All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 121 - Chapter 130

920 Chapters

Kabanata 121

”Si Frank?” Medyo nagulat si Janet, dahil nakilala na niya si Frank at nasaksihan niya kung gaano kahusay ang kanyang kakayahan sa medisina. Gayunpaman, bakit bigla siyang naging interesado sa isang blind date? Nasa kanya ang number niya, at pwede niya siyang kausapin ng direkta kung interesado siya. “Siya ba mismo ang nagsabi niyan?” Tanong ni Janet. Umiling si Dan. “Si Greg Marsh ang nagsabi sa'kin. Hula ko humingi ng tulong sa kanya si Frank para sabihin ‘yun—napakapormal niya para kumuha pa siya ng mensahero niya.”Hindi napigilan ni Janet na maalala ang mukha ni Frank dahil dito. Napakahusay niya sa medisina at may itsura din siya at matipuno ang kanyang katawan. Ang isang gaya niya ang tipo ni Janet, at maganda kung makaka-date niya siya. Hindi pa niya naisip ang tungkol dito noon, ngunit dahil humingi ng tulong sa iba si Frank, mukhang matagal na siyang interesado sa kanya. Kailan kaya ito nagsimula? Gayunpaman, hindi mapigilang ngumiti ni Janet nang maisip niya
Read more

Kabanata 122

Paulit-ulit na tumango si Gina. “Sigurado ‘yan.”Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Greg. “Oo nga pala, kakasimula ko lang ng isang cosmetics company. Kaibigan ko ang isang technical consultant na nag-aral sa Minerva, at nagmula doon ang lahat ng equipment. Kapag lumabas na sa mercado ang mga produkto, siguradong sisikat ito sa Riverton, pero masyadong malaki ang shares na hawak ng kaibigan ko, at nag-aalala ako na baka hindi ko makontrol ang kumpanya sa hinaharap. Sana matulungan mo ako.”Hindi inaasahan ni Gina na hihingi ng tulong sa kanya si Greg, at sinabi niya ng walang pag-aalinlangan, “Oh, ano bang sinasabi mo? Magsabi ka lang sa’kin kung kailangan mo ng tulong, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”Bumuntong hininga si Greg. “Gusto ko sanang humiram ng pera para matapatan ko ang shares ng kaibigan ko—pwede ka ring maging isang shareholder. Tayo ang mamumuno sa kumpanya kapag nangyari ‘yun.”Nagulat si Gina, hindi niya inasahan na bibigyan siya ni Greg ng shares—pa
Read more

Kabanata 123

Nahihiyang iniyuko ni Janet ang kanyang ulo nang makita niya si Frank, habang masaya namang tumawa si Dan. “Ang aga mo, Mr. Lawrence. Pero tutal nandito ka na, sabay na tayong pumasok!” “Ah… Yung totoo, kakagaling ko lang sa trabaho.”Tumango si Dan. “Well, magiging abala ka sa trabaho pagkatapos mong mapromote bilang personal consultant ni Ms. Turnbull kamakailan. Napakaliwanag ng kinabukasan mo!” Kumumpas si Frank. “Ah, masyado mo naman akong pinupuri, Mr. Zimmer.”Higit pa rito, personal bodyguard lang siya ni Vicky at hindi isang consultant… hindi niya akalain na ganun kabilis kumalat ang balita, at maging si Dan ay nalaman ang tungkol dito.“Tutal nandito ka na lang din. Pumasok na tayo!” Ang sabi ni Dan.“Pumasok…saan?”“Sa restaurant!” Natawa si Dan.Nagtaka si Frank at naisip niya na ililibre siya ni Dan ng hapunan.Kung ganun, bakit niya siya tinawagan ng mas maaga?Gayunpaman, dahil hindi pa siya kumakain, sinabi ni Frank na, “Sige! Aakyat muna ako para magbihis—
Read more

Kabanata 124

Nagpaliwanag si Greg, “Tama ‘yun. Itong si Peter ang personal consultant ni Ms. Turnbull—magsisimula siya ng trabaho bukas.”Hinampas ni Dan ang kanyang sarili sa noo, halos mawalan siya ng malay sa sandaling iyon! Ang laking pagkakamali nito. Dapat tinanong niya ang pangalan ng lalaki! Sa sandaling iyon, nakangisi si Peter at nagtaas siya ng baso sa harap ni Dan. “Mr. Zimmer, magiging isang pamilya na tayo. Huwag kang mag-alala, ipinapangako ko na magiging mabuti ako kay Janet. Mamahalin ko siya habangbuhay—”“Tumahimik ka.”Bago siya makatapos, dinampot ni Janet ang kanyang baso at isinaboy ang kanyang wine sa mukha ni Peter. Natulala si Peter, naging kulay pula ang puting damit niya dahil dito! “Anong…”Magagalit sana siya ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil nakaupo si Dan sa tabi ni Janet. Sa kabilang banda, napatayo si Gina, nang makita niyang minamaltrato ang kanyang anak! “P-Paano mo nagawa ‘to, Janet?” Nagalit siya bago siya bumaling kay Dan. “Hindi m
Read more

Kabanata 125

”Nakita ko nga pala si Ms. Lane ngayong araw.” Tumawa si Dan. “Nag-iisip lang ako—isa kang napakahusay na lalaki, kaya bakit ka naman niya hiniwalayan?”Biglang nabuhayan ng loob si Janet, habang nagulat naman si Frank nang magtanong si Dan tungkol dun. Pagkatapos niyang mag-isip-isip, sinabi ni Frank na, “Gusto ng pamilya niya na maging isang elite dynasty sa Riverton. Dahil wala akong silbi sa kanila, natural lang na hiwalayan niya ako.”Wala siyang dapat itago tungkol dun, at malalaman din ng sinumang interesado kung gaano kaliit ang tingin sa kanya ni Gina. “Ano? Bulag talaga ang pamilyang ‘yun…” Bumuntong hininga si Dan. Inakala niya na nagkaroon ng komplikadong isyu sa pagitan ni Frank at Helen… hindi niya akalain na ganun kaliit ang tingin ng mga Lane kay Frank! Sa tabi nila, paulit-ulit na tumango si Janet. Pagkatapos, hinimas ni Dan ang kanyang balbas at sinabing, “Well, ngayong hiwalay na kayo, Mr. Lawrence, hindi mo ba naisip na oras na para isipin ang kinabukasa
Read more

Kabanata 126

Malamang na hindi binanggit ni Greg kay Dan kung sino ang magiging groom-to-be, kaya galit na galit si Dan kahapon.Maging si Frank ay napahanga sa kung paano naloko ni Greg ang lahat. Gayunpaman, maaari man niyang malinlang ang karamihan ng tao, nakakalungkot para kay Greg na kilala ni Dan si Henry Lane at talagang alam niya kung anong klaseng tao si Peter.“Kapag nalaman ni Vicky na ikaw ang ipapakilala ni Greg, siguradong papatayin ka niya,” sabi ni Frank.“Tumahimik ka!” Nagalit si Peter, dinuro niya si Frank sa ilong. “Sumang-ayon si Vicky na bigyan ako ng trabaho! Inggit ka lang!”“‘Yun ay dahil sa ikaw dapat ang grandson-in-law ni Dan Zimmer,” ang sagot ni Frank, at umiling siya sa inis. “Totoo ba ‘yun?”“Anak ng… Ano ngayon kung hindi? Kaya ko ang trabahong ‘to!” Sumigaw sa galit si Peter.Hindi na nag-abala si Frank na kumbinsihin si Peter na huwag tumuloy dahil napakatigas ng kanyang ulo.Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad papasok ng gusali.Hindi nagpatalo si P
Read more

Kabanata 127

Nagkita na sila Vicky at Peter noon—ito ay noong nasa Verdant Hotel sila, noong inakala ni Peter na si Frank ay isang gigolo na binayaran ni Vicky.Nagulat siya na kabaligtaran pala nito ang katotohanan… ngunit parte na ng nakaraan ang lahat ng iyon.Sa kasalukuyan, magsisimulang magtrabaho si Peter sa kumpanya ni Vicky, gayunpaman ay ayos lang din sa kanya na maging pampalipas oras ni Vicky!Subalit, naramdaman ni Vicky na kumulo ang kanyang dugo nang makita niya si Peter.“I-Ikaw ang taong inirekomenda ni Greg Marsh?” Ang tanong niya, medyo umaasa pa rin siya.Paulit-ulit na tumango si Peter, at dinurog nito ang lahat ng pag-asang mayroon siya.“Girlfriend mo ba si Janet Zimmer?” Ang tanong Vicky.Umiling si Peter. “Hindi pa sa ngayon…”Sumimangot si Vicky. “Anong ibig mong sabihin na, ‘hindi pa sa ngayon’?”“Nagkita ang mga pamilya namin para pag-usapan ang isang engagement, pero hindi pa pinal ang lahat,” ang sabi ni Peter. “Pero magtiwala ka sa’kin, ako ang tamang tao par
Read more

