Mula sa parang napakatagal na pagkakahimbing, biglang nagising si Reedz. Literal na bigla-bigla ang pagdilat ng kaniyang mata. At kahit may masakit sa bandang noo niya, pabalikwas din na napabangon siya.“Where I am?” tanong niya sa sarili nang hindi pamilyar sa kaniya ang kuwartong nabungaran. Simple lang at neutral ang mga kulay ng silid. Puwedeng pambabae, puwedeng panglalaki. Parang sumakit pa nga ang mata niya nang mapansin niyang bulaklaking pink ang kurtina.Nakakunot ang noong napaisip siya. Imposible na silid niya ang kinaroroonan.“Calynn…” at naisambulat na nga niya nang sinagot ng mabilisang pagdaan ng mga ala-ala sa isip niya. Naalala na niya ang lahat, nga lang kumirot na naman ang sugat niya sa noo. Muli’y bumangon ang takot sa kaniyang dibdib. Baka muli na naman siyang mawalan ng malay.Sinikap niyang kalmahin ang sarili. Ilang beses siyang nag-inhale at exhale. Saka lamang siya umalis sa kama nang matiyak niyang kaya niya ang sarili. Tuloy-tuloy siya sa banyo, naghilam
“Kung… kung tungkol ito sa pag-abanduna ko sa iyo. Magpapaliwanag ako, Calynn,” samo ni Reedz sa asawa. Ang sinabi ni Calynn ay animo’y bomba na sumabog mismo sa kaniyang harapan. Nagkapira-piraso ang kaniyang puso.“Reedz, kahit masakit na wala ka laging oras sa akin, wala ka lagi sa tabi ko, pinilit kong inunawa ka dahil alam ko para sa kapakanan hindi lang ng kumpanya kundi ang ng mas nakakaraming tao ang ginagawa mo, alam ko na iniisip mo rin ang mga empleyado niyo sa Regal Empire at lahat-lahat na. Oo, masakit na lagi kang wala sa piling ko pero bandang huli nagustuhan ko ang nangyayari dahil alam ko napakabuting tao ng asawa ko. At ang totoo sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos dahil pinatatag niya ako, salamat dahil nagwagi ako na intindihan ka, dahil kung hindi, sana noon pa ay wala na ako sa lugar na ito.” Mahapding-mahapdi na ang lalamunan at parang anumang oras ay sasabog na ang kaniyang dibdbib kaya pinakawalan na ni Calynn ang kaniyang mga luha matapos sabihin iyon. She no
“Aaahhh!” Malakas na malakas na naisigaw ni Reedz habang nakasabunot ang mga kamay niya sa buhok niya. Halos maglabasan ang litid ng kaniyang leeg at pulang-pula ang kaniyang mukha.Galit na galit siya ukol sa nalamang kondisyon ng anak. Sa sobrang galit niya ay nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Mahirap pa’y hindi niya alam kung kanina o kung saan siya nagagalit na siyang nagpapahirap sa kaniyang damdamin.“Bakit ang anak ko pa?! Bakit?!” Mayamaya ay nasipa naman niya ang bedside table. Nang hindi makuntento ay ang pader ang kaniyang sinipa. Napasuntok din siya. Ilang beses niya iyong ginawa, maibsan lang sana ang nararamdamang galit.“Reedz, tama na,” pakiusap ni Calynn sa asawa.Isang suntok pa sa pader ay tumigil na nga si Reedz. Napasandal na lamang siya doon na para ba’y anumang oras ay babagsak ang kaniyang katawan. Wala sa sariling nakanganga siyang nakatingala sa kisame. Hinahabol ang paghinga.Saglit lamang ay dumausdos ito sa pader at napaupo habang tahimik na lumuluha. Hi
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi