAPTER 66

“Huwag po kayong mag-alala, nakatulog lamang daw si Sir sabi ng doktor,” anunsyo sa kanila ni Secretary Dem nang lumabas ito sa kuwarto kung saan nila dinala si Reedz na bigla na lamang nawalan ng malay.Mangiyak-ngiyak sina Meredith at Calynn na nagkatinginan sa isa’t isa, pero sa parehong oras ay lubos naman silang naginhawaan.May tunog na bumuntong-hininga si Secretary Dem. “Ito ang sinasabi ko sa kaniya kahapon; ang magpahinga na lang siya at ako na ang bahala sa lahat. Ang tigas kasi ng ulo niya.”“Ano ang ibig mong sabihin, Secretary Dem?” napamaang na tanong ni Calynn.Habang sinasagot ang tanong na iyon ni Secretary Dem ay magkakasunod silang pumasok sa silid. Nakita nila roon si Reedz na natutulog.Nanghihina ang mga tuhod na nilapitan ni Calynn ang asawa. Maingat na ginagap niya ang isang kamay nito at ikinulong sa dalawang palad niya.“Kahit hindi pa niya kaya ay pinilit talaga niya ang sarili niya para matapos lang ang ng gulo,” pagtatapos ni Secretary Dem sa kuwento.Sand
last updateLast Updated : 2024-05-11
Read more

CHAPTER 67

Mula sa parang napakatagal na pagkakahimbing, biglang nagising si Reedz. Literal na bigla-bigla ang pagdilat ng kaniyang mata. At kahit may masakit sa bandang noo niya, pabalikwas din na napabangon siya.“Where I am?” tanong niya sa sarili nang hindi pamilyar sa kaniya ang kuwartong nabungaran. Simple lang at neutral ang mga kulay ng silid. Puwedeng pambabae, puwedeng panglalaki. Parang sumakit pa nga ang mata niya nang mapansin niyang bulaklaking pink ang kurtina.Nakakunot ang noong napaisip siya. Imposible na silid niya ang kinaroroonan.“Calynn…” at naisambulat na nga niya nang sinagot ng mabilisang pagdaan ng mga ala-ala sa isip niya. Naalala na niya ang lahat, nga lang kumirot na naman ang sugat niya sa noo. Muli’y bumangon ang takot sa kaniyang dibdib. Baka muli na naman siyang mawalan ng malay.Sinikap niyang kalmahin ang sarili. Ilang beses siyang nag-inhale at exhale. Saka lamang siya umalis sa kama nang matiyak niyang kaya niya ang sarili. Tuloy-tuloy siya sa banyo, naghilam
last updateLast Updated : 2024-05-14
Read more

CHAPTER 68

“Kung… kung tungkol ito sa pag-abanduna ko sa iyo. Magpapaliwanag ako, Calynn,” samo ni Reedz sa asawa. Ang sinabi ni Calynn ay animo’y bomba na sumabog mismo sa kaniyang harapan. Nagkapira-piraso ang kaniyang puso.“Reedz, kahit masakit na wala ka laging oras sa akin, wala ka lagi sa tabi ko, pinilit kong inunawa ka dahil alam ko para sa kapakanan hindi lang ng kumpanya kundi ang ng mas nakakaraming tao ang ginagawa mo, alam ko na iniisip mo rin ang mga empleyado niyo sa Regal Empire at lahat-lahat na. Oo, masakit na lagi kang wala sa piling ko pero bandang huli nagustuhan ko ang nangyayari dahil alam ko napakabuting tao ng asawa ko. At ang totoo sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil pinatatag niya ako, salamat dahil nagwagi ako na intindihan ka, dahil kung hindi, sana noon pa ay wala na ako sa lugar na ito.” Mahapding-mahapdi na ang lalamunan at parang anumang oras ay sasabog na ang kaniyang dibdbib kaya pinakawalan na ni Calynn ang kaniyang mga luha matapos sabihin iyon. She no
last updateLast Updated : 2024-05-18
Read more

CHAPTER 69

“Aaahhh!” Malakas na malakas na naisigaw ni Reedz habang nakasabunot ang mga kamay niya sa buhok niya. Halos maglabasan ang litid ng kaniyang leeg at pulang-pula ang kaniyang mukha.Galit na galit siya ukol sa nalamang kondisyon ng anak. Sa sobrang galit niya ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Mahirap pa’y hindi niya alam kung kanina o kung saan siya nagagalit na siyang nagpapahirap sa kaniyang damdamin.“Bakit ang anak ko pa?! Bakit?!” Mayamaya ay nasipa naman niya ang bedside table. Nang hindi makuntento ay ang pader ang kaniyang sinipa. Napasuntok din siya. Ilang beses niya iyong ginawa, maibsan lang sana ang nararamdamang galit.“Reedz, tama na,” pakiusap ni Calynn sa asawa.Isang suntok pa sa pader ay tumigil na nga si Reedz. Napasandal na lamang siya doon na para ba’y anumang oras ay babagsak ang kaniyang katawan. Wala sa sariling nakanganga siyang nakatingala sa kisame. Hinahabol ang paghinga.Saglit lamang ay dumausdos ito sa pader at napaupo habang tahimik na lumuluha. Hi
last updateLast Updated : 2024-05-20
Read more

CHAPTER 70

One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul
last updateLast Updated : 2024-05-23
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status