Kabanata 128

Kahit na nagsisisigaw at nagpupumiglas si Peter, umirap lamang ang dalawang security guard. “Lane Holdings? Ngayon ko lang narinig ‘yun. Ngayon umalis ka na dito—hindi ka namin palalampasin kapag patuloy kang gumawa ng gulo dito.”Nang ilabas ng mga security guard ang kanilang mga batuta at itinutok ito kay Peter, wala siyang nagawa kundi suminghal. “M-Maghintay lang kayo!”Pagkatapos nun, umalis siya habang pinupunasan niya ang dugo sa kanyang ilong.Kahapon lang, naiisip na niya na aangat siya sa pinakatuktok ng kanyang buhay, ikakasal siya sa mayaman at magkakaroon ng seryosong trabaho, at parehong naglaho ang mga ito sa loob lang ng isang araw.Hiding-hindi niya ito matatanggap!-Bumalik si Frank sa opisina ni Vicky, kung saan nakaupo si Vicky sa likod ng kanyang mesa, habang paulit-ulit na hinihimas ang kanyang sentido.Nang makita niya iyon, nagtanong si Frank, “Hindi mo naman kailangang magalit ng ganun, hindi ba?”Humigpit ang mga kamao ni Vicky. “Paanong hindi ako mag
Read more

Kabanata 129

Gayunpaman, napaisip si Yara. “Pero si Obadiah ang target nila. Bakit nila gagawin ‘yun?”Tumingin si Les sa lalaki, na halos hindi na humihinga. “Urgh… Sa tingin ko kailangan na nating makatakas dito sa lalong madaling panahon.”Gustong-gusto ‘yung gawin ni Yara, ngunit katitigil lang ng pagdurugo ng sugat ni Obadiah pagkatapos siyang masaksak ng maraming beses. Higit pa rito, napakarami ng humahabol sa kanila—imposibleng makatakas sila ngayong malubha ang mga sugat ng isa sa kanila. “Imposible ‘yun,” ang sabi ni Yara. “Malabong makatakas tayo lalo na't malubha ang mga sugat ni Mr. Longman. Maghintay na lang tayo ng backup.”Hindi sumang-ayon si Les. “Bakit hindi mo ibigay sa'kin ang recipe ng gamot na ginawa niya? Tapos tatakas ako kasama ang mga tauhan ko—mahalaga ang recipe. Hindi ito maaaring mapunta sa kamay ng mga kalaban.”Pinag-isipan ni Yara ang tungkol dito at nagdesisyon siya na tama si Les. Maingat niyang inilabas ang isang makapal na libro mula sa kanyang bag at i
Read more

Kabanata 130

Subalit, walang maisip si Yara na kahit sinong tao sa Riverton na may kapangyarihan upang magpadala ng daan-daang mga hitman. “Syempre kilala kita.” Suminghal sa galit ang lalaking naka maskara. “Mayroon bang hindi nakakakilala sa anak ng gobernador? Sayang lang mas pinili mong pagsilbihan si Vicky bilang tuta niya.”Pagkatapos, nagbago ang tono ng kanyang boses habang nagsasalita, “Bakit ka nagpapaalipin sa kanya? Sumama ka sa’min—kapag patay na si Vicky, ikaw ang mamamahala sa Grande Corp. Magiging makapangyarihan ka, at magkakaroon ka ng halaga sa pamilya mo.”Kinumbinsi din siya ni Les, “Ms. Quill, pinapahalagahan ni Mr. Goldman ang mga kakayahan mo. Sumama ka sa’min o mamamatay ka.”“Bleh!” Dumura si Yara, puno ng galit ang tingin niya kay Les. “Akala mo ba traydor ang lahat ng tao gaya mo? Bastardo ka lang ni Glen Turnbull. Tinanggap ka ni Ms. Turnbull at hinayaan ka pa niyang magtrabaho sa Grande Corp, pero sinuklian mo ng kasamaan ang kabutihan niya! Sa nakikita ko, ikaw a
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
92
DMCA.com Protection Status