Kahit na nagsisisigaw at nagpupumiglas si Peter, umirap lamang ang dalawang security guard. “Lane Holdings? Ngayon ko lang narinig ‘yun. Ngayon umalis ka na dito—hindi ka namin palalampasin kapag patuloy kang gumawa ng gulo dito.”Nang ilabas ng mga security guard ang kanilang mga batuta at itinutok ito kay Peter, wala siyang nagawa kundi suminghal. “M-Maghintay lang kayo!”Pagkatapos nun, umalis siya habang pinupunasan niya ang dugo sa kanyang ilong.Kahapon lang, naiisip na niya na aangat siya sa pinakatuktok ng kanyang buhay, ikakasal siya sa mayaman at magkakaroon ng seryosong trabaho, at parehong naglaho ang mga ito sa loob lang ng isang araw.Hiding-hindi niya ito matatanggap!-Bumalik si Frank sa opisina ni Vicky, kung saan nakaupo si Vicky sa likod ng kanyang mesa, habang paulit-ulit na hinihimas ang kanyang sentido.Nang makita niya iyon, nagtanong si Frank, “Hindi mo naman kailangang magalit ng ganun, hindi ba?”Humigpit ang mga kamao ni Vicky. “Paanong hindi ako mag
Gayunpaman, napaisip si Yara. “Pero si Obadiah ang target nila. Bakit nila gagawin ‘yun?”Tumingin si Les sa lalaki, na halos hindi na humihinga. “Urgh… Sa tingin ko kailangan na nating makatakas dito sa lalong madaling panahon.”Gustong-gusto ‘yung gawin ni Yara, ngunit katitigil lang ng pagdurugo ng sugat ni Obadiah pagkatapos siyang masaksak ng maraming beses. Higit pa rito, napakarami ng humahabol sa kanila—imposibleng makatakas sila ngayong malubha ang mga sugat ng isa sa kanila. “Imposible ‘yun,” ang sabi ni Yara. “Malabong makatakas tayo lalo na't malubha ang mga sugat ni Mr. Longman. Maghintay na lang tayo ng backup.”Hindi sumang-ayon si Les. “Bakit hindi mo ibigay sa'kin ang recipe ng gamot na ginawa niya? Tapos tatakas ako kasama ang mga tauhan ko—mahalaga ang recipe. Hindi ito maaaring mapunta sa kamay ng mga kalaban.”Pinag-isipan ni Yara ang tungkol dito at nagdesisyon siya na tama si Les. Maingat niyang inilabas ang isang makapal na libro mula sa kanyang bag at i
Subalit, walang maisip si Yara na kahit sinong tao sa Riverton na may kapangyarihan upang magpadala ng daan-daang mga hitman. “Syempre kilala kita.” Suminghal sa galit ang lalaking naka maskara. “Mayroon bang hindi nakakakilala sa anak ng gobernador? Sayang lang mas pinili mong pagsilbihan si Vicky bilang tuta niya.”Pagkatapos, nagbago ang tono ng kanyang boses habang nagsasalita, “Bakit ka nagpapaalipin sa kanya? Sumama ka sa’min—kapag patay na si Vicky, ikaw ang mamamahala sa Grande Corp. Magiging makapangyarihan ka, at magkakaroon ka ng halaga sa pamilya mo.”Kinumbinsi din siya ni Les, “Ms. Quill, pinapahalagahan ni Mr. Goldman ang mga kakayahan mo. Sumama ka sa’min o mamamatay ka.”“Bleh!” Dumura si Yara, puno ng galit ang tingin niya kay Les. “Akala mo ba traydor ang lahat ng tao gaya mo? Bastardo ka lang ni Glen Turnbull. Tinanggap ka ni Ms. Turnbull at hinayaan ka pa niyang magtrabaho sa Grande Corp, pero sinuklian mo ng kasamaan ang kabutihan niya! Sa nakikita ko, ikaw a
Tumayo ang lalaking naka maskara, at tinitigan niya si Frank. “Malakas ka, Mr. Lawrence, ngunit nasa higit isang daan kami. Iniisip mo ba talaga na makakaligtas ka? Bakit hindi ka na lang kumampi sa’min, at maghari kasama namin?”“Sino ka ba sa akala mo para kumbinsihin ako na kumampi sa inyo?” Suminghal si Frank sa galit.Itinikom ng lalaking naka maskara ang kanyang mga labi, nagulat siya na napakataas ng tingin niya sa kanyang sarili. “Kung ganun, mamatay ka na.”Kinumpas niya ang kanyang kamay, at sumugod ang lahat ng mga hitman papunta kay Frank!Nanatiling walang takot si Frank.Kasabay ng isang malakas na sigaw, sumugod siya sa gitna nila, at pinuntirya niya ang kanilang vigor habang kumikilos siya ng ubod ng bilis.Ang bawat suntok niya ay nagdulot ng malakas na hangin, at agad na tumalsik ang isang tao sa ere!Nagulat ang lalaking naka maskara habang pinapanood niya ang mga nangyayari.Habang sumasayaw si Frank sa paligid ng kanyang mga hitman, walang kahit isa sa kani
Subalit, hindi hinayaan ni Frank na makapagpahinga ang lalaking naka maskara at muli niya siyang sinugod!“Mamatay ka na!” Sumigaw ang lalaking naka maskara nang hilahin niya ang kanyang kwelyo, binuksan niya ang kanyang jacket at pinaulanan niya si Frank ng mga karayom na gawa sa pilak!Sinalag ni Frank ang ilan sa mga ito gamit ng kanyang machete, habang ginamit naman niya ang isa pa niyang kamay upang protektahan ang kanyang mukha.Nasalag niya ang karamihan sa mga ito, ngunit may ilan pa rin na tumama sa katawan niya.Agad namang humalakhak at nagyabang ang lalaking naka maskara. “Tatlong karayom ‘yun! Patay ka na ngayon! Walang sinuman ang kayang lunasan ang lason ko—putulin mo na ang sarili mong braso at magmakaawa ka kung gusto mo pang mabuhay!”Nakaramdam ng lamig si Frank kahit pinakikilos niya ang kanyang vigor, at pamilyar ang pakiramdam na ito…Ito ay Snowshade, na parehong lumason kay Vicky noon.Ibig sabihin lang nun na ang lalaking naka maskara din ang lumason kay
Hindi natinag si Les. “Ano ngayon? Mamatay ka na ngayon.”Umiling si Frank sa inis. “Mas mabuti pang huwag mo akong barilin. Kahit si Glen Turnbull hindi ka kayang iligtas kapag ginawa mo ‘yun, at hindi mo rin naman ako masasaktan.”“Haha!” Humalakhak ng malakas si Les. “Ano, bulletproof ka ba?!”Puno ng lakas ng loob ang mga mata ni Frank. “Bakit hindi mo subukan?”Tumingin ng masama si Les kay Frank, nararamdaman niya na hindi natatakot si Frank.Napuno ng katahimikan ang paligid, tanging ang kaluskos lamang ng hangin sa mga puno ang maririnig.Parehong napuno ng tensyon ang dalawang lalaki…Bang!Nagpaputok si Les, sumabog ang pulbura mula sa nguso ng kanyang baril.Sa isang iglap, inunat ni Frank ang kanyang kamay at hinablot niya ang bala bago siya umikot at huminto.Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang kanang kamay.“Anong…”Namutla si Les, halos lumuwa ang mga mata niya habang tinitingnan niya si Frank.Hindi siya nagalusan! Talaga bang sinalo niya ang isang bala
Hahayaan sana ni Frank na mabuhay si Les kung hindi niya siya binaril—ngunit ginawa niya iyon, at nangangahulugan iyon ng kamatayan.Pinisil agad ito ni Frank.Krak.Pumikit ang leeg ni Les, dilat ang mga mata sa pagkamatay niya. Hindi niya akalain na napakaliit ng pakialam ni Frank sa kanya!Nang matapos iyon, luminga-linga si Frank sa paligid, ngunit wala nang makita ang lalaking nakamaskara.Umupo siya sa ibabaw ng isang malinis na bato para magpahinga, saktong naabutan ni Yara at agad niyang nakita ang palad niyang dumudugo.Nagmadali siyang lumapit sa kanya, at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Mr. Lawrence?""Ayos lang ako," sabi ni Frank na tumango habang nakatingin sa palad niya at binunot ang bala.Napalunok si Yara, ang bilis ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang malayang pagdaloy ng dugo ni Frank palabas ng kanyang sugat.Gayunpaman, pagkatapos ng ilang sandali, natauhan siya at hinubad ang kanyang jacket. Pagkatapos ay pinunit niya ang kanyang kamiseta at tinul
Mabilis na tanong ni Susan, "Nasaan si Les?"Hindi makasagot si Yara at pasimpleng lumingon sa malayo.Sinundan siya ng tingin ni Susan at nakita niya ang bangkay ni Les.Bumagsak ang mukha niya. "Sino ang pumatay sa kanya?!"Nagsalita si Frank bago pa man makapagsalita si Yara. "Ginawa ko.""Ano?!" Putol ni Susan. "Ang lakas ng loob mong pumatay ng isang Turnbull!"Ngumuso si Frank sa panghahamak. "Sinubukan niya akong patayin. Dapat ay handa siyang patayin ng sunod-sunod."Sa tabi niya, nag-aalala si Yara na baka magalit siya kay Susan at mabilis na nagpaliwanag, "Hindi niya kasalanan, Mrs. Turnbull—sinusubukan ako ni Frank na iligtas, at may dalang baril si Les. Parehas tayong patay kung hindi ginawa ni Frank. ."Tumango si Vicky sa malapit. "Tama si Yara. Buhay na ang nakataya dito, at nararapat lang na mamatay si Les dahil trinaydor niya ang pamilya nila.""Sabi mo lang ‘yan," malamig na sambit ni Susan. "Paano kung ang panig ng pamilya ni Glen ang magdiin ng isyu? Frank